공유

NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir
NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir
작가: Maxellian Axton

Chapter One

last update 게시일: 2026-05-25 16:38:39

CHAPTER 1

Eksaktong alas dose ng hatinggabi. Habang ang buong siyudad ay natutulog, nasa loob ako ng aking opisina at naghihintay ng tawag mula sa emergency room. Suot ang aking puting coat, habang ang stethoscope ay nakasabit sa aking leeg. Mahigpit kong hawak ang isang pirasong papel—ang pitong taong kasunduan, tatlong buwan mula ngayon ay matatapos na.

"Mommy, bakit hindi ko po nakikita si Daddy? Patay na po ba siya?" ibinalik ko ang tingin sa cellphone. Ang inosenteng tinig ng aking lihim na anak sa voice email na ipinadala ng kanyang tagapag-alaga ay tila kutsilyong humihiwa sa aking puso.

Naglakad ako papunta sa maliit na lababo para magtimpla ng kape. Kailangan kong manatiling gising; night shift ang duty ko. Huminto ako sa harap ng salamin. Hindi na ako ang Scarlet Ferguson na sunod-sunuran sa pamilyang Morris.

"Buhay siya, anak," bulong ko sa hangin habang dahan-dahang ibinababa ang tasa sa lamesa. Isinilid ko ang cellphone sa bulsa ng aking coat. "Pero para sa atin, hindi na siya mag-e-exist.

Napabuntong-hinga ako. Alam kong darating ang panahon na hindi ko na maitatago kay Beatrice ang tungkol sa kanyang ama. Ang maliit na pag-iisip nito ay unti-unti nang lumalawak, at ang mga tanong niya ay tila mga balang hindi ko na kayang iwasan.

Pinag-iisipan ko kung dapat ko na bang sabihin kay Draven, pero agad ding binabawi ng takot at pangamba ang aking puso. Limang taon kong itinago ang aking pagbubuntis at panganganak habang pilit kong itinataguyod ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-aaral ng medisina. Naiisip ko noong mga sandaling kailangan ko ng karamay sa pag-aalaga sa aming anak . Sa tuwing nagkakasakit ito, nasaan nga ba si Draven Morris? Kung sasabihin ko ba sa kanya, ano nga kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang tungkol kay Beatrice?

Kinuha ko muli ang cellphone ko. Hinanap ko sa Wechat ang chat namin ni Draven. Makikitang iilan lang ang nagiging mensahe namin dalawa. Nagsimula ako mag-type;

'Kung magkakaroon ba tayo ng anak, ano ang gagawin mo?'

Nakatitig lang ako sa send button. Nag-aalinlangan akong i-send. Ngunit bago ko pa man mapagdesisyunan, biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Pumasok si Becky na humahangos, isa sa mga nurse na makakasama ko ngayong gabi. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

"Doc, may pasyente po tayo! Mukhang pumutok ang corpus luteum cyst niya. Galing ata siya sa 'intense sex', eh nasa unang trimester pa lang ata ang kanyang pinagbubuntis!"

Mabilis akong tumayo. Isinilid ko ang hawak na cellphone sa bulsa ng coat. Nakalimutan kong ipadala ang mensahe ko sana kay Draven. Kunot-noo akong naglakad patungo sa private emergency room.

"Hindi ba niya alam na sa unang trimester ng pagbubuntis, delikado ang ganoong klaseng aktibidad?" asik ko. Nakakainis talaga ang ibang pasyente; matitigas ang ulo. "Sino ang pasyente?"

"Isang VIP, Doc. Pinadala po rito ng pamilyang Morris."

Natigilan ako sa paglalakad. Pamilyang Morris?

Saglit akong natigilan nang mabanggit ng nurse ang pangalan ng pamilyang Morris. Nang makarating ako sa vip room, binuksan ko ang pinto at nakita ang pamilyar na babaeng nakahiga sa hospital bed. Nakaramdam ako ng saglit na pag-aatubili. Kilala ko ang babae sa pagiging maldita.

"Ms. Jana Thorne, andito na po so Doctora Ferguson." Pagbibigay ni Becky ng abiso sa pasyente na kasunod ko lang pumasok.

Ito pala ang fiancée ng pangalawang kapatid ni Draven. Saglit din akong tiningnan si Jana. Hindi ito sumagot sa sinabi ng nurse. Mahahalata sa mukha ng babae ang gulat at hindi pagkakagusto sa malaman na ako ang magiging doktor na susuri sa kanya. Mabilis itong umupo at hindi inalintana kung ano ang masakit sa bandang puson.

