Share

CHAPTER 45

Author: Lyn Hadjiri
last update Last Updated: 2025-10-11 11:11:54

Chapter 45: Surrender

HINDI ko na hinintay pang may dumating na pulis sa bahay namin. Bago pa man nila ako arestuhin, ako na mismo ang lumapit at sumuko. Kung ano man ang paratang sa akin ay sige haharapin ko. Taas-noo, at matapang kong tatanggapin ang kung ano mang katanungan nila tungkol sa krimen na ako raw ang may gawa. Tsk.

Tahimik ang paligid nang dumating ako sa istasyon, kasama ko naman si Bud. Walang nag-utos sa akin, walang sapilitang tumulak. Ako mismo ang nagbukas ng pinto at huminga nang malalim bago pumasok. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin sa akin—mga matang nagtataka kung bakit isang katulad ko ang kusang loob na pumapasok sa lugar na karaniwang iniiwasan ng mga may kasalanan.

Ang kaso, iyong pulis na in-charge sa kaso ko ay pinainit ang ulo ko. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi niya.

“What the fuck did you say?!” sigaw ko, hindi na ako kalmado sa lagay na ’yan, at kinuwelyuhan ko na nga ang lalaki.

“Madam, calm down!” sita sa akin ni Bud, pero hindi ko siya pinans
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Wife's Tears   CHAPTER 46

    Chapter 46Tumingin ako sa lalaki, kanina pa niya ako ginagalit, e.“Mali. Baril,” pagtatama ko.“What? Parehas lang naman iyon ah,” mahinang tugon niya, at mapaklang tumawa ako, isang tawang may bigat ng banta.“Idiot, tinanong kita sa ating wika kaya sasagot ka rin ng Tagalog! Wala ka sa America, dude,” mariin kong sagot, ang tinig ko may halong galit at pagmamaliit.“Madam, put your gun down, please,” yumanig ang boses ni Leo, pilit na humihiling habang naglalakad papalapit.“Alam mo, Mr. Captain Cleton, bobo ka. Sabi mo isa akong suspect? Then Leo and Bud are also suspects kasi hindi sila umalis sa tabi ko. Ashton Earl Cleton, mag-imbestiga ka pa nang mabuti at alamin mo kung sino talaga ang kriminal, hindi iyong maghihinala ka lang. And are you out of your mind, huh? He’s my Vice President! Do you think I have a plan to kill him, gayong ang ganda ng performance niya—kahit pa sugarol at manloloko siya?” mariin kong sambit, sabay ibinalik ang baril sa likod ko.“At iyon ang unang e

  • My Wife's Tears   CHAPTER 45

    Chapter 45: Surrender HINDI ko na hinintay pang may dumating na pulis sa bahay namin. Bago pa man nila ako arestuhin, ako na mismo ang lumapit at sumuko. Kung ano man ang paratang sa akin ay sige haharapin ko. Taas-noo, at matapang kong tatanggapin ang kung ano mang katanungan nila tungkol sa krimen na ako raw ang may gawa. Tsk.Tahimik ang paligid nang dumating ako sa istasyon, kasama ko naman si Bud. Walang nag-utos sa akin, walang sapilitang tumulak. Ako mismo ang nagbukas ng pinto at huminga nang malalim bago pumasok. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin sa akin—mga matang nagtataka kung bakit isang katulad ko ang kusang loob na pumapasok sa lugar na karaniwang iniiwasan ng mga may kasalanan.Ang kaso, iyong pulis na in-charge sa kaso ko ay pinainit ang ulo ko. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi niya.“What the fuck did you say?!” sigaw ko, hindi na ako kalmado sa lagay na ’yan, at kinuwelyuhan ko na nga ang lalaki.“Madam, calm down!” sita sa akin ni Bud, pero hindi ko siya pinans

