Share

Chapter Four

last update publish date: 2026-05-25 16:41:08

SCARLET POV

Flashback

Katatapos lang ng marangyang seremonya ng kasal namin ni Draven. Nakaupo ako sa gilid ng malawak na kama, suot pa rin ang aking puting belo habang hinihintay ang pag-akyat ni Draven mula sa pakikipag-inuman sa baba.

Ang puso ko ay punong-puno ng kaba. Iniisip ko na sa likod ng mga malalamig na titig ni Draven, marahil magkakaroon din ako ng puwang sa puso nito. Inaasam kong magkaroon kami ng isang masayang pamilya.

Sa unang gabi ng aming kasal, wala si Draven Morris. Natapos ang celebration at inuman sa baba, pero hindi ito umakyat sa aming magiging master bedroom.

Kinaumagahan, maaga akong nagising para gumawa ng breakfast. Nakasanayan ko na kasi gumising nang maaga kahit hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.

Dahil ako pa lang ang nauna, nagising, narinig ko ang mga yabag ng mga katulong. Nagbubulungan ang mga ito, pero dinig na dinig ko.

“Sa guest room natulog si Young master. Napadaan kasi ako doon. Bukas ang pintuan. Mukhang lasing na lasing ito.” Ani ng isang katulong.

“Mukha nga, pero alam mo ba ang usap-usapan? Iniiwasan daw ni Young Master ang bagong mistress ng mansyon na ito. “

“Ay, Weh! Kawawa naman pala si Madam, baka naghintay iyong buong—ay kabayong nabuntis!” Nagulat ang mga ito nang makita ako.

“Magandang umaga, Madam!” Sabay-sabay yumuko ang mga ito na para bang nakakita sila ng multo at natatakot ang mga mukha.

Ngumiti ako sa mga ito. “Good morning!”

Natapos ang umaga na wala pa ring si Draven na dumating. Nasa hardin ako nang napansin ko ang pagdating at paglapit sa akin ng lalaki. Katulad ng unang pagkikita ko sa kanya, puno ng panlalamig ang mga mata nito nang nakatingin sa akin. Maayos ang pananamit niya. Mukha siyang pupuntahan.

“Scarlet, may meeting ako. Kailangan ko itong puntahan.” Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ba kasal namin ngayon? Wala bang bakasyon ang mga katulad nitong mayayaman?

Pero nginitian ko siya. Hindi ako pumalag o kumontra sa gusto nito. “Sige, Ingat ka.”

Tumalikod na ito sa akin. Akala ko aalis na ito, pero humarap ito para sabihin ang mga katagang parang tubig na bumubuhos sa akin. Parang sampal sa mukha ko.

“Twice a month lang ako makakauwi dito. Huwag mo na akong hintayin, kasi di ako darating. Magsasabi ako kung kailan ako uuwi. Active naman siguro ang number mo sa WeChat. Sa paningin ng iba, ikaw ang Mrs. Morris. Pero sa papel lang iyon, hindi sa pagsasama natin.”

Iyon ang huling katagang sinabi niya bago ako tuluyang iwan mag-isa sa hardin na nakatulala. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha. Napalitan ng lungkot ang aking inaakala na masayang kasal—palabas lang pala ang sweetness niya sa akin kahapon sa seremonya ng kasal.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maramdaman ko ang bigat ng pagiging isang Mrs. Morris—ang nakakaramdam na kahit nasa marangyang estado ka, magiging bilanggo ka pala sa isang relasyong wala kang ibang panghahawakan.

Lumipas ang isang taon. Tuluyan nang binigay kay Draven ang pamamahala sa kumpanya, kasabay ng pagtaas ng kanyang kapangyarihan ang mas paglayo niya sa akin. Ang paghawak nito sa kumpanya ang naging mas matibay niyang ‘alibay’ para iwasan ako.

Napagpasyahan ni Madam Eleanor na dito sa mansyon ipagdiwang ang kaarawan. Naging dahilan iyon para umuwi sa mansyon si Draven, na kinabukasan ay magtutungo sa ibang bansa para sa business proposal.

Sa likod ng tawanan at mamahaling alak, nanatiling malungkot para sa akin ang atmospera sa loob ng tahanan. Pagod na ako, kaya nauna na akong umakyat sa kwarto para matulog. Ngunit maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Draven—amoy alak, mahahalata sa mukha nito ang hitsura ng lasing na lasing.

