공유

Chapter Two

last update 게시일: 2026-05-25 16:39:34

SCARLET POV

“Sige, Mr. Morris. Ilipat mo siya.” Malamig kong sabi habang hinuhubad ko ang aking gloves. “Pero bilang doctor-in-charge, kailangan mong pirmahan ang waiver na ito. Isulat mo diyan na ikaw ang nag-utos na ilipat ang pasyente sa kabila ng panganib ng internal bleeding dahil sa ‘intense sex’ na naranasan niya kanina.”

Nakita ko ang gulat at ang paninigas ng katawan ni Draven. Tumingin siya sa akin—sa unang pagkakataon, hindi bilang asawa kundi bilang isang doktor na may hawak na buhay ng taong pinoprotektahan niya. Binigay ni Becky ang isang papel sa mga ito.

“Draven,” nagsusumamo ang sabi ni Jana. Saglit na nagdalawang-isip si Draven, pero agad din niyang pinirmahan ang papel.

“Becky, ikaw na ang bahala sa kanila,” ani ko at iniwan na ang mga ito.

Pagdating ko sa opisina, sumandal ako sa hambana ng pintuan. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang eksena niya sa vip emergency room. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Makalipas ang ilang minuto, muli akong pinatawag para sa pangpublikong emergency room.

Matapos ang isang operation sa emergency room habang tinatanggal ko ang gloves, narinig ko ang kuwentuhan at tsismis ng isa sa mga nurse na nakasaksi sa ganap kanina sa vips room.

“Pero infairnes, gwapo talaga iyong lalaki, makalaglag panty. Pero grabe lang talaga kasi mukhang halimaw din sa kama.” Nagtawanan ang mga intern at ibang nurse dahil sa sinabi ng pinakabatang nurse sa kumpulan.

Napatingin sa akin si Becky, “Doc, tanong ko lang, hindi po ba kayo matagal nang kasal? Bakit parang hindi ko po naririnig ang pagbabanggit mo ng pagkakaroon ng anak?”

Tinapon ko sa basurahan ang medical gloves at tumingin kay Becky.

“Mayroon kasing erectile dysfunction ang asawa ko at sumasailalim pa sa treatment.” Direkta kong sagot.

Agad na tumahimik ang mga nurse. Ang kaninang maingay at puno ng hagikhikan sa emergency room ay nabalot ng nakakabinging katahimikan. Bakas ang matinding kahihiyan sa kanilang mga mukha—marahil ay hindi inaasahan ng mga ito na sasabihin ko nang walang pag-aalinlangan ang ‘sekreto’ ng aking asawa.

Iniisip siguro nila na kaawa-awa ako dahil sa loob ng pitong taon ay nananatili akong baog sa paningin ng publiko. Ngunit para sa akin, hindi na kailangang malaman ng mundong ito ang totoo. Mas mabuti nang isipin nilang mayroon din pala kahinaan ang isang makapangyarihang Draven Morris kaysa mabulabog ang tahimik na buhay ng aking anak.

Sa totoo lang, kailanman ay hindi ninais ni Draven na magkaroon kami ng anak. Natatandaan ko ang lamig ng kanyang boses noong unang gabi ng aming kasal.

“Abala ako sa trabaho at wala akong oras para sa mga bata. Kaya huwag na nating planuhin ang pagkakaroon ng anak. Wala kang aasahan mula sa akin at ayaw ko nang muli pa itong pag-usapan kailanman.”

Dati, pilit ko siyang iniintindi. Iniisip ko na baka sadyang career-oriented lang siya. Pero ngayong nakita ko ang pag-aalala niya kay Jana, doon ko mas naintindihan ang lahat. Ayaw niyang magkaroon kami ng anak dahil ayaw niyang saktan ang damdamin ng babae.

Ironiko, diba? Isang malaking kalokohan. Muntik ko na namang sabihin sa kanya ang tungkol kay Beatrice—muntik ko nang ibigay ang huling alas ko sa lalaking ang tanging hangad ay protektahan ang damdamin ng iba habang dinudurog ang sa akin.

Nagulat nang makita si Draven sa dulo ng hallway, hindi kalayuan sa kung saan ko kausap ang mga nurse. Nagtama ang aming mga mata. Matalim at tila ba napupuno ng pagbabanta ang mga tingin niya sa akin. Para bang isa akong masamang estranghero na gumagawa ng maling kuwento.

Narinig kaya niya ang sinabi ko tungkol sa kanyang ‘sekreto’?

