Share

CHAPTER 41

WALANG KIBO ang Mommy niya nang magpaalam siya sa mga ito. Alam niyang masama ang loob nito dahil sumama pa rin sya kay Genis pabalik ng Maynila. Kagabi nang mag-usap sila ay panay ang pakiusap nito sa kanya na dumuon na muna siya sa Sta. Elena. Ngunit sinunod pa rin niya ang kagustuhan ni Genis.

Tahimik na tahimik lamang siya habang binabagtas ang daan patungo sa Maynila. Gayundin naman si Genis. Wala itong imik habang nakasandal. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit na lamang na makatulog dahil halos di na siya nakatulog kagabi pagkatapos nilang magtalik. Gustong-gusto na ng mga mata niyang magpahinga ngunit naglalakbay ang diwa niya.

Napakaraming tanong ang naglalaro sa utak niya.

Ang sabi ng Mommy niya ay makipaghiwalay na raw siya kay Genis. Huwag raw niyang payagang apihin siya nito at abusuhin. Kung mayroon pa raw natitirang respeto sa sarili niya, makipaghiwalay na raw siya.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status