It was a rainy Sunday when Mateo came into our house.
Si Manang ang nagbukas ng gate para makapasok siya, subalit sa hamba pa lang ng aming pintuan ay hinarangan na siya ni tatay.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Sa tinig ni tatay ay alam kong galit ito.
Pumagitna ako sa kanila.
"Nandito po ako para sunduin si Sandra," magalang na pagkakasabi ni Mateo.
"Bakit?" Bago pa man makasagot si Mateo ay bumaling na sa akin si tatay nang hawakan ko ang braso niya.
"Nakipagbalikan ka ba dito? Sasaktan ka lang nito ulit." Kung makapagsalita ang aking ama ay parang wala sa aming harapan si Mateo.
Hindi ko rin naman siya masisisi dahil totoong nasaktan ako.
Itinago ko iyon sa mga tao maging kay tatay. Hindi niya ako tinanong o kinumusta man lang tungkol sa nangyari kaya buong akala ko ay hindi siya nag-alala sa akin. But seeing him get mad at the man who hurt her daughter gives me so much comfort. Pakiramdam ko'y wala nang sinuman ang makakapanaki
I took a leave from the office for about three days. I spend my time working with people on the farm. "Doon ka na kaya sa mansyon, naiilang na magtrabaho ang mga tao sa'yo dahil nakatutok ka dito," ani Troy. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa kabilang bayan ako kung saan namin nabili ang bakanteng lupa. Nagsisimula nang linisan ng mga magsasaka ang masukal na lupain upang mapagtaniman ng mga cacao. Mga bagong magsasaka na dito lang din sa bayan ang binigyan namin ng trabaho. Tama nga si Troy panay ang tingin nila sa akin, kumpara sa hacienda na kahit nandoon ako ay hindi nahihiyang magpahinga kung nakakaramdam ng pagod. Tumalikod ako at nagpaalam kay Mang Carpio. Kailangan ko na din naman bisitahin ang pabrika para sa bagong recipe ng tsokolate na gawa ni Troy nang nakaraan. Nagsimula lang iyon sa biruan pero tinotoo niya na. "Kailangan ka na daw sa opisina," sabi ni Troy nang makasakay kami ng kan'yang kotse pabalik ng Hacienda Miraflor.
Bumalik na ako sa opisina nang sumunod na mga araw para sa mga trabahong naiwan. Kahit ano man na pag-iwas ko kay Mateo ay magkikita at magkikita pa din kami. "Miss Cassandra, at 5 pm meeting with the supplier of seeds, pesticides, fertilizers and etcetera," masayang pagpapaalala sa akin ni Cassandra nang sumapit ang hapon. Unti-unti ko nang natatanaw ang pag-asa ng Hacienda Miraflor, kahit wala pa kaming gaanong kliyente dahil kinukuha muli namin ang tiwala ng mga ito. Higit sa lahat ay naghihintay pa kami na maging matatag ang plantasyon. Alas-sinko nang hapon ay nasa isang farm na ako sa karatig lalawigan. "Magandang hapon Miss Cassandra," bati sa akin ng may-ari ng farm na si Lucas. Maliit lamang ang farm ngunit sa tingin ko'y kompleto naman ang mga produktong i-su-supply nila sa akin. "Magandang hapon din. Tara na." Ako na ang nag-aya dito na ipakita ang mga kakailanganin kong produkto para sa plantasyon dahil
Naging abala ang Hacienda Miraflor sa pag-aayos ng venue kung saan gaganapin ang training at seminar para sa mga magsasaka.Malaking tulong ito para madagdagan ang kaalaman ng mga trabahador ng hacienda."Wala yata si Troy," ani Manang Dory habang nasa kusina kami ni Mateo at kumakain ng meryendang inihanda niya.Kami lamang ni Mateo ang narito para i-organisa ang aktibidad."Busy po," simple kong sagot.Sinalinan kami ng tubig ni manang sa aming mga baso bago ito umupo sa harapan namin."Ikaw pala si Mateo," aniya habang nakatitig kay Mateo, na tumigil sa pagsubo ng pagkain upang ngitian si manang."Opo," tipid na sagot nito.Hindi ko pa sila pormal na naipapakilala dahil pumupunta rin naman dito si Mateo, sa isip ko'y kilala na siya ni manang."Bata pa lamang noon si Arman ay naninilbihan na ako dito sa mansyon. Alam ko kung paano mahalin ni Don Victornino si Doña Miraflor kaya noong nawala ito ay hindi na
