Share

Chapter 1

Nang magising ako ay nakahiga ako sa hindi pamilyar na lugar. Hindi naman ito ang silid ng mga tagapagsilbi sa mansyon ng mga X, nasaan kaya ako?

“Goodness! Mabuti at gising ka na, hija!”

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang dalawang mag asawa na nakaupo sa bandang kanan ng kamang hinihigaan ko. Sa mukha at tono palang nilang dalawa ay alam ko na kaagad na nag aalala sila sa kalagayan ko.

“Nasaan po ako?” I politely asked. “Ano pong nangyari sa akin?”

That was actually a lie. I can still remember what happened last night. Second day of November, around nine to ten in the evening. Blood, gunshots, the Xenia siblings dancing gracefully, dead bodies, run, grass, him.

Nagkatinginan ang dalawang mag asawa, kaagad na lumapit ang ginang sa akin at hinaplos ang aking buhok. “Hija, we found you under a tree. We were exploring the woods last night, hoping we can find some scary ghosts, but we found your unconscious body instead.”

All I can hear last night was faint voices, it was like it's too hard to understand. Akala ko ay tauhan iyon ng mga Xenia, baka pinapahanap na ako at igaya kay One hundred, patayin. Sinubukan kong tumayo ngunit pinigilan ako ng ginang.

“Pahinga ka muna, are you hungry? Nagluto ako, baka gusto mo initin ko muna?”

She was like an angel that He send, to save me from death. I didn't even realize that I grabbed her shoulder and hugged her tight while sobbing. I badly want to say thank you but my emotions at this moment doesn't want to follow me, they're like functioning on their own

“Are you okay now?” it was the man's turn now to ask me. “Nasaan mga magulang mo? Para matawagan ko at matanong ko kung anong nangyari sa’yo.”

I shook my head. “W-Wala na po akong pamilya, ako nalang po ang nag aalaga sa sarili ko. Namatay po ang mga magulang ko sa murang edad, at wala rin po akong kapatid. Palaboy-laboy po ako, mga ilang taon na rin. Bumagsak lang po ang katawan ko kagabi dahil ilang linggo na po akong walang kain.”

I turned out to be a liar in disguise. Totoo namang ang parte na wala na akong pamilya, ngunit kasinungalingan ang pangalawang sinabi ko sa kaniya. They both felt sorry for what I have encountered and I felt sorry for lying too. It wasn't my intention to lie, but for now.. that's the best I can do to protect them from the X.

The man sighed. “What's your name? Para naman alam namin ni Lexie, para mahanap namin mga kamag-anak mo.”

“Wala ho akong pangalan.” tanging sagot ko.

Pinakain nila ako, pinaliguan at binihisan.

Ang dating madugo kong uniform ay itinapon ko na, pinalitan na iyon ng isang magandang bestidang dilaw na may malaking sunflower na disenyo. Ang dating amoy dugo kong katawan ay halos hindi ko na maamoy. Amoy baby soap na ako, na binili pa mismo ng mag asawa para sa akin. Pinakain nila ako ng masasarap na pagkain sa buong mundo, pero ang pinakatumatak sa akin ay ang masarap na spaghetti ni Ma'am Lexie.

Si Ma'am Lexie at Sir Alexander Travosco ang mga taong nagligtas sa akin. Kahit na mamatay pa ako ngayon ay hindi ko makakalimutan ang pangalan nila at ang ginawa nila sa buhay ko.

“Gusto mo ba magpa check up? Baka may masakit sa’yo?” it was Ma'am Lexie, after she patted my head and kissed my temple.

Napailing lang ako. “Wala naman po.”

Wala akong birth certificate na maipakita sa kanila dahil wala rin naman akong alam kung nasaan na iyon. I don't even know who my parents are, nor my siblings, if meron man ako.

Nang mamulat ako sa mundo ay nasa mansyon na ako ng mga Xenia, tinuturuan ako na habang buhay ko silang tatanawin ng utang na loob. Tinuturuan ako ng mga bagay na kailangan kong gawin bilang isang tagapagsilbi sa kanila, tinuruan ako na kahit anong makita't maramdaman mo'y sa sarili mo nalang ipagsabi.

The man, Sir Alexander told us that living under the same roof with an unknown person is illegal. That's why we need to make a decision as soon as possible. Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari at masyadong kaming nasiyahan sa isa't-isa.

Hindi ako nagdalawang isip na pumayag sa kanilang gusto.

Yes, they decided to adopt me.

Sa mismong araw na iyon ay pumunta kami ng opisina upang gawing legal ang pag ampon nila sa isang tulad ko sa mundong ito, isang nameless. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang kanilang naisip na solusyon. Wala rin naman akong nakikitang mali sa kanilang sinabi, lalo na't mababait naman ang mag asawa.

“Ano bang gusto mong pangalan?” tanong iyon ni Ma'am Lexie sa akin. “Maybe.. Maybelline? Chariz.”

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. “Wala ho akong maisip na pangalan, Ma'am.”

Ngumuso siya at napakamot sa ulo. “Don't call me Ma'am, anak. You're my daughter now, you can call me Mommy. I won't mind if you call me bitch or what, basta magka surname na tayo.”

I was shocked of what she said. What? Why would I call the person who saved my ass bitch from death?  “Ah hindi po! I'm sorry if I offended you, it wasn't my intention po! Pasensya na po!”

Humalakhak siya. “Ang cute mo naman, Asheia Dian.”

Naggulat ako sa kaniyang sinabing pangalan. It sounds wonderful. Kahit na hindi ko nakikita ang spelling ay para itong bahaghari para sa akin, umaapaw ang kulay.

After seventeen years as number Ninety Nine or Nine, I am not just a number now. Today, I was reborn. Reborn as the stepsister of Ash Drix Travosco, one of the most talented engineers in the Philippines. And reborn as a daughter of Mrs. Lexienne and Mr. Alexander Travosco.

I am now Asheia Dian Travosco. And I put the birthdate I only knew when I was a kid as my birthday.

April 17.

Ordinary day for those who doesn't know. Not just an ordinary day for the Xenia's, because during that day, fireworks can be seen inside the mansion, even if it rains or not, night or day. Because it's their master's birthday.

Heins Cyan Xenia's birthday.

He was six years old the day I was born. The day I was sold to their family, the day my family left me. The day the mark me as a present to their dear son. The only special day that makes me feel unwanted in this world. That makes me hate myself.

That makes me loathe him even more.

After my adoptive parents changed my name, they immediately enrolled me in a prestigious school where I can cope up with all my lost years in education. To continue and find my missing dreams, to become a fashion designer, na ipinagkait pa sa akin ng pamilyang iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status