Nang matapos ang blood-letting activity ay tumulong muna kami sa pagliligpit at paglalagay ng mga ginamit sa service van ng Red Cross. Pagkatapos ay nagpaalam na agad ako sa mga kaibigan ko dahil may daraanan pa ako.
"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita sa inyo, Gella?" tanong sa akin ni Archi nang makarating kami sa may parking lot.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya bago tinapik ang kanyang balikat. "Thanks for the offer, pero susunduin ko pa talaga ang kapatid ko at kailangan ko pang umuwi sa condo ko bago pumasok sa part-time job ko." He sighed before finally letting me go. I waved him goodbye and walk towards my golden Wildtrak.
Pagpasok ng sasakyan ay agad akong nagsuot ng seatbelt bago ito pinaandar. Nagmaneho na ako palabas ng university at dumiretso na sa school ng nakababata kong kapatid. Nang mamataan ng binatang Skylen Arrius Carvajal ang aking sasakyan ay agad siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa bench na nasa tabi ng guardhouse. Binuksan ko ang pintuan ng front seat at hinintay siyang pumasok at umupo roon.
"How's school, baby?" malambing na tanong ko sa kapatid.
He immediately pouted his lips while putting on his seatbelt. "I'm not a baby anymore, Ate! Junior high school na ako..." protesta niya sa akin.
I chuckled and softly pinched his cheek. "But you're still my baby!"
He just sighed and ignored what I said. I smiled and continued driving. Habang nasa biyahe ay nagkukwento siya sa akin tungkol sa mga ginawa niya kanina sa school. "Kailan mo ba ako isasama sa condo mo, Ate?" Napasulyap ako sa kanya dahil sa biglaan niyang pagseseryoso.
"Why? Would you like to visit my condo sometime? Wala ka bang homeworks? If you have time, just tell me para maisama kita," sagot ko.
Muli akong sumulyap sa kanya nang maramdaman ang pagtatagal ng tingin niya sa akin. Nang makitang nakatingin ako ay agad siyang nag-iwas at tumuwid nang pagkakaupo. "No... I want to move out of the house and live with you already, Ate," napapaos na aniya habang nakatingin sa labas ng bintana. Dahan-dahan kong inapakan ang preno nang makitang naabutan ako ng stoplight. Sinulyapan ko siya mula sa rearview mirror at pinagmasdan ang kaseryosohan ng kanyang mukha.
I've always thought he was too young for the way he thinks and acts. He's already mature at his young age, mentally and a bit physically. Minsan nga ay napagkakamalan kaming magka-edad lang dahil bahagya siyang mas matangkad sa akin ngayon at medyo matikas na rin ang kanyang pangangatawan. The only thing that makes him appear younger for me is his baby face. His face looks angelic and has softer features than mine. Sabi nila nagmana raw ako kay Mommy at sigurado naman akong namana niya ang kanyang mukha at tindig kay Daddy.
"Pinapahirapan ka ba ni Mommy sa bahay?"
Napatingin siya sa akin at nakitaan ko rin ng pag-aalinlangan ang kanyang mga mata. "N-no. It's just..." he trailed off before looking away. "Our house doesn't feel like home ever since you've been gone, Ate. Mommy's always at work at palagi siyang late umuwi. Kapag naman nasa bahay siya ay madalas nasa opisina lang siya buong araw o kaya ay nasa kanyang kwarto. Tuwing nakikita niya naman ako, it's either she will scold me or push me away."
I bit my lower lip as I pulled the gear stick to drive. Pinanatili ko ang tingin sa unahan dahil natatakot akong salubungin ang kanyang namumungay na mga mata. Bata pa lang ako simula noong naghiwalay ang mga magulang namin at iniwan kami para sa ibang babae ni Daddy. I was three and a half years old back then and Mommy is six months pregnant with Skylen when she found out about Daddy's other woman and worse... mayroon pa silang anak na mas matanda ng isang taon sa akin. Ibig sabihin ay hindi pa ako ipinapanganak noong nagsimulang magkaroon ng ibang babae si Daddy.
