Share

Chapter 5.3: The Wedding

GINANAP SA ISANG beach hotel ang naturang reception ng kanilang kasal. Doon na rin ginanap ang paghahagis ng bouquet at garter kung saan ang bulaklak ni Veron ay nasalo ng isa sa mga katulong ng mga Tolledo at ang garter naman ay nasalo ng isa sa kaklase ni Ynzo noong high school.

Nagkaroon ng tuksuhan dahil tila bagay para sa isa’t isa ang dalawang nakasalo.

“Nagkakatotoo pa naman ang sinasabi ng iba na kung sino man ang makasasalo ng bouquet ng bride at garter ng groom ang siyang susunod na ikakasal,” anang masters of the ceremony ng programa.

Nagsihiyawan ang mga tao sa paligid. Halos mamula naman ang mukha ng babaeng may hawak ng bridal's bouquet.

Nasa gitna na ng stage ang babae habang nakaupo sa upuan at papunta na rin doon ang lalaking nakakuha ng garter.

“Oh my gash! Ito na! Isusuot na ni future groom ang garter sa binti ni future bride,” kantiyaw ng tagapagsalita na sinegundahan naman ng iba.

Tila nag-usap pa ang dalawa sa ent

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status