Share

CHAPTER 6 - PAPER DANCE

Tiningnan ko ang mga kamay niya na nakalahad sa aking harapan. Umangat ako ng tingin at umiling-iling sa kanya.

"Sorry. Hindi kasi ako marunong sumayaw." Tipid na sagot ko.

"Ay naku hindi totoo yan. Marunong siyang sumayaw. Cheer dancer pa nga namin yan sa University eh." Singit ni Claire sa aming usapan.

Pinandilatan ko si Claire. Nagbabanta ang aking mga tingin sa kanya na nagpapahiwatig na tumigil na siya sa ka daldal. Ngunit hindi niya ako pinapansin. Bagkus bigla pa niya akong tinulak kaya hindi ako nakapag handa at napasubsob ang mukha ko sa dibdib ng ka partner kong lalaki.

Bahagya ko pa itong tinulak ng maramdaman na nakayakap na siya sa akin.

"Sige na Blaze, birthday ko ngayon. Nakakahiya naman kung tanggihan mo ang bisita ko. Malay mo kapag kayong dalawa ang mapili na King and Queen ngayong gabi, mapapanalunan niyo ang VIP ticket sa concert ni Zion bukas, ang paborito mong singer. Ayaw mo ba nun?" pang-eengganyo sa akin ni Claire.

Agad na nag-iba ang expression ng mukha ko ng marinig ang pangalan ni Zion. Number one fan kasi ako ni Zion dahil paborito ko lahat ng mga kanta niya. Binalingan ko si Claire.

"Talaga? Hindi mo lang ako pinagtitripan? Swear mamatay ka man?" Kinikilig kong tanong kay Claire.

"Oo nga hindi muna na announce yun ng MC dahil surprise gift ko yun sa mananalo na King and Queen of the night. Kaya kailangan pagbutihin mo ang pagsayaw, yung mapapasaya mo talaga ako, dahil kung hindi kahit kaibigan kita hindi ko talaga ibibigay sayo ang ticket."

Napaismid ako sa tinuran ni Claire. "Ibang klase ka ring kaibigan ano? Mag bibigay ka lang din naman, pinahihirapan mo pa ako. Palibhasa alam na alam mo talaga na laglag ang panty ko pagdating kay Zion."

"Ahem."

Agad akong napatingin sa lalaki ng marinig ang pag ahem niya. Ngumiti ito at lumabas ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Parang nag-eenjoy pa ito ng marinig ang sinabi ko na laglag ang panty ko kay Zion. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Nakalahad pa rin ang mga kamay nito na alam kong nangangawit na mula pa kanina. Hinawakan ko ang kamay niya na nakalahad sa akin at agad din naman niya akong maingat na dinala sa gitna ng dance floor.

"Ayan, kumpleto na ang ating mga pairs sa gitna ng dance floor. Sino kaya ang mag-uuwi ng dalawang VIP ticket para sa concert ng All time favorite singer na si Zion? Yes, tama po ang narinig ninyo, mayroon po tayong ticket na ibibigay bilang reward sa kung sino man ang mapili na maging King and Queen of the Night. So now let's begin."

"Wait."

Napata-as ang kilay ko ng mapansing umakyat si Claire sa entablado at hiniram ang mikropono sa kamay ng host. "Ano kaya ang pina plano ng bruhang ito?" Na puzzled man ay pinakinggan ko pa rin ang gusto niyang sabihin.

"Why not, na gawin nating isang laro ito. Aware naman lahat sa paper dance di ba? Maglalagay kami ng Newspaper sa gitna ng bawat pares. Sasayaw kayo and when the music stop, papatong kayo sa gitna ng Paper. Take note kailangan pagkasyahin ninyo ang mga sarili niyo sa gitna ng papel, kung hindi ma disqualified kayo. As the music changes you have to fold the paper and it becomes smaller. Hanggang sa isang pares na lang ang matitira sa gitna ng dance floor, sila ang pipiliin na King and Queen for the Night. Nahihirapan kasi akong pumili dahil halos magagandang couples ang lahat na nasa gitna ng dance floor kaya para fair, ito na lang ang naisip kong paraan."

