Share

Sweet Fear

Author: Ely
last update publish date: 2026-08-09 19:27:53

Chapter 3

Alessandra’s POV

Pumasok kami sa isang napakalaking mansiyon.

Mas malaki sa bahay nila Max.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawag ko pa ba itong bahay.

Mansiyon?

Palasyo?

Parang isang buong hotel!

Isang executive ang pinasok namin sa Forbes Park. “Siguro,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa napakalaking gate at sa bakuran na tila walang katapusan.

Hindi ko maiwasang mapanganga.

May fountain sa gitna ng garden, malalaking puno sa magkabilang gilid at mga ilaw na nagbibigay ng eleganteng dating sa buong paligid.

Hindi ako sanay sa ganito.

Sa lugar na kinalakihan ko, sapat nang may maliit na bahay, maayos na bubong at kusinang hindi tumutulo kapag umuulan.

Pero ito?

Parang ibang mundo.

Habang naglalakad kami papasok ay mas lalo akong kinakabahan.

Hindi ko pa rin alam kung bakit ako narito.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila napakalaking bagay ng pagtanggap sa akin ng mga taong ito.

At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit parang kilala na nila ako.

Nakahilera na ang mga katulong.

Pagkaangat ng ulo ay sabay-sabay silang bumati.

“Magandang gabi, Ms. Alessandra!”

Napahinto ako.

Napatingin ako sa kanilang lahat.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Marami sila!

At lahat sila ay nakatingin sa akin.

Nakakagulat dahil alam nila ang pangalan ko.

“Magandang gabi,” mahina kong sagot.

Hindi ko alam kung kailangan ko bang yumuko, ngumiti o kumaway.

Kaya ang ginawa ko, ngumiti na lamang ako nang pilit.

Habang naglalakad kami papasok sa receiving area ng mansiyon, hindi ko maiwasang mamangha.

Napakaelegante ng loob.

May malalaking chandelier sa kisame, mga mamahaling sofa at mga painting na hindi ko alam kung magkano ang halaga.

May isang malaking vase sa gilid na parang mas mahal pa sa buong gamit namin sa bahay.

Napatingin ako sa isang painting.

“Baka kapag nahawakan ko iyan, kailangan kong ibenta ang kidney ko,” bulong ko sa sarili.

Napailing ako.

Ano ba itong pinasok ko?

Habang ginagala ko ang mata ko sa pagkamangha ay narinig ko muli ang matining na boses habang bumababa sa hagdan.

“Alessandra!”

Medyo kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya kilala.

Isang babae ang mabilis na bumababa sa hagdan.

Mukhang nasa late forties o early fifties na siya, pero napakaganda pa rin.

Eleganteng-elegante ang kanyang suot at parang kahit saan siya pumunta ay automatic na mapapatingin ang mga tao sa kanya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at pagkatapos ay niyakap niya ako.

“Kamusta, kamusta, kamusta!”

Bahagya ko siyang naitulak.

Hindi dahil ayaw ko sa kanya.

Nagulat lang talaga ako.

Hindi ko naman siya kilala!

“Natakot ka ba sa mga goons ng mga Montealto?” natatawa pa siyang sinasabi.

“Pasensya na at mali ang intindi nila.”

“Hindi nila sinasadyang takutin ka.”

Napatitig ako sa kanya.

Montealto?

Goons?

Ano ba talaga ang nangyayari?

“Ah… Ale, sino po kayo?”

“What? Ale?”

Bigla siyang tumawa nang malakas.

Napatingin ako sa mga katulong.

Tila sanay na sila sa ganoong reaksyon.

Tawa siya nang tawa na pinagtatakhan ko kung bakit.

“Sorry, sorry, Alessandra.”

“First time ko kasing narinig na may tumawag sa akin ng Ale,” natatawa pa rin siya.

Napakamot ako sa ulo.

“Ganito na lang.”

“Call me Ms. Margarita or Ms. Marge.”

“Ms. Marge.”

“Oh yes, that’s right, darling. Better than ALE.”

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

Parang matagal na niya akong kilala.

At iyon ang mas lalo kong hindi maintindihan.

“Halika na nga at kumain na tayo.”

