Share

4. BORED 2

July 2022

NITE

Nababagot na bumangon ako mula sa pagkakahiga sa papag. Narito ako sa log house, sa propiedad na pag-aari ko rito sa Cuenca, Batangas. 

It had been a month mula nang ibigay ko si Gunner kay Chloe. Sa isang buwan na mahigit na nasa pangangalaga ko ang bata ay napamahal na siya sa akin. Isa rin ‘yon sa dahilan kaya binigay ko na siya kay Chloe para ibigay sa ama niya, kay Boss Trace. Ibinigay ko na kaysa tumagal pa at mas lalo lang akong masasanay sa presensya niya. 

Kung pwede lang na akin na sana si Gunner kaso hindi… Hindi ko na kayang dagdagan pa ang atraso ko sa ama niya. At si Christine, kung bakit niya nagawa sa akin iyon noon ay dahil si Trace ang mahal niya. 

Nakakalokong dahilan. Napakababaw at wala sa katwiran. Dahil sa pagmamahal ay niloko niya ako, dahil sa pagmamahal ay umiwas siya kay Trace, at dahil sa pagmamahal mas pinili niya magpanggap na patay.  

Sa naisip ay binalikan ko ang huling pag-uusap namin ni Christine. Ang babaeng naging dahilan kaya ginawa ko ang lahat para makapasok sa Foedus. Ang babaeng pinaglaban ko kahit akala ko ay patay na siya. Ang babaeng sumira ng pagkatao ko.

****

“Hi,” mahina ang boses na bati ni Christine sa akin. 

I smiled at her. Para pa rin akong nananaginip na nasa harap ko siya ngayon. Six years had passed. Six years na dinala ko sa dibdib ang hinanakit sa akalang pagkamatay niya na wala akong nagawa. Kung hindi pa siya nagpadala ng video message ay hindi ako maniniwala na buhay siya. Hindi talaga. 

Paano ako maniniwalang buhay siya? Nakita ko mismo ang walang buhay niyang katawan sa morgue, nang gabing iyon. Minahal ko siya nang sobra-sobra. At wala na akong ibang ginawa sa panahon na inakalang wala na siya, kung hindi ang planuhin ang pagbagsak ng mga taong inakala ko ay may kinalaman sa nangyari sa kaniya. 

“I’m sorry…” mahina ang boses pero puno ng sinseridad na wika ni Christine. 

I was about to ask her what happened when a boy appeared behind her. The boy has Christine’s eyes and wavy brown hair. No need to say any dramatic emotion about what I feel by seeing the boy. He is Trace Dimagiba’s son. Obviously. 

“Gunner, I want you to meet your Tito Nite,” kausap ni Christine sa bata.

The boy just glanced at me and hugged his mother’s legs. 

“Siya na ba?” I asked after I invited them to sit. 

Christine nodded to confirm what’s on my mind. Ang bata nga ang anak niya kay Trace na handa kong akuin noon. Ang inakala kong kasama niya ring namatay. 

“How old is he?” 

“Five.” 

“What happened? I thought…” I paused. Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil sa bata na nakatingin sa akin. I smiled at the boy.

“First…” Christine reluctantly smiled. “First, I wanna say thank you for giving me a chance to explain. I know it’s six years late, but still… I owe you an explanation of everything before I will look for Gunner’s father.” 

“I can’t help you finding him if that is the reason you want to talk to me,” diretsahan kong sabi. Mas mabuting alam na niya na wala akong planong tulungan siyang humarap sa lalaking pinagpalit niya sa akin, na nagawa kong traydurin sa akalang ginawan siya ng masama. 

“You can help me, Nite. After what happened last year… that Trace and the heiress of the CJ clothing line scandal went viral internationally, your name was there as Trace’s accomplice. I know you are acquainted with him.” 

Gusto kong mainis at isumbat na kaya ko pinilit makalapit kay Trace at sa Foedus ay dahil sa kaniya. How could she be so insensitive?

“I worked for him before, I admit… but it was ‘all’ before. Pagkatapos ng viral scandal na sinasabi mo, ay hindi ko na nakita pa si Trace o kahit si Chloe McIntyre.” 