"Hahaha, masaya nga ang naisip mong paraan birthday girl. So okay ba sa lahat ng mga couples natin na nasa dance floor na ngayon?" announce ulit ng host. Nakita kong ang ibang babae kinikilig pa na sumagot. Ang iba tuwang-tuwa pa sa naisip na paraan ni Claire. Tinapunan ko ng matalim na tingin si Claire ngunit ngumiti lamang ito.

Alam kong pakana na naman nila ito. Nilingon ko ang tatlo na sina Myrtle, Janice at Sadie na ngayon ay nakaupo sa pang unahan na table. Naabutan ko pa ang pag thumbs up ng mga ito kay Claire na nasa itaas ngayon ng stage.

"Sinasabi ko na nga ba, pinlano nila ito eh. Makikita nyo talaga sa akin mamaya." usal ko sa aking sarili. Bumalik ako sa aking sistema ng marinig muli ang announce ng host.

"Everyone, let's give them a round of applause."

Agad naman na maririnig, ang masigabong palakpakan sa loob ng function hall. Humarap ako sa ka partner ko. Nakita kong nilagay na niya ang newspaper sa gilid naming dalawa. Ilang sandali pa ay narinig namin ang sweet music mula sa speaker ng Function Hall. Hinawakan ng partner ko ang aking kamay at nilagay sa kanyang balikat samantalang ang kanyang kamay naman ay nilagay niya sa aking baywang. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit para akong napapaso sa bawat dantay ng mga kamay niya sa aking balat.

"May I know your name woman?" narinig kong bulong niya sa aking tainga. Muntik pa akong mapaigtad ng magdikit ang pisngi naming dalawa.

"Blaze." mahina kong sagot. Ibinaling ko ang aking ulo sa kabila para maiwasan ang pagkaka dikit ng pisngi namin. Hindi naman sinasadya na madapo ang aking paningin sa couple na magkayakap habang nagsasayaw sa gilid lang namin. Kilalang - kilala ko ang dalawang ito. Si Brenda at ang Ex boyfriend kong si Deo. Matalim ang mga tingin na iginawad sa akin ni Brenda. Bakas ang inggit sa mga mata nito at parang gusto na niyang akong lumukin ng buhay. Samantalang si Deo naman, sumasayaw lang kay Brenda pero ang mata niya ay nananatiling nakadikit sa akin at makikita ang pagnanasa sa klase ng mga tingin niya. Alam kong parang luluwa ang mata niya sa kaka tingin sa mga malulusog kong dibdib dahil kitang-kita ang umbok nito dahil sa suot kong damit.

"Hmmm, you have a beautiful name. I'm Zedric. Just call me Zed." nahimasmasan ako ng maramdaman ko ang pabulong na pagkakasabi ni Zedric sa aking tainga. Agad akong napatigil sa pagsayaw ng marinig ko na binanggit niya ang pangalan ni Zed. "Pati ba naman sa lalaking ito Zed pa rin?"

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong binuhat at nilipat sa gitna ng newspaper. Tumigil na pala ang music. Nang umandar ulit ito ay lumabas na naman kaming muli sa gitna ng papel at nagpatuloy sa pagsayaw.

"Blaze, ang ganda mo ngayong gabi. Parang gusto kong mainggit kay Zion dahil number 1 fan ka niya. Ako, gusto kong maging number 1 fan mo." mainit na bulong nito sa tainga ko.

"Pakiramdam ko talaga si Zed ang kausap ko. Bakit ba ang dami naman ni Zed. Nababaliw na ba ako? Bakit siya ang lagi kong iniisip at nakikita?"

Nasa ganun na naman akong sitwasyon ng maramdaman kong binuhat na naman akong muli ni Zedric papunta sa gitna ng papel. Ngayon ko lang napansin na paliit na ito ng paliit. Ngayon kasya pa kaming dalawa, pero I doubt sa pang-anim na fold. Parang gusto ko nang umatras. Parang nakikita ko na ang maaring mangyari kapag umabot na kami sang pang-anim.