We were very devastated back then, especially when Daddy chose his other woman and left us. Naging delikado ang pagbubuntis ni Mommy dahil doon ngunit sa kabutihang palad ay ipinanganak namang malusog ang kapatid kong si Skylen. But because of what happened, Mommy became distant from my brother. Habang lumalaki si Skylen ay lalong lumalayo ang loob sa kanya ni Mommy. She thinks that my brother reminds her of our tragic past, especially because we can definitely see his resemblance to my father. Ibinibigay sa akin ni Mommy ang buong atensyon at pagmamahal niya pero sa kapatid ko ay naging malupit siya. Maybe that's the reason why my brother grew mature and strong.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay pinatay ko muna ang makina ng sasakyan. Nanatili kaming tahimik sa loob ng sasakyan. I sighed and caressed his cheek. "Konting tiis na lang, bunso. I promise I'll take you with me kapag nakaipon na ako nang malaki. For now, stay with Mommy because he needs you," malungkot na sabi ko.
He swallowed hard and slowly nodded. "Okay, Ate... I'm sorry for being selfish. Hindi ko dapat iwan si Mommy ditong mag-isa."
I smiled and slightly tapped his soft cheek. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Humalik siya sa aking pisngi bago magpaalam. "I'll see you tomorrow, Skylen..." nakangiting sabi ko habang pinapanood siyang lumabas mula sa aking sasakyan.
Ini-start ko na ulit ang sasakyan at ini-lock ang mga pinto bago umambang aalis na ngunit agad akong napatigil nang bumukas ang gate ng bahay. Napakurap-kurap ako nang makita si Mommy na naglalakad palabas ng bahay at papalapit sa sasakyan ko habang nakangiti. She is wearing her usual long silk robe and her hair is fixed into a French braid updo. Pinatay ko muli ang makina ng sasakyan at tinanggal ang aking seatbelt bago lumabas ng sasakyan.
"Mommy..." rinig kong tawag sa kanya ni Skylen ngunit sinulyapan lang siya nito. Her hawk eyes remained watching me as I stepped out of my car and walk calmly towards her. Pagkalapit ay sinalubong niya ako ng isang mainit na yakap at ginawaran ng halik sa aking pisngi.
"Hija, I have been waiting for you to pay me a visit. What took you so long?" madamdaming tanong niya sa akin. "Halika at pumasok ka muna sa loob! Dito ka na rin matulog ngayong gabi..."
"I have been busy with my studies, Mom..." Sumulyap ako sa aking kapatid na nakatingin lang sa lupa at mahigpit ang kapit sa strap ng kanyang suot na backpack. Ibinalik ko ang tingin kay Mommy at pagod na ngumiti. "Hindi po muna ako uuwi rito ngayon, uuwi pa po kasi ako sa condo para magbihis at pumasok sa trabaho ko."
Her brow shot up. "You still work in that café? Anak, hindi ba't sinabi ko na sa'yong huwag na lang dahil pwedeng-pwede ka namang humingi sa akin? You don't have to force yourself—"
Ngumiti ako bago umiling. "Mom, I'm fine. I'm only working on Fridays and weekends. At isa pa, I moved out of our house so of course, I needed money to support my necessities."
She looked confused. "What about your allowance?"
"I'm using it for more important things. Ang natitira ay idinadagdag ko po sa ipon ko. You don't have to spoil me too much."
"What about your studies?" She narrowed her eyes and watched me intently. "Nahihirapan ka na ba sa pag-aaral ng kursong kinuha mo?"
Napabuntong-hininga ako. Damn, I know where this conversation is heading to. I shook my head and forcefully smiled. "Sakto lang po. Malapit na po kasi ang final exams kaya medyo nagiging busy na po ako sa pag-aaral," mahinahong sagot ko.
Umiling-iling siya na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. "Hay naku! Sabi ko naman kasi sa'yo dapat ay nag-engineering ka na lang! Makakatulong ka pa sa kumpanya natin at para ikaw rin ang magmana ng—"
I shut my eyes and sighed. "Mom, please..." napapagod na sabi ko. "We've already talked about this before. I'm doing fine in my studies at hindi naman po ako nagpapabigat sa inyo pagdating sa tuition dahil may scholarship ako.”
She looked offended by my choice of words. "Ewan ko ba kung bakit ang tigas ng ulo mo, Georgianna Isabella! Manang-mana ka talaga sa Daddy mo!" she said the last words with a hint of disgust.
I kissed her cheek. "Mauuna na po ako, Mommy. Male-late na po ako sa trabaho," malamig na sabi ko bago bumaling sa kapatid ko.
"Take care, Ate Gella..." halos pabulong na aniya bago yumakap sa akin.
Ginulo ko ang kanyang buhok habang nakangiti. "Take care, too. Ikaw na ang bahala kay Mommy, okay?" He pursed his lips and slowly nodded.
