AUTHOR’S FRIENDLY REMINDER: THIS STORY IS A WORK OF FICTION. WARNING: MATURE CONTENT AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK! R-18 STORY..KATHANG ISIP LAMANG PO ANG LAHAT NG NAKASULAT DITO. HUWAG PO SANANG MASYADONG SERYOSOHIN! THANK YOU PO!
LORIE LOVE
“Ninong?”
“Ikaw, ikaw ang ninong ko!”
“Inaanak mo po ako!” sigaw ko sa lalaking nakatayo sa labas nitong mall.
“Who are you? What are you talking about?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.
“Hindi po ako nagkakamali. Ikaw po talaga ang ninong ko.” nakangiti pa na sabi ko dahil masaya ako.
“Fvck! Nagkakamali ka lang yata, Miss. Ang bata ko naman para maging ninong mo,” sabi niya sa akin.
“Opo, bata nga po pero ninong talaga kita. Sabi ng nanay ko ay ninong kita noong SK Chairman ka pa lang,” sabi ko sa kanya at baka sakaling maalala niya.
“Sorry pero wala akong maalala,” sagot niya sa akin.
“Tulungan mo po ako, gusto kong makapag-aral.” Walang paligoy-ligoy na sabi ko sa kanya.
“Lumapit ka sa foundation. Kapag nakapasa ka at naibigay mo ang lahat ng requirements ay makakapag-aral ka na,” sagot niya sa akin.
“Bakit hindi na lang po ikaw ang tumulong sa akin? Ninong naman po kita eh,” tanong ko sa kanya.
“Sorry, Miss. Hindi ko alam at hindi ko matandaan. Excuse me,” sabi niya sa akin at tumalikod na siya.
“Kapag eleksyon lang talaga kayo magaling,” naiinis na sabi ko at mabilis akong lumayo sa kanya.
Hindi naman ako puwedeng mamilit lalo na ang sabi niya sa akin ay hindi naman talaga niya ako kilala. Uso kasi talaga dito sa amin ang ganito, may mga ninong o ninang na politiko. Lalo na late na ako nabinyagan noon at ang sabi sa akin ni nanay ay ninong ko siya noong SK chairman siya sa barangay namin. Binyagang pambarangay raw iyon noon.
Mas pinili ko na lang na umuwi sa bahay namin. Dahil nalulungkot talaga ako. Ewan ko ba pero ang lungkot ko talaga. Sa totoo lang ay tama naman ang sinabi ni Cong. Pero kasi hindi naman ako natanggap dahil every year ay may limit sila at marami na ang mas nauna sa akin.
Pagpasok ko sa bakuran namin ay nakita ko na nagsisibak ang tatay ko ng kahoy na panggatong namin.
“Mano po, tay.”
“Kaawaan ka ng Panginoon, anak. Kumusta ang lakad mo? Nakahanap ka na ba ng trabaho?” tanong sa akin ni tatay.
“Wala po, halos wala pong bakante. ‘Yong ibang trabaho naman ay gusto nila college graduate,” sagot ko sa kanya.
“Pasensya ka na talaga, anak. Ang kinikita ko kasi ay kulang pa para sa gamot ng inay mo,” malungkot na sabi sa akin ng tatay ko.
“Huwag ka po magsalita ng ganyan. Makakaahon rin po tayo, sa ngayon ay maghahanap na lang po muna ako ng ibang trabaho. May awa po ang Panginoon. Makaraos rin po tayo, hindi man ngayon pero habang may buhay ay may pag-asa,” nakangiti na sabi ko sa kanya at niyakap ko pa siya.
“Marumi ako, anak. Baka madumihan ang damit mo. Ilan na lang ang mga gamit mo na maayos,” sabi sa akin ni tatay.
“Pasok na po ako sa loob, tay.” paalam ko sa kanya.
