Share

COMING HOME IS A MISTAKE

SABADO NG HAPON at tahimik na tahimik ang buong paligid ni Tori. Wala si Hajie dahil isinama ng ina at mga kapatid ni Taj ang anak niya sa Hongkong. Alas nuebe pasado na pero nanatili pa rin siyang nakapamaluktot sa kanyang kama. Hindi siya inaantok kahit ilang araw na siyang walang maayos na tulog. Sadyang wala lang siya sa mood na kumilos. Hindi rin niya sinasagot kahit ang mga tawag ni Ember.

Nilaro ni Tori ng kanyang mga daliri ang kobre-kama habang blangkong nakatitig sa kulay kremang pader ng kanyang silid. Samo’t-sari ang tumatakbo sa kanyang isipan. Iniisip niya na kung hindi siya pumunta sa Guimaras para magbakasyon ay hindi sana niya nakilala si Taj.

Kung hindi sana niya hinayaan ang kanyang sarili na mahulog sa dati niyang asawa ay hindi sana siya nasaktan nang todo na halos sumira sa buhay niya. Kung hindi sana siya nagpakasal kay Taj ay baka hindi naging mahirap ang lahat para sa kanya. Kung hindi lang sana nakialam ang Mommy niya at si Sid ay hindi sana sila nagkahiwal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status