Pumasok na ako sa aking sasakyan at pinaandar ang makina nito. Bumusina na lang ako bilang pamamaalam bago nagsimulang magmaneho. Sinulyapan ko sila muli sa side mirror at nakitang nakasunod lang sa likuran ni Mommy ang kapatid ko habang papasok sa bahay. Bumuntong-hininga ako at pinaharurot na ang aking sasakyan palabas ng subdivision at patungo sa highway.
Sa kalagitnaan ng aking pagta-trabaho sa café ay tumunog ang aking cellphone hudyat ng isang mensahe. Tinapos ko muna ang ginagawang order at hinatid ito sa table ng customer bago sinilip ang mensaheng natanggap.
From: Skylen
I'm sorry about earlier, Ate. Pangako ko, magtatapos ako ng pag-aaral at magiging engineer. Just continue chasing your dreams at ako ang bahalang tumupad sa pangarap ni Mommy para sa iyo. I love you.
Napangiti ako sa mensahe ng aking kapatid at nagsimula nang magtipa ng aking reply ngunit napatigil ako nang tumunog muli ang cellphone ko dahil sa panibagong mensahe.
From: Caleb Avanzado
Good evening. Kumain ka na ba? :)
Napataas agad ang isang kilay ko. Seriously? Does he use emoticons in text messages? That is very out of his character! He looked very snobbish and awfully silent in person! Agad akong nagtipa ng reply sa kanya.
To: Caleb Avanzado
I'm busy. Stop texting me. :)
I smirked after I added a smiley emoticon on my reply, too. Inilagay ko na ulit sa bulsa ng apron ang aking cellphone at nagpatuloy na sa paglilinis ng mga tray. Nang matapos ang aking shift ay tumungo na agad ako sa staff room upang magbihis at kunin ang aking mga gamit sa locker. Habang naglalakad palabas ng café ay nagbukas ako ng inbox upang tingnan ang apat na unread messages at nakitang tatlo roon ay galing kay Caleb.
From: Caleb Avanzado
Okay. Sungit :(
My brow shot up in amusement when I noticed that he replied immediately after my reply earlier.
From: Caleb Avanzado
So... Do you like Messi?
I chuckled as I shook my head out of disbelief and amusement. Bakit iba siya sa text at sa personal? He doesn't really look eager and friendly in person. I expected him to be more... mature, I think? Yung tipong hindi mahilig mag-text at tipid din kung mag-reply. Well, that is why we should never judge the book by its cover, huh?
From: Caleb Avanzado
Eat your dinner. See you on Monday! Huwag kang magpahalata na na-miss mo ako ha? Haha.
I scoffed and put my phone back on my pocket. Bakit ang feeling close naman yata ng lalaking ito? At talagang nilubos niya na ang pagkakuha niya ng number ko, huh? Mukhang gusto pa yata niyang maging textmates din kami?
Hindi ko na siya ni-reply-an pa hanggang sa makauwi ako sa aking condo. Pagkarating doon ay nag-shower muna ako at nagbihis bago pabagsak na humiga sa aking kama. Mabilis naman akong ginapangan ng antok dahil na rin siguro sa pagod.
Mabilis na lumipas ang weekends at ngayon ay Lunes na naman. Pagkarating ko sa school ay dumiretso muna ako sa aking locker upang iwan ang uniform na pamalit ko dahil nakasuot ako ng uniform namin para sa NSTP. I tied my long hair into a high ponytail before walking out of the ladies' restroom. Nakihalubilo muna ako sa mga kaklase ko habang hinihintay ang pagdating ng aming propesor. Nandito kami ngayon sa gymnasium dahil dito kami madalas nagka-klase ng NSTP.
Napasulyap ako kay Rafael nang bigla siyang humikab sa tabi ko. "Ayoko talaga sa schedule ng NSTP natin! Monday na nga tapos ang aga pa ng pasok!" reklamo niya. I can't help but agree with him. Hindi nga lang ako sumang-ayon sa kasunod niyang sinabi. "Mabuti na lang at maraming boylet dito sa gym kaya masarap ang almusal," dugtong niya habang malagkit na nakatingin sa varsity players ng basketball team na maagang nagte-training.
My eyes wandered at the gymnasium and stopped when I spotted a familiar face. Napatuwid ako nang pagkakaupo at napakurap nang ilang beses upang makasigurado. Nasa akin ang kanyang tingin habang naglalakad papasok sa gymnasium. Bumaba ang tingin ko sa matipuno niyang pangangatawan ngunit agad ko itong inangat at ibinalik sa kanyang mukha. He looked manly and insanely attractive wearing his usual cadet uniform. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay nakitaan ko ng multo ng isang ngiti ang kanyang labi kaya napaiwas ako ng tingin.
