LOGINCHAPTER 3
SCARLET POV
Hindi ko na hinintay na makalapit pa siya sa akin. Habang pababa ang lalaki sa hagdan, direkta kong sinabi ang mga katagang 'let's get a divorce'. Tumigil siya sa gitna ng hagdan. Ang kanyang malamig na titig ay nakapako sa akin, na tila ba hinihintay nito ang karaniwang ginagawa ko sa tuwing nagkikita kami. Ang pag-aasikaso ko sa tuwing darating ito, kapag kailangan nito ng pagkain o maiinom, agad ko itong pinagsisilbihan.
Huminga ako nang malalim. Sinalubong ko ang kanyang tingin. Sa pagkakataong ito, wala nang takot sa aking puso. Wala na rin ang pag-aalinlangan.
"Let's get a divorce, Draven." Pag-uulit ko.
Nakita ko ang panandaliang pagtigil ng kanyang paghinga. Ang mga kamay nito, nakahawak sa rail ng hagdan, ay bahagyang humigpit. Na para bang tinatanya kung ako ba ay inaatake lang ng tantrums. Hindi nito akalain na sa akin mismo magsisimula ang mga katagang nakaukit na sa aming pagsasama.
"Bibigyan kita ng tatlong buwan para i-settle ang paglilipat at paghahati-hati ng ating mga ari-arian." Dagdag ko pa.
Muli, ito ay naglakad pababa ng hagdan. Nang nasa baba na ito, hinarap ako ng malalim nitong tingin. Hinawakan nito ang braso ko para pigilan ako sa pagakyat sa taas.
"Dahil lang ba sa sinamahan ko si Ana, hihingi ka na ng diborsyo?" malamig na tanong ni Draven. Winaksi ko ang kamay niya na nasa braso ko.
Napaismid ako. Halos gusto kong matawa sa harapan niya. Akala ba niya ganoon ako kababaw? Na sa loob ng pagsasama namin na aksing lamig pa ng yelo at ang pagbabalewala niya sa akin ay matatapatan lang ng isang gabing pagsasama niya sa babaeng tinatawag niya sa malambing na palayaw?
Pero sa tindi ng pagod ko, nawalan na ako ng ganang magpaliwanag. Ayaw ko na ring malaman pa niya ang tungkol sa aming anak—dahil hindi siya karapat-dapat maging bahagi ng buhay ni Beatrice.
"Oo, ganoon na nga," maikli kong sagot, sapat na para putulin ang usapan.
Walang emosyon, tiningnan ako ni Draven. Para sa kanya, isa lamang itong tipikal na pag-aalburuto ng isang selosang asawa.
"Maaari mong ilabas ang galit mo kapag narito tayo sa loob ng bahay," banta niya. Ang bawat salita ay tila talim na nagbababala. "Pero bilang Mrs. Morris, dapat alam mo ang lugar mo kapag nasa labas tayo. Huwag mong ipahiya ang pangalan ko."
Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Natatakot siyang sirain ko ang imahe ni Jana at ng pamilyang Morris. Nakakatawa—pitong taon ko siyang pinoprotektahan, pero sa huli ang imahe pa rin ng ibang babae ang inaalala niya.
Wala na akong pakialam sa anumang pagbabanta niya. Ngunit para matapos na ang usapan, mas pinili ko munang sumang-ayon sa gusto niyang mangyari.
"Makakaasa ka, hindi kita ipapahiya," tanging nasabi ko sa kanya habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Pero ihanda mo pa rin ang mga papel para sa diborsiyo natin."
Tila ba nagbingi-bingihan si Draven sa aking ginigiit? Inayos niya ang kanyang kurbata at tinalikuran niya ako.
"Wala akong oras para harapin ang mga emosyon mo, Scarlet," malamig niyang sabi.
Hindi ako nagpatinag. Tinapatan ko ang kanyang kawalan ng emosyon ng isang boses na kasinglamig ng yelo. "Kung wala kang oras para ayusin ang diborsyo, maaari kang umupa ng abogado para siya na ang mag-aasikaso ng lahat."
Sandaling natigilan si Draven sa kanyang hakbang, ngunit hindi siya lumingon. Hindi niya alam na hindi ito isang emosyonal na pag-aalburuto—ito ay isang pormal na abiso. Marahil ay nagtataka na ngayon si Draven. Ang dating mahina at sunod-sunurang babae na nakilala niya, heto ngayon at nakikipagtalo sa kanya para igiit ang isang bagay na pilit niyang iniiwasan. O baka naman, lihim di niya gusto ang diborsiyo?
