Share

Chapter 2

Author: dandanara
last update publish date: 2026-08-11 20:25:19

Alas nuwebe ng umaga.

Balot ng katahimikan ang pinakamataas na palapag ng Cervantes Tower. Mula sa floor-to-ceiling glass windows ng penthouse, kitang-kita ang abalang siyudad sa ibaba, ngunit tila walang ingay na kayang pumasok sa marangyang tahanan ni Adrian Cervantes.

Nakatayo si Adrian sa harap ng coffee machine, suot pa rin ang puting long sleeves na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Iniisip nya ang babaeng nakasama niya kagabi at hindi nya akalain na makakatulog sya ng mahimbing matapos ang kanilang pakikipagtalik.

Hindi mawala sa isip niya ang mukha ng dalaga.

Ang kakaibang katahimikang naramdaman niya habang magkatabi silang natutulog.

At ang katotohanang paggising niya ay wala na ang babae.

Napailing siya.

“Tumakas…”

Bahagya siyang napangiti.

“Wala pang babaeng iniwan ako.”

Ngunit bago pa niya maubos ang kape.

Ding. Dong.

Umalingawngaw ang doorbell.

Hindi niya ito pinansin.

Muli itong tumunog.

Mas mabilis.

Mas malakas.

Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong!

Sunod-sunod.

Halos hindi na inaalis ng taong nasa labas ang daliri sa doorbell.

Napangiwi si Adrian.

“What the hell…”

Paglapit niya sa monitor ng security camera, awtomatikong kumunot ang kanyang noo.

Si Luciana.

Ngunit ibang-iba ang itsura nito.

Magulo ang buhok.

Namumula ang mga mata.

Halatang umiiyak.

Ngunit higit sa lahat…

Punong-puno ng galit.

Nakahawak ito sa doorknob na para bang handa na nitong sirain ang buong p***o kung hindi siya magbubukas.

Pinindot ni Adrian ang unlock button.

Hindi pa tuluyang bumubukas ang p***o ay malakas na itong itinulak ni Luciana.

“Nasaan siya?!”

Dumagundong ang sigaw nito sa buong penthouse.

Hindi man lang nito binati si Adrian.

Hindi rin ito humingi ng pahintulot.

Agad itong naglakad papunta sa living room.

Binuksan ang guest room.

Sinilip ang kusina.

Tinungo maging ang balcony.

“Eliana!” sigaw nito.

“Eliana!”

Nakangising nakasunod lamang si Adrian.

“Anong problema mo.”

Biglang humarap si Luciana.

Nanlilisik ang mga mata.

“Nasaan ang babaeng dinala mo rito kagabi?”

Napataas ang kilay ni Adrian.

“Bakit?”

“Sagutin mo ako!”

“Interesado ka na pala sa love life ko.”

Napansin niyang nanginginig ang buong katawan ni Luciana.

Hindi ito simpleng galit.

Takot iyon.

Takot na may nangyaring masama.

Unti-unti siyang nagsimulang magtaka.

Paano nalaman ni Luciana na may babae siyang inuwi?

Sigurado siyang walang paparazzi.

Walang media.

Maging ang mga bodyguard niya ay pinauwi niya matapos siyang makarating sa penthouse.

Iilang tao lamang ang nakakaalam.

May nakakita ba sa kanya kagabi?

O matagal na ba siyang minamanmanan ng madrasta?

Malamig siyang ngumiti.

“Interesting…”

Lumapit siya rito.

“Sabihin mo muna kung bakit mo hinahanap ang babaeng iyon.”

“Huwag mo akong subukan.”

“Hindi ako sasagot hangga’t hindi mo sinasagot ang tanong ko.”

Mariing napapikit si Luciana.

Parang pinipigilan nitong mawalan ng kontrol.

Pagmulat nito, bakas na ang desperasyon sa kanyang mga mata.

“Anong ginawa mo sa kanya?”

Hindi kumibo si Adrian.

“Anong ginawa mo sa anak ko?!”

Biglang tumigil ang lahat.

Parang huminto ang pag-ikot ng mundo.

