共有

Chapter Seven

last update 公開日: 2026-05-29 16:47:50

Tinaasan ko ng kilay si Ethan. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, na tila ba isang maliit at nakakaawang insekto lang ang nasa harap ko.

Akala ba ng batang ito na mananahimik na lang ako at iiyak sa sulok, gaya ng dati? Akala ba niya na papanoorin ko na lang silang tapakan ang pagkatao ko dahil lang sa pitong taon akong nagparaya? Hmpt! Nagkakamali ang buong pamilya Morris kung iniisip nilang ako pa rin ang Scarlet na sunod-sunuran sa kanila.

Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong maleta sa huling tuntungan ng hagdan. Umalingawngaw ang marahas na tunog niyon sa sala, dahilan para mapatigil sa pag-aayos ang ilang mga katulong at mapalingon sa amin.

"Ethan," panimula ko. Ang boses ko ay hindi sumisigaw, ngunit sapat ang lamig para magpatahimik sa paligid. Isang mapait at nakakalokong ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "Masyado ka pang bata para makisawsaw sa usapan ng mga matatanda. At mas lalong wala ka sa posisyon para diktahan ako kung kailan ko gustong umalis sa bahay na ito."

Nanlaki ang mga mata ng binatilyo, tila hindi nakapaniwala na ang 'katulong' na tinatawag niya ay may lakas ng loob na sagutin siya ngayon.

"Anong sabi mo?!" asik niya. Namumula ang mukha sa galit at napahakbang pabalik.

"Ang sabi ko, bago mo ako sabihan na mag-empake, siguraduhin mo munang ang kuya mo ang mismong mag-abot sa akin ng divorce papers," dire-diretso kong saad, habang humahakbang palapit sa kanya. "Dahil hangga't walang pirma ko ang kontratang iyon, ako pa rin ang legal na Mrs. Morris. At sa batas, ikaw at ang magiging 'Sister-in-law' mo ang walang puwang at nakikisunod lang sa pamamahay ko."

Tumingin ako sa mga katulong na nakatungo na ngayon at tila litong-lito kung sino ang susundin.

"Ipagpatuloy niyo ang pagtatanggal," utos ko sa kanila, habang itinuturo ang mga bagong dating na kahon. "Pero ang tanggalin niyo ay ang mga bagong gamit na kakapadala lang. Wala kayong tatanggalin na kahit isa sa mga gamit ko na matagal nang nandito, at iyang mga bagong gamit na iyan… inyo na! Huwag na kayong magpakapagod pa sa pagtatanggal ng mga gamit na ako mismo ang bumili para sa mansyong ito. At iyang mga bagong dating na gamit ni Jana, ibenta ninyo nang second hand. Kapag nabenta niyo, gamitin niyo ang pera para sa sarili niyo."

Natuwa naman ang lahat ng katulong na kanina pa napapagod at nahihirapan sa pagtanggal ng mga gamit ko. Mas sinunod ng mga katulong ang mas matanda kaysa sa bata—at hindi ko rin naman sila masisisi dahil alam kong inutusan lang din sila at sumusunod sa agos.

Walang nagawa si Ethan nang biglang huminto ang mga katulong sa pagsunod sa kanya. Galit na galit ang kanyang mukha at muli niya akong dinuro. Nanginginig ang boses sa pangingitngit.

"Sino ka ba sa akala mo?! Regalo iyan ni Mama para kay Ate Jana! Sa palagay mo ba ay may karapatan kang magdesisyon dito? Sisiguraduhin kong papalayasin ka ng Kuya ko!" gulantang niyang sigaw.

Ah... Kaya pala ganoon na lamang kalakas ang loob ng binatilyong ito na gawin ang mga bagay na ito. Ang nasa likod pala niya ay ang mismong mother-in-law ko.

Nagtulong-tulong pa talaga ang mag-ina para kay Jana. Gustong-gusto talaga ni Madam Eleanor Morris ang isang katulad ni Jana Thorne. Akala ko noong una ay dahil lamang ito sa nakatakdang pagpapakasal kay Marcus. Ngunit ngayong nakakulong si Marcus, mukhang hindi na matutuloy ang kasal sa pangalawang anak; doon naman sa panganay, ipipilit ng matanda. Tsk! Ang kawalan ng moralidad ng pamilyang ito ay talagang walang kapantay.

Lumapit ako nang husto kay Ethan. Walang pasubali kong hinawakan ang kanyang kamay at marahas kong inalis ang daliri niyang nakaduro sa aking mukha. Alam na alam ko kung paano mapapatahimik ang isang spoiled brat na katulad niya.

