登入Malakas na bumukas ang pintuan ng lumang apartment ni Eliana.
“Bitiwan n’yo ako! Ano ba’ng kailangan n’yo sa akin?!” sigaw niya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng dalawang bodyguard. Hindi siya sinasaktan ng mga ito, ngunit mahigpit ang pagkakahawak upang hindi siya makatakas. Halos madapa siya habang isinasakay sa itim na luxury SUV. Hindi siya mapakali. Naghalo ang kaba at galit sa dibdib niya. “Saan n’yo ba ako dadalhin? Magsalita kayo!” muli niyang sigaw. Tahimik lamang ang mga bodyguard. Habang umaandar ang sasakyan, mabilis na tumatakbo ang isip ni Eliana. Paulit-ulit niyang iniisip kung may kinalaman ba ito sa lalaking ninakawan niya ng mamahaling relo at pera ilang araw na ang nakalipas. Pagkaraan ng ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakataas na condominium. Kumabog nang malakas ang dibdib niya nang makita ang mamahaling lobby. Dinala siya sa pinakatuktok ng gusali. Pagbukas ng elevator, bumungad ang malawak at marangyang penthouse. Nakatayo roon si Adrian, nakatalikod sa kanya habang nakatanaw sa malawak na tanawin ng lungsod. Unti-unti itong humarap. Nanlamig si Eliana. Malamig ang ekspresyon nito, ngunit ang mga mata ay puno ng galit. Sa wakas. Magkaharap na rin sila. “Tuluyan mo rin pala akong haharapin,” malamig na sabi ni Adrian. “Ano ba’ng kailangan mo sa akin?” matapang na sagot ni Eliana kahit ramdam niyang nanginginig ang mga kamay niya. “Hindi ba nakuha mo na ang gusto mo? Mabagal na lumapit si Adrian hanggang ilang hakbang na lang ang pagitan nila. “Hindi pa.” Inilapag niya sa mesa ang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito. Sa loob ay litrato, CCTV screenshots, at resibo. “Kilala mo ba ang mga ’yan?” Unti-unting namutla si Eliana. Nakita niya ang malinaw na kuha ng CCTV noong araw na kinuha niya ang relo at perang pagmamay-ari ni Adrian. “Alam mo bang sapat ang ebidensiyang ito para makasuhan ka ng pagnanakaw?” malamig na tanong ni Adrian. Hindi agad nakasagot si Eliana. Napayuko siya. Hindi niya maitanggi ang katotohanan. Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan bago muling nagsalita si Adrian. “May dalawang pagpipilian ka.” Dahan-dahan niyang inilabas ang isang makapal na folder. “Ito ang kontrata.” Tiningnan iyon ni Eliana nang may pagtataka. “Contract… girlfriend?” Napatawa siya nang mapait. “Nagbibiro ka ba?” “Hindi.” “Bakit ko naman gagawin ’yan?” “May kapalit.” Isinandal ni Adrian ang isa pang folder sa mesa. Nang buksan iyon ni Eliana, halos mapahinto ang paghinga niya. Napakalaking halaga ng pera ang nakasaad sa kontrata. Sapat iyon upang mabayaran ang operasyon at gamutan ng kanyang ama. Nanlabo ang kanyang paningin. Naalala niya ang ama niyang nakaratay sa ospital at ang doktor na nagsabing kailangan na agad ng pera. “Pwede kang mag-cash advance agad since sabi mo ay kailangan mo ng pera pampagamot sa ama mo,” sabi ni Adrian. “Pero hindi kita pipilitin. Ikaw ang magpapasya.” Mahigpit na kinuyom ni Eliana ang kontrata. Ayaw niyang gawin iyon. Ngunit mas ayaw niyang mawalan ng ama. Matagal siyang nanahimik bago dahan-dahang huminga. “Kung pumayag ako…” “Inaasahan kong susundin mo ang lahat ng nakasaad.” Isa-isang ipinaliwanag ni Adrian ang mga kondisyon. “Una, walang