“…Anak?”

Mabagal na naulit ni Adrian ang salitang iyon.

Natahimik siya.

Unti-unti siyang napangiti.

Hanggang sa tuluyan siyang natawa.

Isang malamig.

Mapanuyang halakhak.

Hindi siya makapaniwala.

Sa lahat ng babaeng maaari niyang makilala…

Ang babaeng nakasama niya kagabi…

Ay anak pala ng babaeng matagal na niyang kinamumuhian.

Napailing siya habang patuloy ang mahinang pagtawa.

“Small world.”

Tumalim ang kanyang tingin.

“Tadhana na yata mismo ang kumakampi sa akin.”

“Manahimik ka!”

sigaw ni Luciana.

“Nasaan si Eliana?”

“Hindi ko alam.”

“Sinungaling ka!”

“Nung magising ako kanina, wala na siya.”

Hindi alam ni Luciana kung paniniwalaan siya.

Ngunit kitang-kita niyang tila nagsasabi ng totoo ang ekspresyon nito.

Hindi iyon ang ikinagalit niya.

Mas ikinagalit niya ang paraan ng pagngiti nito.

Para bang natutuwa ito sa sitwasyon.

“Layuan mo ang anak ko!”

“Talaga?”

Bahagyang yumuko si Adrian upang magpantay ang kanilang mga mata.

“Bakit?”

“Dahil wala siyang kinalaman sa away nating dalawa.”

“Ayaw mo siyang madamay?”

Hindi sumagot si Luciana.

Napangisi si Adrian.

“Sinira mo ang pamilya ko.”

“Pinaniwala mo ang ama ko sa mga kasinungalingan mo.”

“Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang fiancee ko”

“At ngayon gusto mong paniwalaan kong inosente ang anak mo?”

Tumigas ang ekspresyon ni Luciana.

“Oo.”

“Dahil hindi siya katulad ko.”

“Tama ka.”

Ngumisi si Adrian.

“Hindi siya katulad mo.”

Saglit siyang tumigil.

Pagkatapos ay malamig na nagsalita.

“Mas magaling lang siyang magkunwari.”

“Adrian!”

“Like mother…”

Tumawa siya nang bahagya.

“…like daughter.”

“Pareho kayong mahusay gumamit ng tao para makuha ang gusto ninyo.”

Nanlaki ang mga mata ni Luciana.

Hindi na nito napigilan ang sarili.

Pak!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Adrian.

Napaling ang kanyang ulo.

Umalingawngaw ang tunog sa buong penthouse.

Ilang segundo silang walang imik.

Dahan-dahang ibinalik ni Adrian ang mukha.

May bakas ng pamumula sa kanyang pisngi.

Ngunit sa halip na magalit…

Ngumiti siya.

Mas malamig.

Mas nakakatakot.

“Hindi ka pa rin nagbabago.”

Humihingal si Luciana.

Nanginginig ang kanyang kamay matapos ang sampal.

“Makinig kang mabuti.”

Isa-isa nitong binigkas ang bawat salita.

“Kapag nalaman kong may nangyari sa anak ko”

“Hindi ako magdadalawang-isip na kitilin ang buhay mo.”

“Naririnig mo ba ako?”

“Kahit hanggang dulo ng mundo ang takbuhan mo…”

“Hahanapin kita.”

“At sisiguraduhin kong magdurusa ka.”

Hindi kumurap si Adrian.

Tahimik lamang niya itong pinanood.

Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti.

“Sa wakas…”

Napakunot ang noo ni Luciana.

“Nakita ko rin ang kahinaan mo.”

“Ano’ng sinasabi mo?” tanong ni Luciana

Malamig ang kanyang boses.

“Siya pala ang pinakamahalagang tao sa buhay mo.”

Napahigpit ang kamao ni Luciana.

Agad siyang tumalikod.

Ngunit bago siya tuluyang makalabas.

“Hindi pa ito tapos.” sabi ni Adrian

Huminto siya.

“Ngayon pa lang nagsisimula.”

Hindi na lumingon si Luciana.

Marahas nitong isinara ang p***o.

