HINDI ALAM NI AMANDA kung bakit parang may mga kabayong nag-unahang magsipulasan sa kanya nang ianunsyo ng piloto na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan niya sa Manila airport. Ewan ba niya kung bakit binabalot ng takot ang puso niya. Five years pagkatapos ng nangyaring kidnapping sa kanila ay ngayon lang siya muling tatapak ng Pilipinas. Naramdaman niya ang mahigpit na pagpisil ni Tom sa isang kamay niya, alam niyang ramdam nito ang gumugulo sa isipan niya ng mga sandaling iyon. Gusto nitong iparamdam sa kanya na nandito lang ito para sa kanya. May pait sa mga labing ngumiti siya sa lalaki. “You’ll be fine,” mahinang sabi nito sa kanya. Tumango lamang siya saka kinuha mula rito ang kanyang handbag. Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw na nga sana niyang bumalik pa ng Pilipinas lalo pa at nahiyang na ang buong pamilya niya roon. Sa katunayan ay hindi na nga sumama sa kanya pauwi ng Pilipinas ang mga magulang niya at mga kapatid, total n
INAKBAYAN SIYA NI TOM habang papasok sila sa loob ng restaurant kung saan sila magtatagpo nina Genis para pumirma sa annulment paper na inihain niya. Hindi niya alam kung bakit parang pinipiga ang puso niya habang iniisip ang gagawing paghahain ng annulment sa lalaki. Matagal na silang hiwalay and yet parang ang sakit-sakit pa rin para sa kanyang isipin na tuluyan nang mapapawalang bisa ang kanilang kasal. May bahagi sa puso niya ang tila hindi sumasang-ayon. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Alam ni Tom na natetense siya kaya panay ang pisil nito sa balikat niya. Pagpasok na pagpasok nila sa loob ng restaurant ay nakita kaagad niya si Genis. Nang magsalubong ang kanilang mga paningin, pakiramdam niya ay bahagyang huminto sa pag-ikot ang mundo niya. Hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa kanya. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na umuwi pa siya ng Pilipinas dahil pakiramdam niya ay muling nabuhay ang nararamdaman niya para dit
MATAPOS makapag dinner ay hinayaan sila nina Tom at Carina na makapag-ayos ng sarilinan para isettle ang kanilang annulment habang hinihintay nila ang kanilang abogado na on the way na raw. Medyo mahuhuli lang dahil raw may nangyaring hindi inaasahan. “You look good. Mukhang hiyang saiyo ang Canada,” may pait sa tonong sabi sa kanya ni Genis, nang tingnan niya ito ay di niya mabasa ang expression ng mukha nito ngunit nabanaag niya ang lungkot sa mga mata nito. Or guni-guni na naman niya ito? Bakit naman ito malulungkot samantalang kasama nito ang babaeng pinakamamahal nito? Besides, ano pa bang hahanapin nito sa buhay? May matagumpay itong career at sa pagkakaalam niya ay mas lalo pang yumayaman ang kompanyang itinatag nito. “Oo naman. Kung ako nga lang ang masusunod, hindi ko na gugustuhin pang bumalik ditto sa Pilipinas. Ang balak ko nga lang sana ay ipadala na lang saiyo ang mga papers na pirmado ko,” aniya. “Then what made you change your
SIMULA nang maghiwalay sila ni Amanda ay sa condo unit na nabili niya naglalagi si Genis. Ayaw niyang tumira sa dati niyang bahay dahil maraming mga alaala ang hatid niyon sa kanya. Sa loob ng limang taon ay sinikap niyang kalimutan si Amanda. At hindi nakakatulong ang dating tahanan nila para mapabilis ang kanyang paglimot. Madalas ay sa condo rin niya nag-stay si Carina bagama’t di pa rin naman sila nagli-live in. Mas madalas kasi ay mas gusto na lamang niya ang mapag-isa. Kagaya ngayong gabi. Inihatid niya si Carina sa condo unit nito at mabilis na nagpaalam dito. Sa kanyang pub house siya dumiretso at ibinuhos ang oras sa pag-iinom. Kapag nalalasing, nagpapahatid siya kay Mang Doy sa dating bahay nila ni Amanda at nagkukulong sa kwarto nito. Umiiyak lang siya duon na parang isang bata hanggang sa makakatulogan na lamang niya ang pagsesentimyento. Saka magigising kinabukasan na masakit na masakit ang ulo. Ngunit ngayong umaga pagkagising