Isang mapanuring ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Kung sakaling narinig man niya iyon, wala na akong pakialam. Hindi ba’t iyan ang gusto niya? Ang hindi namin pag-uusapan bilang mag-asawa? Binigyan ko lang siya ng katuwiran kung bakit wala pa kaming anak.

Nakita ko ang paparating na si Jana. Mabilis itong kumapit sa braso ng aking asawa. Ang mukha nito ay puno ng panguya habang nakatingin sa akin. The nerve!

May binulong si Jana kay Draven, at isang iglap, tumalikod na ang dalawa. Iniwan nila akong nakatayo doon, na para bang wala silang pakialam—na para bang hindi ako kilala ng lalaking pinakasalan ko ng pitong taon.

Mabibigat ang aking mga hakbang habang naglalakad pabalik sa aking pribadong opisina. Bawat tunog ng aking takong sa hallway ay tila nagpapaalala sa akin ng mga nasayang na taon sa piling ng isang lalaking hindi naman ako minahal.

Pagkarating ko sa loob, dahan-dahan kong binuksan ang drawer. Doon, sa pinakailalim, nakapatong ang dalawang dokumentong nagdidikta ng tadhana ko. Ang isa ay ang kasunduan sa diborsiyo na kanina ko pa hawak, at sa ilalim nito ay ang orihinal na kontratang pinirmahan ko bago kami kinasal ni Draven.

Sariwa pa sa isip ko ang araw na nilapitan ako ng matandang Moriis—ang dating chairman at ama ni Draven. Bago pa man kami mairehistro bilang mag-asawa, inilatag na nila ang mga kondisyon. Isang kontrata para sa kasal na tatagal lamang ng pitong taon. At isang pre-signed divorce agreement na magiging epektibo pagkatapos niyon.

Para sa kanila, isa lang akong transaksyon. Isang tool para sa anumang plano ng pamilya Morris. Pero ang hindi nila alam ay sa loob ng pitong taong iyon, nakabuo ako ng sarili kong alas—isang buhay na kailanman ay hindi magagawang kontrolin.

Sariwang-sariwa pa rin sa aking alaala ang gabing iyon, pitong taon na ang nakakalipas. Hindi man lang nag-atubili si Drave. Hindi niya tinapunan ng tingin o pinag-isipan ang mga nakasulat sa kasunduan. Sa kanyang paningin, isa lang itong abala, isang paapel na kailangan niyang pirmahan para makabalik sa kanyang buhay—buhay na alam niyang ngayon ay nagnanais ibahagi sa iba.

Basta na lamang niyang nilagda ang kanyang pangalan, isang walang-awang pirma na nagtakda ng aking tadhana nang hindi niya namamalayan.

Hindi alam ni Draven na ang bawat hagod ng kanyang pluma ay naglalaglag ng bawat tanikala ng aming kasal. Ang akala lang niya na walang kwentang kontrata ay nag-e-effect na sa bawat araw ng aming pagsasama.

At ngayon, sa bawat takbo ng orasan, unti-unti nang nauubos ang mga huling tatlong buwan. At sa wakas, ilang buwan na lang at mawawalang-bisa na ang aming kasal at tuluyan na akong makakalaya sa anino ng pamilya Morris.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad kong sinilid sa aking bag ang mga kasunduan—ang mga papel na magsisilbing pasaporte ko para sa kalayaan. Pagod ang aking katawan, ngunit ang isip ko ay tila binubuhay ng ideya na sa wakas, matatapos na rin ang lahat.

Mabigat ang aking mga hakbang sa paglabas ng ospital. Pagdating ko sa masyon—sa bahay na pitong taon ko sinubukang gawing tahanan. Pero dahil sa malayo ang agwat at estado ng katayuan namin ni Draven, naging mistulang hawla ito sa akin. Nakita ko si Draven na pababa ng hagdan, suot pa rin ang kanyang tuxedo, at mukhang wala pa ring tulog. Lakas-loob kong sinabi ang mga katagang matagal ko nang gustong sabihin.

