Se connecterNagising si Adah ngunit namulatan niya ang puting kisame at napansin niya ang Dextrose sa tabi niya. Saka niya napagtanto kung nasaan siya sa mga oras na yun.
Ilang saglit ay bumukas ang pinto at iniluwa ang taong ayaw niyang makita sa mga oras na yun. “Ako ang agad na tinawagan kaya pumunta agad ako. Nag-alala tuloy ako no'ng malaman kong nasa hospital ka,” ani Jake na halatang pagkukunwari lang ang pag-aalala nito. Parang gusto niyang matawa. “Iniisip mo bang sa morgue ka didiretso dahil baka nabunggo ako sa kalsada at namatay?” Napasapo sa dibdib si Jake sa madramang paraan. “Hindi naman ganun ang iniisip ko. Kahit annul na tayo may pinagsamahan naman tayo at isa pa'y—” “Tumigil ka na. Hindi magbabago ang desisyon ko. Apat na araw lang ang palugit ko sa inyo sa bahay ko,” aniya sa matigas na tuno. Alam niya kung papaano siya ituring ni Jake noon pa man. Hindi ito ginagawa ni Jake noon. Wala itong pakialam sa kalusugan niya at lalong wala itong pakialam sa buong pagkatao niya. Si Sofia na ang nasa puso't isip nito sa simula pa lang. Kaya gusto niyang matawa sa desperadong mga kilos nito ngayon. Kunyari nag-aalala sa kaniya pero ang totoo, nag-aalala lang ito dahil ayaw nitong palayasin niya ito sa bahay niya. “Malnurished at dihydrated ka. Iyon ang sabi ng nurse na napagtanungan ko. Pinapabayaan mo na ba ang sarili mo?” Parang gusto niyang matawa sa mga sinabi nito. Binalingan niya ito ngunit may bakas ng sarkasmo sa ngisi niya. “Ikaw? Kaya mo bang lumunok kahit isang patak lang ng tubig kung alam mong niloko ka ng asawa mo? Okay ba sa'yo itong ginagawa mo at kinukwestyon mo ako ngayon kung bakit napababayaan ko na ang sarili ko? Seryoso ka, Jake?” aniya at nagbitiw muli ng sarkastikong tawa. Hindi agad nakapagsalita ang lalaki. Parang kanina lang ay nagbanta pa nga ito sa kaniya dahil sa galit nito. “Huwag mong isisi sa'kin ito, Adah. Dati mo nang pinapabayaan ang sarili mo. Ni halos hindi ka na nananamit ng maayos simula noong naging tayo. Sa tuwing lalabas tayo ay tshirt at shorts na lang ang sinusuot mo. Ni ayaw mo nang magheels kapag nagma-mall tayo. Hindi ka na rin nagme-make up. Matagal ka nang naging pabaya sa sarili mo kaya bakit parang ako pa ang sinisisi mo ngayon?” Nagtagis ang bagang niya sa narinig. Kasabay niyon ay kumuyom ang kamao niya. Parang gusto niyang padapuin kaagad ang kamao sa mukha nito. “Mas lumala nga lang ngayon dahil ayaw mo nang kumain. Ang alam ng Auntie at Lola ko ay tayo pa kaya asikasuhin mo naman ang sarili mo para wala silang masabi sa akin. Baka isipin ng mga yun pinapabayaan kita,” patuloy nito at namulsa sabay pasimpleng tumingin sa paligid na animo hindi siya naapektuhan sa mga sinabi nito. “Umalis ka na, Jake. Gusto ko munang magpahinga ngayon. Pagod ako,” aniya ng may panginginig sa boses. Iyong salitang 'pagod' para sa kaniya ay marami ang kahulugan. Pagod emotionally at physically. Lahat ng iyon ay dahil kay Jake. Tiniis niya ang lahat ng masasakit na salita mula sa pamilya nito. Nilunok niya ang pride niya para sa lalaki pero heto, at ito lang pala ang isusukli ng lalaking ito. Pakiramdam niya'y hindi worth it ang mga sakripisyo niya. “Hindi ako pumunta sa meeting dahil tinawagan ako na sinugod ka sa hospital. Naalala ako, Adah. Tapos basta basta mo na lang akong papaalisin?” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Hindi kita pinapunta rito,” aniya na may inis sa tuno. Hindi makapaniwala at natawa ito. “Pambihira!” Tinalikuran niya na si Jake at saka lang ito tuluyang umalis. Iniisip ba nitong makikipag ayos siya rito dahil na-touch siya sa kunwaring pag-aalala nito sa kaniya? “Look, I'm just concern here. You should thank me at least. Wala ka nang mga magulang kaya nandito ako dahil hanggang ngayon tinuturing pa rin kitang pamilya. At isa pa'y wala pang ibang nakakaalam ng annulment na'tin. Magtataka sina Auntie at Lola kung bigla kang magiging aloof sa'kin.” Kumuyom ang kamao niya. Hindi niya akalaing aabot sa ganitong level si