“Kanina pa ako naghihintay sa iyo.”

“And I’m starving!”

Hinila niya ako papunta sa dining room.

Hindi na ako nakatanggi.

Habang naglalakad kami, patuloy akong nag-iisip.

Sino ba talaga siya?

Bakit niya ako kilala?

Bakit parang napakahalaga ko sa kanya?

At bakit parang normal lamang sa kanya na dalhin ako rito?

Pumasok kami sa dining room.

Napahinto ako.

Nakakamangha.

Parang isang baryo ang kakain.

Napakaraming putahe ang nakahanda.

May lechon de leche.

May mga prutas.

May seafood.

May iba't ibang klase ng karne.

May mga pagkaing hindi ko kilala dahil mukhang mamahalin.

May mga dessert na parang nasa magazine.

Napatingin ako kay Ms. Marge.

Nagtaka ako.

“May party ho ba?”

“Ha?”

“Wala naman.”

Napatingin siya sa mesa.

“Hindi ko kasi alam ang gusto mong pagkain, eh.”

“Kaya pinahanda ko ang lahat ng puwede nilang lutuin.”

“I hope may magustuhan ka sa mga iyan.”

“Just dig in,” pag-aalok pa ni Ms. Marge.

Bantulot pa ako.

Hindi dahil ayaw kong kumain.

Sa totoo lang, gutom na gutom ako.

Ang problema, parang napakaraming bagay ang nangyayari sa paligid ko at hindi ko alam kung alin ang dapat kong pag-ingatan.

“Don’t worry, Alessandra. Walang lason iyan.”

Sabay subo niya para ipakitang safe ang mga pagkain.

Napatingin ako sa kanya.

Napangiti naman siya.

“See?”

Tumango ako.

Sino ba naman ako para maging mapamili?

Kung may lason man ito…

“Eh di ayos na rin,” sa isip-isip ko.

Kung tutuusin, ang dami ko nang pinagdaanan ngayong araw.

Baka ito na ang pinakamagandang pagkain na makakain ko sa buong buhay ko.

Kaya kumuha ako ng pagkain.

At nang matikman ko ang unang putahe, napapikit ako.

“Wow…”

Napatingin sa akin si Ms. Marge.

“Good?”

Tumango ako.

“Very good po.”

“Then eat!”

At hindi na ako nagpatumpik-tumpik.

Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, nakaramdam ako ng kakaibang comfort.

Parang kahit saglit lamang, ligtas ako.

Pagkatapos naming kumain ay sinamahan na ako ni Ms. Marge sa isang silid.

Pagbukas niya ng p***o ay muli akong napahinto.

“This will be your room.”

“Ho?”

“From now on, dito ka na titira.”

“Po?”

Napatingin ako sa malaking kama.

May sariling bathroom.

May walk-in closet.

May malaking bintana.

At may maliit na balcony na tanaw ang garden.

“Pero… may bahay po ako.”

“Ah, doon?”

Napangiti siya nang may ibig sabihin.

“Sa kuta ng mga demonyo.”

Napatigil ako.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot.

“Huwag kang mag-alala.”

“Kung ang Ate Erika at Kuya Mike at ang kanilang anak ang problema mo…”

Huminto siya saglit.

“Isasama natin sila dito.”

Nashock ako.

“Ha?”

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

“Isasama… sila?”

“Oo.”

“Dito?”

“Yes, darling.”

Napatingin ako sa buong silid.

Nanaginip ba ako?

Kinurot-kurot ko ang aking sarili.

“Awww!”

Napangiwi ako sa sakit.

Totoo.

Gising ako.

Hindi ito panaginip.

Kaya ano ang mga ito?

Bakit?

Sino?

Ano?

Bakit parang alam ni Ms. Marge ang lahat tungkol sa buhay ko?

Bakit gusto niyang tulungan kami?

At bakit parang may mas malaking dahilan kung bakit ako dinala rito?

“Ms. Marge…”

“Yes?”

“Bakit?”

Ngumiti siya, ngunit sa pagkakataong iyon ay may kakaibang lungkot sa kanyang mga mata.

“Because, Alessandra…”

Huminto siya.