“Fuck!” mahina ngunit mariin niyang mura bago diretsong humiga sa kama, suot pa rin ang kanyang lukot na tuxedo.

Nanatili akong nakahiga, nakaharap sa bintana at pinakikiramdaman ang kilos niya. Ito ang unang pagkakataon na nagkasama kami sa iisang kuwarto. Nagulat ako nang bigla niyang ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang at niyakap ako mula sa likod.

Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg. Ito ang bagay na ngayon ko lang naramdaman buhat ng kami ay ikinasal.

“Hmm… ang bango,” bulong niya. Ang boses niya ay paos na at nalulunod na sa kalasingan.

Sa sandaling iyon, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa wakas niyakap niya ako, o dapat ba akong masaktan dahil alam kong ang init na nagmumula sa katawan nito ay hindi isang pagmamahal kundi galing sa kalasingan.

Nagsimulang maglakbay ang kanyang mga kamay sa aking katawan. Bawat haplos ay tila may mga apoy na gumagapang sa aking balat. Nararamdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg na nagbibigay ng kakaibang kiliti. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Hinawi niya ang sagabal kong buhok at sinimulan akong halikan sa batok—mga maliliit, madiing halik na lalo nagpapataas ng init sa aking katawan. Pinikit ko ang aking mga mata, pilit na nilalabanan ang mapusok niyang ginagawa sa akin. Ginigising niya ang pagnanasa sa aking katawan.

“Draven… ako ito, si Scarlet,” garalgal kong bulong. Ipinapakilala ko sa kanya na ako ang babaeng isang taon na niya iniiwasan. Natatakot ako na dahil sa kalasingan nito, ibang babae pala ang nasa isip niya kasama sa kama.

“Hmm... so what? I really want you right now!” Madiin niyang sagot.

Bago pa ako makapagsalita muli, marahas niya akong hinila paharap sa kanya. Sinalubong niya ang aking labi ng isang halik na puno ng pagnanasa at awtoridad. Sa mga sandaling iyon, alam kong wala nang atrasan.

Nagsimulang lumalim ang halik ni Draven. Mula sa aking labi ay bumaba ito sa aking leeg. Nag-iiwan ng mga markang tila tatak ng kanyang pag-aari. Habang busy ang kanyang kamay sa pagtatanggal ng aking mga damit, nararamdaman ko ang unti-unting pagkawala ng aking kontrol. Alam kong hindi ko na maiiwasan ang sitwasyong ito, kaya hinayaan ko ang aking sarili na matangay sa bugso ng damdamin at nag-aaalab na pagnanasa.

Sa gitna ng aming paglalapit, sinimulan ko ring tanggalin nang isa-isa ang kanyang mga butas. Dahan-dahan kong inaalis ang mga balakid sa kanyang katawan hanggang tumumbad sa akin ang napakamaskuladong katawan niya.

Sa tulong ng liwanag ng buwan na tumatama mula sa bintana, malinaw kong nakikita ang perpektong pangangatawan ni Draven. Lalong umiinit ang aking pakiramdam habang pinagmamasdan ang bawat kurba ng kanyang katawan. Hindi ko napigilan ang aking mga kamay na gumapang sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang nagpuputok na abs na tila ba bakal sa tigas.

Sa bawat mapangahas na haplos ng aking mga kamay, naririnig ko ang kanyang mabigat na paghinga—isang musikang nagpapabilis sa tibok ng aking puso. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na lalong paglaruan ang kanyang matitigas na muscle, na nagdudulot ng isang malalim at paos na ungol mula kay Draven.

Napakasarap sa aking pandinig ang bawat tunog na lumalabas sa kanyang bibig. Ang napakamasculine na pag-ungol na iyon ay tila isang kumpirmasyon na sa kabila ng kanyang pagiging malamig sa umaga, sa mga sandaling ito, ako ay sinasakop ng mainit niyang haplos at mga halik.

Saglit kong nakalimutan ang mga panahon na nanlalamig siya sa akin. Ang nakakapasong init na nagmumula sa kanya ang tangi kong nararamdaman sa mga oras na ito.

