Busy ako kahapon guysessss sorry na huhuhu bawi ako ngayon
Sa isang kaldero, nilagay niya ang mga gulay habang ang isda naman ay prinito niya. Bago pa man umusok ang mantika, pinagmasdan niya muna ang bawat galaw ng kawali. Maingat niyang inilapag ang hiwa ng isda sa kumukulong mantika, pero agad siyang napatalon nang marinig ang malakas na pagtilamsik ng langis."Mama!" Kusang lumabas sa labi niya iyon.Napakapit siya sa sandalan ng counter, halatang hindi sanay sa ganitong tunog. Ngunit kahit may kaba, pinilit niyang magpakatatag. Tinitigan niya ang isda habang unti-unting nagiging golden brown ang gilid nito. Ngunit sa kabig niya gamit ang turner para baliktarin ito, masyadong mahina ang kanyang hawak kaya’t nadurog ang kalahati ng isda.Napangiwi siya. "Ay… hindi pala dapat ganito."Pero hindi siya sumuko. Inulit niya ito sa susunod na hiwa ng isda at mas pinatagal pa sa mantika. Sa isip niya, baka mas maging buo ito kung hayaan niyang maluto nang husto. Ngunit muli, napalingon siya sa mga gulay sa kabilang kalan.Hindi niya rin alam kung
Chapter 6Dahan-dahang nilinis ng babae ang sugat niya, napapangiwi siya dahil masakit pa rin iyon. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng sugat sa tuwing hahaplosan niya ito ng alcohol. Nangingilid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata, pero pilit niya iyong pinipigil.It's been one week since she woke up. Dahil ayaw niyang mapalayas at tutuhanin ni Lorenzo na ipatapon siya, pinilit niya ang lahat na huwag mag-cross ang landas nila sa loob ng bahay. Medyo hindi naman nahirapan ang babae—lalo na dahil kahit luma ang bahay, malawak iyon at nasa pinakadulong kwarto siya natutulog at hindi naman gaanong lumalabas si Lorenzo sa kwarto nito.Pagkatapos malinis ang sugat ay huminga siya ng malalim at muling binalot iyon ng benda.Kabisado na ng kanyang mga kamay ang pagkilos, tila ba naging bahagi na ng kanyang bagong araw-araw ang pag-aalaga sa sarili. Nakakalungkot isipin, pero parang ito lang ang tanging bagay na sigurado siya—ang alagaan ang sugat na hindi niya rin maalala kung paano niya naku
Ramdam niya ang tumitibay na galit sa dibdib niya, pero ang mas nangingibabaw ay ang takot na wala siyang ibang pupuntahan."Can you just shut up---""I'm not going to shut up, unless you let me stay here!" Pabalik na ani ng Babae at hindi pa niya pinatapos si Lorenzo sa sasabihin.“Shit! Fvcking shit this life!” Sigaw na ni Lorenzo, halos mag-init na ang tenga sa inis. Hinampas niya ang mesa sa gilid, at ilang gamit doon ang gumalaw sa lakas ng bagsak.“Fvcking shit ka rin! Wala kang awa! Wala nga akong pupuntahan! Aalis naman ako kapag may naalala na ako! Ayokong isugal ang buhay ko at umalis dito tapos mamaya makasalubong ko ang mga taong gustong pumatay sa akin tapos hindi ko man lang alam!” halos sunod-sunod ang litanya ng babae, puno pa rin ng takot at galit.Binuka ni Lorenzo ang labi para magsalita pa, pero nang makita niyang hindi nagpapatalo ang babae—na mas lalo pang humigpit ang titig at nakataas pa ang baba—ay mas lalo lamang sumiklab ang dugo niya. Imbis na magsalita ay i
Chapter 4Tulala ang babae nang marinig ang sinabi ng dalawang matandang nagdala sa kanya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Kahit pagkatapos ng lahat ng sinabi nila ay talagang hindi pa rin magawang maalala ng babae kung sino siya at kung anong dahilan kung bakit siya nabaril.Wala siyang maalala kahit ano, kahit ang sariling pangalan niya. Sa kabila ng lahat ng paliwanag, pakiramdam niya ay isa pa rin siyang estranghera sa sarili niyang balat.Napatingin siya sa paligid—sa lumang silid na kinaroroonan niya, may mga antigong kasangkapang kahoy ngunit malinis at maaliwalas. Mababango ang kurtina at bagong palit. Ang lamig ng hangin mula sa bintana ay nagpaparamdam ng kaunting ginhawa sa kanyang balisa.“Now, you heard what you wanted to hear, umalis ka na ngayon din,” mabilis na ani ni Lorenzo habang prenteng nakaupo sa sofa.Nakasuot ito ng puting sando at maong na pantalon, pero kahit simple ang suot ay halatang mabagsik sa kilos. Hindi man lang siya tumingin sa babae, para bang sapat
Ngunit natigilan siya nang bigla siyang tignan ng lalaki—isang tinging malamig, matalim, at punong-puno ng galit. Kitang kita ng babae kung paano siya nito tinitigan—parang may mabigat na hinanakit o galit na hindi naman dapat para sa kanya. Matalim ang tingin nito, parang sinisisi siya sa lahat ng nangyayari, kahit na siya mismo ay walang maalala.“Can you shut up!” mariing singhal ni Lorenzo, matalim at puno ng iritasyon ang boses nito. Ang bawat salita niya’y parang sibat na tumatagos sa hangin ng kwarto.“Nagtatanong lang naman ako—” Mahina ngunit may halong pangangatwiran na tugon ng babae, halos pabulong, pero halatang nabigla sa biglang pagsabog ng lalaki. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali.“And you are asking too much! Why are you even asking too much? Ikaw ang makakasagot ng tanong mo at hindi ako! I don’t even know you! I was just kind enough to let you stay here even though you’re just a woman from nowhere! Naiirita na nga ako dahil nandito ka tapos tanong ka pa
Chapter 2Napahawak ang babae sa ulo niya nang magmulat siya ng mata. The light was really making her dizzy, parang umaalon ang paligid, and she needed to adjust first before she opened her eyes again.Pakiramdam niya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig habang gumigising sa isang bangungot. She saw the unfamiliar ceiling—isang kisame na gawa sa dark wood, may kaunting alikabok sa gilid ngunit malinis at maayos tingnan. The room may be old, pero halatang pinananatiling elegante at malinis ito“Aray!” Daing niya na lang nang makaramdam siya ng subrang pananakit ng katawan, lalo na ang tagiliran. Parang binibiyak ang kanyang balakang, at bawat galaw niya ay parang tinutusok siya ng libong karayom. Halos mapangiwi siya sa sakit.Tinaas niya ang tshirt na suot at halos umawang ang labi niya nang makakita ng benda roon. Puting-puti ito, may bakas ng kaunting dugo, at maayos ang pagkakabalot. Kahit hindi nakikita ang mismong sugat, alam niyang malalim iyon. Ramdam niya ang bigat ng k