LOGINHindi mapakali si Ethan mula pa noong makita niya si Isabel—ang babaeng kamukhang-kamukha ni Amara. Simula kanina, hindi na siya pinatahimik ng isip niya. Parang may humahabol na tanong sa loob ng ulo niya na hindi niya maipaliwanag, paulit-ulit, walang tigil, parang sirang plaka na ayaw tumigil. Kaya kahit pagod, kahit kakatapos lang ng mahabang meeting niya kanina, pinili niyang manatili sa labas ng building kung saan niya muling nakita si Isabel.Gusto niya lang makita ulit. Gusto niyang siguraduhin kung totoong kamukha lang ito ng babaeng pilit niyang kinakalimutan… o may mas malalim pang koneksyon sa lahat ng nangyari sa buhay niya.Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kabigat ang dibdib niya sa simpleng mukha lang ng isang babae.Parang may hinuhukay sa loob niya.Isang bagay na matagal niyang tinakpan.Bandang alas-singko ng hapon, nakita niya itong lumabas. Kasama ang dalawang bodyguard na nakasuot ng itim. Maayos ang tindig ni Isabel, elegante ang lakad, pero may malamig
Tahimik ang hallway sa labas ng opisina ni Mike. Walang maririnig kundi ang mahihinang tunog mula sa loob at ang maingat na paghinga ng dalawang bodyguard na nakapwesto malapit sa pinto.Nagkatinginan sina Carlo at Rico—parehong halatang hindi mapakali.“Pare…” mahinang bulong ni Carlo habang pasulyap-sulyap sa paligid. “Sigurado ka bang hindi natin sasabihin kay boss Mike?”Napabuntong-hininga si Rico at napakagat sa labi. “Wag na, bro. Alam mo naman si boss Mike. Konting mali lang… lagot tayo.”Napalunok si Carlo. “Pero hindi ‘to maliit na bagay. Nagkita sina Ma’am Amara at si Ethan. Hindi ba dapat alam ‘yon ni boss?”Napakamot si Rico sa batok. “Oo… pero isipin mo muna. Nakilala ba ni Ma’am si Ethan?”Saglit na natahimik si Carlo bago sumagot. “…Hindi. Para lang siyang may nakitang stranger.”“At si Ethan?” tanong ni Rico. “Hinabol ba niya si Ma’am?”Umiling si Carlo. “Hindi rin…”Napatingin sila sa isa’t isa.“Edi wala,” sabi ni Rico, pilit pinapakalma ang sarili. “Hindi nakilala
“Sir, naayos ko na po ang flight ninyo papuntang Davao. May kailangan pa po ba kayo?” maayos na tanong ng secretary ni Ethan habang hawak ang tablet.Hindi agad sumagot si Ethan.Nakatayo siya sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina niya, nakatanaw sa lungsod. Sa labas, buhay na buhay ang mundo—mga sasakyan na nag-uunahan, mga taong naglalakad, ilaw na kumikislap sa bawat gusali.Pero sa kanya—walang tunog.Walang galaw.Parang hindi siya kabilang sa lahat.“Sir?” ulit ng secretary, medyo nag-aalangan na.Napakurap si Ethan, tila saka lang bumalik sa realidad.“Okay na,” sagot niya, malamig ang tono. “Anong oras ang flight?”“1 PM po, sir.”Tumango siya. “Good. You may go.”Pagkaalis ng secretary, bumalik ang katahimikan sa opisina.Pero hindi sa loob niya.Tatlong taon mula na pinagsisihan niya hindi siya nakinig sa paliwanag nito.Tatlong taon mula nang sirain niya ang sarili niyang mundo.Tatlong taon mula nang mamatay ang babaeng… mahal na mahal na niya.“Damn it…” mahina
Mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang dumating sina Amara,Amanda at Mike sa Davao.Sa unang linggo, puro takot ang bumalot kay Amara. Bawat tunog, bawat galaw sa paligid, pinagdududahan niya. Hindi siya mapakali. Hindi siya mapalagay. Unti-unting naging pamilyar ang bahay. Ang amoy ng hangin sa umaga. Ang tunog ng aircon sa gabi. Ang kaluskos ng mga dahon sa labas tuwing madaling-araw.At higit sa lahat—ang presensya ni Mike.Tahimik, maingat, at laging nariyan.Hindi siya palasalita, pero ramdam ang pag-aalaga. Laging may pagkain sa mesa. Laging may taong nagbabantay sa labas. Laging may siguradong seguridad.At sa kabila ng lahat—naging komportable si Amara.Hindi dahil gusto niya.Kundi dahil wala siyang ibang pagpipilian.Tuwing umaga, gigising siya na katabi si Amanda.Mahimbing ang tulog ng bata, parang walang bahid ng kahit anong problema sa mundo. Parang hindi nito alam ang lahat ng pinagdaanan nila. Parang hindi nito ramdam ang takot na pilit niyang itinatago.“Momm
