Home / Romance / My Wife's Secret Son / Chapter eighty seven

Share

Chapter eighty seven

Author: AnneVillamin
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-15 17:05:58
Tahimik ang buong sementeryo, ngunit ang katahimikang iyon ay mabigat—parang hindi hangin ang umiikot kundi luha at panaghoy na hindi marinig ng kahit sino. Maulap ang langit, tila nakikiramay sa isang pagkawala na hindi na maibabalik pa. Ang lupa ay basa-basa pa mula sa unang ambon ng umaga, at ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa mga nakaluhod at nakatayong tao sa paligid ng bagong hukay.

Sa gitna ng lahat, naroon ang kabaong ni Amara.

Puti. Payak. Tahimik.

Parang hindi bagay s
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety four

    Mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang dumating sina Amara,Amanda at Mike sa Davao.Sa unang linggo, puro takot ang bumalot kay Amara. Bawat tunog, bawat galaw sa paligid, pinagdududahan niya. Hindi siya mapakali. Hindi siya mapalagay. Unti-unting naging pamilyar ang bahay. Ang amoy ng hangin sa umaga. Ang tunog ng aircon sa gabi. Ang kaluskos ng mga dahon sa labas tuwing madaling-araw.At higit sa lahat—ang presensya ni Mike.Tahimik, maingat, at laging nariyan.Hindi siya palasalita, pero ramdam ang pag-aalaga. Laging may pagkain sa mesa. Laging may taong nagbabantay sa labas. Laging may siguradong seguridad.At sa kabila ng lahat—naging komportable si Amara.Hindi dahil gusto niya.Kundi dahil wala siyang ibang pagpipilian.Tuwing umaga, gigising siya na katabi si Amanda.Mahimbing ang tulog ng bata, parang walang bahid ng kahit anong problema sa mundo. Parang hindi nito alam ang lahat ng pinagdaanan nila. Parang hindi nito ramdam ang takot na pilit niyang itinatago.“Momm

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety three

    Sa loob ng kulungan—mabigat, mainit, at puno ng amoy ng kalawang at pawis. Ang tunog ng mga bakal na pinto na nagsasara at bumubukas ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa pasilyo, parang paalala sa bawat bilanggo na wala silang takas.Tahimik na naglakad si Mike sa mahabang corridor, kasunod ang bantay. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya tumitingin sa paligid. Diretso lang ang tingin niya sa unahan—sa selda kung saan matagal na niyang hindi nadadalaw ang kapatid niya.Tatlong taon.Tatlong taon na mula nang huli niyang makita si Lucas.At ngayon—bago siya tuluyang umalis papuntang Davao kasama sina Amara at Amanda—kailangan niyang makita ang kapatid niya.Hindi dahil sa awa lanf.Kundi dahil gusto niya ipaalam sa kuya na na nakaganti na ito kay Ethan.“Bilis,” utos ng guard habang binubuksan ang gate.Tumango si Mike, saka tuluyang pumasok.Sa loob ng selda, nakaupo si Lucas sa isang sulok. Payat na ito kumpara dati. Magulo ang buhok, may bahid ng pagod ang mukha, pero nananatili an

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety two

    “Sir, nakalapit po si Amanda kay Ethan… hindi po namin napigilan. Bigla po kasing tumakbo ang bata.”Parang bumagsak ang mundo sa isang iglap.Nanigas si Mike sa kinatatayuan niya, hawak pa rin ang baso ng alak na kanina pa niya hindi iniinom. Dahan-dahan niyang ibinaba iyon sa mesa, ngunit ang kamay niya—halatang nanginginig.“Ulitin mo,” malamig niyang sabi.“Sir… nakalapit po si Amanda kay Ethan,” ulit ng tauhan, halos hindi na makatingin nang diretso. “Pero agad din po naman po lumapit ang yaya at inilayo si Amanda."Isang salitang napakagaan pakinggan.Pero sa tenga ni Mike—parang sentensiya.“Nakalapit?” ulit niya, napangisi nang bahagya. “Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang ‘nakalapit’ na ‘yan?”Tahimik ang tauhan.“At anong ginawa n’yo?” tanong niya, mas malamig na ngayon ang boses.“Binantayan po namin agad, sir. Hindi na po siya nakalapit ulit.”“Hindi na?” ulit ni Mike.Tumango ang tauhan.At doon—biglang sumabog ang galit niya.“Mga inutil!” sigaw niya, sabay hampas ng