Pagpasok ko sa bahay ay nakaupo ang nanay ko sa lumang kawayan na upuan namin. Lumapit ako sa kanya at nagmano ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo bago ako pumasok sa silid ko para magbihis ako ng damit. Paglabas ko ay nakipag-kwentuhan ako kay nanay.
“Alam niyo po, nay. Nakita ko po si Congressman sa mall kanina. Kinausap ko pa nga siya, sinabi ko sa kanya na inaanak niya ako. Pero hindi naman niya ako kilala,” malungkot na sabi ko kay nanay.
“Hayaan mo na, anak. Hindi ka talaga niya kilala, lalo na marami ‘yan siyang inaanak. Matulungin kasi siya kahit pa noong SK pa lang siya,” sabi sa akin ni nanay.
“Tama ka po, nay.” sabi ko na lang sa kanya.
Gusto kong sabihin sa kanya na humingi nga ako ng tulong sa idol niyang politiko pero hindi naman ako tinulungan. Tinuro lang niya ako sa mga charity at foundation niya. Ayaw ko naman na maging pangit ang tingin ng nanay ko sa kanya. May sakit ang nanay ko at ayaw ko siyang bigyan ng sama ng loob.
Tumayo na ako para magluto ng pagkain namin. Nagsaing ako dito sa kusina namin gamit ang kahoy. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi na kami nakabili ng stove na gamit ay gas. Ang pera namin ay gagamitin na lang namin na pambili ng gamot ng nanay ko. Kahit pa nagtatrabaho ang kuya ko ay wala namang natitira dahil sa maliit lang rin ito.
Mabuti na lang at natapos ko ang senior high school.
“Lorie!” narinig ko na tawag sa akin ni tatay kaya naman lumabas na muna ako.
“Bakit po?”
“Hinahanap ka ng tiya mo, pumunta ka muna sa bahay nila at may sasabihin raw sa ‘yo,” sagot niya sa akin.
“Sige po,” sagot ko sa kanya at naglakad ako papunta sa kabilang bahay.
“Tiya, hinahanap niyo po ako?” tanong ko sa kanya.
“Nakahanap ka na ba ng trabaho?” tanong niya sa akin.
“Wala pa po, tiya.”
“Nagkita kasi kami kanina ng kaibigan ko. Ang sabi niya naghahanap daw ng katulong sa mga Zuares, baka gusto mong magtrabaho sa kanila?”
“Katulong po?”
“Oo, marami naman daw kayo doon at hindi naman daw mahirap ang trabaho. Malaki rin ang sahod doon, kung ako lang talaga ay walang ginagawa ay ako na lang ang papasok–”
“Sige po, tiya. Magtatrabaho po ako doon, mas okay na po ‘yon kaysa maging tambay po ako,” sagot ko sa kanya.
“Sige, tatawagan ko na ang kaibigan ko.”
“Marami salamat po, tiya.” nakangiti na sabi ko.
Kinausap ni tiya ang kaibigan niya. Ako naman ay umuwi na sa bahay para magpaalam sa magulang ko. Alam ko na hindi ito ang pangarap nila para sa akin pero sa ngayon ay ito na muna. Marangal na trabaho ang pagiging katulong kaya wala akong dapat na ikahiya. Mahirap ako at sanay sa hirap kaya wala akong karapatan na mag-inarte.
“Sigurado ka na ba talaga, anak?” tanong sa akin ni tatay.
“Opo, para po ito sa atin. Para po pandagdag sa gamot ni inay. Uuwi po ako dito tuwing day-off ko,” sagot ko sa kanya.
“Mag-iingat ka doon, anak.”
“Opo, mag-iingat po ako palagi. Alagaan niyo po ang sarili niyo,” parang naiiyak na sabi ko sa tatay ko.
“Ikaw rin, anak ko.”
Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nila ng nanay ko. Ginagawa nila ang lahat para sa amin. Dahil daw sa hindi sila nakapag-aral noon ay nais nila na makatapos ako. Sa sobrang pagtatrabaho ay nagkasakit naman ang nanay ko. Kaya ngayon ang kuya at tatay ko ang nagtatrabaho.