Sa loob ng pitong taon, alam ko sa aking sarili na ang pagsasama namin ay isang malaking kasinungalingan—isang one-sided love na ako lang ang bumubuhay. At sa tuwing maglalapit ang aming mga katawan, ramdam ko ang husay niya; masasabi kong eksperto si Draven sa sekswal na aspeto. Ngunit kasabay ng bawat haplos ay isang masakit na realidad na wala doon ang pag-ibig. Tanging obligasyon na lang ang nagpapakilos sa kanya.
Hindi ko na hinintay ang anumang sasabihin ng lalaki. Mabilis akong tumalikod at umakyat sa hagdan. Iniwan ko siyang nag-iisa sa gitna ng sala. Sa bawat hakbang ko paitaas, tila ba gumaan ang aking pakiramdam? Ang dating pagmamahal na nagpababa sa akin ay unti-unti nang pinapalitan ng determinasyong protektahan ang aking sarili at ang aking anak.
Nilibot ko ang paningin sa bawat sulok ng silid namin ni Draven. Ang disenyo, ang bawat gamit, at ang kaayusan nito ay ako mismo ang pumili. Nakakalungkot isipin na pagkatapos ng tatlong buwan, ang kwartong ito ay hindi na magiging akin—at tuluyan na akong magiging estranghero sa dati kong tahanan.
Ngunit sa gitna ng aking pangungulila, biglang tumunog ang aking cellphone. Sa screen ng WeChat, lumitaw ang isang Barbie cartoon avatar. Sa isang iglap, tila napawi ang lahat ng hapdi sa aking puso at napalitan ito ng kasiyahan.
Dahan-dahan kong binuksan ang voice message. Ang boses ng batang si Beatrice ang bumalot sa katahimikan ng silid.
'Mommy… pupunta po ako sa Maynila sa susunod na buwan, para magkita na tayo at para po makasama na po kita. I miss you, Mommy!"
Napahawak ako sa aking dibdib. Ang boses na iyon ang tangi kong lakas. Ang dahilan kung bakit handa na akong iwan ang lahat ng karangyaan ng mga Morris. Dahil pagkatapos ng tatlong buwan, hindi na ang titulong 'Mrs. Morris, ang mahalaga sa akin ay ang pagiging 'Mommy' sa batang naghihintay sa akin.
Matagal ko ring tiniis ang mga bulung-bulungan ng mga katulong sa mansyon. Kesyo ako raw ay baog at hindi kayang magkaanak. Naalala ko rin ang tsismis noong mga unang buwan ng aming kasal—na balak daw talaga ng pamilya ni Morris na ipakasal si Draven sa isang babaeng kasing-taas ng kanilang estado. Kung hindi lang marahil nangyaring aksidente, kung bakit siya ang nagsalba sa kahihiyan ng mga Morris.
Noong minsan kong tinangkang itanong ang bagay na iyon kay Draven, ang sagot lang nito ay hindi na raw dapat alamin ang mga ganoong bagay.
Mayroong kumakalat na kuwento na ang susunod na ipapanganak na tagapagmana ng mga Morris ay mamamatay dahil sa isang sumpa na nakakabit na sa mga dugo ng mga ito. Dati, naniniwala ako sa sumpa na iyon. Natatakot ako para sa pangarap kong pamilya na puno ng magagandang karanasan, kaya minabuti ko na lang manahimik at sundin si Draven.
Kahit hindi maganda ang pagsasama namin ni Draven, masasabi kong mahusay talaga siya sa sekswal na aktibidad ng isang gabi ng pag-iisa namin ng katawan. Hindi ko naiwasang itanong muli tungkol sa anak, pero tulad ng lagi kong inaasahan, umiiwas ito. Hanggang sa tinanggap ko na lang ang katotoohanang hindi na kami magkakaroon pa ng anak.
Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Dahil ang akala ko na imposibleng mangyari ay ibinigay sa akin—ngunit kinakailangan kong itago ito mula sa taong walang pangarap na bumuo ng pamilya.
Matapos kong marinig ang boses ni Beatrice, isang chat naman mula kay Lindsay ang kumuha ng aking atensiyon.
'Susunduin mo ba si Beatrice sa susunod na buwan? Kasama mo na ba si Draven? Alam na ba niya ang tungkol sa anak niyo? Alam mo naman, sa ngayon, walang ibang tagapagmana ang mga Morris. Baka mabaliw si Draven kapag hiniwalayan mo siya at malaman niya ang tungkol sa inyong anak matapos ang diborsyo.'
Mapait akong ngumiti habang binabasa ang message ni Lindsay. Tagapagmana? Iyon lang naman ang tanging halaga ng isang anak para sa pamilyang tulad nila—isang dugong magpapatuloy ng kanilang yaman at kapangyarihan. Pero para sa akin, si Beatrice ay hindi isang ari-arian.
