Share

My Sugar Daddy's Brother
My Sugar Daddy's Brother
Author: Rina

Prologue

"The wedding is off." 

'Ni hindi ko na nagawa pa'ng mag-hello sa wedding coordinator namin. Sinabi ko na kaagad ang pakay ko.

Hindi na matutuloy ang aking kasal sa limang buwan kong kasintahan na si Mateo. Isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin at bukas ay kasal na namin.

Labag man sa loob ko na ipakansela ang kasal ay ayoko din naman na mapahiya kapag nasa simbahan na ako at hindi siya sumipot. Isa pa'y ayokong mabahiran ng masamang ala-ala ang araw na dapat ay masaya ako.

Pagkababa ko ng tawag ay kaagad na lumapit sa akin si Lesie, ang personal assistant at nag-iisa kong kaibigan.

Pilit niya man na itago ang pagkaawa sa akin ay nahalata ko pa din iyon sa kan'yang mga mata. Sawa na akong kaawaan simula pa pagkabata. Akala ko'y kapag nagkaroon na ako ng pera ay titingalain na ako at wala nang makikitang awa para sa akin ang ibang tao. Nagkakamali pala ako.

"Iwan mo muna ako Les," matigas kong sabi sa kan'ya. Umupo ako sa kama at hinintay siyang lumabas.

Ilang segundo niya akong tinitigan bago napagpasyahan na magtungo sa pinto at umalis. Dalawang taon na kaming magkakilala pero sapat na iyon upang malaman niyang mas gusto kong mag-isa kapag may problema.

Mula sa repleksyon ng malamlam na ilaw ng lampshade sa aking tabi ay kumislap ang butil ng luhang pumatak mula sa aking mata.

Masakit. Walang kasingsakit.

Sasabihin ng iba na ang tanga ko dahil isang buwan pa lang kaming magkakilala ay ipinagkatiwala ko na kaagad ang puso ko. At sa loob lamang ng limang buwang relasyon ay pumayag na akong magpakasal sa kan'ya.

Mahal ko siya at alam kong iyon din ang nararamdaman niya. Bakit ko kailangang pigilan ang puso kung doon din naman ang tuloy namin?

Masyadong mabilis pero malalim ang pagmamahal ko sa kan'ya.

Ito rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng sobra ngayon.

Pinahid ko ang luha pero napalitan din kaagad iyon ng bago. Tumayo ako at naglakad patungo sa veranda ng aking kwarto.

Pinagmasdan ko ang mga bituin na nagniningningan sa dilim ng kalangitan. Ganitong-ganito ang kinang ng mga mata niya nang araw na sinabi niyang mahal niya ako.

Mahal niya nga ba ako?

Binuksan ko ang aking cellphone at binasa ang huling mensaheng ipinadala niya kanina.

"I'm sorry." Iyon lang ang nilalaman. 'Ni walang sinagot isa man sa mga tanong ko.

Dumoble ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Humikbi ako nang humikbi. 

Parang tinatarak ng matalim na bagay ang dibdib ko. Sana ay literal na gano'n na lang para isahang sakit lang at bukas ay wala na ako. Hindi kagaya nito na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ko mararanasan ang sakit na ito.

Tiningnan ko muli ang cellphone ko. Ang tunog nito ay nasa pinakamalakas. Hindi ko ito maiwan kahit saan sa pag-aasam na anumang oras ay tatawag si Mateo. 

Pero wala.

Nanlalabo na ang mata ko sa mga panibagong luha na nagbabadyang bumuhos. 

Ilang gabi na akong walang tulog. Natatakot na baka hindi ko masagot ang tawag ni Mateo. Pero mukhang wala naman siyang balak gayong bukas na dapat ang kasal namin.

Naupo ako sa coffee table na nandoon, pakiramdam ko kasi'y babagsak na ako sa sobrang pagod. Yumukod ako sa lamesa at ibinaon ang mukha sa pagitan ng aking mga kamay.

Nasa ganoon akong posisyon hanggang sa magising kinabukasan. Maliwanag na sa labas at tumutunog na ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha sa pag-aakalang si Mateo iyon.

Tamad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Lesie.

"Thanks God! Are you okay? Kanina pa kita pinapatawag kay Manang pero hindi ka daw sumasagot. Ayaw din daw ibigay ng magaling mong tatay ang susi ng kwarto mo." Batid ko ang pagkairita sa boses niya.

Katulad ko ay hindi niya din gusto ang pagbabago sa ugali ng aking ama.

Pumanhik ako sa loob ng kwarto at dumiretso sa banyo.