“Please, Nite…” 

“Kahit kaya kitang tulungan lumapit kay Trace ay wala akong magagawa para sa ‘yo.” 

Kaya ko pero ayoko. Pwede ko siyang ilapit kay Master Lev, pero hindi ko gagawin. Ang pagpapakita niya ay makakagulo pa sa pagsasama ni Boss Trace at Chloe. Masyadong malaki ang damage na nagawa ko sa Foedus at lumala ang trust issue ng mga founders dahil sa akin. The loyalty of the members of the organization was questioned. Kung hindi lang talaga sa blueprint na may kopya ako ay malamang na nakaraan pa ako patay. 

I almost died. Ilang beses na ba akong muntik mamatay… nakakatawa na lang isipin. Masyado lang yata akong maswerte o baka naman hindi ko pa talaga panahon kaya nakakaligtas pa ako kay Kamatayan. Sa ahas na ginamit ni Lev noon sa akin, at sa fatal na pamamaril ni Trace… Dalawang beses na muntik ko na sundan ang puting liwanag pero hinila pa rin ng katawang-lupa ko pabalik ang kaluluwa kong naligaw ng landas. 

“Hindi ako manggugulo kung iyon ang nasa isip mo,” Christine persisted. “I just need to give Gunner to Trace. Help my son to be with his father.” 

“For what?” takang-tanong ko. “Sa ilang taon na hinayaan mo ang lahat maniwala na patay ka na ay anong mayroon ngayon at gusto mo na maglantad na buhay ka?” 

“Everyone should think I’m dead. I’m no more the Christine that you used to know. Hindi ko na kailangan ipaalam na buhay ako. Ang kailangan ko lang masiguro ang kalagayan ni Gunner.”

“Someone I used to know…” I smirked bitterly. “Really, Christine? Nakilala ba talaga kita noon? Nakilala ko ba ang ‘totoong’ ikaw?” 

Hindi siya nakaimik at tumitig lang sa akin. The forming tears in her eyes are making me feel empathy for her, but I can’t. I can’t… 

“Hindi ako nakipagkita sa ‘yo para makipagtalo,” Christine sadly stated. “Gusto ko lang ng tulong. Hindi alam ng mapapangasawa ko na may anak ako kaya—”

“Kaya ibibigay mo na sa ama niya?” I chuckled this time. “Ayos ka talaga… Minahal kita. Pinaglaban. Pinaghiganti… Akala ko makikipagkita ka para magpaliwanag sa nagawa mo pero nakipagkita ka pala para ipamigay ang anak mo. Makasarili ka, Christine!”

I saw how Christine breathed deeply. She was hurt, and she should be. 

“If that’s what you think then it’s fine. Just help me, Nite. Please… Or if you don’t want me to see Trace then take Gunner to his father.” 

“Wala akong pakialam kung makipagkita ka kay Trace pero huwag mo akong gamitin sa plano mo. Huwag ako!” 

Tumango-tango ito. Alam ko na masama ang loob niya pero para saan? Para saan ang sama ng loob niya kung ako ay ilang beses muntik mamatay dahil sa kaniya? 

“The one you thought who died as me is my twin…” pabulong niyang sabi. 

“Twin? May kambal ka at hindi mo pinaalam sa akin noon?” 

“Hindi kami magkasamang lumaki. Just a week before she was killed nang malaman ko ang tungkol sa kaniya.” 

“Fuck… then why she was the one wearing the ring I gave you?” 

“Because I gave it to her…”

“What?” gulat kong tanong. I felt insulted. 

“I gave that to her kasi gusto ko na ring iwan ka noon. Hindi ko kayang tanggapin ang alok mong kasal. I can’t be that selfish. I can’t be—”

Naputol ang sinasabi niya sa tawa na pinakawalan ko. “Tangina…” mahinang bulong ko at napapailing. “You can’t be that selfish? Naririnig mo ba ang sarili mo?” 

