Share

Chapter 54

I took a leave from the office for about three days. I spend my time working with people on the farm.

"Doon ka na kaya sa mansyon, naiilang na magtrabaho ang mga tao sa'yo dahil nakatutok ka dito," ani Troy.

Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa kabilang bayan ako kung saan namin nabili ang bakanteng lupa. Nagsisimula nang linisan ng mga magsasaka ang masukal na lupain upang mapagtaniman ng mga cacao.

Mga bagong magsasaka na dito lang din sa bayan ang binigyan namin ng trabaho. Tama nga si Troy panay ang tingin nila sa akin, kumpara sa hacienda na kahit nandoon ako ay hindi nahihiyang magpahinga kung nakakaramdam ng pagod.

Tumalikod ako at nagpaalam kay Mang Carpio. Kailangan ko na din naman bisitahin ang pabrika para sa bagong recipe ng tsokolate na gawa ni Troy nang nakaraan. Nagsimula lang iyon sa biruan pero tinotoo niya na.

"Kailangan ka na daw sa opisina," sabi ni Troy nang makasakay kami ng kan'yang kotse pabalik ng Hacienda Miraflor.

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status