puwedeng umatras hangga’t hindi natatapos ang kontrata.” “Pangalawa, mananatiling lihim na peke ang relasyon natin.” “Pangatlo, kailangan nating magpakita bilang totoong magkasintahan sa harap ng ibang tao.” “At panghuli…” Sandaling tumigil si Adrian bago idinagdag, “Maghahati tayo sa iisang penthouse. May magkahiwalay na kuwarto tayo, pero may mga pagkakataong kailangan mo akong tabihan matulog dahil may insomnia ako at kailangan natin magmukhang tunay na magkasintahan kapag may bisita o nasa pampublikong event.” Tahimik na tumingin si Eliana sa kontrata. Mabigat ang bawat salitang binabasa niya. Sa huli, ipinikit niya ang mga mata. Para kay Papa. Kinuha niya ang bolpen. Mabagal niyang isinulat ang kanyang pangalan sa pinakahuling pahina. Napatingin si Adrian sa pirmang iyon. Ngayon lamang tunay na nagsimula ang laro nilang dalawa. Samantala… Sa kabilang panig ng lungsod, biglang tumunog ang telepono ni Luciana. “Ma’am,” kinakabahang sabi ng private investigator, “kasalukuyang nasa penthouse ni Adrian ang anak nyo.” Nanlaki ang mga mata ni Luciana. “Ano’ng sabi mo?” “Magkasama sila ngayon.” Biglang nabasag ang wine glass na mahigpit niyang hawak. “Hindi maaari…” Namumula sa galit ang kanyang mukha. “Dalhin mo ako roon.” Kinuha niya ang kanyang handbag at nagmamadaling lumabas ng mansyon. Habang papunta sa penthouse, iisa lang ang nasa isip niya. Hindi niya hahayaang masira ang lahat ng plano niyang itinago sa loob ng maraming taon.Maaga pa lamang ay naging abala na ang buong Cervantes Penthouse.Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw, sunod-sunod nang huminto ang ilang itim na luxury van sa harap ng Cervantes Tower. Isa-isang bumaba ang mga stylist, make-up artists, hairstylists, wardrobe assistants, at ilang staff na may dalang malalaking maleta na puno ng designer clothes, cosmetics, at accessories.Tahimik na binuksan ni Marco ang pinto.“Good morning, everyone. Sir Adrian is already awake.”“Good morning, Mr. Marco.”Isa-isang pumasok ang mga ito sa penthouse.Nagising si Eliana dahil sa ingay ng mga yabag at usapan sa labas ng visitor room. Dahan-dahan siyang lumabas habang inaantok pa.Paglabas niya ay halos mapatigil siya.Mahigit sampung tao ang nasa loob ng penthouse.May nag-aayos ng mga suit sa living room.May naglalatag ng iba’t ibang pares ng sapatos.May stylist na nag-aayos ng mga mamahaling relo.Napakurap siya.“Ano pong… nangyayari?”Napangiti si Marco.“Good morning, Miss Reyes.”“Bakit po
Napuno ng katahimikan ang buong penthouse habang abala si Adrian sa pagbabasa ng ilang mahahalagang dokumento sa kanyang silid. Mula sa malalawak na salamin ng penthouse ay tanaw ang kumikislap na ilaw ng buong lungsod. Wala ni isa sa mga taong naroon ang naghinalang ilang segundo na lamang ay mababago ang lahat.Biglang—Bang! Bang! Bang!Sunod-sunod na malalakas na putok ang nagpayanig sa katahimikan.Kasabay noon ay sumabog ang malaking salamin ng master’s bedroom. Kumalat sa buong silid ang nagliliparang piraso ng kristal na kumikislap sa ilalim ng ilaw.Napaatras si Adrian dahil sa gulat.Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa gilid ng kama habang napapahawak sa kanyang kaliwang balikat. Unti-unting nabahiran ng dugo ang puting polo na kanyang suot.Tumunog ang emergency alarm ng penthouse.Nagsimulang mag-ilaw ang pulang emergency lights sa bawat hallway.“Security breach!”“Protect Mr. Cervantes!”Parang nagising ang buong gusali.Mabilis na nagsitakbuhan ang mga armadong bodyg
