Share

Kabanata 21

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-05-22 01:33:51
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing 'yon. Pagkababa ko ng taxi, ramdam kong mabigat ang mga hakbang ko. Hindi dahil sa pagod—kundi dahil sa balitang natanggap ko kanina mula kay Tita Amor.

“Luigi will be flying to Thailand tomorrow. He didn’t tell you?” tanong niya sa telepono, at ang tono ng boses niya ay punong-puno ng pagtataka.

Hindi ako agad nakasagot.

Thailand? Bakit? Bakit ngayon?

Ni isang salita, wala akong natanggap mula kay Luigi. Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam. At habang lumilipas ang bawat oras, mas lalo akong kinakain ng pangamba. Paano kung wala na siyang balak bumalik? Paano kung nalaman niya na buntis ako at kaya siya umiiwas?

Napaupo ako sa gilid ng kama ko at napahawak sa tiyan. Hindi pa halata. Ilang linggo pa lang, pero ramdam ko na ang pagbabago. Hindi lang sa katawan ko—kundi sa puso ko rin.

Napapikit ako at napalunok ng laway.

“Luigi... bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin?” mahina kong bulong.

Nang sumunod na araw, dumiretso
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po 🫶
goodnovel comment avatar
Marivic Isaac
sa sarap Kasama sa problema iniwan ka hay naku red flag Yan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Uncle is My Secret Lover   Kabanata 57

    Pagdating namin sa bahay, agad kong pinaakyat si Cassian para makapagpahinga. Tahimik lang siya, at ramdam ko ang pagkalito sa mga mata niya. Minsan talaga, kahit anong proteksyon ang gawin mo, may masasaktan pa rin.Pumasok ako sa silid namin at saka naupo sa kama. Hinubad ko ang heels ko, at sa unang pagkakataon ngayong araw, pinakawalan ko ang bigat sa dibdib ko.Napaluha ako.Gusto ko siyang protektahan sa lahat ng bagay. Pero hindi ko maiiwasang hindi siya madungisan ng mundo. At ang masakit—'yung mga multo ng nakaraan, sila ‘yung paulit-ulit na binubuhay ng ibang tao.Naramdaman kong may mainit na palad na tumakip sa balikat ko. Paglingon ko, nandoon na si Luigi. Hindi ko na kailangang magsabi. Nabasa na niya ang sakit sa mukha ko.“I heard,” bulong niya. “I came as fast as I could.”Niyakap niya ako nang mahigpit. “Don’t let them win, Maya. We’re still standing. And Cassian—he’ll understand. Because he has us.”***Kinabukasan, maaga kaming bumiyahe ni Luigi papuntang eskwelaha

  • My Uncle is My Secret Lover   Kabanata 56

    Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, napansin ko agad ang pag-aalalang hindi niya pinapahalata. Seryoso ang mukha niya habang buhat niya si Cassian, at kahit pa nakangiti siya sa akin, alam kong may tinatago siyang gustong sabihin.“May problema ba?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa private cabana na nakaset-up malapit sa dagat."Wala naman. Masaya lang ako." He smiled faintly. “You'll see. Just… be open.”Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, pero bago pa ako makapagtanong ulit, may nakita akong dalawang lalaking nakatayo sa labas ng cabana. Isang middle-aged man na mukhang butler, at isang matandang lalaki na naka-wheelchair.Nanlaki ang mga mata ko. Payat. Maputla. Halos wala nang laman ang mga braso niya. Pero may tapang pa rin ang tindig ng kanyang leeg, at may awtoridad pa rin sa mga mata kahit pa hinahabol na ng hininga ang katawan.Dahan-dahan kaming lumapit. Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko sa dibdib. Nararamdaman ko ang kamay ni Luigi na mas