Lihim kong pinagmasdan ang hitsura ng babae. Si Jana Thorne ang fiancée ni Marcus Morris, ang pangalawang kapatid ni Draven. Sa pagkakaalam ko, ang kapatid ng aking asawa ay kasalukuyang nakakulong at maglilimang buwan na ito ay nasa loob ng bilangguan matapos itong ipakulong ng sariling ama dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw sa kumpanya ng mga Morris. Ang sistensiya nito ay isang taon at kalahating buwan.

Napadako ang tingin ko sa hindi pa halatang tiyan nito. Kung bibilangin ko ang buwan o linggo ng pinagbubuntis nito, malabong sa pangalawang kapatid ito ni Draven. Eh, sino ang ama?

Pero ganoon pa man, hindi ako ang tipo ng tao na mag-uusisa sa buhay ng iba.

Lumapit ako sa katabing table ng hospital bed. Kumuha ako ng medical gloves para suotin.

"Ms.Thorne, humiga ka muna at susuriin na kita." Direkta kong sabi.

Saglit kaming nagkatinginan, bakas na bakas sa mukha ng babae ang hindi niya pagkakadisgusto sa akin.

"I didn't know you were practicing medicine, Scarlet. Akala ko busy ka sa paglilinis sa bahay nila Tita Eleanor." Mapait at sarkastikong biro ni Jana; hindi ito natinag sa sinabi kong humiga.

Hindi ko pinansin ang sarkastikong pagbibiro nito. Tunay ang sinabi nito na isa akong sunod-sunurang tagalinis sa bahay ng mga Morris, pero hindi na ngayon. Ang Scarlet na nakilala ng mga ito, na minamaliit noon, ngayon ay isa nang professional na doktor.

"Maraming bagay na hindi niyo alam tungkol sa akin, Ms. Thorne. Gaya ng kung paano mo ipapaliwanag kay Marcus ang edad sa possible mong pagbubuntis."

Nakita ko ang paninigas ng katawan ni Jana. Tumalim ang kanyang mga mata at bago ko pa man siya mahawakan para suriin, malakas niyang hinampas ang aking kamay.

"Ouch!" mahina kong bulong. Ramdam ko ang hapdi at siguradong mamumula ang likod ng aking kamay sa lakas niyon.

"Hindi mo na ako kailangang suriin pa! Gusto kong lumipat sa ibang ospital!" Singhal niya sa akin.

Napatingin sa akin si Becky. Mababakas sa mukha ng nurse ang pag-aalala.

"Hindi maaari, kailangan kitang masuri agad para maiwasan ang anumang komplikasyon," giit ko, pinapanatili ang aking propesyonalismo sa kabila ng ginawa nito.

Nais pa sana nitong kumontra, kaso biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang makisig na lalaki—ang kanyang tindig at awra ay sapat na para mapuno ang buong silid. Nakasuot siya ng itim na tuxedo; tila ito pa ay galing sa isang mahalagang pagtitipon.

Direktang lumapit ang lalaki sa kama kung nasaan ang kaninang malditang awra ni Jana. Sa isang iglap, naglaho na parang bula. Mula sa pagiging leon, naging mamo itong tupa.

"Draven," malambing niyang tawag sa aking asawa.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ang asawa kong hindi man lang ako magawang tapunan ng tingin sa aming tahanan ay naririto ngayon—bakas ang pag-aalala para sa babaeng binalak akong saktan kanina lang.

"How are you, Ana?" tanong ni Draven. Ang boses ng aking asawa ay malalim, malinaw at may bahid ng pag-aalala na kailanman ay hindi ko pa narinig o naramdaman sa akin.

Nagpapantig sa aking tenga ang tawag niya sa babae. Sa loob ng pitong taon, pinanood ko kung paano maging yelo si Draven. Iniisip ko pa noon na baka sadyang ganoon lang ang kanyang pagkatao. Pero ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Hindi siya malamig; hindi lang talaga ako ang babaeng nais niyang bigyan ng atensiyon.

Umikot ang paningin ni Draven at nagulat ito nang magtama ang aming mga amta. Ngunit isang iglap, ang gulat na iyon ay napalitan ng pamilyar na lamig. Tila ba hindi ako ang asawa niya, kundi isang istorbo lang sa silid na iyon.

"Draven, ayoko sa ospital na ito. Ilipat mo ako sa mapagkakatiwalaang ospital." Pagmamaktol ni Jana.

"Sige," Mabilis na tugon ni Draven.

Doon ko naramdaman ang tunay na hapdi. Higit pa sa sakit ng kamay kong hinampas ni Jana. Ang hapdi ng selos at katotohanan na sumasampal sa akin. Unti-unti kong naiintindihan na ang relasyon ng dalawa sa aking harap ay higit pa sa kapatid o sa isang pagkakaibigan. 