“I’m sorry…”

“You’re not. If nagso-sorry ka ay sana noon ka pa nagpakita. If nagso-sorry ka ay sana hindi bigla ka na lang magmumulto dahil may kailangan ka pala.” I stood up at tinitigan ang batang kasama niya. The boy looked sad. Nilapitan ko ito at ginulo ang buhok. “I hope your mother gave you to me before,” kausap ko sa bata.

Muli kong tiningnan si Christine at saka napailing. “Did you even love me before?” tanong ko.

Tumango ito. “I did but I fell in love with Trace when you were always out of nowhere. Trace was there. He didn’t sugar-coat our relationship that he loved me but… but I fell in love with his honesty.” 

“Honesty. Cool. Honesty that you knew you were not his only woman then, right?”

“Yes…” Christine stood up and held my right arm. “Please, Nite… help Gunner. Kung hindi mo ako kayang mapatawad ay tulungan mo na lang ang anak ko. Hindi ko alam saan siya iiwan na mapapabuti siya. Hindi siya matatanggap ng fiance ko.” 

“No, Christine. Hindi si Gunner ang kailangan ng tulong. Ikaw! You’re sick of the illness called selfishness.” 

That was the last words I said to Christine. Iniwan ko sila sa resto ng anak niya. Hindi ko kinuha si Gunner dahil ayokong pumayag sa gusto niyang mangyari. 

Kinabukasan naggising ako sa sunod-sunod na doorbell at nang buksan ko ang pinto ay walang ibang tao roon kung hindi ang batang si Gunner. Christine can’t be found. Basta niya na lang iniwan ang anak niya. Ang galing talaga.

****

Tunog ng phone ko ang umistorbo sa kakaisip ko sa nangyari nakaraan. Kinuha ko agad iyon at nagulat ako sa numerong nakita. Lev Petrov. 

Himala… Is Foedus missing me now? 

As Master Lev calls me… am I going to meet the seven devils of Foedus again? 

Pagkatapos akong arborin noon ni Lev kay Trace, para hindi ako tuluyang patayin, ay hindi na siya tumawag pa sa akin. Wala na akong trabaho na tinanggap mula sa Foedus. Wala sa kahit sinong founder ang nangailangan sa akin. Apollo even jokingly said na maswerte pa ako na nasa akin pa ang singsing ng Foedus, at hindi pa ako binalatan para tanggalin ang tattoo ko. 

Biro iyon pero totoo. Gano’n ang gawain ng founders sa mga tumatraydor sa kanila. Worst of all, they kill with no remorse. And that head of Foedus, Trace, could straightly watch his Doze, his twelve big cats, devour anyone for dinner.

No, I am not lucky. I am wise. 

Umpisa pa lang planado ko na. Kaya lang naman ayaw kong magpakita sa isla ay dahil nahihiya ako sa nagawa ko at hindi dahil takot ako. Nahihiya ako sa walang kwentang pag-ibig na ipinaghiganti ko. Christine just used me. 

“Hello,” I answered Lev’s call. 

“Alberona, you need to report to me tomorrow.” 

“Island?” 

“Yes. Ten in the morning.”

“Am I allowed to enter the island again?” 

The man chuckled. “You are still not. Just be thankful that Trace is still out of the country or you’ll be dead.”

Lev ended the call just like that. I snickered. Napailing. As if I care if I will die. Life for me is just inhaling and exhaling. Unlike when I dreamed of a future with Christine, I had no purpose anymore. 

Si Christine… 

I loved her. Loved. Past tense. But because of that kind of love that made me stupid, I don’t believe in it anymore… and never… never let love ruin me. Again. 

Never again.

Sophia Sahara

Thank you for reading...

| Like
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Sophia Sahara
Si Christine kasi eh... Haha...
goodnovel comment avatar
Bei
Nko srap saktan ni ni christine apka selfish,nkk awa c Nite grabeee mgmhal kay November k tlg nrrpat s knya dk iiyak un lng mpplban k ng mdlas,haha
goodnovel comment avatar
Sophia Sahara
Ikaw kasi, Christine eh... Haha...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status