Isang simpleng reply ang mabilis kong tinipe: 'Bes, alam mo namang ayaw ni Draven ng anak. Huwag kayong mag-alala.'
Pinindot ko ang 'send' at mariing ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi kailanman magiging tagapagmana si Beatrice ng isang lalaking ikinahihiya ang ideya ng pagkakaroon ng sariling pamilya.
Sobrang tagal ko naging anino sa pamilya nila Draven. Kaya titiyakin ko na sa mga huling tatlong buwan mananatiling madilim ang mundo ni Draven pagdating sa aking anak.
Humiga ako sa kama at mariing ipinikit ang aking mga mata. Sa gitna ng dilim, tila dinadala ako ng aking isipan pabalik sa pitong taon na nakalipas—sa gabing dapat sana ay pinakamasaya sa buhay ng isang babae.
SCARLET’S POV"Director Alejandro, nag-trigger po ang security alert sa central server tatlong minuto na ang nakalilipas," bungad ng aming head of cyber security pagkapasok sa executive office ni Alejandro. Bakas ang bahagyang panginginig sa boses ng staff habang hawak ang isang tablet na nagpapakita ng pulang babala. "May nagtatangkang pumasok at humugot sa personnel history ni Dr. Scarlet Ferguson mula sa administrative front desk."Tumingin sa akin si Alejandro na kasalukuyang nagtitimpla ng tsaa sa gilid. Akala siguro ng aming staff ay magpa-panic kami o mag-uutos na ipasara ang buong gusali. Ngunit nanatiling kalmado ang mukha ni Alejandro. Dahan-dahan niyang ibinaba ang takure bago hinarap ang tauhan."I-block ang access. Huwag ninyong galawin ang system," mahinahong utos ni Alejandro. "Iwanan ninyo sa ganyang estado ang computer sa front desk. Hayaan ninyong makita nila ang babala."Bahagya akong napangiti habang nakasandal sa couch, dahan-dahang iniikot ang panulat sa aking m
JANA’S POVPang-apat na tasa ko na ito ng kape ngayong umaga, ngunit kahit ang matapang na caffeine ay hindi kayang patayin ang tindi ng panginginig ng aking sistema. Hindi ako nakatulog kagabi. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa aking pandinig ang eksena sa madilim na koridor ng Valdemar Medical Center.Ang tindig ni Scarlet. Ang lamig ng kanyang mukha. At ang boses na iyon...“Accept it.”Bakit may direktang international call si Scarlet sa dis-oras ng gabi? Bakit parang isang pinal na utos ang tono ng pananalita niya, na tila ba ang taong nasa kabilang linya—isang banyaga mula sa Switzerland—ay walang anumang karapatang sumuway sa kanya? Sino ba talaga siya? Isang ordinaryong doktor na pinalayas ng mga Morris ay hindi makikipag-usap nang ganoon.May kung anong napakataas na pader sa likod ni Scarlet, at ang kuryusidad na malaman ko ang tungkol doon ay unti-unting sumisira sa aking katinuan. Para bang nagsisimula na itong maging isang seryosong obs
JANA’S POV"Bwisit! Mga walang utang na loob!" Marahas kong isinara ang pinto ng aking sasakyan pagkaupo-pagkaupo ko. Halos mayanig ang buong sasakyan sa tindi ng lakas ng aking pagkakahampas sa manibela.Nanginginig ang aking mga kamay sa galit habang mabilis na umaandar ang sasakyan palayo sa Valdemar R&D Center. Hindi ko matanggap ang nangyari sa loob ng interview room na iyon.Ako si Jana Thorne—ang mukha ng Morris Hospital, ang babaeng pinapahalagahan ng pinakamakapangyarihang CEO sa bansa.Paano nila ako nagawang itaboy nang ganoon na lamang?Ngunit sa gitna ng aking nag-aalab na galit, may isang bagay na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan. Ang mukha ni Scarlet habang nakatayo sa koridor.Bakit ganoon na lang ang pagtrato nila kay Scarlet?Naalala ko ang bawat detalye. Hindi ordinaryong empleyado ang kilos niya. Walang kahit sinong nangangahas na taasan siya ng boses. Sa halip, ang mga senior researchers at mga kilalang doktor pa mismo ang magalang na yumuyuko kapag dumar
