Martina tahimik na nakatingin sa monitor habang mabilis ang pag-scroll ng mouse. Ang headline ay naka-bold sa pulang font sa taas ng webpage:
“Ex-wife ng Montenegro Group CEO, umani ng batikos sa online community: Gold digger, oportunista, at walang kahihiyan!” Sumunod ang sunod-sunod na mga artikulo na parehong tono: mga paninira, pekeng istorya, at maseselang detalye na ni hindi niya alam saan kinuha. Tumayo si Xander mula sa sofa, nilapitan si Martina, at sinilip ang screen. “Seryoso? Ganito kababa ang kayang gawin ng kampo nila?” Martina, kalmado pa rin, pero may apoy na sa mga mata. “Hindi nila ako kayang gibain sa boardroom, kaya sinusubukan nila akong sirain sa mata ng publiko.” Pumasok ang kanyang assistant na si Irene, hawak ang tablet. “Ma’am, kasabay ng mga article, may nagpapakalat din sa anonymous forums. May mga leaked photos kuno na sinasabing galing sa 'luxury divorce settlement.' Pero walang official source. Gawa-gawa lang.” “Orchestrated smear campaign,” sabi ni Xander habang binabasa ang ibang tab. “Nagmamadali silang durugin ka bago ka pa makapwesto nang buo.” Tumayo si Martina at nilapitan ang malaking salamin sa opisina. Pinagmasdan niya ang kanyang repleksyon—ang babaeng matagal nang tahimik, pero ngayon, kailangan nang magsalita. “Handa na ba ang PR team?” tanong niya. “Yes, Ma’am,” sagot ni Irene. “Naka-standby na. Anong statement ang gusto ninyong ilabas?” Martina humarap muli sa kanila, tuwid ang likod, matalim ang paningin. “Hindi tayo magpapalusot. Hindi tayo magtatago. Ilabas ang katotohanan, pero mas eleganteng sagot. Walang pang-aaway. Ipakita natin hindi ako bumalik para sa drama—bumalik ako para ayusin ang iniwang kaguluhan. Ng aking mga magulang. Xander ngumiti, bahagyang humanga. “You’re learning fast.” nakangisi wika ng kaniyang pinsan. “I don’t have time to play nice,” sagot ni Martina. “Kung gusto nila ng laro, ibibigay ko. Pero sa sarili kong terms.” Ito ba ang gusto mo Albert?” Bulong Niya sa kawalan. --- Sa isang madilim na opisina sa kabilang gusali… “Hindi umubra ang first wave. Naglabas agad ng official statement,” sabi ng lalaking nasa telepono. “Nag-viral pa nga ‘yung quote niya: ‘I left quietly, but I returned prepared.’ Parang mas na-hook pa ang publiko sa kanya,” sagot ng kausap habang nag-aayos ng gamit sa mesa. Halatang may pinag-uusapan silang seryoso, ngunit hindi matago ang excitement sa boses nito. “Hindi na nga ako nagulat,” sagot ng isa pang boses mula sa kabilang linya, matalim ang tono. “Gumawa siya ng paraan para masira ako, at ngayon, he’s back, pero mas malakas. Pinagplanuhan lahat ‘yan. Hindi ako papayag na mangyari ‘yun ulit.” Tahimik na nakikinig ang isa, para bang nagsusuri ng bawat salitang binitiwan ng kausap. "Bakit nga ba?" tanong niya, medyo naguguluhan pero sabay na may kabang nararamdaman. “Ano'ng plano mo ngayon?” “Hindi ko kayang mawalan ng kontrol sa kanya,” sagot ng kausap. “Wala akong magagawa kung hindi maghintay. Pero ngayon, ito ang tanong: Magsisimula ba siya muli ng laro, o tatanggapin niyang tapos na ‘yung laban?” Habang nagsasalita ang kausap, ang mga mata ng isa ay naglalakbay sa paligid ng silid. Ang mga anino ng nakaraan ay unti-unting bumabalik sa kanyang alaala—mga sandaling iniwasan niya at mga pagkatalong sumugat sa kanyang puso. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, naramdaman niyang may isang piraso ng lakas sa kanyang kalooban, at iyon ang magpapaangat sa kanya. "Nandiyan na siya, at tatanggapin mo ba?" muling tanong ng kausap, naghihintay ng sagot. “Hindi ito tulad ng dati. Hindi siya babalik na parang ‘yung dating version na malambot at madaling patumbahin.” Napangiti siya sa sarili, at saglit na nag-isip bago sumagot, "Puwede siyang magbalik, pero hindi na siya ‘yung dating version. At mas matindi ang pinaghandaan ko ngayon." Ngunit bago pa man makapagpatuloy, tumigil ang usapan. Isang tahimik na saglit ng pagninilay, na parang parehong alam nila na hindi na nila kayang magtago ng mga sikreto, at ang susunod na hakbang ay magiging pinakamahalaga sa kanilang buhay. "Ano bang nangyari? Sino ba ang may pakialam sa pera ng pamilya Montenegro?!" galit na sabi ni Xander, habang mariing nakakunot ang noo. "Humanap ka agad ng PR team. Paalisin agad ang issue na 'yan sa trending." Galit na galit siya habang inuutusan ang kanyang assistant. "‘Wag na," malamig na sagot ni Martina, sa kaniyang pinsan pero halata sa kanyang mga mata ang matinding galit. "Kapag pinatanggal natin ‘yan, baka isipin pa ng mga tao na guilty ako. Mas mabuti nang harapin ko na lang sila." Pahayag Niya. Akala niya noong una, tatanggapin na lang niya ang lahat matapos ang tatlong taon ng sakripisyo, at mabubuhay sila nang maayos pagkatapos ng hiwalayan. Pero ngayon, malinaw na malinaw—Albert Montenegro at ang pamilya niya ay mapang-api. Minahal niya noon si Albert kaya't pinalampas niya ang lahat. Pero ngayon, wala na siyang balak magpakumbaba. Lalo na sa babaeng walang konsensya. Alex ang matalik na kaibigan ni Martina, ay lumapit habang hawak ang kanyang telepono. "Martina, ang bilis ng pagkalat ng balita online. Nag-post din si Zia Montenegro, kapatid ni Albert. Grabe ang paninira niya sa’yo. Kung ‘di natin aayusin ‘to, masisira ang pangalan mo." Ngumiti si Martina nang bahagya. "Hindi pa natin alam kung sino talaga ang masisira." Usal Niya sa kaibigan. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Zia, nag-aalala. "Hayaan mong ako ang humawak nito. Panoorin niyo na lang." Sa social media, trending ang pangalan ni Martina, pero puro panglalait at paninira. Si Zia, galit na galit sa kanyang post: tinawag niyang walang-hiya si Martina, sinabing mapang-abuso ito sa kanilang pamilya, at ubod ng luho. Pinapalabas pa niya na nagnanakaw si Martina ng alahas at pera para lang sa kanyang mga bisyo. "Ang kapal ng mukha niya!" sigaw ni Zia habang binabasa ang mga komento. "Pati mga kaibigan niya, nakisawsaw na rin." Marami sa comments ay puro personal na atake: "Grabe, mukhang pera talaga ‘yang si Martina!" "Ginamit lang niya si Albert para umangat sa buhay." "Wala siyang konsensya. Buti nga hiniwalayan siya!" "Dapat lang siyang mawalan ng respeto ng tao. Sirang-sira na siya!" Ngunit habang mainit na mainit pa ang diskusyon, biglang naglabas ng post si Martina: Martina V: "Ang magnanakaw ang unang sumisigaw ng 'magnanakaw'. Ngayon ko alam ang tunay na kahulugan ng kawalang-hiyaan." [May kasamang 9 na larawan] Simple lang ang caption, pero nakakagulat ang laman ng post. Una, ipinakita ni Martina ang detalyadong listahan ng kanyang mga gastos sa loob ng tatlong taon. Bukod sa kaunting living expenses, wala siyang ginastos para sa sarili mula sa pera ng pamilya Dela Vega. Ipinakita rin niya na lahat ng ibinigay sa kanyang pera ay nakaipon sa hiwalay na bank account, at ibinalik niya ito kay Albert noong pumunta siya para ibigay ang divorce agreement. Kasunod nito, inilabas niya ang divorce papers—nakasaad doon na wala siyang hinihinging kahit isang kusing mula sa pamilya Dela Vega. Ibig sabihin, lumabas siyang walang-wala mula sa kasal. At ang matinding pasabog: mga litrato nina Albert at ng babaeng si Pia Trinidad, na may mga sweet at bastos na mensahe sa gitna