Unti-unting bumaba ang kanyang mga labi mula sa panga patungo sa aking collarbone, nag-iiwan ng maliliit at mapupulang marka—mga bakas ng kanyang pag-aangkin sa aking katawan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 56

    SCARLET’S POV"Director Alejandro, nag-trigger po ang security alert sa central server tatlong minuto na ang nakalilipas," bungad ng aming head of cyber security pagkapasok sa executive office ni Alejandro. Bakas ang bahagyang panginginig sa boses ng staff habang hawak ang isang tablet na nagpapakita ng pulang babala. "May nagtatangkang pumasok at humugot sa personnel history ni Dr. Scarlet Ferguson mula sa administrative front desk."Tumingin sa akin si Alejandro na kasalukuyang nagtitimpla ng tsaa sa gilid. Akala siguro ng aming staff ay magpa-panic kami o mag-uutos na ipasara ang buong gusali. Ngunit nanatiling kalmado ang mukha ni Alejandro. Dahan-dahan niyang ibinaba ang takure bago hinarap ang tauhan."I-block ang access. Huwag ninyong galawin ang system," mahinahong utos ni Alejandro. "Iwanan ninyo sa ganyang estado ang computer sa front desk. Hayaan ninyong makita nila ang babala."Bahagya akong napangiti habang nakasandal sa couch, dahan-dahang iniikot ang panulat sa aking m

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 55

    JANA’S POVPang-apat na tasa ko na ito ng kape ngayong umaga, ngunit kahit ang matapang na caffeine ay hindi kayang patayin ang tindi ng panginginig ng aking sistema. Hindi ako nakatulog kagabi. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, paulit-ulit na bumabalik sa aking pandinig ang eksena sa madilim na koridor ng Valdemar Medical Center.Ang tindig ni Scarlet. Ang lamig ng kanyang mukha. At ang boses na iyon...“Accept it.”Bakit may direktang international call si Scarlet sa dis-oras ng gabi? Bakit parang isang pinal na utos ang tono ng pananalita niya, na tila ba ang taong nasa kabilang linya—isang banyaga mula sa Switzerland—ay walang anumang karapatang sumuway sa kanya? Sino ba talaga siya? Isang ordinaryong doktor na pinalayas ng mga Morris ay hindi makikipag-usap nang ganoon.May kung anong napakataas na pader sa likod ni Scarlet, at ang kuryusidad na malaman ko ang tungkol doon ay unti-unting sumisira sa aking katinuan. Para bang nagsisimula na itong maging isang seryosong obs

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 54

    JANA’S POV"Bwisit! Mga walang utang na loob!" Marahas kong isinara ang pinto ng aking sasakyan pagkaupo-pagkaupo ko. Halos mayanig ang buong sasakyan sa tindi ng lakas ng aking pagkakahampas sa manibela.Nanginginig ang aking mga kamay sa galit habang mabilis na umaandar ang sasakyan palayo sa Valdemar R&D Center. Hindi ko matanggap ang nangyari sa loob ng interview room na iyon.Ako si Jana Thorne—ang mukha ng Morris Hospital, ang babaeng pinapahalagahan ng pinakamakapangyarihang CEO sa bansa.Paano nila ako nagawang itaboy nang ganoon na lamang?Ngunit sa gitna ng aking nag-aalab na galit, may isang bagay na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan. Ang mukha ni Scarlet habang nakatayo sa koridor.Bakit ganoon na lang ang pagtrato nila kay Scarlet?Naalala ko ang bawat detalye. Hindi ordinaryong empleyado ang kilos niya. Walang kahit sinong nangangahas na taasan siya ng boses. Sa halip, ang mga senior researchers at mga kilalang doktor pa mismo ang magalang na yumuyuko kapag dumar

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 53

    JANA’S POV"Sigurado ka ba sa balitang 'yan?" mariing tanong ko sa aking personal assistant habang mariing nakakapit ang aking mga daliri sa gilid ng aking mamahaling leather vanity table."O-opo, Dr. Thorne," nauutal na sagot ng assistant ko. "Kalat na kalat na po ang balita sa buong medical community. Ang Valdemar R&D Center ang napiling pangunahing research partner ng pamahalaan para sa National AI Healthcare Project. Sila ang hahawak ng clinical validations para sa AstraMedAI."Napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Umakyat ang matinding init ng inggit at inis sa aking dibdib. Ang Valdemar R&D? Ang karibal na ospital ng mga Morris? At ang mas nagpapasakit ng ulo ko—naroon na si Scarlet. Kahit alam kong pumasok lang siya roon bilang isang hamak na ordinaryong doktor pagkatapos niyang lumayas sa Morris Hospital, hindi ko matanggap na nauugnay ang pangalan niya sa isang bigating proyekto na pinag-uusapan ng buong bansa.Isang ambisyosong plano ang biglang nabuo sa aking