"Good morning..." Napaubo ako sa gulat dahil sa biglaang pagbati niya ngunit napagtanto kong hindi lang pala iyon para sa akin dahil sabay-sabay ring bumati ang mga kaklase ko sa kanya. My face heated so bad in embarrassment.
In-announce niya na hindi raw makakapasok ang professor namin sa NSTP dahil mayroon daw itong pinuntahang seminar at siya muna ang kinuha bilang substitute teacher para sa araw na ito. Ang propesor kasi namin sa NSTP ay isa ring reserve na sundalo at nagte-train din sa mga estudyante ng ROTC kaya hindi na ako magtataka kung bakit may koneksyon siya sa lalaking ito.
"Sis, 'di ba siya 'yong manliligaw mo?" kuryosong tanong sa akin ni Ivory bago nginuso ang lalaking nagsasalita sa unahan.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko nga sabi manliligaw 'yan!" pabulong na singhal ko sa kanya.
Humalakhak siya kaya napatingin sa gawi namin si Caleb. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "So as I was saying... our topic for today is about triangular bandaging techniques. Magsimula na tayo agad para maaga ko kayong ma-dismiss." Umalis siya sa aming harapan at sumunod naman sa kanya ang NSTP officers ng klase namin upang tulungan siyang magbitbit ng mga gagamitin niya para sa gagawing demonstration.
Tinuro niya muna sa amin ang basic parts ng isang triangular bandage bago nagsimulang mag-discuss kung para saan ito gagamitin at kung paano iyon gawin. "The triangular bandage can be used in various ways like for immobilization of broken bones and soft tissue injuries. It is very useful for first aid."
Nang masigurado ni Caleb na mayroon na kaming tig-iisang bandage ay itinuro niya na kung paano magtupi from open phase to narrow-fold bandage. "Now I need one volunteer para maipakita ko sa inyo ang step-by-step procedure kung paano gumawa ng arm sling gamit ang triangular bandage..." he trailed off before glancing at me.
Napatingin ako kay Ivory at Rafael nang bigla silang umubo nang peke sa magkabilang-gilid ko habang sumusulyap-sulyap sa akin. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin at kinurot sa tagiliran.
"Aray! Sir Caleb, si Gella po oh, nambubully!" pang-elementary na sumbong ni Ivory.
"Oo nga, Sir! Gusto po yatang mag-volunteer ni Gella!" gatong pa ni Rafael sa kanya.
I sighed out of frustration and tried to calm myself before looking at him. He titled his head while looking at me, amused with a playful smile plastered on his lips. "Bulong po kasi ni Rafael sa akin ay gusto niya raw mag-volunteer para makalapit sa'yo... Sir," I calmly said before smirking at my friend.
Kinatiyawan naman siya agad ng mga kaklase namin at bahagya pa siyang pinagtulakan hanggang sa tuluyang mapapunta sa unahan kaya wala na siyang nagawa. Nakahinga ako nang maluwag at inabala na lang ang sarili sa hawak na bandage habang nakikinig sa demonstration nila.