Pumunta ang pinsan ko dito para sabihin na mamaya daw ako pupunta doon sa bahay ng mga Zuares. Ang bahay kung saan nakatira ang ninong ko na hindi naman ako kilala. Sigurado naman ako na busy siya kaya baka wala rin siya doon.
“Kaya natin ito self,” sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos ako ng mga gamit ko na dadalhin ko.
LORIE LOVE“Pero sinabi mo, ni record ko nga eh. Gusto mo bang marinig?” nakangisi na tanong niya sa akin kaya ako itong hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya.“Alam mo, ang dami mo talagang ginagawa sa akin. Sure naman ako na hindi ‘yan totoo,” sabi ko sa kanya.“Malalaman mo mamaya,” nakangisi na sabi niya sa akin.Magagalit pa sana ako pero dumating ang kakampi niya kaya nananahimik na lang ako. Ako na naman ang talo sa kanilang dalawa lalo na kakampi niya ang nanay ko. Talagang good shot siya sa pamilya ko o baka dahil kilala lang rin talaga nila ako na maldita kaya ganito sila. Pero okay lang dahil hindi nila kailangan mag-alangan sa boss ko kapag kausap nila siya.Kumain kami at nakita ko kung paano naging magana sa pagkain itong boss ko. Kaya ang lahat ng pag-aalala ko kanina ay nawala dahil okay naman pala sa kanya. Hindi naman pala talaga siya mapili at maarte. Natapos na lang kumain ay wala akong narinig na mula sa kanya. Nakataas pa nga ang isa niyang paa at ang naka-ka
LORIE LOVE“Good night, ninong ko.” nakangiti na sabi ko sabay halik sa pisngi niya pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat at humiga na kaming dalawa sa higaan ko pero nasa ibabaw niya ako.“N–Ninong–”“Bakit ba ang gaan mo?” nakangisi na sabi niya sa akin.“Talaga ba? Magaan ako? Malakas kaya ako kumain.”“Ang sexy mo, kahit na ang manang mong manamit ay sexy ka pa rin,” pabulong na sabi niya sa akin kaya medyo nahiya ako.Ito yata ang unang beses na pinuri niya ako na sexy ako. “Matulog na tayo, bitiwan mo na ako para makahiga na ako,” sabi ko sa kanya.“Ayaw ko,” sagot niya sa akin.“Ninong, inaantok na ako,” sabi ko sa kanya.“Ako rin naman, Love. Hayaan mo na lang ako, hindi ka naman mabigat kaya matulog ka na, matulog na tayong dalawa,” nakangiti na sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.Magsasalita pa ba ako kung sa noo na ako hinalikan. Wala na, mas pinili ko na lang na humiga na lang sa dibdib niya at ipinikit ko na ang mga mata ko. Inaantok na rin kasi ta
LORIE LOVE“Ninong, this is too much na,” sabi ko sa kanya.“Kulang pa nga ito, gusto kong ibigay ang lahat sa ‘yo,” sabi niya sa akin at sa sobrang tuwa ko sa kanya ay niyakap ko siya ng mahigpit.“Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa ‘yo at naging mabait ka ng ganito pero masaya ako. Alam mo ba na sobra akong disappointed ako noong una kitang nakita. Kasi naman ang suplado mo tapos hindi mo ako tanggap na inaanak mo,” sabi ko sa kanya.“Nakonsensya ako sa ginawa ko sa ‘yo kung alam mo lang. Pero nagulat rin ako nang makita kita sa bahay,” sabi ko sa kanya.“Pero nagsungit ka pa rin naman e–”“Alangan naman na yakapin kita,” natatawa na sabi niya sa akin.“Huwag ka ng magbago ha. Ganito ka na lang ha,” natatawa na rin ako.“I’ll try,” sabi niya sa akin.“Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ko sa kanya.“Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya sa akin at mabilis akong tumango sa kanya.“Inaantok ka na naman ba? Buong maghapon ka ng tulog diba,” natatawa na sabi niya.“Hindi naman ako in