At sa unang pagkakataon mula nang dumating ako sa mansiyon, nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

“May mga bagay na kailangan mong malaman.”

Napalunok ako.

“Anong bagay?”

Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang balikat ko.

“Pero hindi ngayong gabi.”

“Bakit?”

“Dahil pagod ka na.”

“At bukas…”

Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata.

“Bukas, magsisimula mong malaman kung bakit ka talaga dinala rito.”

Nanlamig ang katawan ko.

Ano ba ang pinasok ko?

At sino ba talaga ang mga taong nasa likod ng lahat ng ito?

Isang bagay lamang ang sigurado ko.

Hindi aksidente ang pagkakapasok ko sa mansiyong ito.

At ang buhay ko…

ay malapit nang tuluyang magbago

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nang Magtago Ang Langit, Powerless Billionaire   Jelousy Clash

    Chapter 32Alessandra’s POVHindi pa natapos ang gabi.Hindi pa natapos ang pagpapanggap.Hindi pa natapos ang taguan.Ang taguan ng mga damdamin.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang magpanggap na wala lang sa akin ang lahat.Na wala akong pakialam kay Max.Na hindi sumasakit ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko si Marie na nakadikit sa kanya.Na hindi ako nasasaktan sa paraan ng pagtingin niya rito.At higit sa lahat, na wala akong pakialam kung ano ang mararamdaman niya kapag nakita niya akong kasama si Andrei.Tinulungan ako ni Andrei, inayos niya pa ang buhok mula sa pagkakahablot ni Marie.Pero mukhang ikinaganda ko pa ang paglaylay ng buhok ko sa aking mga balikat.May ilang hiblang nakatakip sa gilid ng mukha ko.Hindi na ako nag-abala pang ayusin iyon.Dahil titig na titig sa akin si Andrei Sterling.Parang nakalimutan niyang maraming tao sa paligid.“You are so beautiful,” biglang lumabas sa bibig niya.Napatingin ako sa kanya.May kakaibang lambing sa mga mata niy

  • Nang Magtago Ang Langit, Powerless Billionaire   The Long Night

    Chapter 31Alessandra’s POVHabang nag-uusap kami ng mga matataas na personalidad sa business world, pilit kong pinapanatili ang composure ko.This was supposed to be a night of celebration.A night where everyone was dressed elegantly, everyone was smiling, and everyone was pretending that business was the only thing that mattered.Mga CEOs.Investors.Business tycoons.Influential personalities.Lahat sila naroon.At alam kong bawat kilos, bawat salita, bawat ngiti ay napapansin.Pero hindi ko naiwasan ang isang bagay.Sinugod ako ni Marie.Ang hitad.Naglakas-loob para kalabanin ako.At bago pa man ako tuluyang makapaghanda, nagawa niyang hablutin ang buhok ko.“Bitawan mo ako!”Nagulat ang lahat.Biglang tumigil ang mga usapan sa paligid.May mga napalingon.May mga napaatras.May ilan na halos hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.Ang isang eleganteng business event ay biglang naging parang eksena sa isang magulong teleserye.Hindi siya maawat-awat ng mga taong naroroon.Halos

  • Nang Magtago Ang Langit, Powerless Billionaire   Heartaches

    Chapter 30Alessandra’s POV“At sinama pa talaga ang girlfriend niya,” naiinis na tumatakbo sa isip ko.Mabuti na lang at nandito si Andrei Sterling.Akala ba niya, siya lang kaisa-isang lalaki sa mundo?Kung kaya niyang magdala ng babae sa party, kaya ko rin namang makipag-usap sa ibang lalaki.Hindi naman ako kawawa.At lalong hindi ako naghihintay sa kanya.“You look dashing, Andrei. I'm glad that you made it tonight.”“Of course, everything for you. Manginig-nginig pa,” pagbibiro pa ni Andrei.Mas nilakasan ko ang tawa ko at umabot hanggang tenga ang ngiti ko habang kausap ko si Andrei.Baka kasi mahalata ako na gustong-gusto ko nang lamukusin ang pagmumukha ng kasamang babae ni Max.Hindi ko pa rin nakakalimutan ang atraso ng babaeng iyon.Ang babaeng ilang beses na akong ininsulto.Kung makapulupot kay Max, para siyang napakalaking makamandag na sawa.Bagay na bagay ang suot niyang kulay pulang gown.Mukha siyang demonya.At kulang na lang ang tinidor at buntot.Napatingin na na