JANA’S POV"Sigurado ka ba sa balitang 'yan?" mariing tanong ko sa aking personal assistant habang mariing nakakapit ang aking mga daliri sa gilid ng aking mamahaling leather vanity table."O-opo, Dr. Thorne," nauutal na sagot ng assistant ko. "Kalat na kalat na po ang balita sa buong medical community. Ang Valdemar R&D Center ang napiling pangunahing research partner ng pamahalaan para sa National AI Healthcare Project. Sila ang hahawak ng clinical validations para sa AstraMedAI."Napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Umakyat ang matinding init ng inggit at inis sa aking dibdib. Ang Valdemar R&D? Ang karibal na ospital ng mga Morris? At ang mas nagpapasakit ng ulo ko—naroon na si Scarlet. Kahit alam kong pumasok lang siya roon bilang isang hamak na ordinaryong doktor pagkatapos niyang lumayas sa Morris Hospital, hindi ko matanggap na nauugnay ang pangalan niya sa isang bigating proyekto na pinag-uusapan ng buong bansa.Isang ambisyosong plano ang biglang nabuo sa aking
SCARLET’S POVAng marangyang ballroom ng Manila Shangri-La ay naging sentro ng kapangyarihan at salapi ngayong umaga. Mula sa bintana ng sasakyan, natanaw ko ang magkakasunod na paghinto ng mga pinakabagong modelo ng luxury cars—mula sa mga maiitim na Mercedes-Benz hanggang sa mga makikintab na Rolls-Royce. Ang bawat bumababang pasahero ay mga pamilyar na mukha sa balita: mga bilyonaryong negosyante, matataas na opisyal ng gobyerno, at mga international investor mula sa iba't ibang panig ng Asya at Europa.Pagpasok ko sa loob, ang bulong ng marangyang musika at ang kinang ng mga naglalakihang chandelier ay sumalubong sa akin. Sa gitna ng malawak na bulwagan, naroon ang mga miyembro ng Morris Group—sina Julian, Damian, at si Lucas Finch na abala sa pakikipagkamay sa mga nanunungkulan sa gobyerno. Hindi kalayuan sa kanila ay nakatayo si Alejandro, na pormal na nakikipag-usap sa ilang foreign delegates.Ngunit sa gitna ng lahat, ang aking mga mata ay awtomatikong napako sa natatanging p
SCARLET'S POV Maagang-maaga pa lamang ay ramdam ko na ang kakaibang enerhiya sa mga pasilyo ng Valdemar Medical Center. Habang naglalakad ako patungo sa aking laboratoryo, hindi ko maiwasang marinig ang bulungan at tila bubuyog na usapan ng mga doktor at consultant sa gilid ng nurse station. Ang lahat ay nakatitig sa kani-kanilang mga tablet at cellphone, tila ba may isang malaking event na pinag-uusapan. "Narinig niyo na ba? Opisyal nang binuksan ng pamahalaan ang bidding para sa National AI Healthcare Project," seryosong pahayag ng isang senior surgeon habang may hawak na kape. "Oo! Sabi ng asawa kong nasa commerce department, ito na ang pinakamalaking event sa kasaysayan ng healthcare technology sa bansa," sagot naman ng isang resident physician. "Lahat ng bigating korporasyon—mula sa Morris Group hanggang sa mga dayuhang mamumuhunan sa Asya—ay magpapatayan para lang makuha ang monopolyo nito." Bahagya akong napangiti at ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Isang malaking su
Tinaasan ko ng kilay si Ethan. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, na tila ba isang maliit at nakakaawang insekto lang ang nasa harap ko.Akala ba ng batang ito na mananahimik na lang ako at iiyak sa sulok, gaya ng dati? Akala ba niya na papanoorin ko na lang silang tapakan ang pagkatao ko dah
SCARLET POVNagsimula na akong mag-impake ng lahat ng personal kong gamit. Matapos ang pitong taon ng pagganap bilang isang masunurin at mayamang asawa sa mansyong ito, napatawa na lang ako nang mapait nang mapagtanto na dalawang maleta lang ang gusto kong itira sa akin. Ang lahat ng karangyaan sa
SCARLET POV“Sige, Mr. Morris. Ilipat mo siya.” Malamig kong sabi habang hinuhubad ko ang aking gloves. “Pero bilang doctor-in-charge, kailangan mong pirmahan ang waiver na ito. Isulat mo diyan na ikaw ang nag-utos na ilipat ang pasyente sa kabila ng panganib ng internal bleeding dahil sa ‘intense
CHAPTER 1Eksaktong alas dose ng hatinggabi. Habang ang buong siyudad ay natutulog, nasa loob ako ng aking opisina at naghihintay ng tawag mula sa emergency room. Suot ang aking puting coat, habang ang stethoscope ay nakasabit sa aking leeg. Mahigpit kong hawak ang isang pirasong papel—ang pitong t







