Share

Chapter 50

"Troy pasensya ka na kay Lesie, nag-aaya ng iba," kaagad kong paghingi ng paumanhin kay Troy nang makasakay kami sa loob ng kotse.

Sa aming likod ay ang sasakyan ni Mateo.

"Okay lang naman. Besides, kilala n'yo naman siya. Siya ba 'yong bagong myembro ng board?" 

Hindi ko pa naikwekwento sa kan'ya ang tungkol kay Mateo.

"Oo," tipid kong sagot.

"Ex-boyfriend at run-away groom ni Sandra. Multo ang lalaking 'yan. Ghoster!" dagdag pa ni Lesie dahilan upang mangunot ang noo ni Troy.

Tiningnan ko nang masama ang madaldal kong kaibigan, na nasa shotgun seat. Lumingon siya sa akin at nakakaloko pa'ng ngumiti.

"Loko pala siya kung gan'on," tila naiinis na sabi ni Troy.

Siya na ang palagi namin nakakasama ni Lesie sa halos lahat ng lakad namin sa labas. Masasabi kong kaibigan ko na din siya.

"Kaya nga lalasingin natin siya." Mariin akong napapikit sa sinabi ni Lesie. Sinasabi ko na nga ba, may masama siyang binabalak kaya isi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status