Se connecterChapter 2
Alessandra’s POV
“Ano?”
Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Ate Erika nang marinig niya ang sinabi ko.
“May... breast cancer ako, Ate.”
Parang tumigil ang oras.
Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, tila umaasang mali lang ang narinig niya.
“A-Alex... ano'ng sinabi mo?”
Hindi na ako nakapagsalita.
Tahimik ko na lamang siyang tiningnan bago ko dahan-dahang inilabas mula sa aking bag ang mga resulta ng laboratory tests at diagnosis ng doktor.
Nang mabasa niya ang mga iyon, nanginig ang kanyang mga kamay.
Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili.
“Hindi... hindi puwedeng mangyari ito...”
Napaupo siya sa lumang silyang kahoy habang mahigpit na yakap ang mga papeles.
Pakiramdam ko, kulang na lamang ay maglupasay siya sa sobrang sakit ng balitang ipinagtapat ko.
Mas masakit pa yatang tanggapin iyon para sa kanya kaysa sa akin.
Lumapit siya sa akin.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, saka niya hinawakan ang aking mukha.
Pinilit niyang ngumiti kahit nanginginig ang kanyang labi.
Tinitigan niya ako sa mga mata na parang ayaw niyang mawala ako.
Punong-puno ng pagmamahal ang mga tingin niya.
Hindi iyon pagmamahal ng magkadugo.
Mas higit pa roon.
Pagmamahal ng dalawang taong sabay na lumaki sa hirap, sabay na nangarap, at sabay na lumaban sa mundo.
“Kapatid ko...”
Iyon lamang ang nasabi niya bago niya ako niyakap nang mahigpit.
Ramdam ko ang pag-iyak niya sa aking balikat.
“Kailangan mong magpagamot.”
“Gagaling ka, Alex.”
Napapikit ako.
Kung alam lang niya kung gaano ko kagustong paniwalaan ang mga salitang iyon.
Pero wala na akong lakas para umasa.
Unti-unti akong kumalas sa kanyang yakap.
Ngumiti ako.
Isang ngiting puno ng sakit.
“Hindi na ako umaasa, Ate.”
Pakiramdam ko...
Sapat na ang lahat ng pinagdaanan ko.
Pagod na pagod na akong lumaban.
Minsan naiisip ko...
Siguro nga mas mabuti na rin ito.
Minsan ang kamatayan ang pinakamatamis na nangyayari sa isang tao.
Lalo na kung wala ka nang nararanasang iba kundi pagdurusa.
Mula pagkabata...
Hanggang pagtanda...
Parang wala nang ibang ibinigay ang tadhana sa akin kundi luha.
Iniwan ako ng mga magulang na hindi ko man lang nakilala.
Lumaki ako sa ampunan.
Nang makalabas ako roon, inalipusta naman ako ng mundo.
Nang sa wakas ay dumating si Max sa buhay ko, naniwala akong may dahilan pala ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko.
Akala ko...
Siya na ang tahanan ko.
Siya na ang pamilya ko.
Pero nagkamali ako.
Isang pirma lang ang katumbas ng pagmamahal namin.
Mas pinili niya ang kanyang pamilya.
Mas pinili niya ang negosyo.
At ako...
Ako ang iniwang walang-wala.
Ngayon naman...
Pati ang buhay ko ay unti-unti nang kinukuha.
Hinawakan ni Ate Erika ang magkabilang balikat ko.
“Huwag kang mawalan ng pag-asa, Alex.”
“Mabubuhay ka.”
Napangiti ako.
Pero hindi iyon ngiti ng isang taong masaya.
Isa iyong ngiting puno ng desperasyon.
Ngiting pilit na tinatakpan ang sakit na unti-unting pumapatay sa akin.
“Talaga ba, Ate?”
Napatawa ako.
Isang maikling tawa na agad napalitan ng pagluha.
“Umaasa ka pa bang bubuti pa ang kalagayan ko?”
Hindi siya nagdalawang-isip.
“Oo.”
Matatag ang kanyang boses.
“Oo, Alex.”
“Hindi pa tayo maaaring sumuko ngayon.”
“Hindi kita hahayaang mawala.”
Niyakap niya akong muli.
Ramdam kong nanginginig siya.
Takot din siya.
Pero pinipilit niyang maging matatag para sa akin.
Samantalang ako...
Matagal nang bumitaw.
Siguro nga tama siya.
Pero kailangan ko pa bang lumaban?
Ano pa bang dahilan?
Matagal na akong sinukuan ng buhay.
At ngayon...
Isa na namang nakamamatay na sakit ang kumakatok sa aking pintuan.
Ano pa ba ang naghihintay sa akin?
Bukod sa pagdurusa.
Bukod sa kamatayan.
Kinabukasan...
Naglalakad ako pauwi mula sa maliit na tindahan kung saan ako bumili ng gamot sa lagnat ni Wade.
Mainit ang sikat ng araw.
Pero tila wala akong nararamdaman.
Bigla na lamang may humintong dalawang itim na SUV sa harapan ko.
Sunod-sunod na bumukas ang mga p***o nito.
Lumabas ang apat na lalaking nakaitim na amerikana.
