Share

Chapter 4

Rosi's POV

"Huwag n'yo siyang hayaang makatakas!"

Bago ko pa marating ang pinto ng simbahan, nakaharang na roon ang mga bodyguard ni Don Isidro. Pare-parehong armado ang mga ito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!"

Nilingon ko si Don Isidro. Halos magmakaawa ako sa kaniya habang umiiling. "Nagsinungaling kayo sa akin! Hindi n'yo sinabi ang totoo!"

"Anong gusto mong gawin ngayon? Nasa magulang mo na ang mga pera at kasalukuyan nang inooperahan ang inay mo!"

"Nagmamakaawa po ako sa inyo! Magtatrabaho ako kahit habang-buhay, mabayaran lang kayo!"

"Isang linggo! Kapag hindi mo itinuloy ang kasal, kailangan ninyo akong bayaran sa loob ng isang linggo! At oras na hindi ninyo nagawa, ikaw at ang mga magulang mo, ipapakulong ko!"

Natigilan ako sa mga sinabi niya. "Maawa naman kayo, Don Isidro."

"Sa kulungan na magpapagaling ang iyong inay! Ano? Gusto mo pa ring umalis? Ayaw mong ituloy ang kasal? Sige! Umalis ka!"

Mabilis na nagbigay ng daan ang mga bodyguard ng matanda. Ngayon ay wala nang nakaharang sa pintuan ng simbahan.

"Maawa kayo! Ayaw kong magpakasal sa pangit n'yong anak!"

"Inutil!" Malakas ako nitong sinampal. Bumagsak ako sa pulang carpet habang umiikot ang paningin. "Pareho lang kayo ng ama mo! Mapagmalaki! Mga wala namang silbi!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan akong umiyak habang hawak ko ang pisngi kong humahapdi dahil sa malakas na pagkakasampal dito.

Umiyak ako nang umiyak. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak doon. Hindi ko kayang hayaan na makulong ang mga taong tinuturing ko nang magulang, pero hindi ko rin kayang magpakasal sa pangit na anak ni Don Isidro.

"Sixto."

Nag-angat ako ng paningin nang marinig ang sinabi ng don. Nakita kong iika-ikang naglakad palapit sa akin ang pangit nitong anak. Hindi pa pantay ang mga paa nito kaya para itong sumasayaw kung maglakad!

"Don Isidro, ako na ho."

Muli ko na naman narinig ang malaki at malalim nitong boses. Buong akala ko ay maayos at kagalang-galang ang hitsura nito, pero kabaliktaran pala! Nakakasuka siya!

Nagpakawala ng hangin si Don Isidro bago bumalik sa upuan nito. Lumuhod naman sa harap ko ang anak-anakan niya.

Mabilis akong nag-iwas ng mukha. Ayaw kong makita sa malapitan ang mukha nito dahil nandidiri ako!

Natigilan ako nang marahan niyang hinawakan ang pisngi ko para pahirin ang aking mga luha.

"Huwag mo akong hawakan!" Tinabig ko ang kamay niya.

Nahalata kong nasaktan ito sa ginawa ko, pero wala akong pakialam.

"Magpakasal ka na sa akin."

"Anong akala mo sa akin? Hibang? Tanga lang ang magpapakasal sa iyo!"

Ilang ulit itong lumunok. Hindi naman ako ganito kasama. Hindi ako tumitingin sa hitsura ng isang tao, pero pakiramdam ko kasi ay nadaya ako. Lagi na lang nangyayari sa akin ito. Porke ba mahirap lang ako, tatapak-tapakan na lang ako ng ibang tao?

"Magpakasal ka sa akin para hindi kayo ipakulong ni Don Isidro. Kapag lumipas ang ilang buwan, maghihiwalay tayo."

Natigilan ako sa pag-iyak nang dahil sa sinabi niya. Malungkot itong ngumiti nang magtama ang mga mata namin.

Mariin akong pumikit. Ayaw kong pumayag pero ano bang choice ang mayroon ako? Wala akong mapagkukunan nang dalawang milyon sa loob ng isang linggo, at hindi ko rin kayang makulong kami.

Sa huli, pumayag ako sa inaalok ni Sixto. Sabay kaming naglakad papunta sa harap ng altar.

"You may now kiss the bride," the priest said.

I immediately looked away from the ugly man in front of me. Gusto kong malaman nito na ayaw kong magpahalik sa kaniya. But Sixto cupped my face and gave me a soft kiss on the forehead. Doon nagtapos ang seremonya ng aming pag-iisang dibdib.

***

"Patayin mo ang ilaw!"

Nakaupo ako sa kama habang yakap ang puting kumot sa hubad kong katawan. Tonight is our honeymoon. At dito kami magha-honeymoon sa Villa Hernandez.

Pinatay ni Sixto ang ilaw sa kuwarto, pero dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa salaming bintana, nagagawa kong maaninag ang bawat galaw niya.

Nandidiri ako. Isipin pa lang na hahawakan niya ako, hahalikan at aangkinin, gust kong masuka. Karma na ba ito sa akin sa ginawa ko kay Gary? Naging faithful ito sa akin sa loob nang dalawang taon, pero niloko ko siya at binenta ang katawan ko sa mukhang halimaw na ito!

Ngayon, wala na sa akin si Gary at ikinasal pa ako sa pangit na anak-anakan ni Don Isidro!

"Sandali!" sigaw ko nang hawakan niya ako.

"Pumayag na akong makipaghiwalay sa iyo makalipas ang ilang buwan, gawin mo naman ngayon ang tungkulin mo bilang asawa ko."