"Yes. Maliligo lang ako," sabi ko habang pinagmamasdan ang mukha sa salamin. Magang-maga ang mata ko. Sa tingin ko'y kailangan ko na naman magsuot ng salamin para maitago ito.

"H'wag ka na munang pumasok. Si Atty. Sheldon na ang nag-represent sa'yo sa meeting." Si Atty. Sheldon ang gumabay sa akin noon nang ipinamana sa akin ang Hacienda Miraflor ng kaibigan niya.

"Papasok ako," pinal kong sabi kahit pa pinipilit niya akong maglibang muna. Mas lalo ko lamang maaalala na dapat ay kasal ko ngayon. Kailangan ko maging abala para makalimutan ang sakit na nararamdaman.

Isa pa'y ayokong pabayaan na lamang ang hacienda dahil sa pagkawasak ng puso ko ngayon.

Bumaba na ako ng mansyon at mas lalong sumama ang timpla ng pakiramdam ko nang makita si Vivian, ang kinakasama ngayon ng tatay ko. Limang taon lamang ang tanda niya sa akin at alam na alam kong pera lang ang habol niya kay tatay.

Mahigit limang taon nang wala si nanay at sanay na ako na paiba-iba ang babaeng dinadala dito ng aking ama. Iyon nga lang ay si Vivian na ang pinakamatagal. Isang taon na akong nagtitiis sa presensya niya dito sa mansyon.

"Good morning Sandra," magiliw niyang bati sa akin. Halatang-halata ang pagiging plastic ng kan'yang ngiti.

Tiningnan ko lang siya at lalampasan na sana kaya lang ay mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Sinabihan ko ang tatay mo na huwag ka ng istorbohin sa kwarto dahil alam kong masakit na hindi matuloy ang kasal. Sayang dahil nakapagawa ka pa naman ng gown saka may reception na. Ang mga kaibigan nga namin ng tatay mo ay pupunta pa sana sa simbahan kaninang umaga mabuti na lang at nasabihan ko," aniya.

Kung sasabak siya sa drama audition ay paniguradong hindi siya papasa dahil hindi ko maramdaman ang sinseridad ng kan'yang sinasabi.

"Okay, aalis na ako." Wala akong balak magpaalam sa kan'ya pero ayoko din naman siyang basta na lang iwanan habang hindi pa tumutulo ang luha sa pekeng drama niya.

Tiningnan ko ang mamahaling kotse na una kong binili sa unang sahod ko bilang may-ari ng hacienda. Maraming pera na iniwan sa akin si Arman ngunit ayokong gastusin iyon sa pansariling luho katulad ng kotseng ito. Inilaan ko na lamang iyon sa pag-aaral ng mga anak ng mga magsasakang naninilbihan sa hacienda .

Sumakay ako at nagsimula nang magmaneho patungo sa hacienda kung nasaan aming opisina. Hindi ko pa din maiwasan ang lumingon sa sidewalk na dinaraanan ko, nagbabakasakaling makita ang mukha ng taong dapat ay kasama ko ngayon sa simbahan.

"Pagkatapos ano? Lalapitan mo? Magmamakaawa ka?" sabi ko sa sarili habang hinihintay na umusad ang trapiko.

Mapait akong napangiti at lumunok ng sariling laway upang mawala ang bara na nararamdaman ko sa aking lalamunan.

Pagdating sa opisina ay pinanatili ko ang matigas na ekspresyon ng mukha upang maiwaksi ang awang nakikita ko sa ilang empleyado. Alam nila ang tungkol sa kasal. Sa katunayan nga ay mayroon dapat na bridal shower silang inihanda sa akin nang nakaraang linggo pero ipinakansela ko iyon

"Good morning Miss Cassandra," bati sa akin ng isa sa mg empleyado na naabutan kong naglalagay ng ilang papeles sa lamesa ni Lesie. Halata ang pagkabigla niya, marahil ay nagtataka kung bakit ako nandito.

Iniisip siguro nila na magmumokmok ako sa bahay.

Well, I'm sorry. I am born to be tough. Sawa na akong kaawaan. I learned how to value myself more. I love him. I still do, pero hindi ko ida-down ang sarili ko para lamang ipakita sa iba na nasasaktan ako. Ayokong bumalik siya dahil naaawa siya sa akin.

"Para sa akin ba iyan?" tanong ko sa kan'ya.

"Y-yes po miss," nauutal niyang sabi. Sanay na akong natataranta ang mga empleyado sa tuwing kausap nila ako. 

That's me and my intimidating aura na limang taon kong inaral. You can never be an effective CEO kung mabait ka palagi.

