Share

Chapter 44 - Baliw

last update Last Updated: 2025-04-09 11:31:43

Parang may kung anong humigop sa lakas ni Cheska nang marinig iyon. Kung kanina ay gusto nitong manatili siya, ngayon ay pinapaalis na siya, reason why Cheska stopped for a while and look at Azrael face. Kinagat niya ang labi niya. Dapat masaya siya na makakaalis na siya, na papaalisin na siya, na makakabalik na siya sa ospital para bantayan ang kapatid niya—lalo na’t kanina pa niya gustong gawin iyon. Pero bakit ganito? Bakit parang may parte sa kanya ang nanghinayang?

"Alis na. Alis na daw, Cheska." Sa isip ni Cheska, pilit na inuutusan ang sariling umalis na gaya ng sabi ni Azrael.

Parang may bumagsak na malaking bato sa balikat niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman—relief ba o lungkot? Relief dahil aalis na siya at hindi na niya kailangang makipagtalo dito, o lungkot kasi... Pinigilan ni Cheska ang mag-isip pa ng mas malalim.

Tinignan ni Cheska ang sugat ni Azrael. Gusto pa niyang magsalita, pero...

“Umalis ka na. Huwag kang mag-alala, at wala ka naman dapat a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Karen Hazel Fantonial
more update po Ms A please ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 64 - Selos?

    Bigla namang nabuhayan si Evelyn, kahit papaano ay may pag-asa siyang makaalis sa mansion at makaiwas sa tensyon kay Lorenzo.“Pwede po akong sumama, Manang?” Tanong niya agad, halos hindi mapigilan ang pananabik sa tono niya. Maaga pa naman, at kahit mapagabihan siya, ayos lang, basta’t hindi niya makakasama si Lorenzo na siya ngayong parang bombang handang sumabog sa bawat tingin o salita.“Ha? Sumama ka sa bahay namin?” medyo nagulat si Manang Vilma. “Aba, ayos lang naman, pero magpaalam ka muna kay Sir. Hindi naman pwedeng bigla ka na lang mawawala rito,” ani nito, dahilan upang mapasimangot si Evelyn.“Manang, naman,” reklamo niya habang tumiklop ng mga tuyong tuwalya, “pwede bang sumama na lang ako kahit huwag na akong magpaalam? Di naman ako bata o kaya hindi ko naman boyfriend si Lorenzo para magpaalam pa ako, diba?” Umirap pa siya nang mabanggit ang pangalan ng lalaki. “Gusto ko ring makita ang ibang parte ng isla, para kahit papaano eh may mapuntahan ako bukod dito.”“Ay sus

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 63 - Hindi Aamin

    Chapter 63“Now, let’s talk—”“Maghuhugas ako ng pinggan, ano? Si Manang pa maghuhugas nito? Can you just leave me alone here?” Iritadong tanong ni Evelyn nang matapos silang kumain at agad na nagsalita si Lorenzo na mag-uusap sila.Hindi niya man lang tiningnan ito nang direkta, bagkus ay tumalikod at inilagay ang mga pinggan sa lababo habang tinataboy ito."Why are you like that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lorenzo, nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa kanya. Kita sa mga mata nito ang halong inis at pagkabigo, parang hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at grabe ang pagsusungit ni Evelyn sa kanya."Why are you so fvcking annoying?" Pabulyaw na sagot ni Evelyn, agad na binalikan ang tanong na may kasamang sarkasmo sa tinig.Ramdam niya ang unti-unting pag-init ng ulo niya.Napasinghap si Lorenzo, mariing pinikit ang mga mata niya, pilit kinakalmang sarili. Mabigat ang dibdib niya, at ramdam niya ang init ng dugo sa sintido. Gusto niya

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 62 - Cold

    Muli ay naalala niya ang sinabi ni Manang—na may mahal pang iba si Lorenzo. Napalunok siya, at pilit pinigil ang luha na nagbabadyang pumatak sa sulok ng kanyang mata. Hindi niya puwedeng hayaan ang sarili na maging marupok. Hindi niya puwedeng hayaang umasa.Alam niya ang kasunduan nila. Walang label. Walang obligasyon. Fvck bvddy lang naman sila, at malinaw iyon kay Evelyn. Pero bakit gano’n? Bakit parang unti-unti siyang lumulubog? Parang gusto na niyang burahin ang lahat ng boundaries na sila rin ang nagtakda.Pero hindi pwede. Hindi dapat. Hindi siya ang mahal nito. Kaya ngayon pa lang, kailangan na niyang itayo muli ang pader sa pagitan nila.Imbes na magsalita o sagutin si Lorenzo ay hinawakan na lang niya ang kutsara at tinidor para magsimula ng kumain, kahit halatang wala siya sa mood. Nanatiling tahimik si Evelyn habang pinipilit linawin sa sarili ang nararamdaman.Samantalang si Lorenzo, tahimik lang na pinagmamasdan siya ng nagtataka. He didn’t know what he had done wrong,

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 61 - Distansya?

