ANMELDEN.
Huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang pilit na pinoproseso ng utak ko ang bawat salitang binitiwan ni Hunter.Tumakbo ka agad nang sabihin kong 'Ms. Yna is in a wedding'...You looked like you're ready to burn down the world kapag inagawan ka ng babae...Umawang ang mga labi ko.Unti-unting lumipat ang paningin ko sa malapad at nakatalikod na bulto ni Black.Noong araw na 'yon... noong bumukas ang double doors ng grand ballroom... noong inakala ko na manggugulo siya sa kasal ng kapatid niya at ni Ma'am Angel...Hindi si Ma'am Angel at sir Darken ang pakay niya.Hindi ang kapatid niya ang ipinunta niya doon para guluhin o makisaya man.Ang dahilan kung bakit nagmamadali siyang dumating, kung bakit handa siyang manira ng kasal, kung bakit halos pumatay ang mga mata niya nang masalo niya ang garter...Ako. Ako ang pakay niya.Akala ba niya ako ang ikakasal?Na pagkatapos ng isang taon ay bigla nalang siyang susulpot?Napakagat-labi ako, hindi mapigilan a
Ang mga mata niya ay nanlilisik sa galit. Handang pumatay… na para bang pinaalala sa akin na nasa loob kami ng pamamahay ng isang dangerous man with a dangerous life!Nang makita niya kung sino ang nasa sala, mabilis na umigting ang panga niya. Ibinaba niya nang bahagya ang hawak niyang baril, pero ang galit sa mukha niya ay hindi nabawasan.“What the fuck are you doing here, Hunter?!” malutong na mura ni Black habang mabilis na naglalakad palapit sa amin.Humarang siya sa mismong harapan ko, itinatago kami ni Baby Dark sa malapad niyang likuran.Ang likod niyang puno ng tattoo ay nagsilbing pader na nagbigay sa akin ng kakaibang kagaanan sa gitna ng matinding takot.Tumawa ang lalaking tinawag na Hunter. Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko, pero ang pilyong ngiti ay hindi nawala.Pero ang kasama nitong babae ay mabilis na napairap. “Who is she, Black?” mabilis na tanong nito, pero hindi siya tinapunan ng tingin ni Black.“I am fucking asking you, Hunter!” ulit niya, ma
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Takot ba ito? Bakit parang hindi?Huminga ako nang malalim. Bumalik ka sa katinuan mo, Yna! Halimaw ang lalaking 'yan, dapat lang matakot ka! Mabilis akong naglakad papunta sa kusina para gawin ang inuutos niya, kahit pa wala siyang karapatang utusan ako! Ginawa ko nalang ng mabilis.Kinahapunan.Tahimik ang buong mansyon. Si Baby Dark ay masayang naglalaro sa living room, pinalilibutan ng mga naglalakihang unan at mga laruan na binili ni Black kahapon. Nakaupo ako sa lapag, katabi niya, habang pinapanood siyang buuin ang mga lego blocks niya.Wala si Black. Pumasok siya sa study room niya pagkatapos uminom ng kape at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas.Mas gusto ko iyon. Mas nakakahinga ako nang maluwag kapag wala ang madidilim niyang mga mata na nakatitig sa bawat galaw ko.Ngumiti ako habang iniaabot ang isang asul na block kay Baby Dark. “Here you go, baby... lagay mo d'yan...”“T-Ti-ta! Ti-ta! Wa!” tuwang-tuwang bu
Nanlaki ang mga mata ko. “H-Hindi! A-Ako na. Kaya ko na siya—”“I said, give him to me, Yna,” madiing ulit niya.Nanginginig ang mga kamay kong dahan-dahang inilapit si Baby Dark sa kaniya.Ang isip ko ay nagwawala. Paano kung saktan niya? Paano kung ihagis niya?! Diyos ko, huwag naman sana!Pero nang lumapat ang bata sa malalaki at magagaspang niyang mga braso, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.Maingat niyang sinalo si Baby Dark. Ang malaking palad niya ay sumuporta sa likod ng ulo ng bata, habang ang kabilang braso niya ay pumulupot sa maliit na katawan nito.Inilapit niya ang bata sa matigas niyang dibdib, eksakto sa bahaging naririnig ang tibok ng puso niya.“Shh... quiet now, little man,” malalim at nakakapangilabot na lambot ng boses niya ang namayani.At sa isang iglap na hindi ko inaasahan... nagsimula siyang gumalaw.Dahan-dahan, marahan, at may tiyempong inugoy niya ang bata. Ang lalaking may hawak na baril noong unang gabi naming magkita, ang lalaking walang-awang nanu
Tatlong araw.Tatlong araw na ang lumipas simula nang pakiramdam ko ay nakulong ako sa dambuhalang mansyon na ito na pag-aari ng isang lalaking hindi ko pa rin lubusang kilala.Sa loob ng tatlong araw na iyon, pakiramdam ko ay isang maling galaw ko lang mamamatay ako.Nakakasakal ang presensya niya.Kahit pa sabihing kapatid siya ng isang taong nererespito ko! Hindi parin bumaba ang takot at kaba ko sa kan’ya lalo nang dalawang beses niya akong inangkin nitong nakaraan!Nung reception at nang unang gabi sa mansyong ito.At ngayon, kahit hindi siya nagsasalita, kahit nakaupo lang siya sa madilim na sulok ng kaniyang opisina o sa sala habang nagbabasa ng kung anong dokumento, sapat na ang aura niya para magtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.Pero ang pinakanakakabaliw sa lahat? Ang mga mata niya.Kahit nasaan ako, kahit anong ginagawa ko, nagpapakain kay Baby Dark, naghuhugas ng bote, o kahit natutulog ako sa tabi ng bata… hindi ako mapakali, palagi kong nahuhuli ang madidilim n
“Black! Anong ginawa mo kay Dark!”Halos magiba ko na ang mga pinto sa ibaba sa paghahanap sa kanila. Ang mansyong ito ay parang isang maze ng kadiliman sa sobrang itim kahit saan.Hanggang sa marating ko ang dulo ng pasilyo kung nasaan ang kusina. May narinig akong mahinang tunog ng mga utensils. At isang tawa. Isang inosenteng tawa na pamilyar na pamilyar sa akin.Mabilis kong tinulak ang pinto ng kusina.“Dark—!”Napatigil ako sa may pintuan. Ang puso ko na kanina ay parang sasabog sa kaba ay biglang kumalma, pero napalitan ito ng matinding pagkabigla.Nandoon si Black.Nakaupo sa dining table, topless pa rin, kaya kitang-kita ang kaniyang matipunong likod at ang mga tattoo niyang kulay itim. At sa harap niya, sa isang high chair, ay si Baby Dark.Mahinahon at maingat na sinusubuan ni Black ng cereal ang bata.Napalunok ako… hindi ko inasahan ang eksena na maabutan ko!“A-akala ko...” halos mawalan ako ng boses sa tindi ng relief na naramdaman ko. Napasandal ako sa pader at napahawa