"Anong sinabi mo? Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ko ginustong maikasal sa iyo—ahh!"

Inihiga niya ako sa kama. "Gusto mo bang totohanin ni Don Isdro ang banta niya? Hindi porke kasal na tayo, wala ka nang magiging problema. Hangga't hindi mo nagagampanan sa akin ang pagiging asawa ko, puwedeng-puwede niya kayong ipakulong ng mga magulang mo!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa narinig. Huminga ako nang malalim nang makitang naghuhubad na siya ng damit niya. Napakislot pa ako nang dumantay ang mainit niyang palad sa hita ko. Pumasok iyon sa loob ng laylayan ng suot kong nightgown.

Inumpisahan niya akong angkinin. Mas mapaghanap at mas marahas kaysa noong unang beses namin.

"Aaaah! S-sandali, dahan-dahan!"

Hindi ko na nagawang magsalita nang siniil niya ako ng halik sa mga labi. Mariin akong pumikit at pilit winaglit sa isipan ko na isang pangit na lalaki ang umaangkin sa akin.

That night, he took me fast and rough. At hindi lang isang beses may nangyari sa amin.

***

"Anak!"

Masigla kong sinalubong sina Itay at Inay kasama ang bunso kong kapatid na si Gio. Kalalabas lang ng hospital ni Inay. Ayaw pa sana itong payagang umuwi ng doctor, pero nagpumilit ito dahil excited silang tumira sa Villa Hernandez.

"Oh, nasaan si Don Isidro? Nasaan ang balae ko!" masayang tanong ni Itay.

"May nilakad ho kaninang madaling araw, pero pabalik na iyon."

"Ah, ganoon ba? E, syempre! Negosyante iyon! Maiintindihan naman namin kung hindi niya kami mawe-welcome sa bago nating bahay!"

Ngumiti ako nang hindi abot sa mga mata. Dalawang araw pa lang ang lumilipas mula nang maikasal kami ni Sixto. Sa gabi lang kami nagsasama dahil sa araw, todo iwas ako rito.

Hinawakan ako ni Inay sa kamay at hinila palapit sa kaniya. "Anak, nasaan na ang asawa mo? Kumusta naman? Maayos ba ang pakikitungo niya sa iyo? Guwapo ba, ha? Macho?"

"Aba, syempre! Nakita mo naman kung gaano katikas si Don Isidro kahit may edad na!" singit na itay na ikinatahimik ko.

"E, sandali! Bakit ganyan lang ang suot mo? Ano ba iyan? Parang wala naman nagbago sa iyo!" pinuna ni Inay ang suot kong t-shirt at maong na pants. "Donya ka na ngayon! Asawa ka ng nag-iisang anak ni Don Isidro, kaya dapat lang na mamahalin na rin ang mga sinusuot mo!"

"Oo nga naman, ate! Sa ayos mo, para ka pa rin mahirap! Hindi bagay ang ganyang ayos sa malapalasyong bahay na ito!"

"Tama ang kapatid mo, Rosi. Ano ba namang ayos iyan, anak?" maging si Itay ay pinansin na rin ang kasuotan ko. Wala silang kaalam-alam sa totoong sitwasyon ko dito sa villa.

"Magandang araw ho." Kinabahan ako nang biglang lumapit sa amin si Sixto. Kinuha nito ang mga gamit na dala nina Itay at Inay. "Ako na ho. Welcome sa Villa Hernandez."

"Oh, anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Itay na sinundan pa nito ng tawa. "Ang pangit naman ng batang ito!"

"Tumatanggap pala ng pangit na trabahante si Don Isidro? Aba'y dapat pinapalayas niya ang mga ganito ang hitsura! E, mukhang magnanakaw ito, e!"

"Inay." Hinawakan ko ito sa kamay at inilingan.

"O siya! Hayan!" Tinapon ni Inay kay Sixto ang dala nitong shoulder bag. "Dalhin mo ang mga gamit namin! Pakisabi na rin sa katulong, dalhan kami ng juice at ako'y nauuhaw! Iyong malamig, ha?"

Gusto kong umiling sa mga nangyayari. Mabilis akong hinila ni Inay at excited itong luminga sa paligid.

"Nasaan na ba ang asawa mo, Rosi? Bakit hindi man lang kami sinalubong? Mukhang matapobre yata!"

Hindi pa ito tapos magsalita, mabilis na sumunod sa amin si Sixto at humarang pa sa harap namin.

"Hoy, pangit! Ano pang ginagawa mo dito? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng darling ko? Ikuha mo kami ng juice!"

"Ah, welcome po sa Villa Hernandez, itay. Inay. Ako nga po pala si Sixto, ang asawa ng anak n'yo." Malapad na ngumiti si Sixto sa mga magulang ko.

Natigilan bigla sina Itay at Inay. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin.

"Rosi, ano bang pinagsasabi ng pangit na iyan? Ikaw? Papatulan ng anak namin? Hoy! Huwag kang mangarap nang dilat, ha! Ang nag-iisang tagapagmana ni Don Isidro ang asawa ng aking anak!" pagpupumilit ni Inay.

Pinigilan ko nang magsalita pa ang mga ito. "Totoo po ang sinasabi niya, inay. Siya po ang anak-anakan ni Don Isidro, ang asawa ko."

Halos malaglag ang panga nila sa nalaman.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Update po thanks
goodnovel comment avatar
Caroline Parazo
wagas makalait ha
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ay bet ko to mukhang beauty and the best...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status