ng gabi. Ipinakita na ang dahilan ng paghihiwalay ay pambababae ni Albert habang kasal pa sila. Panghuli, naglabas si Martina ng mga litrato ni Pia habang nasa bar at club, nakasuot ng revealing na damit, may sigarilyo, at kaulayaw ang iba't ibang lalaki. Lantad ang kalokohan ng babaeng akala mo’y sagradong dalaga. Mabilis na nagbago ang ihip ng hangin. Hindi tulad ng mga imbentong kwento ni Pia at ng mga fake news accounts, ang kay Martina ay may ebidensya, totoo, at prangkang-prangka. Tinanggal niya ang maskara ng mga Montenegro sa isang bagsakan.KABANATA 105: GUSTO KITASa gitna ng malambot na ilaw ng mga kandila at malamig na simoy ng gabi, unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Martina Acosta. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya sa mga nagdaang buwan—ang sakit, ang pagkalito, ang pagkakanulo—ngayong gabi, naramdaman niya ang bahagyang katahimikan sa puso. Para bang sa unang pagkakataon, may tumama na liwanag sa madilim na bahagi ng kanyang damdamin."Maligayang kaarawan, Martina," malambing na wika ni Lorenzo habang nakatitig sa kanya. Ang tinig nito ay puno ng damdamin, ng pag-asa, ng takot na baka ito na ang huli niyang pagkakataong masabi ang lahat. "Ngayong panibagong taon sa buhay mo, sana'y iwan mo na ang mga pagsisisi ng nakaraan. Nawa'y palaging maliwanag ang ngiti mo, at payapa ang puso mo."Matagal siyang tinitigan ni Martina. Sa likod ng mga salitang iyon ay may lumang damdaming muli niyang naramdaman—hindi pag-ibig, kundi ang pagkilala sa isang taong palaging nariyan. At sa wakas, isang banayad na ng
KABANATA 104: KALKULADO ANG LAHAT"Galing mismo kay Andy ang tsismis," ani Gael habang nakatayo sa harap ni Albert Montenegro, hawak ang kanyang tablet. "At may sinabi pa raw siya tungkol sa’yo—"Tumigil si Albert sa pagsusuri ng dokumento. "Ano pa ang sinabi niya?"Nag-aalangan man, nagpatuloy si Gael. "Sinabi raw niya na ikaw ang unang nangaliwa kay Pia Trinidad. Na iniwan mo si Martina. Na sadyang may problema ka raw sa ugali kaya ngayon ginagamit mo ang media para siraan ang ex-wife mo at ang mga kumpetensiya mo. Lahat daw ng ito, ginagawa mo para lang palabasing api ka, at para makasama si Pia nang malaya."Napangisi si Albert, may pait sa mga mata. "Kung hindi ako ang sangkot dito, baka naniwala rin ako."Sa totoo lang, walang nangyari sa kanila ni Pia. Hindi niya kailanman naisip na lokohin si Martina noon. Hindi niya rin planong makipaghiwalay. Ngunit ngayon, sa kabila ng lahat, ang mga salitang iyon ang bumabalik-balik sa kanya. May katotohanan ba talaga sa sinasabi ni Andy?
KABANATA 103: Gan’un Ka Bilis Magbago ng Puso?May hindi maipaliwanag na kaba si Leo habang pinapakinggan ang lalaking ipinasugod niya sa bahay ng mga Acosta."Anong ginawa mo?" tanong ni Leo, pilit pinakakalma ang sarili kahit unti-unti nang umiinit ang dugo niya.Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang lalaki at detalyadong ikinuwento ang nangyari. Naibigay na raw ang regalo, pero hindi niya naiwasang magbitaw ng mga mapanirang salita laban kay Martina sa harap mismo ng mga empleyado nito. Pati raw mga kliyente ay tinakot at siniraan ang reputasyon ng Acosta-Lopez.Habang nagkukuwento ito, lalo lamang bumibigat ang dibdib ni Leo. Hanggang sa hindi na siya nakatiis—tumayo siya, mabilis na lumapit, at isang malakas na sampal ang pinakawalan sa ulo ng lalaki.Pak!"Ganyan ka ba gumawa ng trabaho?! Gan’yan ka ba ka-tanga?!" sigaw niya. "Nagbigay ka ng regalo para siraan si Martina? Akala mo 'yon ang ibig kong sabihin?!"Hindi makakibo ang lalaki. Tulala. Naguguluhan kung saan siya nagkamali.