Sa isang mahinahon ngunit mapagbanta at madiing boses, nagsalita ako. "Sige, ganito na lang... Tutal, gustong-gusto mo naman si Jana para maging sister-in-law mo. Bukas na bukas din ay pupunta ako sa school mo. Sasabihin ko sa lahat ng mga kaibigan, kaklase, at guro mo na tinutulungan mong mang-agaw ng asawa ang kuya mo. Sasabihin ko sa kanila na para bang tradisyon na ng pamilya niyo ang pagkakaroon ng second family dahil sa pagtataksil at kawalan ng moralidad. Tutulungan na kitang ipagkalat ito, para sa ganoon ay ikaw naman ang sumikat lalo sa eskwelahan ninyo. Gusto mo ba?"

Nanalaki ang mga mata ni Ethan. Hindi ito makapaniwala na makakapagsalita ako ng ganoon sa kanya. Sa loob ng pitong taon, kailanman ay hindi ako naging marahas o pabalang sa kanila—lagi ko pa ngang sinusuyo ang batang ito sa tuwing nagtatantrums siya noon.

Namumula ang mukha ng bata sa pinaghalong takot at hiya. "T-talagang napakasama mo! Subukan mo lang talaga; hindi kita mapapatawad! Isusumbong kita kay Kuya!"

Nagkibit-balikat lang ako at napaismid. Kita mo na. Sino ba ang nagsasabing hindi dapat makipagtalo sa mga mas bata sa iyo? Sa tingin ba ng iba, ang ganitong klaseng bata ay hindi na nag-iisip ng epekto ng ginagawa nila? At bilang matanda, dapat ba palagi na lang tayong magpakumbaba at magpaapi sa mga bata? Tss... Wala nang ganoon ngayon. Dapat na siyang disiplinasin at gisingin sa katotohanan.

Dahil siguro sa ingay at komosyon na nalikha namin sa sala, biglang bumukas ang pinto ng library at pumasok ang isa pang matapobreng tao na sagad ang galit sa akin—ang aking mother-in-law na si Eleanor Morris.

"Anong nangyayari rito?" Bakas ang awtoridad sa boses ng matandang babae habang nakatingin sa akin. Sumimangot agad ito, na ipinapakita ang kanyang matinding disappointment. "Alas-diyes na ng umaga, bakit ngayon ka lang nagising? Hindi pa ba luto ang herbal dietary soup ko na palagi mong ginagawa, pati ang breakfast? Anong kakainin ko… at ni Ana?"

Tinitigan ko ang aking biyenan. Ang kapal din talaga ng mukha niya na hanapan ako ng almusal para sa kanila ng kabit ng anak niya. Isang malamig na ngiti ang dahan-dahang sumilay sa aking mga labi habang dinalian ko ang hawak kong dalawang maleta.

Naalala ko bigla ang nakaraan. Noong mga nakaraang taon, kahit puyat at pagod ako galing sa duty ko sa ospital, gumigising ako bago mag-alis ng madaling araw. Magtitiyaga akong magbayo at magpakulo ng herbal tonic soup para sa mag-asawang Morris at ipapadala ko pa iyon sa pinakamamansyon ng pamilya. At sa tuwing bumibisita o nananatili sila rito sa mansyon namin ni Draven, hindi lang tonic soup ang ginagawa ko—ako ang nagluluto ng agahan, tanghalian, at hapunan nila. Ako ang nag-aasikaso ng lahat, pati na ang mga personal na kagustuhan sa pagkain ni Jana Thorne nang magsimula itong dumikit sa pamilya. Ginawa ko silang mga diyos sa buhay ko habang ginagawa ko ang sarili ko bilang isang katulong.

Ngayon ko lang talaga naisip at unti-unting napagtanto kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng trato ni Madam Eleanor sa akin kumpara kay Jana.

Kaya pala. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Kaya pala ganoon na lamang ang panlalait at pagpapahirap sa akin ng matandang babaeng ito, dahil mas gusto nitong maging tunay na daughter-in-law ang kabit ng aking asawa. Alam na marahil ng matandang ito na si Jana ang babaeng matagal nang minamahal ni Draven.

Nakakasuka ang pamilyang ito. Kumukulo sa galit ang sikmura ko na malamang habang kasal ako kay Draven, lalo pang gumagawa ng paraan ang mag-ina para mapalapit ang dalawa sa isa't isa sa loob mismo ng pamamahay ko. Hindi ako kailanman nirespeto ng mga taong ito. Itinuring nila akong anino na walang pakiramdam.