Kinuha ko ang files at dinala papasok sa aking opisina. Suddenly, I felt the urged to cry. Being tough around them and weak when I'm alone isn't fun at all.

Dumiretso ako sa table ko upang abalahin ang sarili sa trabaho. 

Maya-maya pa'y sumilip na si Lesie sa pintuan at nakangiting pumasok nang makita ako. Hirap man ay nginitian ko siya pabalik. Kasunod niyang pumasok ay si Atty. Sheldon

May dala-dala siyang pagkain. Wala akong ganang kumain ngayon pero ayokong isipin nila na apektado ako sa nangyari kaya tumabi na ako sa kanila sa receiving area ng aking opisina.

"Anong plano mo ngayon sa supplier natin ng mga materyales sa ginagawang pabrika ng tsokolate? It seems like sumama na ang negosyo ni Mateo sa pagtatago niya sa'yo," pasaring ni Atty. Sheldon habang binubuksan ang pagkain sa kan'yang harapan.

Parang mas lalo akong nawalan ng gana sa kan'yang tanong.

He has always been insensitive. He is too professional. Ang klase ng pamamalakad na ginagawa ko ngayon sa negosyo ni Arman ay natutunan ko sa kan'ya.

"I'll give him another two weeks to report and continue supplying us. Besides, isang buwan naman talaga ang nasa kontrata before I terminate it." 

Nagkakilala kami ni Mateo dahil ang negosyo nilang construction hardware ang nag-su-supply ng mga materyales sa ipinapagawa naming pabrika.

"Sandra, its been a week," matigas niyang sabi.

"Well atleast wait for them to send any explanation. Besides mayroon pa naman tayong supplies at sapat pa iyon," katwiran ko kahit pa ang totoo ay ayokong putulin ang nag-iisang ugnayan na mayroon kami. Doon na lang ako umaasa upang malaman kung nasaan siya.

Marahas na bumuntong hininga si Atty. Sheldon. Nauubusan na siya ng pasensya sa akin. Kailan ba humaba ang pasensya niya? Simula nang makilala ko siya ay wala na yatang araw na hindi kumukunot ang kan'yang noo.

"Hayaan mo na Attorney si Sandra, masyado ka na naman stress d'yan. Sige ka 32 ka pa lang pero 'yong wrinkles sa noo mo magmumukha ng 60 years old," pang-aasar ni Lesie.

Kung mayroon man tao na kayang-kaya siyang barahin ay si Lesie iyon. Napangiti ako nang umirap si Atty. Sheldon. He's pissed off with my personal assistant, pero hindi niya kayang bulyawan ito.

Days went fast, I already sent a formal letter to Mateo's office regarding their failure to follow what is on the contract. Wala nang supply ng materyales ang site kaya kinailangan na namin na maghanap ng ibang supplier.

Gusto kong isipin na ini-scam niya na ako pero binalik na ng kampo nila ang pera na paunang ibinayad namin. Kung tutuusin ay wala na silang pananagutan sa amin. Pero gusto ko pa din na makausap sila nang pormal.

Nais ko siyang makita at marinig kung ano ang tunay na nangyari. Handa akong tanggapin ano man iyon.

"Mr. Ajero's price matrix of machines are too expensive. Look for another supplier that will suit our budget. Meeting adjourn," diretsa kong sabi bago iniwan ang ilang empleyado ko sa conference room.

Dumiretso ako sa ladies room.

Hindi pa ako nagtatagal sa isang cubicle ay narinig ko na ang kwentuhan ng dalawang babaeng pumasok.

"Totoo girl! Nakita talaga ni Mang tony si Sir Mateo sa isang resort sa Sitio Carmona. May kasama daw na babae. Ang sweet nga  ng dalawa, tingnan mo 'tong picture." 

Pinanlamigan ako sa narinig. Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas kung kaya't nagulat sila.

Pilit kong pina-normal ang ekspresyon ng mukha kahit pa nasasaktan ako sa narinig.

"Breaktime na ba?" mataray kong tanong bago tinitigan ang cellphone na hawak ng isa sa kanila.

"Is that Mateo?" lakas loob kong tanong bago hiningi ang cellphone sa kanila.

Kinakabahan man ay nagawa pa din nilang tumango at ipakita iyon sa akin.

Mateo was smiling ear to ear while the girl beside him was like talking some funny sh*ts.

"That only justify na tama ang desisyon kong ikansela ang kasal. Poor him for losing me." I stepped back with a smirk that disappeared as soon as I walked into my temporary office.

My heart isn't just broken, it has been ripped apart.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
interesting story......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status