KABANATA 102: Matagal na Kitang MahalPormal ang kasuotan ni Lorenzo sa araw na iyon—hindi tulad ng dati niyang medyo pilyo at palabirong anyo. Sa halip, mas elegante siya ngayon, tila isang lalaking galing sa isang prestihiyosong angkan, at hindi lang basta lalaki kundi isang taong may malalim na hangarin.Nilingon siya ni Martina habang nakahiga sa kama, may IV sa braso, at bahagyang kumunot ang noo. Namumula ang kanyang mga pisngi—hindi lamang dahil sa lagnat, kundi marahil sa kilig din na ayaw pa niyang aminin.“Bakit ang pormal mo yata ngayon?” tanong ni Martina, ang isang kilay ay nakataas habang pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. “May binabalak ka bang kalokohan?”Nabilaukan si Lorenzo sa tubig na iniinom. “Anong... Shut up!” sagot niya habang pinipilit itago ang pamumula ng mukha. “Ituloy mo na lang ’yang dextrose mo!”Napangiti si Martina. Isang tamad na ngiti, may bahid ng antok.“Lorenzo,” tawag niya, halos pabulong. “Inaantok ako. Puwede bang matulog muna ako ulit? Gi
KABANATA 101: INGGITHindi mapakali si Lorenzo habang mabilis ang hakbang pabalik sa silid ni Martina. Nanginginig ang kamay niyang hawak ang susi, ngunit napahinto siya sa tapat ng pintuan—bukas na ito.Nanlaki ang mga mata niya."Akala ko ba… naka-lock ‘to?" bulong niya sa sarili, sabay buhat ng kilay. Tila may apoy sa dibdib niyang biglang sumiklab. "Martin talaga... niloloko na naman ako ng gago."Halos sumabog ang hininga niya sa galit. Nakuyom niya ang kamao habang pilit pinipigil ang sarili na huwag sunugin ng emosyon. Mabilis niyang binuksan ang pinto at sinalubong siya ng malamig na aircon, amoy linis ng linen, at isang pamilyar na tinig."Hala ka, Lorenzo! Parang ikaw ang may lagnat sa bilis mong tumakbo," puna ni Andy, nakaupo sa gilid ng kama at pinapaypayan si Martina na nakahiga at balot ng kumot.Napakunot ang noo ni Lorenzo. "Sino'ng nagbukas ng pinto? Eh kanina…"Hindi na siya natapos magsalita. Sa halip, huminga siya nang malalim at sinarado ang pinto. Tinignan niya
KABANATA 100: PAGBALIKWASNapakunot-noo si Lorenzo habang pinagmamasdan ang bumibigat na ekspresyon sa mukha ni Martin. Hindi niya agad naunawaan kung ano ang dahilan ng biglaang panlalalim ng ngiti ng matalik niyang kaibigan matapos ang pagtatanggol ni Andy kay Martina sa gitna ng engrandeng salu-salo.Napailing na lang si Lorenzo. “Bakit parang—”“’Wag mo na ituloy,” putol ni Martin. “Ayoko ng tsismis.”Nagkatinginan ang dalawa, at sa gitna ng tensyon, pumasok si Mang Felipe, ang matagal nang mayordomo ng pamilya Acosta. Bahagya siyang nag-ubo at lumapit sa kanila.“Sir Martin, may gusto lang sana akong iulat,” aniya. “Mukhang hindi lang si Mr. Montenegro ang pakay kanina sa gulo. May ibang bisitang tila gusto ring sirain ang reputasyon ni Ms. Martina.”“Hindi pa ba tapos ang drama na ’yan?” singit ni Lorenzo, halatang nabubusangot na rin. “Paulit-ulit na lang silang nagpapalaganap ng intriga kay Martina. Wala na ba silang ibang magawa?”Bumuntong-hininga si Martin. “Asan si Martina