Matitikas.
Halatang mga bodyguard.
Agad silang lumapit sa akin.
“Ikaw ba si Alessandra Perez?”
Iyon ang pangalang ibinigay sa akin ng ampunan.
“O-Oo... bakit po?”
Hindi nila ako sinagot.
Sa halip ay marahan ngunit mahigpit nilang hinawakan ang aking mga braso.
“Sandali!”
“Ano'ng ginagawa ninyo?”
“Bitawan ninyo ako!”
Nagpumiglas ako.
Pero wala akong laban sa lakas nila.
Pakiramdam ko ay isa akong kriminal na inaaresto.
“Sir!”
“Bakit ninyo ako dinadala?”
“Wala po akong pera!”
“Mahirap lang po ako!”
“Kung may utang man ako, babayaran ko po!”
Paulit-ulit akong nagsalita.
Ngunit nanatiling tikom ang kanilang mga bibig.
Walang kahit isang lumingon sa akin.
Parang mga robot silang sumusunod lamang sa utos.
Ilang minuto pa ang lumipas.
Tahimik ang loob ng sasakyan.
Tanging tunog ng makina at tibok ng puso ko ang naririnig ko.
Pakiramdam ko ay lalabas na ito sa sobrang kaba.
Maya-maya ay iniabot sa akin ng lalaking nasa unahan ang isang cellphone.
“Sagutin mo.”
Maikli ngunit mariin ang kanyang utos.
Nag-aalangan kong inilapit ang telepono sa aking tainga.
“Hello?”
Sa kabilang linya ay isang masayahing boses ng babae ang bumungad.
“Hello, Alessandra.”
“Pasensya ka na kung natakot ka.”
“Huwag kang mag-alala.”
“Hindi ka nila sasaktan.”
“Basta sumama ka lang sa kanila, ha?”
“Magingat tayo mamaya.”
Napakunot ang noo ko.
Hindi ko kilala ang boses.
Hindi ko rin maalala kung sino siya.
“S-Sino po kayo?”
Tahimik.
Naputol ang tawag.
Mas lalo akong kinabahan.
“Sino ba siya?”
Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko.
May nakaalitan ba ako?
May nagawa ba akong kasalanan?
May naniningil ba ng utang?
Pero sa pagkakaalala ko...
Ang natitira ko na lamang na utang ay isang libo't limang daang piso sa isang bumbay.
Inutang namin iyon ni Ate Erika noong magkasunod kaming mawalan ng trabaho.
Dahil lang ba roon?
Hindi naman siguro.
Habang binabaybay ng sasakyan ang mahabang kalsada, lalo akong nilalamon ng kaba.
Hindi ko alam kung saan nila ako dinadala.
Hindi ko alam kung sino ang babaeng tumawag.
Hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako.
Ngunit naalala ko ang sinabi niya.
"Huwag kang mag-alala."
Napapikit ako.
Unti-unti kong binitiwan ang natitira kong takot.
Tutal...
Ano pa ba ang mawawala sa akin?
May cancer ako.
Iniwan ako ng asawa ko.
Wala akong pera.
Wala akong pamilya.
Wala na rin akong pangarap.
Mahina akong napabuntong-hininga.
“Bahala na...”
“Kung kamatayan man ang naghihintay sa akin...”
Napangiti ako nang mapait habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan.
“Eh di... tapusin na nila.”
“Tapos na rin naman ako.”
Chapter 6Alessandra’s POVPumasok ako sa kumpanya ng Montealto Group of Companies sa unang araw bilang isang ordinaryong empleyado.Gaya ng napagkasunduan, gusto kong malaman ang galawan ng mga tao sa loob ng kumpanya bago ako umupo bilang isang CEO.Para malaman na rin kung paano nakikitungo ang management sa simpleng empleyado.May mga sumbong kasi kay Papa na naghahari-harian ang ilang managers sa MGC.Hindi ko agad iyon pinaniwalaan.Alam kong may mga taong mahilig magreklamo kahit wala namang basehan.Pero alam ko rin na may mga pagkakataong ang reklamo ng isang empleyado ay hindi dapat balewalain.Minsan, kailangan mo talagang bumaba mula sa taas para makita kung ano ang tunay na nangyayari sa ibaba.“Pa, let’s play a little,” suggest ko sa kanya.“I will go inside the company undercover,” natatawa pa ako sa idea ko.Tiningnan ako ni Papa na para bang hindi niya alam kung seryoso ba ako o nagbibiro.“It’s up to you, sweetie. MGC is your playground now.”Napangiti ako.Sa maikli
Chapter 5Alessandra’s POV“Papa.”Tatlong taon na halos mula noong inalok ako ni Don Luis na maging anak niya.Tatlong taon.Tatlong taon mula nang malaman ko ang katotohanang hindi ko kailanman inakala.Tatlong taon mula nang tuluyang magbago ang buhay ko.At sa loob ng tatlong taon na iyon, hindi lamang ang buhay ko ang nagbago.Pati ako.Unti-unti na akong nakakabangon sa buhay.Hindi naging madali.Maraming gabing umiiyak ako nang tahimik habang iniisip ang lahat ng nangyari sa akin.Ang mga panlalait.Ang mga pananakit.Ang mga taong minamaliit ako dahil mahirap ako.Ang mga panahong kailangan kong lunukin ang bawat insulto dahil wala akong kapangyarihang lumaban.Pero lahat iyon ay unti-unting nagbago.Isinama ko rin ang pamilya ni Ate Erika sa Amerika, at doon kami natuto para makalaban.Hindi lamang ako ang binigyan ni Don Luis ng pagkakataong magsimula.Pati sila.Ipinangako niya na walang sinuman sa amin ang muling maghihirap.At tinupad niya iyon.Tinupad ni Don Luis ang l