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Four

    SCARLET POVFlashbackKatatapos lang ng marangyang seremonya ng kasal namin ni Draven. Nakaupo ako sa gilid ng malawak na kama, suot pa rin ang aking puting belo habang hinihintay ang pag-akyat ni Draven mula sa pakikipag-inuman sa baba. Ang puso ko ay punong-puno ng kaba. Iniisip ko na sa likod ng mga malalamig na titig ni Draven, marahil magkakaroon din ako ng puwang sa puso nito. Inaasam kong magkaroon kami ng isang masayang pamilya. Sa unang gabi ng aming kasal, wala si Draven Morris. Natapos ang celebration at inuman sa baba, pero hindi ito umakyat sa aming magiging master bedroom. Kinaumagahan, maaga akong nagising para gumawa ng breakfast. Nakasanayan ko na kasi gumising nang maaga kahit hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Dahil ako pa lang ang nauna, nagising, narinig ko ang mga yabag ng mga katulong. Nagbubulungan ang mga ito, pero dinig na dinig ko.“Sa guest room natulog si Young master. Napadaan kasi ako doon. Bukas ang pintuan. Mukhang lasing na lasing ito.” Ani n

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Three

    CHAPTER 3SCARLET POVHindi ko na hinintay na makalapit pa siya sa akin. Habang pababa ang lalaki sa hagdan, direkta kong sinabi ang mga katagang 'let's get a divorce'. Tumigil siya sa gitna ng hagdan. Ang kanyang malamig na titig ay nakapako sa akin, na tila ba hinihintay nito ang karaniwang ginagawa ko sa tuwing nagkikita kami. Ang pag-aasikaso ko sa tuwing darating ito, kapag kailangan nito ng pagkain o maiinom, agad ko itong pinagsisilbihan.Huminga ako nang malalim. Sinalubong ko ang kanyang tingin. Sa pagkakataong ito, wala nang takot sa aking puso. Wala na rin ang pag-aalinlangan."Let's get a divorce, Draven." Pag-uulit ko.Nakita ko ang panandaliang pagtigil ng kanyang paghinga. Ang mga kamay nito, nakahawak sa rail ng hagdan, ay bahagyang humigpit. Na para bang tinatanya kung ako ba ay inaatake lang ng tantrums. Hindi nito akalain na sa akin mismo magsisimula ang mga katagang nakaukit na sa aming pagsasama."Bibigyan kita ng tatlong buwan para i-settle ang paglilipat at pagh

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Two

    SCARLET POV“Sige, Mr. Morris. Ilipat mo siya.” Malamig kong sabi habang hinuhubad ko ang aking gloves. “Pero bilang doctor-in-charge, kailangan mong pirmahan ang waiver na ito. Isulat mo diyan na ikaw ang nag-utos na ilipat ang pasyente sa kabila ng panganib ng internal bleeding dahil sa ‘intense sex’ na naranasan niya kanina.”Nakita ko ang gulat at ang paninigas ng katawan ni Draven. Tumingin siya sa akin—sa unang pagkakataon, hindi bilang asawa kundi bilang isang doktor na may hawak na buhay ng taong pinoprotektahan niya. Binigay ni Becky ang isang papel sa mga ito.“Draven,” nagsusumamo ang sabi ni Jana. Saglit na nagdalawang-isip si Draven, pero agad din niyang pinirmahan ang papel.“Becky, ikaw na ang bahala sa kanila,” ani ko at iniwan na ang mga ito.Pagdating ko sa opisina, sumandal ako sa hambana ng pintuan. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang eksena niya sa vip emergency room. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter One

    CHAPTER 1Eksaktong alas dose ng hatinggabi. Habang ang buong siyudad ay natutulog, nasa loob ako ng aking opisina at naghihintay ng tawag mula sa emergency room. Suot ang aking puting coat, habang ang stethoscope ay nakasabit sa aking leeg. Mahigpit kong hawak ang isang pirasong papel—ang pitong taong kasunduan, tatlong buwan mula ngayon ay matatapos na."Mommy, bakit hindi ko po nakikita si Daddy? Patay na po ba siya?" ibinalik ko ang tingin sa cellphone. Ang inosenteng tinig ng aking lihim na anak sa voice email na ipinadala ng kanyang tagapag-alaga ay tila kutsilyong humihiwa sa aking puso.Naglakad ako papunta sa maliit na lababo para magtimpla ng kape. Kailangan kong manatiling gising; night shift ang duty ko. Huminto ako sa harap ng salamin. Hindi na ako ang Scarlet Ferguson na sunod-sunuran sa pamilyang Morris."Buhay siya, anak," bulong ko sa hangin habang dahan-dahang ibinababa ang tasa sa lamesa. Isinilid ko ang cellphone sa bulsa ng aking coat. "Pero para sa atin, hindi na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status