Share

I HATE YOU

TAHIMIK AT NAKAHALUKIPKIP na itinuon na lamang ni Tori ang kanyang paningin sa labas kung saan ay nakikita niya ang mga puno ng mangga na maayos na nakalihera sa malawak na lupain ni Taj. Kasalukuyan nilang binaybay ang daan patungo sa dulong bahagi ng plantasyon kung saan naroon ang private farm resort ng lalaki. Ang Greenwoods Cabin.

Ayaw na ni Tori na makipagtalo pa kay Taj kaya sumama na lamang siya. Wala na siyang lakas. Sa unang pagkakataon simula nang mangyari ang hiwalayan nila ng dating asawa at ang paglipad niya palabas ng bansa limang taon na ang nakakaraan ay nakaramdam ng pagod si Tori. Para siyang naubos nang dahil sa biglaang pagkawala ni Wanji. Para siyang napilayan. Pakiramdam niya ay para siyang ibon na nabalian ng isang pakpak kaya hindi niya alam kung paano makakalipad ulit.

Pagod at hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam. Bukod sa anak niyang si Hajie at si Wanji na lamang ang mayroon siya tapos bigla pang nawala ang lalaki. Paano na siya ngayon? Selfish nga si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status