Ngunit tapos na ang panahon ng pagtitiis. Ang Scarlet Ferguson na tanga at umiiyak sa kusina ay matagal nang namatay.

Humarap ako nang diretso kay Madam Eleanor. Walang bakas ng takot, galit, o panginginig sa aking mukha. Sa halip, isang kalmado, malamig, at swabeng boses ang binitawan ko na tila ba nagbibigay lang ako ng isang simpleng medikal na diagnosis.

"Kung hindi ninyo kayang mabuhay nang wala ako para mag-aalaga sa inyo… ibig sabihin, hindi ninyo kailangan ng manugang. Kailangan ninyo ng katulong. Hindi ako ang anak ninyo para pagsilbihan kayo habambuhay."

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 56

    SCARLET’S POV"Director Alejandro, nag-trigger po ang security alert sa central server tatlong minuto na ang nakalilipas," bungad ng aming head of cyber security pagkapasok sa executive office ni Alejandro. Bakas ang bahagyang panginginig sa boses ng staff habang hawak ang isang tablet na nagpapakita ng pulang babala. "May nagtatangkang pumasok at humugot sa personnel history ni Dr. Scarlet Ferguson mula sa administrative front desk."Tumingin sa akin si Alejandro na kasalukuyang nagtitimpla ng tsaa sa gilid. Akala siguro ng aming staff ay magpa-panic kami o mag-uutos na ipasara ang buong gusali. Ngunit nanatiling kalmado ang mukha ni Alejandro. Dahan-dahan niyang ibinaba ang takure bago hinarap ang tauhan."I-block ang access. Huwag ninyong galawin ang system," mahinahong utos ni Alejandro. "Iwanan ninyo sa ganyang estado ang computer sa front desk. Hayaan ninyong makita nila ang babala."Bahagya akong napangiti habang nakasandal sa couch, dahan-dahang iniikot ang panulat sa aking m

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 55

    JANA’S POVPang-apat na tasa ko na ito ng kape ngayong umaga, ngunit kahit ang matapang na caffeine ay hindi kayang patayin ang tindi ng panginginig ng aking sistema. Hindi ako nakatulog kagabi. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa aking pandinig ang eksena sa madilim na koridor ng Valdemar Medical Center.Ang tindig ni Scarlet. Ang lamig ng kanyang mukha. At ang boses na iyon...“Accept it.”Bakit may direktang international call si Scarlet sa dis-oras ng gabi? Bakit parang isang pinal na utos ang tono ng pananalita niya, na tila ba ang taong nasa kabilang linya—isang banyaga mula sa Switzerland—ay walang anumang karapatang sumuway sa kanya? Sino ba talaga siya? Isang ordinaryong doktor na pinalayas ng mga Morris ay hindi makikipag-usap nang ganoon.May kung anong napakataas na pader sa likod ni Scarlet, at ang kuryusidad na malaman ko ang tungkol doon ay unti-unting sumisira sa aking katinuan. Para bang nagsisimula na itong maging isang seryosong obs

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 54

    JANA’S POV"Bwisit! Mga walang utang na loob!" Marahas kong isinara ang pinto ng aking sasakyan pagkaupo-pagkaupo ko. Halos mayanig ang buong sasakyan sa tindi ng lakas ng aking pagkakahampas sa manibela.Nanginginig ang aking mga kamay sa galit habang mabilis na umaandar ang sasakyan palayo sa Valdemar R&D Center. Hindi ko matanggap ang nangyari sa loob ng interview room na iyon.Ako si Jana Thorne—ang mukha ng Morris Hospital, ang babaeng pinapahalagahan ng pinakamakapangyarihang CEO sa bansa.Paano nila ako nagawang itaboy nang ganoon na lamang?Ngunit sa gitna ng aking nag-aalab na galit, may isang bagay na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan. Ang mukha ni Scarlet habang nakatayo sa koridor.Bakit ganoon na lang ang pagtrato nila kay Scarlet?Naalala ko ang bawat detalye. Hindi ordinaryong empleyado ang kilos niya. Walang kahit sinong nangangahas na taasan siya ng boses. Sa halip, ang mga senior researchers at mga kilalang doktor pa mismo ang magalang na yumuyuko kapag dumar