Jake. Iyong ganitong level ng kabaliwan ng lalaki ay di niya na maarok. “May sakit si Lola. Alam mo naman yun. Papaano kung atakihin siya kapag nalaman niyang pina-annul mo na ang kasal na'tin at pinalayas mo pa sa bahay ang apo niya? Papaano na si Lola, right?” anito sa malambing na tuno. “Dapat hindi ka nagpapadalos dalos sa mga desisyon mo, Adah.” Nanatiling kuyom ang kamao niya habang nakatitig sa lalaki. Ilang saglit ay bigla na lang siyang tumawa. “Parang gusto mo pang magpasalamat ako na niloko mo ako. Ganun ba yun? Na dapat may pakialam pa rin ako sa inyong lahat pagkatapos ng mga kabulastugan mo. Na dapat itolerate ko ang mga kalokohan mo at kalimutan ko na lang ang lahat para sa minamahal mong lola!” bulyaw niya gamit ang buong lakas niya. Napamaang si Jake tila wala nang makapa na salita sa isipan. Kasi ano pa ba ang pwedeng sabihin nito gayong alam naman nitong tama siya? “Ginagawa mo akong baliw, Jake. Maayos pa ang isipan ko pero ginagawa mo akong baliw sa mga sinasabi mo ngayon. Hindi ko aakalaing kaya mo pang humarap sa'kin na parang walang nangyari. Ang kapal kapal ng mukha mo!” patuloy niya sa nanggagalaiting boses. Nagtagis ang bagang ni Jake nang tumalikod ito at dumeretso sa pinto at malakas na sinara iyon dahilan para mag-echo ang tunog niyon sa buong private room na inaakupa niya. Ilang saglit ay tumulo ang luha niya. Parang gusto niyang tanungin ang sarili kung deserve niya ba ang lahat ng ito. Naging mabuting asawa naman siya rito. Lahat ng kailangan nito ay handa siyang ibigay. Kahit ang mga bagay na dapat si Jake ang nagpoprovide katulad ng bahay na iyon ay siya pa ang nag-provide. Hindi siya kailanman naging pabigat sa asawa. Ilang saglit ay dumating ang nurse sa room niya at agad niyang pinalis ang mga luha sa pisngi. “Pwede na ba akong madischarge? Magkano ang babayaran ko?” aniya sa pormal na boses. “Pwede na ngayon, ma'am. At about sa bills niyo. May nagbayad na no'n.” Kumunot ang noo niya sa narinig. Sino naman ang nagbayad?Matapos na kausapin siya ni Jake ay hindi niya inasahang ang Auntie naman nito ang sumalubong sa kaniya. Kita ang galit sa mga mata ng babae nang salubungin siya.“Papaano mo hinahayaang gawin ito ng asawa mo? Ni hindi mo man lang naisip na malaking kasiraan ang ganitong bagay sa pamilya na'tin? Kinukunsinti mo lang ang asawa mo!” akusa ng babae.Hindi siya nakapagsalita sa gulat. Bakit siya ang sinisisi ng mga ito gayong hindi naman siya ang nagloko? Siya ang matino sa kanilang dalawa ni Jake pero siya pa ang ginaganito ng lahat. Nagtagis ang bagang niya sa inis.“At nasaan si Jake? Tinatago mo ba siya? Ni hindi niya man lang magawang puntahan ang Lola niya rito. Huwag mong kinukunsinti ang asawa mo dahil lang patay na patay ka sa kaniya. Lalo na kapag maraming nadadamay sa issue niyo. Kita mo ang nangyari kay Mama?” patuloy ng Auntie ni Jake.Binalingan niya ang taong nasa madilim na bahagi ng hospital. Nananatili si Jake roon at hindi pa rin magawang magpakita kahit narinig nito an
Hindi maipinta ang mukha ng Lola ni Jake nang dumating sa bahay na akala mo kung ano ang atraso niya rito. “Matagal mo na ba itong alam? Ni hindi mo man lang nagawang bantayan ang asawa mo? Pinabayaan mo siyang umabot sa ganitong sitwasyon?”Nanatili ang kalamigan sa mga mata ni Adah habang kaharap ang matanda. Kung makapagsalita ito ay animo siya pa itong may kasalanan kung bakit nambabae ang apo nito.“Naisip mo ba kung anong magiging resulta nito sa pamilya na'tin? Magdudulot ito ng malaking kahihiyan at maapektuhan ang negosyo na'tin!” patuloy ng matanda habang nanatili lamang siyang nakatingin dito at hinahayaan itong maghestirya.Pagod na siya sa lahat ng mga nararanasan niya sa pamilyang ito. Matagal niya nang tinitiis ang hindi magandang pagtrato ng pamilya ni Jake sa kaniya. Kaya ngayon, ayaw niya nang magsalita at hahayaan na lang matanda na magreklamo at magalit sa kaniya.“Dapat maaga pa lang ay pinagsabihan mo na siya. Dapat pinigilan mo man lang siya sa kahibangang ito.