Sa loob ng kulungan—mabigat, mainit, at puno ng amoy ng kalawang at pawis. Ang tunog ng mga bakal na pinto na nagsasara at bumubukas ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa pasilyo, parang paalala sa bawat bilanggo na wala silang takas.Tahimik na naglakad si Mike sa mahabang corridor, kasunod ang bantay. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya tumitingin sa paligid. Diretso lang ang tingin niya sa unahan—sa selda kung saan matagal na niyang hindi nadadalaw ang kapatid niya.Tatlong taon.Tatlong taon na mula nang huli niyang makita si Lucas.At ngayon—bago siya tuluyang umalis papuntang Davao kasama sina Amara at Amanda—kailangan niyang makita ang kapatid niya.Hindi dahil sa awa lanf.Kundi dahil gusto niya ipaalam sa kuya na na nakaganti na ito kay Ethan.“Bilis,” utos ng guard habang binubuksan ang gate.Tumango si Mike, saka tuluyang pumasok.Sa loob ng selda, nakaupo si Lucas sa isang sulok. Payat na ito kumpara dati. Magulo ang buhok, may bahid ng pagod ang mukha, pero nananatili an
“Sir, nakalapit po si Amanda kay Ethan… hindi po namin napigilan. Bigla po kasing tumakbo ang bata.”Parang bumagsak ang mundo sa isang iglap.Nanigas si Mike sa kinatatayuan niya, hawak pa rin ang baso ng alak na kanina pa niya hindi iniinom. Dahan-dahan niyang ibinaba iyon sa mesa, ngunit ang kamay niya—halatang nanginginig.“Ulitin mo,” malamig niyang sabi.“Sir… nakalapit po si Amanda kay Ethan,” ulit ng tauhan, halos hindi na makatingin nang diretso. “Pero agad din po naman po lumapit ang yaya at inilayo si Amanda."Isang salitang napakagaan pakinggan.Pero sa tenga ni Mike—parang sentensiya.“Nakalapit?” ulit niya, napangisi nang bahagya. “Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang ‘nakalapit’ na ‘yan?”Tahimik ang tauhan.“At anong ginawa n’yo?” tanong niya, mas malamig na ngayon ang boses.“Binantayan po namin agad, sir. Hindi na po siya nakalapit ulit.”“Hindi na?” ulit ni Mike.Tumango ang tauhan.At doon—biglang sumabog ang galit niya.“Mga inutil!” sigaw niya, sabay hampas ng
Si Amara, basang-basa sa luha, nakatayo sa harap ni Ethan. Halos hindi makagalaw ang katawan niya; nanginginig ang mga kamay, bumulwak ang luha sa mata, at pumutok ang boses niya sa gitna ng malakas na iyak. Ang bawat titig niya kay Ethan ay puno ng panlulumos, pagmamakaawa, at takot—takot na baka
Madaling-araw.Tahimik ang buong bahay, pero hindi tahimik ang isip ni Ethan. Nakatayo siya sa may bintana ng kwarto, nakatanaw sa labas. Madilim pa ang langit, at tanging ilaw ng poste sa kalsada ang nagbibigay liwanag sa paligid. Hawak niya ang cellphone niya—ilang beses na niyang tiningnan, ilan
Gabi na nang tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay.Tahimik ang paligid. Tanging ilaw mula sa poste sa labas ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa madilim na kalsada. Walang masyadong tao. Walang ingay. Parang ang buong mundo—nakahinto.Perpekto.Dahan-dahang bumukas ang pinto ng sasakyan.At buma
Madilim.Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Amara nang unti-unti siyang magkamalay.Hindi agad siya gumalaw. Hindi agad siya nagsalita. Para bang may mabigat na kumot na nakabalot sa buong katawan niya—hindi pisikal, kundi sa mismong diwa niya. Mabigat ang ulo niya, parang may humahampas na saki