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 53

    JANA’S POV"Sigurado ka ba sa balitang 'yan?" mariing tanong ko sa aking personal assistant habang mariing nakakapit ang aking mga daliri sa gilid ng aking mamahaling leather vanity table."O-opo, Dr. Thorne," nauutal na sagot ng assistant ko. "Kalat na kalat na po ang balita sa buong medical community. Ang Valdemar R&D Center ang napiling pangunahing research partner ng pamahalaan para sa National AI Healthcare Project. Sila ang hahawak ng clinical validations para sa AstraMedAI."Napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Umakyat ang matinding init ng inggit at inis sa aking dibdib. Ang Valdemar R&D? Ang karibal na ospital ng mga Morris? At ang mas nagpapasakit ng ulo ko—naroon na si Scarlet. Kahit alam kong pumasok lang siya roon bilang isang hamak na ordinaryong doktor pagkatapos niyang lumayas sa Morris Hospital, hindi ko matanggap na nauugnay ang pangalan niya sa isang bigating proyekto na pinag-uusapan ng buong bansa.Isang ambisyosong plano ang biglang nabuo sa aking

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 52

    SCARLET’S POVAng marangyang ballroom ng Manila Shangri-La ay naging sentro ng kapangyarihan at salapi ngayong umaga. Mula sa bintana ng sasakyan, natanaw ko ang magkakasunod na paghinto ng mga pinakabagong modelo ng luxury cars—mula sa mga maiitim na Mercedes-Benz hanggang sa mga makikintab na Rolls-Royce. Ang bawat bumababang pasahero ay mga pamilyar na mukha sa balita: mga bilyonaryong negosyante, matataas na opisyal ng gobyerno, at mga international investor mula sa iba't ibang panig ng Asya at Europa.Pagpasok ko sa loob, ang bulong ng marangyang musika at ang kinang ng mga naglalakihang chandelier ay sumalubong sa akin. Sa gitna ng malawak na bulwagan, naroon ang mga miyembro ng Morris Group—sina Julian, Damian, at si Lucas Finch na abala sa pakikipagkamay sa mga nanunungkulan sa gobyerno. Hindi kalayuan sa kanila ay nakatayo si Alejandro, na pormal na nakikipag-usap sa ilang foreign delegates.Ngunit sa gitna ng lahat, ang aking mga mata ay awtomatikong napako sa natatanging p

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 51

    SCARLET'S POV Maagang-maaga pa lamang ay ramdam ko na ang kakaibang enerhiya sa mga pasilyo ng Valdemar Medical Center. Habang naglalakad ako patungo sa aking laboratoryo, hindi ko maiwasang marinig ang bulungan at tila bubuyog na usapan ng mga doktor at consultant sa gilid ng nurse station. Ang lahat ay nakatitig sa kani-kanilang mga tablet at cellphone, tila ba may isang malaking event na pinag-uusapan. "Narinig niyo na ba? Opisyal nang binuksan ng pamahalaan ang bidding para sa National AI Healthcare Project," seryosong pahayag ng isang senior surgeon habang may hawak na kape. "Oo! Sabi ng asawa kong nasa commerce department, ito na ang pinakamalaking event sa kasaysayan ng healthcare technology sa bansa," sagot naman ng isang resident physician. "Lahat ng bigating korporasyon—mula sa Morris Group hanggang sa mga dayuhang mamumuhunan sa Asya—ay magpapatayan para lang makuha ang monopolyo nito." Bahagya akong napangiti at ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Isang malaking su

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER FIVE

    CHAPTER 5 SCARLET POVDahan-dahang bumaba ang kanyang mga labi mula sa aking dibdib, patungo sa aking tiyan, hanggang sa marating niyon ang aking puson. Ang bawat dampi ng kanyang mainit na balat sa akin ay tila nag-iiwan ng apoy na unti-unting tumutupok sa aking natitirang katinuan.Palihim akong

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Six

    SCARLET POVNagsimula na akong mag-impake ng lahat ng personal kong gamit. Matapos ang pitong taon ng pagganap bilang isang masunurin at mayamang asawa sa mansyong ito, napatawa na lang ako nang mapait nang mapagtanto na dalawang maleta lang ang gusto kong itira sa akin. Ang lahat ng karangyaan sa

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Two

    SCARLET POV“Sige, Mr. Morris. Ilipat mo siya.” Malamig kong sabi habang hinuhubad ko ang aking gloves. “Pero bilang doctor-in-charge, kailangan mong pirmahan ang waiver na ito. Isulat mo diyan na ikaw ang nag-utos na ilipat ang pasyente sa kabila ng panganib ng internal bleeding dahil sa ‘intense

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter One

    CHAPTER 1Eksaktong alas dose ng hatinggabi. Habang ang buong siyudad ay natutulog, nasa loob ako ng aking opisina at naghihintay ng tawag mula sa emergency room. Suot ang aking puting coat, habang ang stethoscope ay nakasabit sa aking leeg. Mahigpit kong hawak ang isang pirasong papel—ang pitong t

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status