Chapter 4Alessandra's POVPinatawag ako ni Ms. Marge kay Ate Erika.Para hindi ito mag-alala, agad niyang ipinaalam sa akin na maayos ang lahat.“Bukas ng umaga ko na lang ipapaliwanag ang lahat.”“Pero ngayon, magpahinga ka na muna.”“Hindi mabuti sa kalagayan mo ang sobrang napapagod at nastress.”Napatingin ako sa kanya.“Alam ninyo?”“Yes, we know everything about you, Alessandra.”Lalo akong kinabahan.Kung alam nila ang lahat tungkol sa akin, ibig sabihin alam din nila ang mga bagay na pilit kong itinatago.Alam nila ang buhay ko.Alam nila ang pamilya ko.Alam nila ang mga pinagdaanan ko.At marahil, alam din nila ang mga bagay na hindi ko pa nalalaman tungkol sa sarili ko.“Kaya this is your room. Everything here belongs to you. Okay, darling,” mariing sinabi niya.Hindi ako agad nakasagot.Everything here belongs to me?Hindi ko maunawaan.Wala pa akong pag-aari na ganito kaganda sa buong buhay ko.“Goodnight.”Pagkatapos ay niyakap niya ako.Hindi ko alam kung bakit, pero s
Chapter 3Alessandra’s POVPumasok kami sa isang napakalaking mansiyon.Mas malaki sa bahay nila Max.Sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawag ko pa ba itong bahay.Mansiyon?Palasyo?Parang isang buong hotel!Isang executive ang pinasok namin sa Forbes Park. “Siguro,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa napakalaking gate at sa bakuran na tila walang katapusan.Hindi ko maiwasang mapanganga.May fountain sa gitna ng garden, malalaking puno sa magkabilang gilid at mga ilaw na nagbibigay ng eleganteng dating sa buong paligid.Hindi ako sanay sa ganito.Sa lugar na kinalakihan ko, sapat nang may maliit na bahay, maayos na bubong at kusinang hindi tumutulo kapag umuulan.Pero ito?Parang ibang mundo.Habang naglalakad kami papasok ay mas lalo akong kinakabahan.Hindi ko pa rin alam kung bakit ako narito.Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila napakalaking bagay ng pagtanggap sa akin ng mga taong ito.At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit parang kilala na nila ako.Nak
Chapter 2Alessandra’s POV“Ano?”Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Ate Erika nang marinig niya ang sinabi ko.“May... breast cancer ako, Ate.”Parang tumigil ang oras.Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, tila umaasang mali lang ang narinig niya.“A-Alex... ano'ng sinabi mo?”Hindi na ako nakapagsalita.Tahimik ko na lamang siyang tiningnan bago ko dahan-dahang inilabas mula sa aking bag ang mga resulta ng laboratory tests at diagnosis ng doktor.Nang mabasa niya ang mga iyon, nanginig ang kanyang mga kamay.Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili.“Hindi... hindi puwedeng mangyari ito...”Napaupo siya sa lumang silyang kahoy habang mahigpit na yakap ang mga papeles.Pakiramdam ko, kulang na lamang ay maglupasay siya sa sobrang sakit ng balitang ipinagtapat ko.Mas masakit pa yatang tanggapin iyon para sa kanya kaysa sa akin.Lumapit siya sa akin.Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, saka niya hinawakan ang aking mukha.
Chapter 1Alessandra’s POVHindi ko akalaing darating ang araw na sabay-sabay akong luluhod sa bigat ng mga pagsubok.Iniwan ako ni Max noong kailangang-kailangan ko siya.Kasal kami, pero dahil sa kanyang kayamanan at impluwensya, napakadali niya akong naidispatsa na parang wala kaming pinagsamahan. Isang pirma lang sa mga papeles ng diborsiyo ang katumbas ng lahat ng pangarap kong mabuo ang sarili kong pamilya.Hindi ko alam kung paano pa ako muling makakabangon.Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang mundong pilit kong binuo sa loob ng maraming taon.At parang hindi pa sapat ang sakit na iniwan niya.Sinabayan pa iyon ng pinakamasamang balitang narinig ko sa buong buhay ko."I'm sorry, Alessandra... you got breast cancer."Parang isang bomba ang sumabog sa loob ng silid nang marinig ko ang sinabi ni Dr. Michelle Millarus.Hindi ako agad nakapagsalita.Hindi ako makahinga.Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo habang nakatingin lamang ako sa kanya.Hindi ko alam kung pa