Malakas na bumukas ang pintuan ng lumang apartment ni Eliana. “Bitiwan n’yo ako! Ano ba’ng kailangan n’yo sa akin?!” sigaw niya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng dalawang bodyguard. Hindi siya sinasaktan ng mga ito, ngunit mahigpit ang pagkakahawak upang hindi siya makatakas. Halos madapa siya habang isinasakay sa itim na luxury SUV. Hindi siya mapakali. Naghalo ang kaba at galit sa dibdib niya. “Saan n’yo ba ako dadalhin? Magsalita kayo!” muli niyang sigaw. Tahimik lamang ang mga bodyguard. Habang umaandar ang sasakyan, mabilis na tumatakbo ang isip ni Eliana. Paulit-ulit niyang iniisip kung may kinalaman ba ito sa lalaking ninakawan niya ng mamahaling relo at pera ilang araw na ang nakalipas. Pagkaraan ng ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakataas na condominium. Kumabog nang malakas ang dibdib niya nang makita ang mamahaling lobby. Dinala siya sa pinakatuktok ng gusali. Pagbukas ng elevator, bumungad ang malawak at marangyang penthouse.
Alas nuwebe ng umaga.Balot ng katahimikan ang pinakamataas na palapag ng Cervantes Tower. Mula sa floor-to-ceiling glass windows ng penthouse, kitang-kita ang abalang siyudad sa ibaba, ngunit tila walang ingay na kayang pumasok sa marangyang tahanan ni Adrian Cervantes.Nakatayo si Adrian sa harap ng coffee machine, suot pa rin ang puting long sleeves na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Iniisip nya ang babaeng nakasama niya kagabi at hindi nya akalain na makakatulog sya ng mahimbing matapos ang kanilang pakikipagtalik.Hindi mawala sa isip niya ang mukha ng dalaga.Ang kakaibang katahimikang naramdaman niya habang magkatabi silang natutulog.At ang katotohanang paggising niya ay wala na ang babae.Napailing siya.“Tumakas…”Bahagya siyang napangiti.“Wala pang babaeng iniwan ako.”Ngunit bago pa niya maubos ang kape.Ding. Dong.Umalingawngaw ang doorbell.Hindi niya ito pinansin.Muli itong tumunog.Mas mabilis.Mas malakas.Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong!Sunod-s
Napaungol ako nang pinasok ni Mr. Cervantes ang kanyang sandata sa aking perlas. Sobrang lapad. Sobrang haba. Parang hindi kasya, parang hinahati niya ako mula sa pinakamalambot na bahagi ng katawan ko pataas hanggang dibdib. Ramdam ko ang bawat ugat, bawat pulgada, bawat mabagal na pag-unat ng loob ko para tanggapin siya. Mahapdi.Tunay na hapdi. Pero kasabay nito ay may umuusbong na mainit at masarap na pakiramdam. Para akong nasa langit na lumilipad sa mga ulap.Kanina lamang, magkaiba kami ng mundo.Pumasok ako sa bar dala ang bigat ng problemang halos dumudurog na sa akin. Hindi ko alam kung bakit doon ako napadpad. Marahil dahil iyon na lamang ang lugar na naiisip kong puntahan upang kahit sandali ay makatakas sa realidad. Ngunit kahit gaano kalakas ang musika at kasaya ang mga taong nasa paligid, hindi pa rin nito natakpan ang ingay ng mga alalahanin sa isip ko.Ang ama ko ay nasa ospital.Nakaratay siya sa isang malamig na kama habang nakikipaglaban sa bawat paghinga. Ay