“NAGKAROON TAYO NG ANAK?” Hindi mabasa ni Amanda ang expression ng mukha ni Genis nang tingnan siya, “Anak natin si Gertrude?” Waring naguguluhang tanong nitong muli saka tumingin sa bata. “You are my Daddy?” Halos paanas naman na sambit ni Gertrude habang titig na titig sa ama na waring pinag-aaralan ang bawat sulok ng mukha nito, maya-maya ay napakurap ito saka tumingin sa kanya, “Then I really have a dad, mommy?” “Of course, Gertrude,” tumawa siya ng pagak. Hindi pa rin kumikibo si Genis, nakatitig lang ito sa bata, hindi niya tiyak kung natutuwa ba itong malaman na nagkaroon sila ng anak. Maya-maya ay nakita niyang tumulo ang luha nito habang nakangising kinarga nito ang bata at pinugpog ng halik. “You look exactly like me,” sabi nito kay Getrude habang titig na titig ditto. “Daddy, are you upset?”Nakakunot ang nuong tanong ng bata sa kanya. “I’m not upset, baby. I’m just happy,” masayang sabi nito sa anak. Inilihi
“BAKIT KAHIT na anong gawin ko, hindi ako maging masaya, ha Genis?” Umiiyak na tanong ni Wendy, kinuyumos nito ang hawak na papel, “Bakit lahat ng mahal ko, iniiwan ko? Ano bang nagging malaking kasalanan ko?” Pagkatapos umiyak ay bigla itong tumawa ng malakas, “Sige, iwanan nyo na lang ako. Pareho-pareho lang kayo!!!! Si Papa, nasaan siya ngayon? Bakit hindi man lang niya ako dinadalaw ditto?” Sigaw nito sa kanya. Hindi umimik si Genis. Paulit-ulit lang naman si Wendy sa mga sinasabi nito. Apat na taon na ito sa sanitarium. Ipinasok niya ito duon pagkatapos nitong malulong sa bisyo at mawala sa katinuan. Marahil ay hindi nito natanggap ang pagkamatay ng ama nito. Ang kanyang Ninang Linda naman ay bigla na lamang nawala at hanggang ngayon ay di pa rin niya alam kung nasaan. Kahit naman trinaydor siya ng kanyang Ninong Ben ay nag-aalala pa rin siya para sa kalagayan ni Wendy dahil kahit paano, kung wala ito nuon sa tabi niya, baka napariwara na rin siya. Si Wend
“CANCER?” Ilang beses napakurap si Amanda habang nakikinig sa kwento ni Tom. Bigla ay naisip niya si Genis. God, paano tinatanggap ng lalaki ang kalagayang iyon ni Carina? Alam niya kung gaano nito kamahal si Carina kaya tiyak niyang nahihirapan itong makita ang pinagdadaanang iyon ng babae. Ngunit naisip niyang maswerte pa rin naman si Carina dahil kasama nito at nasa tabi lamang nito ang lalaking mahal nito. “Kaya nga gusto gusto na rin nilang maayos ang annulment papers ninyo para makapagpakasal sila sa lalong madaling panahon,” sabi pa ni Tom. At ewan ba niya kung bakit kahit na di naman kataka-taka iyon ay pakiramdam niya ay may matalas na bagay pa rin ang humiwa sa kanyang dibdib. Kanina ngang nakikita niya kung paanong mag-asikaso si Genis kay Carina ay pinapatay siya ng selos na nararamdaman. Alam niyang masasaktan ng husto si Genis sa oras na may mangyaring masama sa babae. Hinawakan ni Tom ang isang kamay niya at dinala n
“MAARI KO bang mahiram ang anak ko bukas?” Tanong ni Genis nang tawagan siya nito umaga ng Sabado. Kahapon lang ay nagmessage siya rito para ipaalala ang tungkol sa annulment papers nila ngunit hindi naman ito nagreply tungkol duon. “Hindi ba dapat pinag-uusapan na natin ngayon pa lang ang tungkol sa annulment?” aniya rito, “Pirmahan mo na ang documents para maprocess na iyon sa lalong madaling panahon!” naiinip na sabi niya rito. “Hindi ka na talaga makapaghintay na makasal kay Tom. Bakit, mas magaling ba sya sa kama kesa sakin?” May sarcasm sa tonong tanong nito sa kanya. Nagpanting ang mga tenga niya. Gusto sana niyang isagot ditto na ni minsan man ay hindi niya ibinigay ang kanyang sarili sa iba ngunit naisip niyang hindi niya ito bibigyan ng satisfaction na malaman ang kung anuman sa kanila ni Tom. “Kung anuman ang nangyayari sa aming dalawa ni Tom, labas ka na dun. Pero isang bagay lang ang gusto kong tiyakin saiyo, napakalaki n