  • Nang Magtago Ang Langit, Powerless Billionaire   Hopeful

    Chapter 29Maximus POV“Congratulations, Mr. Craig.”“Maganda ang nagawa ninyong campaign.”“The project is a success.”Halos lahat ng tao ay bumabati sa akin. After landing a 30 Billion project dahil sa marketing campaign na ginawa ko para sa MGC.Masaya naman ako sa mga pagbati nila.Ito ang unang malaking achievement ko mula nang mapasok ako sa MGC.At hindi maliit na bagay ang 30 Billion project.Alam kong malaking bagay iyon para sa kumpanya.Malaking bagay din iyon para sa akin.Dahil bago pa lang akong miyembro sa MGC.Pero sa kabila ng lahat ng pagbating natatanggap ko, may isang taong hinihintay kong bumati sa akin.Si Alessandra.Akala ko pa naman kakayamayan niya ako at babatiin sa nagawa kong kontribusyon sa kumpanya.Kahit isang simpleng congratulations lang.Kahit isang tingin lang.Kahit isang ngiti.Sapat na sana iyon sa akin.Pero hindi man lang niya ako tiningnan.Parang wala lang sa kanya ang lahat.Bago pa lang akong miyembro sa MGC.Nabigyan na ako agad ng oportun

  • Nang Magtago Ang Langit, Powerless Billionaire   Powerful and Destined

    Chapter 28Maximus Craig’s POVHindi ko maiwasang mamangha habang pinapakinggan at pinagmamasdan si Alessandra, habang nagdidiscuss siya sa mga miyembro ng board.Malinaw ang mga sinasabi niya, walang paligoy-ligoy at may kumpiyansa.Bawat salita niya ay may bigat.Bawat desisyon ay pinag-isipan.At higit sa lahat, alam niya kung ano ang gusto niya para sa kumpanya.Nakaupo lamang ako sa aking puwesto habang tahimik na pinagmamasdan ang babaeng minsan kong itinuring na isang simpleng maybahay.Bakit hindi ko nakita sa kanya ito noon?Isa lang simpleng maybahay para sa akin na naghihintay lamang sa pag-uwi ko.Akala ko noon, sapat nang bigyan ko siya ng bahay, pera at seguridad. Akala ko ang mundo niya ay umiikot lamang sa akin.Hindi ko man lang naisip na may sarili siyang pangarap.May kakayahan.May utak.May lakas.At ngayon, siya na ang pinakamakapangyarihan sa lahat dito sa amin.Hindi lamang siya nakaupo sa pinakamataas na posisyon.She owned the room.Lahat ay nakikinig sa kany

  • Nang Magtago Ang Langit, Powerless Billionaire   Expression of Love

    Chapter 27Alessandra’s POVPumasok ako sa conference room. Nagdesisyon na si Papa. Maximus Craig is in.Tahimik akong umupo sa aking puwesto habang isa-isang pumapasok ang mga board member. Ramdam ko ang seryosong atmosphere sa loob ng conference room. Lahat ay tila naghihintay sa sasabihin ni Papa.Nagsalita na si Papa sa lahat ng mga board member. Nakikinig lang ako.“We need an expert to run our marketing campaign. And I know who can help us.”Napatingin ang lahat sa kanya.“And on this day forth, I’ll be appointing Mr. Maximus Craig to be the VP for Sales and Marketing.”Nagpalakpakan ang lahat at binabati siya.“Congratulations, Mr. Craig.”“Welcome to Montealto Group.”“Looking forward to working with you.”Isa-isang bumati ang mga board member kay Maximus.Nakatingin lamang ako ng tahimik.Naririto na siya.Hindi ko alam kung ano pa ang magagawa niya.Sa kumpanya.Sa akin.Hindi ko alam kung magiging madali para sa akin ang makita siya araw-araw. Hindi ko alam kung kaya kong i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status