Share

CHAPTER 16 - I'M SORRY BLAZE

"Siguro nga tama ka, kailangan na nating maghiwalay Blaze, hindi ako para sayo, at mas lalong hindi ka nababagay sa akin! Tapos na ang lahat sa atin Blaze, hanggang dito na lang tayo."

Nagpaligsahan sa pagpatak ang aking mga luha habang pinapakinggan ang bawat salita na binibitawan ni Zed sa akin. Bawat bigkas nya ng mga salitang yon, parang saksak ng patalim na direktang tumatagos sa aking puso. Hindi pa man ako nakasagot, nakita ko na siyang agad na tumalikod sa akin. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya nang agad ko siyang hinabol at niyakap sa kanyang likuran.

"Zed, maawa ka, huwag mo akong iwan, mababaliw ako kapag nawala ka sa akin Zed. Tatanggapin ko lahat ng panloloko mo sa akin, huwag mo lang akong iwan, maawa ka." Umiiyak ako habang nagmamakaawa kay Zed, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Sa halip tinanggal niya ang dalawang kamay ko na nakayakap sa kanyang baywang. "Kalimutan mo na ako Blaze." Pagkasabi ay walang lingon-lingon na ipinagpatuloy ni Zed ang kanyang mga hakba
Scorpion Queen

Please don't forget to vote for my story and follow my account, thank you mga beb.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana maayos nyo ang magulo nyong relasyon zed at blaze
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status