"Tulala yata tayo?" puna sa akin ni Lesie. Gusto ko sanang ikwento sa kan'ya ang ginawang paghalik sa akin ni Mateo kagabi subalit natatakot ako sa magiging reaksyon niya. She's mad at Mateo. Maliban kay tatay ay siya ang unang tao na nasaktan para sa akin. Ayoko nang palakihin pa ang ginawang iyon ni Mateo. Marahil ay nadala lang siya ng emosyon. Baka naguguluhan siya o nalulungkot at dahil ako ang naroon ay sa akin niya ito ibinunton. Maybe if Isha was there, she would be the one he would kiss. "Wala naman." Umiling ako bilang sagot kay Lesie. Alanganin siyang tumango, tila nag-iisip kung dapat niya ba akong paniwalaan. "Anyway, this is your schedule for the whole week." Iniabot niya sa akin ang kan'yang notebook na naglalaman ng schedule ko. Lahat ng iyon ay meeting dito sa opisina. Ibig sabihin ay wala akong oras para magtungo sa hacienda upang sana'y iwasan si Mateo. I know I can still be professional around
Pagdating sa ospital ay mabilis akong inasikaso ng mga nurse na naroon. Nilinisan ang sugat ko at ginamot."Take this three times a day," ani doktor habang iniaabot sa akin ang reseta ng gamot.Mula sa kinauupuan ko ay sinulyapan ko si Mateo sa may pintuan at nakaupo sa hilera ng mga upuan sa hallway ng ospital. Mariin siyang nakapikit at nakasandal ang ulo sa pader."Doc, pwede ko din po ba ipa-check-up ang kasama ko. May lagnat po kasi siya." Kahit pa nagamot na ang sugat ko ay hindi pa rin ako mapapakali hanggang hindi maayos ang pakiramdam ni Mateo.He helped me. I should do the same for him.Kakalimutan ko na lamang ang paghalik niya sa akin nang isang gabi. Sigurado naman ako na hindi niya iyon sinasadya.Tinawag siya ng nurse na naroon. Tatanggi pa sana siya subalit nang samaan ko siya ng tingin ay tila ito isang bata na mabilis na sumunod.Ayon sa doktor, over fatigue lamang daw iyon dulot ng kulang sa tulog at pagpapagod sa t
Hindi ko na matandaan kung paano ako mabilis na nakapagpaalam kay Isha at Mateo sa apartment nang pumasok sila sa loob kasama ang isang sanggol na nasa stroller.Wala na akong pakialam kung magtatanong pa si Isha kay Mateo kung bakit ako naroon. Ang gumugulo sa isipan ko ngayon ay ang pagtawag ng 'dada' ng sanggol, na kasama niya, kay Mateo.Anak niya ba ito? May anak na ba sila?Nabuntis niya ba ito kaya iniwanan niya ako bago pa kami magpakasal?Naglakad ako nang naglakad sa kabila ng iniindang hapdi sa paa, hindi alam kung saan patungo. Hindi ko napadalhan ng mensahe si Kuya Joel, dahil hindi ko rin alam kung saan magpapasundo.Hanggang sa isang sasakyan ang huminto sa aking tabi. Bumukas ang bintana nito."Sandra?" Si Troy.Nakahinga ako nang maluwag at kahit 'di niya naman ako inaalok ay sumakay na ako sa kotse niya. Tahimik niya akong inihatid dahil siguro'y naramdaman niyang may malalim ang aking iniisip.They had a baby
"Lesie, schedule ko?" Tila ayaw pa'ng sabihin ng aking sekretary at kaibigan ang schedule ko para sa linggong ito.Tinaasan ko siya nang dalawang kilay kaya bumuntong hininga siya bago nagsalita."A whole week meeting with the clients." Iyon lang naman pala ang sasabihin niya ay nagpapa-suspense pa.Kinagatan niya muna ang tsokolateng nasa kan'yang kamay, mula pa iyon sa garapon ng chocolates na gawa ni Mateo."Hindi ako makakasama but Mateo will go with you." Napatigil ako sa pagsusulat nang idagdag pa iyon ni Lesie sa sinabi niya.Iniiwasan ko na nga ang lalaki tapos ay makakasama ko pa sa mga client meeting ngayong linggo."How about Mr. Morales?" Mas gugustuhin ko pa yatang makasama si Mr. Morales ngayon kaysa kay Mateo."Sure ka gusto mo makasama 'yon?" tila nanunuyang tanong nito. Mr. Morales was good but he kept on interrupting in meetings outside the office. Hindi tuloy ako makapagdesisyon ng tama kapag siya ang kasama ko.
"Leave kayo pareho ni Mateo. Saan kayo pupunta?" tanong ng chismosa kong kaibigan.Tinanggap ko ang pagdalo sa binyag ng anak ni Mateo at Isha, na si baby Paupau, bilang ninang."Binyag ng anak nila ni Isha. Kinuha akong ninang."Mabilis na nanlaki ang mata ni Lesie at umupo sa harapan ng aking lamesa."'Di nga? May anak na sila? Pero sa personal info na ibinigay niya sa HR ay single daw siya. Baka hindi kasal." Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ko.Nagkibit-balikat na lamang ako. Kung hindi lamang malas ang pagtanggi sa imbitasyon ng binyag ay tumanggi na ako. Maaari naman akong magpadala ng representative ngunit ayokong isipin nilang bitter ako para hindi personal na dumalo doon."Dadalo ka ba talaga?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lesie nang tingnan ko itong muli.Alam kong nag-aalala siya sa imbitasyon na iyon ni Mateo. Tumango ako. Hindi ko na maramdaman kung ano nga ba ang tunay na emosyong mayroon ang puso ko.Hin