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety one

    Maaliwalas ang hapon. Banayad ang hangin, at ang sikat ng araw ay hindi na kasing tindi kaninang umaga—parang unti-unti itong humihina habang papalapit ang takipsilim. Sa isang tahimik na parke sa gilid ng siyudad, may mga batang nagtatakbuhan, nagtatawanan, at hinahabol ang mga paru-paro na tila mga munting kulay na lumulutang sa hangin.May mga magulang na nakaupo sa damuhan, may mga naglalakad na magkasama, may mga pamilya na tila walang iniisip kundi ang sandaling iyon.Pero para kay Ethan—hindi ganoon ang mundo.Dito siya dumaan.Hindi siya dapat narito. Wala siyang balak huminto. Galing siya sa isang meeting na halos wala siyang natandaan dahil ang isip niya ay palaging bumabalik sa parehong bagay—mga tanong na walang sagot, mga alaala na hindi niya maipaliwanag, at isang pangalan na kahit pilit niyang itulak palayo ay patuloy na sumusunod sa kanya.Ang tanging gusto niya lang sana ay umuwi. Magkulong. Manahimik. Kahit pansamantala lang.Pero may humila sa kanya rito.Hindi niya

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety

    Maaliwalas ang umaga. Sumisilip ang sikat ng araw sa malalaking bintana ng bahay, nagbibigay liwanag sa bawat sulok—parang sinasabing panibagong araw na naman, panibagong simula. Sa sala, maririnig ang halakhak—isang tunog na matagal laging narinig sa bahay na iyon. Masayang tumatakbo si Amanda sa gitna ng sala, hawak ang maliit niyang stuffed toy habang tumatawa nang walang tigil, habang sa likod niya ay si Mike na ngumingiti at tumatakbo rin, kunwaring nahihirapang abutin ang bata.“Daddy! Daddy! Hulihin mo ako!”“Hey, wait! Ang bilis mo naman!”“Hindi mo ako mahuhuli!”At sa isang iglap, nahuli siya. Marahang binuhat ni Mike ang bata habang tumatawa ito nang malakas, yakap-yakap ang leeg nito. Isang totoo at bihirang tawa ang kumawala mula kay Mike—isang side niya na bihirang makita ng kahit sino, lalo na ni Amara. Sa sandaling iyon, parang walang bigat sa mundo. Parang lahat ay simple. Parang lahat ay tama.Sa gilid ng sala, tahimik na nakatayo si Amara, may hawak na tasa ng kape,

  • My Wife's Secret Son   Chapter eighty nine

    “San ka galing, Isabel?”Bumigat agad ang hangin sa loob ng sala—parang biglang lumiit ang espasyo sa pagitan nila. Katatapos lang isara ni Amara—o mas kilala na ngayon bilang Isabel—ang pinto nang marinig niya ang malamig na boses ni Mike mula sa likuran niya.Hindi ito sumigaw. Hindi rin nagtaas ng boses.Pero sapat na iyon para maramdaman niya ang galit na pilit nitong kinokontrol—isang galit na mas nakakatakot kaysa sigaw.Dahan-dahan siyang lumingon.Nakatayo si Mike sa gitna ng sala. Naka-pamulsa, tuwid ang tindig, at matalim ang tingin. Walang ngiti. Walang lambing.Malayo sa lalaking ilang oras lang ang nakalipas ay marahang hinahalikan ang noo niya bago umalis ng bahay.“Sa… sementeryo,” mahina niyang sagot.Bahagyang kumunot ang noo ni Mike.“Sementeryo?” ulit nito, mas mabagal… mas mabigat.Tumango si Amara, kahit hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinakabahan. Wala naman siyang ginawang masama.Pero sa paraan ng pagtitig ni Mike—parang may mali.“Napadaan lan

  • My Wife's Secret Son   Chapter forty seven

    Hindi naging madali ang pagpunta ni Ethan sa bahay ng mga Villanueva.Halos isang oras siyang nakaupo lang sa loob ng kotse, nakaparada sa gilid ng kalsada—ilang metro lang ang layo mula sa malaking gate ng pamilya ni Amara. Nakatitig lang siya sa harap, hawak ang manibela nang mahigpit, parang doo

  • My Wife's Secret Son   Chapter thirty nine

    Tahimik ang buong bahay.Pero hindi ito yung payapang katahimikan—kundi yung mabigat, nakakasakal na katahimikan na parang may pinipigilang sumabog anumang oras.Parang bawat sulok ng bahay na iyon… may natitirang bakas ng sigawan kagabi.Bakas ng sakit.Bakas ng pagkasira.Nasa sala si Amara.Naka

  • My Wife's Secret Son   Chapter thirty five

    Si Amara, basang-basa sa luha, nakatayo sa harap ni Ethan. Halos hindi makagalaw ang katawan niya; nanginginig ang mga kamay, bumulwak ang luha sa mata, at pumutok ang boses niya sa gitna ng malakas na iyak. Ang bawat titig niya kay Ethan ay puno ng panlulumos, pagmamakaawa, at takot—takot na baka

  • My Wife's Secret Son   Chapter thirty two

    Madaling-araw.Tahimik ang buong bahay, pero hindi tahimik ang isip ni Ethan. Nakatayo siya sa may bintana ng kwarto, nakatanaw sa labas. Madilim pa ang langit, at tanging ilaw ng poste sa kalsada ang nagbibigay liwanag sa paligid. Hawak niya ang cellphone niya—ilang beses na niyang tiningnan, ilan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status