CASSANDRAHindi ko na kaya. Sobrang sama ng pakiramdam ko at kanina pa ako iyak ng iyak kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sinubukang matulog ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nang mapalingon ako ay nakita ko si Jonas. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. “Case!” “Jonas?! Jonas! ang tagal tagal kong naghintay na magising ka! gising ka na! totoo ba ‘to?! hindi ba ako nananaginip?! gising ka na?!” sunud-sunod na tanong ko sa kanya. “Yes Case, hindi ‘to panaginip, mahal ko! magkakasama na tayo ulit!” Napalitan ng saya ang lungkot na kanina ko pa dinadala. Wala akong maisagot sa kanya kundi iyak ng kasiyahan habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. “Case, totoo ba?! you're pregnant with our twins?! magiging daddy ulit ako?!” masayang tanong niya sa akin. “Oo Jonas! shooter ka talaga eh!” kantyaw ko sa kanya at sinunggaban siya ng halik. Halik na halos ayaw naming pakawalan ang isa’t-isa. Sobrang na-miss ko siya. Nang magkalas kami ay nakita n
GIOVANNII was just protecting her. Bakit ba ang tigas ng ulo niya?! tss.Nagmamaneho ako ngayon papunta sa Ospital kung saan naka-admit si Jonas. Maya-maya ay may biglang nag ring ang cellphone ko at iyon ang hi-nired ko na private investigator na si Dylan.“Hello? oh Dylan, balita?”“Sir, negative po. Hindi si Jonas ang may gawa kundi ang kapatid niyang si Jhondo po Sir, identical twins sila kaya naguluhan ako pero si Jhondo po talaga ang suspek pero patay na siya.”“Ano? anong kinamatay?” “Nag-suicide siya sa Hacienda ng mga Del Riego dalawang taon na ang nakalipas.” “Suicide?” “Opo. Mabuti pong tao si Mr. Jonas Del Riego Sir. Malinis ang record niya habang si Jhondo naman ang napakaraming bad records at pabalik-balik ng kulungan. Kinulong si Ms. Katrina ni Jonas sa kwarto pero si Jhondo po ang gumagahasa sa kanya. Tinangka din po ni Jhondo na gahasain si Ms. Diana.” “Sigurado ka dyan ah.” “Opo, Boss, siguradong-sigurado, ise-send ko po sa inyo ang CCTV footage kung saan nagp
CASSANDRA“Diana?” napalingon ako sa likod ko at naroon si Serafina na tinawag ako. Nagtataka ng mukha niya habang si kuya Giovanni naman ay nasa harap ko at sunud-sunod ang tanong. “Kuya, babalik na ako ng Hacienda Del Riego, sa Aurora.”“Ano?! Teka, bakit? Gising na ba si Jonas?” “Hindi pa pero kailangan ko ng bumalik ng Aurora.” “Diana naman, hindi ba’t napag-usapan na natin ito?!” galit at dismayadong saad ni kuya Giovanni. Hindi ko siya masisisi. Matagal akong tumira sa poder niya. Dalawang taon mahigit. “Kuya, asawa ko si Jonas kaya please, hayaan mo na akong sumama sa kanya at buuin ang pamilya namin. Nakikiusap ako sayo.” saad ko na mangiyak-ngiyak na. Maya-maya ay dumating naman ang dalawang bodyguard ni kuya at tumindig sa likod niya. “Tigilan mo ‘yang kahibangan mo Diana! Ilang beses ko ng sinasabi sayo na mapapahamak ka lang dyan kay Jonas! At ngayon gusto mo pang idamay ‘yang anak mo?! He's a fucking rapist! Gusto mong sumama sa taong gumawa ng karumal-dumal sa nan
JONASNarinig ko na naman ang boses ni Cassandra, tinatawag niya ang pangalan ko na may takot habang humahagulgol ng iyak. Damn it! paano ba ako makaka-alis dito?! Bumalik ako sa kwarto ko dahil natanaw kong nagliliwanag iyon. Pumasok ako doon at nang mamulat ang mga mata ko ay nahilo pa ako dahil puro puti ang paligid. Nagising ako sa Ospital at natanaw sa aking kamay ang isang kulay pulang paru-paro. Nakadapo lang iyon sa akin at tila nagbabantay. Tahimik ang paligid at wala akong kahit sinong kasama. Iginala-gala ko ang paningin ko at naisipang umupo ng dahan-dahan. Pinakiramdam ko ang katawan ko at mukhang okay naman ako. Walang masakit sa akin ngunit nakakapagtaka ang katahimikan. Nakapatay pa ang ilaw at ang bintana lang ang tanging liwanag ko. Maaliwalas ang araw na iyon dahil maganda ang sikat ng araw. Ibig sabihin, nananaginip lang ako nung nakausap ko si Katrina. Wala na ang kulay pulang lubid na nakatali sa kamay ko pero ano ang sinasabi niya sa panaginip ko na handa d
CASSANDRANahati ang oras ko sa pagta-trabaho at pagbisita kay Jonas. Ang dating ara-araw na pagdalaw ko ay naging thrice a week, two times a week at minsan ay isang buong linggo akong wala at kapag day-off ko ay sinasama ko si Sanjo pero hindi pa rin nagigising si Jonas. Bumisita ako ulit ngayon at bumili ng shaver at shaving cream dahil mahaba na ang balbas ni Jonas. Kailangan ng ahitin. Maingat ko siyang nilagyan ng shaving cream at dahan-dahan na shinave ang balbas niya. Naabutan naman ako ni Bernard na ganon ang ginagawa. “Cassandra.” “Bernard, nandito ka na pala.” saad ko at itinuloy lang ang ginagawa ko. “Cassandra, pag nagising si kuya, iuuwi ko na siya pabalik ng Aurora.” natigilan ako sa sinabi niya. “Ah ganon ba?” “Hindi na rin kasi kami pwedeng magtagal pa dito dahil natabunan na ako ng mga trabahong gagawin sa opisina. Hindi ko iyon kaya ng mag-isa, kailangan ko pa rin si kuya.” paliwanag niya pa ngunit hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Alam mo, pwede ka nama
CASSANDRA “Oh, kamusta? okay ka lang daw ba?” tanong sa akin ni Bernard. “Ah, oo nahilo lang. Kulang kasi ako sa tulog eh.” palusot ko. Sinadya kong magsinungaling sa kanya tungkol sa totoong kalagayan ko. Inilihim ko sa lahat ang pagbubuntis ko hanggat hindi pa nagigising si Jonas. Maya-maya ay nag ring ang cellphone ni Bernard. “Naku, wait lang ah, sagutin ko lang ‘to, sa kumpanya ito eh.” saad niya at dali-daling lumabas ng kwarto. Napatingin ako kay Jonas na ngayon ay tahimik na natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya. “Love, gumising ka na please. May good news ako sayo. I'm pregnant and we're having twins. I promise you, oras na magising ka, there will be no more pain. Sasama na ako sayo sa Aurora, buo na ang desisyon ko, uuwi na tayo ng Hacienda Del Riego.” saad ko na inilagay ang kamay niya sa pisngi ko. Napahagulgol ako ng iyak. “I'm so sorry, kasalanan ko lahat ng ‘to! kung sana nakinig nalang ako sayo, kung sana sumama nalang ako sayo edi sana mas nakapag-