LORIE LOVE“Date?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya.“Yes, love, date natin ngayon. Alam ko kasi na hindi ka papayag kaya nagkusa na lang ako. Gusto ko kasi na mas makilala ka pa, alam ko na mali ito sa paningin mo pero para sa akin ay tama ito. Kaya sana ay hayaan mo na lang ako na makasama ka ngayon. Let’s enjoy this night and Lorie Love, I like to know you more. Gusto pa talaga kitang mas makilala pa,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.“Are you sure?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya.“Kung hahayaan mo ako,” sagot niya sa akin.“Kaya mo ba akong panindigan?” tanong ko sa kanya na hindi ko rin alam kung bakit ba ganito ang tanong ko sa kanya na para bang magjowa na kami.“Oo, kayang-kaya ko,” sagot niya sa akin na hindi man lang kumukurap ang mga mata niya.“Weh?”“Yes, Love. Trust me, kaya ko talaga, kung hindi ka naniniwala sa akin ay papatunayan ko,” sabi pa niya sa akin.“Kung ‘yan ang nais mo ay ikaw ang bahala,” sabi ko sa kanya.“Pumapayag ka na ba?”“Saan?”“Na ki
LORIE LOVE“Puwede mo na bang sagutin ang tanong ko?”“Ang sagot ko naman, kung ako ang tatanungin mo ay depende, depende sa sitwasyon. Kung talagang tumino na ay siguro pero kung cheater talaga ay ayaw ko. Para akong kumuha ng bato tapos ipokpok ko sa sarili ko. Hindi kasi ako naniniwala na nagbabago ang mga cheater, nagbabago pero hindi pang matagalan.”“Ganun? So, wala na akong pag-asa sa paningin mo?” tanong niya sa akin.“Babaero ka lang naman diba? Hindi ka naman cheater diba?” tanong ko sa kanya kahit pa alam ko naman ang sagot.“Siguro kasi marami akong babae eh, sabay-sabay pa sila kahit na hindi ko sila niligawan,” sagot niya sa akin at honest naman siya dahil tama naman siya. “Atleast honest ka, kahit ‘yon na lang ay okay na,” sabi ko sa kanya.“Kaya mo bang tanggapin ang playboy na katulad ko?” tanong niya sa akin.“Ha? Bakit ako ang tinatanong mo?”“Gusto ko lang malaman,” sagot niya sa akin.“Mukha ka namang mabait ‘wag ka lang topakin, kaya siguro, oo. Saka baka naman g
LORIE LOVE“A–Ano ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.“For you,” sabi niya sa akin at may binigay siya na maliit na kahon.“Ano ito?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Buksan mo,” sagot niya sa akin.“Ninong, hindi ko na yata kayang tanggapin ‘yan. Ang dami mo na pong binigay sa akin eh. Hindi ko na po kaya,” sabi ko sa kanya.“Last na ito, Love.” sabi niya sa akin.“Baka mahal na naman ‘yan,” sabi ko sa kanya.“Ano naman kung mahal? Mas mahal pa ba ‘yan sa ‘yo?”“Ha?”“Open it,” utos niya sa akin.“Pero kasi–”“Ako na lang kung ayaw mo,” sabi niya at binuksan niya ang maliit na box at bumungad sa akin ang isang magandang necklace.“N–Ninong,” nauutal na sambit ko.“Hayaan mo na akong bigyan ka ng ganito. Hindi naman galing sa nakaw ang pinambili ko dito,” sabi niya sa akin.“Ha?”“Sabi ko hindi naman galing sa nakaw ang pera ko kaya tanggapin mo na ang mga binibigay ko sa ‘yo,” sabi niya at siya na mismo ang nagsuot sa akin.“Sabi ko na nga ba at bagay sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“B