Dear beloved readers, Hi, this is itsartemiswp! I would like to take this opportunity to thank each and everyone of you who've made it to the end of My Sweet Surrender. This is actually my first time writing a medicine-related fiction/romance-medical fiction. Isa ito sa mga akda kung saan mas naging malaya at kumportable akong magsulat. Kung mayroon man kayong natutunang aral sa istoryang ito, gusto ko lang malaman niyo na marami rin akong napulot na aral habang sinusulat ko ito. I dedicate this story to my beloved Artemians, my readers, who supported me until now and to the people who always believed in my potential as a writer. I love you all so much! At ikaw na umabot hanggang dito, this is for you. From the bottom of my heart, thank you very much. <3 See you in my next one! Love, itsartemiswp
Itinutok ko ang laser pointer sa isang litratong nilagay ko sa aking presentation bago ibinalik ang tingin sa aking propesor sa Clinical Correlation. “In this figure, the supraclavicular lymph node biopsy, accompanied by histologic examination and immunohistochemical analysis, showed the presence of Reed-Sternberg cells, which serve as a marker for Hodgkin lymphoma, and a positive test for CD30, which both made the diagnosis of classical Hodgkin lymphoma,” I trailed off and glanced at the man patiently waiting in front of our classroom while watching me present. Tumikhim muna ako bago muling nagpatuloy. “Based on the complete staging workup, the final diagnosis for this 27-year-old patient was classical Hodgkin lymphoma, nodular sclerosis subtype, stage IV-A.”“Very well done, Ms. Carvajal! Let’s give her a round of applause!” magiliw na pagbati sa akin ng aking pr
“Georgianna, pahiram naman ako ng notes mo sa Math! Nalimutan ko kasi sa bahay ‘yong reviewer ko, hays!” Pinagtaasan ko ng isang kilay ang kaibigan kong si Tatiana na halatang kakapasok lang sa aming silid-aralan at mukhang hinihingal pa dahil sa pag-akyat ng hagdan. Ngumiti siya nang matamis sa akin at pabirong kinurot ang aking pisngi. “Pretty please?”Napabuntong-hininga na lang ako sa pangungimbinsi niya sa akin at patamad na inilahad sa kanya ang aking reviewer. “Tinanghali ka na naman ng gising, ‘no?” napapailing na puna ko sa pagka-late niya ngayon sa klase.Sinimangutan niya ako habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang kamay. “Napuyat kasi ako kaka-review kagabi,” depensa niya sa sarili gamit ang maliit na boses.Napaangat muli ang isang kilay ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang pagbaling ng buong atensyon sa kaibigan. “Talaga? Bakit sabi sa akin ni Jona ay ma
"Huling time-out para sa Grade 12 Humanities and Social Sciences strand," the announcer said. "Go, HUMSS! Go, Caleb!" "Akin ka na lang, Avanzado!" "Caleb lang malakas!" Tinukso ako ng teammates ko dahil sa tilian ng mga nanonood ngayon sa basketball championship game namin sa Intrams. Kalaban namin ngayon ang Basic Education Department na karamihan ay Grade 9 and Grade 10 students ang nasa line up. Kami naman ang representative ng senior high school department dahil natalo namin ang ibang strands at ang mga Grade 11. Noong semi-finals ay hindi namin inaasahang matatalo nila ang College Department ngunit ngayon ay napagtanto kong magagaling nga talaga ang players ngayon ng Junior High. Napailing na lang ako at lumagok mula sa water bottle na inabot sa akin ng aming manager. "Ganoon pa rin ang plano. Mas higpitan niyo pa ang depensa niyo para hindi na makahabol pa ang kabilang team. Tandaan niyo, dalawa lang ang lamang niyo kaya bantayan
Pagpasok ko pa lang sa ospital ay dumiretso na agad ako sa front desk upang tanungin kung saan ang room ni Daddy. Pagkabukas pa lang ng elevator sa tamang palapag ay naglakad na agad ako palabas. Hindi na ako nagulat nang nakasalubong ko si Allena sa hallway. Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako na agad namang napalitan ng iritasyon. "Anong ginagawa mo rito?" pigil niya sa akin ngunit hindi ko siya pinukulan ng pansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Marahas niyang hinigit ang braso ko at pilit akong hinila paharap sa kanya. "Akala mo ba ay hindi ko nalalaman ang panglalandi mo sa fiancé ko habang wala ako?" Pagod ko siyang tiningnan at hinarap. "Ano na naman ba, Allena?" I drawled lazily. Humalukipkip siya at taas-noo akong tiningnan. "Just so you know, Georgianna, naging kami ni Caleb noong nawala ka. Nagkabalikan kami at nag-propose siya sa akin two years ago," she confidently said before showing off her engagement ring on her ring finger.
Pinanatili ko lang ang tingin sa pasyenteng maingat na itinutulak ngayon palapit sa helicopter. Bahagyang bumigat ang bawat paghinga ko nang maramdamang tumabi si Caleb sa akin. "Dr. Carvajal, sasamahan mo ba ang pasyente?" tanong ng isang paramedic sa akin. Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumunog ang aking dalang two-way radio. "Dr. Carvajal, are you there?" I cleared my throat before speaking. "Received. What do you have there?" "Doc, we have an emergency case here. We have a trauma patient. His vitals are currently stable. He suffered from some abrasions and he's complaining about wrist pains. Na-check na po namin kung may nararamdaman ba siyang sensation sa kamay pero hindi niya raw maigalaw ang kanyang hinlalaki." Saglit akong napaisip. "Baka naipit ang median nerve niya. Use a pad splinter on his arm for now. Dalhin niyo muna sa rescue tent at hintayin niyo ako riyan." "Copy, Doc." Ibinaba ko muna ang radyo upang tumulo