  • My Uncle is My Secret Lover   Kabanata 55

    Limang taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang lahat para sa tahimik na buhay dito sa Batangas.Mula sa glamor ng showbiz, ang dating naglalakihang ilaw ng studio ay napalitan ng tahimik na tanawin ng bundok at dagat. Wala nang flashing cameras. Wala na ring intriga. Tanging si Cassian Voltaire na lang ang sentro ng mundo ko ngayon—ang bunga ng pag-ibig naming ni Luigi. Ang batang hindi kailanman itinuring na bunga ng kahihiyan, kundi ng isang desisyong ipinaglaban sa kabila ng lahat.Mag-a-alas tres na ng hapon nang masundo ko si Cassian sa eskuwela. Mas lumaki siyang kahawig ni Luigi—matangos ang ilong, matalim ang mata, at may tikas ng isang Salazar. Ngunit sa kabila ng pagiging bibo at madaldal, may lambing sa anak ko na hindi ko mapaliwanag. Marahil dahil sa loob ng limang taon, ako lang talaga ang laging nandiyan sa tabi niya.“Mommy, can we eat ice cream?” tanong niya habang nasa likod ng kotse.“Later, baby. We need to get home first,” nakangiti kong sagot habang nagmamaneho

  • My Uncle is My Secret Lover   Kabanata 54

    Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang hangin sa loob ng simbahan. Nakaupo ako sa pinakaunang pew, suot ang isang simple pero eleganteng puting dress na pinili ni Luigi para sa akin. Kapansin-pansin ang pagkalma ng puso ko habang pinagmamasdan ang anak naming si Cassian Voltaire, mahimbing na natutulog sa mga bisig ng ninang niya, si Dra. Lucinda.“This is really happening,” bulong ko sa sarili habang pinipigil ang luha. Mula sa lahat ng dusa, kahihiyan, at pag-aalinlangan—ngayon, heto kami. Isang buo. Isang pamilya. Buong-buo.Nasa gilid ko si Luigi, suot ang navy suit niya na tila laging tailor-made. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magbantay sa anak namin gamit ang mga mata niyang punong-puno ng pag-aalaga at pagmamalaki. Hawak niya ang kamay ko at paulit-ulit na hinahagod ng hinlalaki ang palad ko.Tahimik ang misa. Walang flash ng media, walang tsismosa. Ipinagdasal naming maging simple lang ang binyag. Isang tahimik na selebrasyon para kay Cassian, malayo sa intriga ng mund

  • My Uncle is My Secret Lover   Kabanata 53

    Pagkapasok namin sa bahay, agad kong naamoy ang mild scent ng lavender na pinahiran ni Luigi sa paligid, sabi niya, para raw makarelax si baby pag-uwi. Napatitig ako sa mukha ni Cassian na nakayakap sa dibdib ng daddy niya habang binubuksan ko ang pintuan. Tulog pa rin siya, mapula ang pisngi, nakakunot ang ilong. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Sa bawat hakbang naming papasok, pakiramdam ko ay bagong simula ang tinatahak namin. “Welcome home, anak,” bulong ko kay Cassian habang inaayos ni Luigi ang crib niya sa tabi ng kama namin. "Love, do you think he'll like the room?" tanong ni Luigi habang dahan-dahang inilalapat si baby sa crib. “Kung ako si Cassian, gusto ko na sanang tumira agad dito,” natatawa kong sagot habang lumapit ako sa kaniya. Inayos ko ang maliit na kumot na gawa pa sa Italy at may pangalan ni Cassian sa gilid. “Halika, maupo ka muna,” alok niya habang inaalalayan akong maupo sa kama. Bumuntong-hininga ako at niyakap ang katawan ko. Pakiramdam

  • My Uncle is My Secret Lover   Kabanata 52

    Napatawa ako kahit pagod ang katawan ko. “Anong ‘masundan’? Luigi, hindi pa nga ako nanganganak, gusto mo na agad sundan?” Nag-angat siya ng tingin at kinindatan ako. “Of course. I’ve been patient for months. But the moment our child comes out safe and healthy, game on.” Sinapo ko ang pisngi niya, saka ko siya hinila paakyat para magpantay ang mukha namin. Hinalikan niya ako. Pagkabitiw ng halik niya, nanatili siyang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang magkabilang palad. “I’m proud of you, Maya,” seryoso niyang sabi. “Alam kong hindi naging madali ang lahat. Alam kong sinakripisyo mo ang buong mundo mo para sa ‘tin. Pero look at you now. You’re glowing. You’re safe. You’re stronger than ever. And you’re carrying our child.” Napatingin ako sa mga mata niya. Buo pa rin ang takot ko sa mundo sa labas. Pero sa tuwing kaharap ko si Luigi, parang kaya kong harapin lahat. Dahil alam kong hindi niya ako iiwan. “Hindi ko to kaya kung wala ka,” bulong ko habang hinawak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status