Hindi naman mahilig na lumabas si Adah ngunit sa pagkakataong iyon ay kailangan niyang ilabas ang nararamdaman niyang poot sa puso niya.Kaya lang ay hindi niya alam kung sa anong paraan siya makakapag-relax at kalimutan ang problema. Kaya nagdesisyon siyang tawagan ang kaibigan niya noong college, Maribelle.“Himala at tinawagan mo ako ngayon, Adah!” excited na bungad ng kaniyang kaibigan.Dahil sa pagiging devoted niya noon kay Jake ay nakalimutan niyang may mga sarili rin siyang mga gusto. Gusto niyang gumala kasama ang mga kaibigan niya noon at magtungo sa mga exhibit at manood ng mga theater play. Kinahiligan niya ang lahat ng mga bagay na tungkol sa arts. Pero simula nang makilala niya si Jake at nagpakasal rito ay tinalikuran niya ang lahat ng iyon. Nag-fucos siya sa pagiging asawa niya at sinisiguro niyang si Jake ang top priority niya.Napagtanto niyang hindi dapat ganun ang ginawa niya. Dapat pala ay nagtira man lang siya para sa sarili niya.“Pasensiya na. Ang tagal na rin
Nagising si Adah ngunit namulatan niya ang puting kisame at napansin niya ang Dextrose sa tabi niya. Saka niya napagtanto kung nasaan siya sa mga oras na yun. Ilang saglit ay bumukas ang pinto at iniluwa ang taong ayaw niyang makita sa mga oras na yun.“Ako ang agad na tinawagan kaya pumunta agad ako. Nag-alala tuloy ako no'ng malaman kong nasa hospital ka,” ani Jake na halatang pagkukunwari lang ang pag-aalala nito.Parang gusto niyang matawa. “Iniisip mo bang sa morgue ka didiretso dahil baka nabunggo ako sa kalsada at namatay?”Napasapo sa dibdib si Jake sa madramang paraan. “Hindi naman ganun ang iniisip ko. Kahit annul na tayo may pinagsamahan naman tayo at isa pa'y—”“Tumigil ka na. Hindi magbabago ang desisyon ko. Apat na araw lang ang palugit ko sa inyo sa bahay ko,” aniya sa matigas na tuno. Alam niya kung papaano siya ituring ni Jake noon pa man. Hindi ito ginagawa ni Jake noon. Wala itong pakialam sa kalusugan niya at lalong wala itong pakialam sa buong pagkatao niya. S
Hindi sumipot ang ex husband ni Adah sa napagkasunduang lugar nang magpadala siya ng imbetasyon dito. Kaya mapipilitan siyang magtungo sa dating bahay nilang mag-asawa upang makausap ito ng personal.Kaya lang pagkabukas ng pinto ay ang kabit nitong si Sofia ang bumungad sa kaniya. Ngumisi ang babae nang makita siya ngunit ang ngisi nito ay tila nanunuya.“Nandito ako para sa makipag-usap kay Jake,” taas noong bungad niya rito.“Si Jake ba? Naku! Nasa taas. Pinagod ko kasi kagabi,” sabay ngisi nito.Nagtagis ang bagang niya. Bago lang sila nagkahiwalay ng dating asawa niya kaya nakakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib si Adah sa narinig mula sa kabit ng lalaki. “Pero para sa'yo. Gigisingin ko siya. Saglit, ha. Pumasok ka muna sa bahay ko!” masiglang iginiya siya ni Sofia sa sofa ng sala.Talagang pinagdiinan pa nga ni Sofia ang salitang ‘bahay ko’ na animo ito talaga ang may-ari niyon. Parang gusto niyang matawa sa pinagsasabi nito.Pinagmasdan niya ang paligid. Parang kailan lang no
Ubos na ubos na si Adah. Pakiramdam niya'y hindi niya na kayang huminga sa bahay na iyon kasama ang mga taong nandoon lamang para gamitin lang siya. Nasa teresa siya habang pinagmamasdan ang kadiliman. Linggo ng gabi. Gusto niyang magsimba kanina at ipagdasal na karmahin ang dalawa. Kaya lang magkakasala lang siya kapag ginawa niya iyon. Hindi naman worth it iyon. “Let's have a coffee,” aniya kay Jake nang makarating ito sa teresa ang lalaki. May mesa doon at upuan. Ready na ang coffee ng lalaki at kaniya. Pumunta siya sa office ng lalaki at humingi siya ng kaunting oras para rito.“Tinawag mo lang ako para rito?” natatawang saad ni Jake.“What? May problema ba? Nakita ko wala ka nang gagawin. May problema ba kung humingi ako ng kaunting oras para makausap ka?” aniya sa kalmadong boses.Natigilan ang lalaki at tinitigan siya saglit bago tumikhim. Napansin din nitong tila may kakaiba sa tuno ng boses niya.“Fine. So what now?” umupo ito sa kabilang side ng mesa.Sumimsim siya ng kap