    Chapter 61“You cooked?” Halos hindi na matignan ni Evelyn si Lorenzo dahil hindi na matanggal sa isip niya ang sinabi ni Manang sa kanya.Tamang tama ang pagbaba nito dahil tapos na siyang magluto at nakaayos na rin ang mga pagkain sa lamesa. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, hindi dahil sa kaba ng sorpresa kundi dahil sa bigat ng alaalang paulit-ulit na tumatama sa isipan niya, ang mga salitang bumangga sa pag-asang unti-unti niyang pinapaniwalaan.“Oo, sir! Nagluto siya at ginabayan ko lang,” si Manang Vilma ang agad na sumagot dahil hindi agad nakasagot si Evelyn.Nanatili lang si Evelyn sa kinatatayuan niya, pilit nilalabanan ang kaba at sama ng loob na biglang bumara sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay pinanood siya ni Lorenzo mula ulo hanggang paa, at tila ba nararamdaman nitong may mali.Gusto niyang ngumiti, gusto niyang maging normal ang kilos niya, pero hindi niya magawa. Hindi niya alam kung paano siya kikilos, hindi niya alam kung paano siya makakatingin sa lalaking

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 60 -

    Pinagmasdan niya si Evelyn habang ito ay abalang nagbabalat ng sibuyas, nakakunot ang noo pero may ngiti pa rin sa labi. Lalo siyang napatitig nang biglang mapangiwi ang dalaga nang mapaso ang kamay sa kawali at natawa pa sa sarili. Isang masiglang enerhiya ang bumabalot kay Evelyn, at iyon ang nagpapabigat sa puso ni Manang Vilma—dahil natatakot siyang masaktan ito."Iha, sana ay huwag mong masamahin," ani Manang pagkatapos ng ilang sandali habang si Evelyn ay seryosong nakatutok sa paghihiwa ng gulay. Nilakasan niya ang loob bago nagpatuloy, "pero may gusto ka ba kay Sir Lorenzo? Nagugustuhan mo na ba siya?”Napasulyap si Evelyn kay Manang sa tanong na iyon. Nagulat siya. Hindi niya inaasahan iyon. Parang may kung anong kumalabit sa puso niya.. Pero pagkatapos ng ilang segundo ay napanguso rin siya at napaiwas ng tingin, parang may gustong itago. O baka hindi lang niya alam kung paano sasagutin iyon."Hindi ko po alam kung ano ba talaga ang basehan kung may gusto ka sa isang tao," m

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 59 - Pag-aalala

    Chapter 58Tinitigan ni Evelyn si Lorenzo—he is still sleeping, peacefully sleeping kaya naman nagagawa niya itong titigan.Hindi siya nagsasawa. Parang bawat segundo ay gusto niyang ukitin sa alaala niya ang itsura nito habang himbing sa tulog. Ang gulo ng buhok nito, ang bahagyang pagkakunot ng noo na tila ba kahit sa tulog ay may iniisip pa rin ito. Pero kahit ganoon, para sa kanya… perfect pa rin ang itsura nito.Gwapong gwapo na siya dito noon, pero ngayon? Pakiramdam niya ay mas gumwapo ito sa paningin niya. Parang bawat araw na kasama niya ito ay may panibagong detalye siyang nadidiskubre.May kung anong lalim sa pagkatao ni Lorenzo na unti-unti niyang nakikita at gusto niya iyon. Gamit ang hintuturo ay ginalaw niya ang tungki ng ilong niya and she smiled nang bigla itong gumalaw and even groaned. Napasinghap siya at bahagyang napatigil ang kamay sa ere habang pinagmamasdan kung tuluyan na ba itong magigising.Pero hindi. Bumalik sa maayos ang hinga nito, tila nanatili pa rin s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status