  • My Wife's Tears   CHAPTER 44

    Chapter 44AURORANagising ako kinaumagahan, dahil sa mahinang pag-iyak ni Dervon. Kala ko panaginip lang, pero totoo pala. Boses niya ang naririnig ko, kahit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko.Sumikip ang dibdib ko nang makita kong nakayakap siya nang mahigpit sa akin at paulit-ulit na sinasabi ang, “I’m sorry…”Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry. Biglaan naman yata, at hindi ko pa ito in-expect. Nanaginip ba siya? Sinapian ng iyakin na esprito? Because knowing him, hindi naman siya iyakin, e.“I’m sorry… I-I’m really sorry… sorry…” Humarap ako sa kaniya at mabilis naman siyang umupo, kasabay na tinakpan ang mukha niya, gamit ang kaniyang malaking palad.Parang bata kung umiyak, ah.“Bakit ka nagso-sorry? Ang aga-aga, ah,” tanong ko, bahagyang nanginginig ang boses. Kasi nga bagong gising pa ako.“I’m sorry… Ang tanga-tanga ko lang kasi... Sorry,” aniya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Kanina pa yata siya umiiyak.He closed his eyes at masaganang lumalandas

  • My Wife's Tears   CHAPTER 43

    Chapter 27: Criminal “THE Fvck?!” That was her collection? And oh God! I remember it now! Hindi pala ito koleksyon ng bracelet. Maraming pendant lang siya, pero iisang bracelet lang din. And she’s my Ate Ape... S-Siya nga… “What have you done, Avelino?” bulong ko sa sarili ko, nanginginig pa ang mga kamay ko.Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang mga litrato namin, mula pa noong first day ko sa school. Shit! S-siya pala ang kasa-kasama ko dati…Bigla kong naramdaman ang pagbigat ng dibdib ko, sumikip ito, at bumalik sa isip ko ang mga ginagawa ko sa kaniya noon. Lahat ng alaala na bigla ko na lang nakalimutan. THIRD PERSON’S POV“Ate Ape! Babalik ka, ha? Babalik ka po, ha?” halos maiyak na tanong ni Dervon sa batang babae, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses niya.“Of course, my Deeyvey. I’ll be back, at pagbalik ko…” natatawang sambit ni Ate Ape habang hinahaplos ang buhok niya. “Dapat matangkad ka na at binatang-binata na.”“Pero matagal po ba?” inosente niyang tanong,

  • My Wife's Tears   CHAPTER 42

    Chapter 42Kinabukasan ay nagising ako nang makaramdam ng ginhawa. Pagkamulat ko pa lang, mukha ng asawa ko ang nakita ko.Nakaunan siya sa braso ko at mahigpit na nakayakap sa baywang ko. Isang mabilis na pagtibok ng puso ang naramdaman ko.She’s really beautiful.Sinapo ko ang pisngi niya. Makinis iyon, malambot at mainit. “Aurora...” I uttered her name. Hindi siya nagising sa ginawa ko. Nanatili lang siyang nakapikit, dahil sa lalim ng tulog niya.Tumingin ako sa paligid. Hindi pamilyar ang kuwarto. Hindi ko alam kung sino ang nagdala rito sa akin. Yellow at brown ang kulay ng pinta ng mga pader, at maraming mamahaling kagamitan na nagpapakita na hindi ito ordinaryong silid. Na-curious ako. Bakit ako nandito? Ano ba ang nangyari kagabi? At si Aurora ba talaga ang kasama ko?Tiningnan ko saglit ang asawa ko, at maingat ko siyang pinaunan at kinumutan. Kumirot ng kaunti ang puso ko, ito ang unang beses na ginawa ko ito. Tumayo ako at tiningnan ang buong kuwarto hanggang napako ang ti

  • My Wife's Tears   CHAPTER 41

    Chapter 41: The real Ape“Dervon, what's up, buddy? I invite your wife.”Nasa isang private bar kami ni Haze, isang lugar na puno ng ilaw, ingay, at amoy ng alak. Napatigil ako sa pag-inom at napalingon sa kaniya. Agad kong sinundan ang direksyon ng tingin niya, at doon ko nakita ang aking asawa, kasama ang PI niyang si Leo Veins. Sumikip bigla ang dibdib ko nang makita ko ulit siya. As usual kasama pa rin niya ang mga lalaking iyan.“Hey, Mrs. Ave—madam! Come here!” tawag ni Haze. Kahit nakainom ay halatang mataas ang tolerance ng isang ito.Tahimik na lumapit sa amin si Aurora, marahan at maingat ang bawat hakbang na para bang ayaw niyang mapansin ako. Sinusubukan kong hulihin ang tingin niya, umaasang magtatama ang mga mata namin kahit sandali, pero hindi iyon nangyari.“Congratulations pala, Aurora! I saw your interview yesterday. That was awesome!” masayang sambit ni Haze habang nagtatapik pa sa mesa. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Interview? Ano naman iyon at kailan naman na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status