“Drave, let's get a divorce.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Four

    SCARLET POVFlashbackKatatapos lang ng marangyang seremonya ng kasal namin ni Draven. Nakaupo ako sa gilid ng malawak na kama, suot pa rin ang aking puting belo habang hinihintay ang pag-akyat ni Draven mula sa pakikipag-inuman sa baba. Ang puso ko ay punong-puno ng kaba. Iniisip ko na sa likod ng mga malalamig na titig ni Draven, marahil magkakaroon din ako ng puwang sa puso nito. Inaasam kong magkaroon kami ng isang masayang pamilya. Sa unang gabi ng aming kasal, wala si Draven Morris. Natapos ang celebration at inuman sa baba, pero hindi ito umakyat sa aming magiging master bedroom. Kinaumagahan, maaga akong nagising para gumawa ng breakfast. Nakasanayan ko na kasi gumising nang maaga kahit hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Dahil ako pa lang ang nauna, nagising, narinig ko ang mga yabag ng mga katulong. Nagbubulungan ang mga ito, pero dinig na dinig ko.“Sa guest room natulog si Young master. Napadaan kasi ako doon. Bukas ang pintuan. Mukhang lasing na lasing ito.” Ani n

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Three

    CHAPTER 3SCARLET POVHindi ko na hinintay na makalapit pa siya sa akin. Habang pababa ang lalaki sa hagdan, direkta kong sinabi ang mga katagang 'let's get a divorce'. Tumigil siya sa gitna ng hagdan. Ang kanyang malamig na titig ay nakapako sa akin, na tila ba hinihintay nito ang karaniwang ginagawa ko sa tuwing nagkikita kami. Ang pag-aasikaso ko sa tuwing darating ito, kapag kailangan nito ng pagkain o maiinom, agad ko itong pinagsisilbihan.Huminga ako nang malalim. Sinalubong ko ang kanyang tingin. Sa pagkakataong ito, wala nang takot sa aking puso. Wala na rin ang pag-aalinlangan."Let's get a divorce, Draven." Pag-uulit ko.Nakita ko ang panandaliang pagtigil ng kanyang paghinga. Ang mga kamay nito, nakahawak sa rail ng hagdan, ay bahagyang humigpit. Na para bang tinatanya kung ako ba ay inaatake lang ng tantrums. Hindi nito akalain na sa akin mismo magsisimula ang mga katagang nakaukit na sa aming pagsasama."Bibigyan kita ng tatlong buwan para i-settle ang paglilipat at pagh

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter Two

    SCARLET POV“Sige, Mr. Morris. Ilipat mo siya.” Malamig kong sabi habang hinuhubad ko ang aking gloves. “Pero bilang doctor-in-charge, kailangan mong pirmahan ang waiver na ito. Isulat mo diyan na ikaw ang nag-utos na ilipat ang pasyente sa kabila ng panganib ng internal bleeding dahil sa ‘intense sex’ na naranasan niya kanina.”Nakita ko ang gulat at ang paninigas ng katawan ni Draven. Tumingin siya sa akin—sa unang pagkakataon, hindi bilang asawa kundi bilang isang doktor na may hawak na buhay ng taong pinoprotektahan niya. Binigay ni Becky ang isang papel sa mga ito.“Draven,” nagsusumamo ang sabi ni Jana. Saglit na nagdalawang-isip si Draven, pero agad din niyang pinirmahan ang papel.“Becky, ikaw na ang bahala sa kanila,” ani ko at iniwan na ang mga ito.Pagdating ko sa opisina, sumandal ako sa hambana ng pintuan. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang eksena niya sa vip emergency room. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter One

    CHAPTER 1Eksaktong alas dose ng hatinggabi. Habang ang buong siyudad ay natutulog, nasa loob ako ng aking opisina at naghihintay ng tawag mula sa emergency room. Suot ang aking puting coat, habang ang stethoscope ay nakasabit sa aking leeg. Mahigpit kong hawak ang isang pirasong papel—ang pitong taong kasunduan, tatlong buwan mula ngayon ay matatapos na."Mommy, bakit hindi ko po nakikita si Daddy? Patay na po ba siya?" ibinalik ko ang tingin sa cellphone. Ang inosenteng tinig ng aking lihim na anak sa voice email na ipinadala ng kanyang tagapag-alaga ay tila kutsilyong humihiwa sa aking puso.Naglakad ako papunta sa maliit na lababo para magtimpla ng kape. Kailangan kong manatiling gising; night shift ang duty ko. Huminto ako sa harap ng salamin. Hindi na ako ang Scarlet Ferguson na sunod-sunuran sa pamilyang Morris."Buhay siya, anak," bulong ko sa hangin habang dahan-dahang ibinababa ang tasa sa lamesa. Isinilid ko ang cellphone sa bulsa ng aking coat. "Pero para sa atin, hindi na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status