BANG!

Nayanig ang buong penthouse.

Nanatiling nakatitig si Adrian sa nakasarang p***o.

Pagkatapos ay hinaplos niya ang pisnging sinampal.

Unti-unting gumuhit ang isang mapanganib na ngiti sa kanyang labi.

Dinampot niya ang cellphone at mabilis na tinawagan ang kanyang personal assistant.

Hindi nagtagal ay sumagot ang kabilang linya.

“Good morning, sir.”

“Marco.”

“Yes, sir.”

“May ipapahanap ako.”

“Sino po?”

“Send ko sayo ang copy ng CCTV”

Tahimik ang kabilang linya.

“Hanapin mo siya at dalhin sa akin”

“Yes, Sir.” sagot ni Marco

Napangiti si Adrian matapos ibaba ang tawag.

Alam na niya ang susunod niyang gagawin.

Isa-isang nabuo sa isip niya ang plano kung paano makakaganti sa kanyang madrasta. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ang lahat ng ginawa sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 105

    Magkahawak ang kanilang mga kamay habang marahan silang bumababa sa hagdan.“Ang ganda nila,” bulong ni Kylie.“Oo nga, bagay na bagay sila” sagot ni Marco.Si Alessandro naman ay malakas na pumalakpak at napangiti. “Finally,” mahina niyang sabi. “Nakuha rin ng kaibigan ko ang babaeng para sa kanya.”Si Carlos ay nakatayo sa tabi ni Gina, at hindi niya mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang anak. Halatang puno ng pagmamalaki ang kanyang mga mata. Sa tabi niya, si Gina ay patuloy na humahanga sa suot ni Eliana.“Ang ganda ng anak mo,” sabi ni Gina.Napangiti si Carlos. “Oo. Hindi ko akalaing makikita ko siyang ganito kasaya.”Samantala, nanatiling nakatayo si Luciana, ngunit tila hindi niya marinig ang palakpakan sa paligid. Nakatitig lamang siya kay Eliana. Sa bawat hakbang ng kanyang anak, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng lihim na matagal niyang itinago.Ang babaeng bumababa sa hagdan ay ang anak na minsan niyang iniwan.Ang babaeng ngayon ay minamahal ng anak ng kanya

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 104

    Nagsimulang dumating ang mga bisita sa Cervantes Mansion bandang alas-sais ng gabi. Isa-isang huminto ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng malaking bahay, at bawat pagbukas ng pinto ay may kasunod na mga panauhing nakasuot ng elegante at mamahaling kasuotan. May mga kilalang businessman, mga personalidad sa politika, malalapit na kaibigan ng pamilya, at mga kamag-anak ng mga Cervantes na dumalo upang saksihan ang engagement party nina Adrian Cervantes at Eliana Reyes.Sa labas pa lamang ng mansiyon ay kapansin-pansin na ang engrandeng paghahanda. May mga ilaw na nakapalibot sa hardin, mga puting bulaklak na nakahilera sa walkway, at maliliit na parol na nagbibigay ng mainit at romantikong liwanag sa buong paligid. May ilang waiter na abalang sumasalubong sa mga bisita, habang ang iba naman ay may dalang tray ng champagne, wine, at iba’t ibang klase ng inumin.Pagpasok ng mga bisita sa loob, agad nilang nasilayan ang napakagandang dining hall. Malawak ang lugar at pinalamutian ng mg

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 103

    Naisip ni Adrian na kailangan na nilang maghanda para sa engagement party. Gaganapin iyon sa Cervantes Mansion, at dahil unang beses na makikilala nina Carlos at Gina ang pamilya niya bilang pamilya ng kanyang magiging asawa, gusto niyang maging maayos ang lahat.Kinuha ni Adrian ang kanyang cellphone at agad tinawagan si Marco.“Marco.”“Yes, bro?”“Pumunta ka rito sa penthouse. Isama mo na rin ang makeup artists at stylist. Kailangan nilang ayusan kaming lahat.”“Lahat?”“Yes. Lahat.”Napatawa si Marco sa kabilang linya.“Grabe ka. Engagement party lang naman, hindi pa kasal.”“Marco.”“O siya, sige na. Pupunta kami.”Pagkababa ng tawag, napatingin si Adrian sa sala kung saan nakaupo sina Carlos at Gina. Abala ang dalawa sa pakikipagkuwentuhan kay Eliana. Wala silang kaalam-alam na may paparating na maliit na beauty team para ayusin sila.Makalipas ang ilang oras, nagsidatingan na ang mga makeup artist at stylist na ipinatawag ni Marco. May dala silang mga maleta na puno ng makeup,

