Mag-log inSama ba tayo? hihi
THIRD PERSON'S POVPagkalipas ng kalahating oras, huminto ang armored SUV sa harap ng isang mataas na gate sa isang eksklusibo at nakatagong compound sa gilid ng bundok sa Iloilo.Bumukas ang gate. Sa loob, nakatayo ang sampung armadong lalaki na nakasuot ng mga tactical gear—mga dating piling tauhan ng dating Saviano Syndicate na personal na pinili ni Gregor para maging tauhan ngayon ni Hunter.Ito ang pribadong at pansamantalang safehouse na inupahan nila sa lugar nga ito.Ipinark ni Hunter ang sasakyan. Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan si Rye ng pinto.Lumabas si Rye, ngunit halos matumba siya dahil sa panlalambot ng mga tuhod. Mabilis siyang nasalo ni Hunter sa baywang.“Bitiwan mo ako...” mahinang angal ni Rye, pero wala na siyang lakas para pumalag nang tuluyan.Inalalayan siya ni Hunter pumasok sa loob ng malaking mansyon. Sa bawat sulok na daanan nila, may mga guwardyang yumuyuko at nagbibigay-galang kay Hunter.“Sir,” bati ni Gregor na mabilis na lumapit sa kanila. “Safeh
CRYSTAL RYE'S POVNanlalamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa kaniya.May bakas ng dugo sa puting polo niya. Ang mga mata niya, na dating punong-puno ng galit kapag nag-aaway kami sa opisina, ay may kakaibang dilim ngayon.Ito ba si Hunter Saviano? Ito ba ang totoong siya?!Nang humakbang siya papalapit sa akin, awtomatiko akong napaatras sa lupa, ginagamit ang mga siko ko para lumayo sa kaniya.“W-Wag kang lalapit...” nanginginig na utos ko, halos mawalan ng boses. “Wag mo akong hahawakan!”Huminto si Hunter dalawang hakbang mula sa akin. Umigting ang panga niya. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa tiyan ko, bago muling tumingin sa nanginginig kong mukha.“Rye,” paos na tawag niya.“P-pumatay ka...” naiiyak na sigaw ko, tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa pisngi ko dahil sa pinagsamang takot, gulat, at matinding pagod. “Sino ka ba talaga?! Ano bang klaseng tao ka?! Bakit mo ako ginagambala?! Bakit kailangang mangyari 'to?!”Lumuhod si Hunter sa harapan ko. Hindi s
THIRD PERSON’S POV“Get her alive,” utos ng boses sa radyo. “The young master died by Hunter’s hand four months ago. It's time Hunter Saviano pays the debt. If we hold his pregnant woman, he will crawl on his knees before we put a bullet through his head.”“Copy.”Pinatay ng lalaki ang radyo at lumabas ng sasakyan kasama ang dalawa pang armadong tauhan.Sa gitna ng makipot at tahimik na daan patungo sa simbahan, napahinto si Rye. Napaatras siya nang makitang nakaharang ang tatlong lalaki sa harap niya.“S-Sino kayo?” nanginginig na tanong ni Rye, habang pilit na itinataas ang duffel bag para gawing depensa.Isang nakakakilabot na ngisi ang ipinakita ng lalaking may sugat sa mukha. “Miss Alvarez. Sumama ka sa amin nang tahimik kung ayaw mong masaktan ang nasa loob ng tiyan mo.”Nanlamig ang buong katawan ni Rye. Alam nila ang tungkol sa pagbubuntis niya.“Hindi ko kayo kilala! Magsisisigaw ako rito! Tulong—”Bago pa man matapos ni Rye ang sigaw niya, mabilis na humakbang ang isa sa mga
THIRD PERSON'S POV“Confirm target. Visual match on Crystal Rye Alvarez.”Sa loob ng itim na sedan, isang lalaking may malaking hiwa ng sugat sa mukha ang nakatitig sa cellphone na hawak niya. Nakabukas sa screen ang isang encrypted database ng Navarro Syndicate. May larawan doon ni Rye na kuha mula sa cctv ng isang ospital sa Maynila noong mga nakaraang buwan.“Is she alone?” tanong ng boses mula sa kabilang linya ng radio.“Alone. Pregnant. No Saviano escorts around,” malamig na sagot ng lalaki. “Hunter’s men are scattered in Capiz, searching like headless chickens. He doesn't know we tracked her ahead of him.”“Get her alive,” utos ng boses sa radyo. “The young master died by Hunter’s hand four months ago. It's time Hunter Saviano pays the debt. If we hold his pregnant woman, he will crawl on his knees before we put a bullet through his head.”“Copy.”CRYSTAL RYE'S POVMaagang umaga. Dumating ang provincial bus sa lumang terminal sa Iloilo.Lutang ang isip ko habang bumababa, bitbi
CRYSTAL RYE'S POVAlas-tres ng madaling araw.Nakaupo ako sa isang malamig na sementadong bench sa loob ng isang maliit na waiting shed. Hindi ko alam kung nasaang bayan na ako. Ang alam ko lang, binayaran ko ng limang daan ang isang matandang tricycle driver para ilayo ako sa Roxas City.Yakaps-yakap ko ang duffel bag ko habang nanginginig ang buong katawan ko.Sariwa pa rin sa isip ko ang lahat. Ang boses ni Hunter. Ang takot na naramdaman ko nang makita ko ang flashlight ng mga tauhan niya. Muntik na. Muntik na niya akong makuha.Sumandal ako sa malamig na pader at napapikit.Sino yung nag-abot ng papel kay Nang Flor?Kinuha ko ulit ang nakatuping papel sa bulsa ko. Sa liwanag ng isang pumupundiyang poste ng ilaw, tinitigan ko ang sulat.‘You should leave before he finds you.’May iba pang nakakaalam kung nasaan ako. At ang taong ‘yon, alam niyang hinahanap ako ni Hunter.Napalunok ako. Hindi kaya... may kinalaman ito sa trabaho niya? Kalaban kaya niya ito sa negosyo? Mga nakaaway?
THIRD PERSON'S POV“Sir! The back perimeter is compromised! May nakitang bulto na tumakbo papuntang baybayin!”Ang balitang iyon mula sa earpiece ni Gregor ay sapat na para mag-apoy ang paningin ni Hunter. Binitawan niya ang kuwelyo ng isang takot na takot na lalaking nakatira sa boarding house at mabilis na tumalikod.“She’s there!” sigaw ni Hunter, ang boses ay parang kulog na bumasag sa tahimik na gabi ng probinsya. “Don’t let her out of your sight! Pero kapag may nakasakit sa kaniya, babasagin ko ang mga bungo niyo!”Tumakbo si Hunter patungo sa makipot na daan papuntang dalampasigan. Wala siyang pakialam kung maputikan ang mamahaling sapatos niya. Wala siyang pakialam kung masira ang pantalon niya. Ang tanging nasa isip niya ay ang makuha si Rye.Nang makarating siya sa dalampasigan, ang mga tauhan niya ay nagkakagulo, pilit na hinahanap ang bulto sa gitna ng kadiliman at hilera ng mga abandonadong bangka. Tinutukan nila ng malalakas na flashlight ang bawat sulok.“Where the fuck