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 52

    SCARLET’S POVAng marangyang ballroom ng Manila Shangri-La ay naging sentro ng kapangyarihan at salapi ngayong umaga. Mula sa bintana ng sasakyan, natanaw ko ang magkakasunod na paghinto ng mga pinakabagong modelo ng luxury cars—mula sa mga maiitim na Mercedes-Benz hanggang sa mga makikintab na Rolls-Royce. Ang bawat bumababang pasahero ay mga pamilyar na mukha sa balita: mga bilyonaryong negosyante, matataas na opisyal ng gobyerno, at mga international investor mula sa iba't ibang panig ng Asya at Europa.Pagpasok ko sa loob, ang bulong ng marangyang musika at ang kinang ng mga naglalakihang chandelier ay sumalubong sa akin. Sa gitna ng malawak na bulwagan, naroon ang mga miyembro ng Morris Group—sina Julian, Damian, at si Lucas Finch na abala sa pakikipagkamay sa mga nanunungkulan sa gobyerno. Hindi kalayuan sa kanila ay nakatayo si Alejandro, na pormal na nakikipag-usap sa ilang foreign delegates.Ngunit sa gitna ng lahat, ang aking mga mata ay awtomatikong napako sa natatanging p

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 51

    SCARLET'S POV Maagang-maaga pa lamang ay ramdam ko na ang kakaibang enerhiya sa mga pasilyo ng Valdemar Medical Center. Habang naglalakad ako patungo sa aking laboratoryo, hindi ko maiwasang marinig ang bulungan at tila bubuyog na usapan ng mga doktor at consultant sa gilid ng nurse station. Ang lahat ay nakatitig sa kani-kanilang mga tablet at cellphone, tila ba may isang malaking event na pinag-uusapan. "Narinig niyo na ba? Opisyal nang binuksan ng pamahalaan ang bidding para sa National AI Healthcare Project," seryosong pahayag ng isang senior surgeon habang may hawak na kape. "Oo! Sabi ng asawa kong nasa commerce department, ito na ang pinakamalaking event sa kasaysayan ng healthcare technology sa bansa," sagot naman ng isang resident physician. "Lahat ng bigating korporasyon—mula sa Morris Group hanggang sa mga dayuhang mamumuhunan sa Asya—ay magpapatayan para lang makuha ang monopolyo nito." Bahagya akong napangiti at ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Isang malaking su

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Seven

    Tinaasan ko ng kilay si Ethan. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, na tila ba isang maliit at nakakaawang insekto lang ang nasa harap ko.Akala ba ng batang ito na mananahimik na lang ako at iiyak sa sulok, gaya ng dati? Akala ba niya na papanoorin ko na lang silang tapakan ang pagkatao ko dah

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Three

    CHAPTER 3SCARLET POVHindi ko na hinintay na makalapit pa siya sa akin. Habang pababa ang lalaki sa hagdan, direkta kong sinabi ang mga katagang 'let's get a divorce'. Tumigil siya sa gitna ng hagdan. Ang kanyang malamig na titig ay nakapako sa akin, na tila ba hinihintay nito ang karaniwang ginag

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Two

    SCARLET POV“Sige, Mr. Morris. Ilipat mo siya.” Malamig kong sabi habang hinuhubad ko ang aking gloves. “Pero bilang doctor-in-charge, kailangan mong pirmahan ang waiver na ito. Isulat mo diyan na ikaw ang nag-utos na ilipat ang pasyente sa kabila ng panganib ng internal bleeding dahil sa ‘intense

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter One

    CHAPTER 1Eksaktong alas dose ng hatinggabi. Habang ang buong siyudad ay natutulog, nasa loob ako ng aking opisina at naghihintay ng tawag mula sa emergency room. Suot ang aking puting coat, habang ang stethoscope ay nakasabit sa aking leeg. Mahigpit kong hawak ang isang pirasong papel—ang pitong t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status