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 102

    “Babe naman, hindi ka nag-iingat,” mahinang saway ni Adrian habang hawak niya ang kamay ni Eliana. Halatang nag-aalala siya nang makita ang maliit na hiwa sa daliri nito at ang bahagyang dugong lumalabas. Kahit maliit lamang ang sugat, para kay Adrian ay sapat na iyon para kabahan siya.“Wala ito. Kaunting sugat lang naman,” mabilis na sagot ni Eliana habang pilit na ngumingiti.Tinitigan siya ni Adrian nang seryoso. “Kaunti o malaki, sugat pa rin iyon. Mag-ingat ka naman, please.”“Oo na,” sagot ni Eliana na bahagyang natawa. “Hindi na mauulit.”“Haynaku!” bulyaw ni AdrianHuminga nang malalim si Adrian bago dahan-dahang punasan ang paligid ng sugat gamit ang malinis na tissue. Hindi niya maalis ang pag-aalala sa mukha niya.“Babe, minsan talaga hindi mo iniisip ang sarili mo. Kapag may ginagawa ka, puro ibang tao ang iniisip mo.”Napangiti si Eliana. “Ikaw nga ang OA.”“Hindi ako OA.”“OA ka.”“Segi na OA na kong OA”Nagkatinginan sila bago sabay na natawa.Mula sa tabi nila, napang

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 101

    KinaumagahanMaagang nagising sina Adrian at Eliana. Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw, abala na sila sa paghahanda ng kanilang mga gamit dahil oras na para bumalik sa Maynila. Ilang araw lamang silang nanatili sa probinsya, pero pakiramdam ni Eliana ay mas matagal pa iyon dahil sa dami ng nangyari. Nakilala ni Adrian ang pamilya niya, dumaan sa mga pagsubok ni Lola Pasing, nakipagkulitan kay Hana, at higit sa lahat, nakuha niya ang basbas ng kanyang lola para pakasalan siya.Habang inaayos ni Eliana ang mga damit sa loob ng maleta, napatingin siya sa paligid ng kwarto. May kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. Sanay siyang umalis sa probinsya, pero iba ang pakiramdam ngayon dahil alam niyang matagal na naman bago siya makabalik. Lalo na at malapit na ang kanilang engagement party at pagkatapos noon ay marami na silang kailangang asikasuhin para sa kanilang kasal.“Babe, okay na ba lahat?” tanong ni Adrian mula sa pintuan habang hawak ang isang bag.“Sandali na lang,” sagot ni

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 100

    Luciana’s POVIlang beses ko bang sabihin sa’yo na patay na nga ang anak mo? ilang beses ko pa ba kailangang ulitin bago mo ako tigilan? I stared at Roberto, trying my best to keep my voice steady even though my hands were already trembling beneath the table. “Ngayon ka pa maghanap dahil ano? Kinakarma ka na?” I asked bitterly. “Balita ko namatay ang dalawang lalaki mong anak. Mas mabuti nga ang nangyari sa’yo.” I knew my words were cruel, but after everything he had done to me, I no longer cared about hurting his feelings. “Dahil kung tutuusin, kulang pa iyon sa lahat ng ginawa mong kababuyan sa akin.” For years, I had carried the weight of that night alone. I had buried the memories, buried the pain, and buried the child who came from the worst chapter of my life. I thought Roberto would never find me again. I was wrong.Roberto’s expression hardened. His eyes, which once terrified me, were now filled with anger and determination. “Ito ang tatandaan mo, Luciana. Hindi mo maitatago s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status