Bumalik kami ulit sa pagsasayaw. Paulit-ulit na ganun ang ginagawa sa akin ni Zedric. Sa tuwing kinakausap niya kasi ako nakakalimutan ko kung nasaan ako, kaya napa balik na lang ako sa aking sistema na nasa gitna na ng papel.

Tiningnan ko ang mga kasamahan namin na sumasayaw din. Tatlong pares na lang pala kami na sumasayaw sa dance floor. At isa na sa pares na yon sina Brenda at Deo. Bumaba ang aking tingin sa papel na nasa gilid namin ni Zedric. Ganun na lang ang pagkadismaya ko ng makita na isang paa na lang ng tao ang pwedeng magkasya sa News paper. "Paano pa kami magkasya dito?"

Ilang sandali pa ay tumigil muli ang Music. Nagulat pa ako ng bigla akong pinangko ni Zedric at mabilis na pumatong sa gitna ng papel.

"Huwag kang gumalaw." mahina niyang utos sa akin. Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit pala ng mga labi namin sa isa't-isa. Kaya hindi na ako gumalaw pa sa takot din na ma out balance siya dahil alam kong isang paa na lang niya ang nakapatong ngayon sa Newspaper. Matagal kami sa ganoong ayos. Matira ang matibay sa kanilang tatlo na parehong binubuhat din ang mga partner nilang babae. Para pa akong matawa sa posisyon ni Brenda dahil nakasakay pa siya na parang bata sa likod ni Deo. Samantalang ang isang pares ng couple naman ay nakapatong sa isang paa ng lalaking ka partner niya. Sila ang unang na out balance. Sumunod naman sina Deo at Brenda.

Kaya in the end kami ang nagwagi ni Zedric. Akmang ibaba na niya ako ng ma out balance siya kaya napatumba kami pareho sa sahig. Akala ko magkaka bukol na ako sa ulo ngunit hindi nangyari dahil agad na sinuportahan ni Zedric ang ulo ko ng mga kamay niya. Naka tukod ang mga siko niya para hindi niya ako madaganan ng bigat niya. Nang tiningnan ko siya ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko si Dr. Zane sa aking harapan. Napaka intimate ng kanyang tingin na waring puno ng pagmamahal. Naipilig ko ang aking ulo dahil sa mga iniisip ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at muli na namang iminulat ito para ma kumpirma kung tama nga ang nakikita ng mga mata ko. Hindi nga ako nagkamali si Dr. Zane at at Zedric ay iisa.

"Pero bakit pa siya magsisinungaling ng pangalan niya sa akin? Kung hindi pa natanggal ang maskara niya dahil sa pagkakatumba, ibig sabihin plano niyang ilihim ito sa akin?"

"Dr. Zane?" takang sambit ko sa kanya.

Parang natauhan naman si Dr. Zane kaya mabilis din siyang tumayo at tinulungan rin ako.

"Surprise?" nakangiti niyang sagot sa akin.

"Surprise? Ang sabihin mo na prank mo ako. Tinuruan ka na rin ba ng mga kaibigan kong pagtripan ako? Di pa Zedric, Zedric ka pang nalalaman." Naiirita kong tanong.

Hindi na nakapag sagot si Dr. Zane dahil narinig na namin ang ingay ng palakpakan ng mga bisita sa buong Function hall.

"Wow, hindi ako makapaniwalang mag-eefort talaga si Mr. 34 pra lang makapanood sila ng partner niya sa concert ni Zion. Ang swerte naman ni Ms. 34 at ang gwapo pala ng partner niya." narinig kong kinikilig na announce ng host. 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
Surprise! trip ka talaga ng mga kaibigan mo Blaze. ahahah thank you Author.
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda sobra
goodnovel comment avatar
grace27
Pa unlock nxt chapter po plssss....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status