LOGINUbos na ubos na si Adah. Pakiramdam niya'y hindi niya na kayang huminga sa bahay na iyon kasama ang mga taong nandoon lamang para gamitin lang siya.
Nasa teresa siya habang pinagmamasdan ang kadiliman. Linggo ng gabi. Gusto niyang magsimba kanina at ipagdasal na karmahin ang dalawa. Kaya lang magkakasala lang siya kapag ginawa niya iyon. Hindi naman worth it iyon. “Let's have a coffee,” aniya kay Jake nang makarating ito sa teresa ang lalaki. May mesa doon at upuan. Ready na ang coffee ng lalaki at kaniya. Pumunta siya sa office ng lalaki at humingi siya ng kaunting oras para rito. “Tinawag mo lang ako para rito?” natatawang saad ni Jake. “What? May problema ba? Nakita ko wala ka nang gagawin. May problema ba kung humingi ako ng kaunting oras para makausap ka?” aniya sa kalmadong boses. Natigilan ang lalaki at tinitigan siya saglit bago tumikhim. Napansin din nitong tila may kakaiba sa tuno ng boses niya. “Fine. So what now?” umupo ito sa kabilang side ng mesa. Sumimsim siya ng kape bago nagsalita. “Nakausap ko ang attorney ng Papa ko.” Kumunot ang noo ni Jake sa sinabi niya. “What for?” anito at bakas ang pagtataka sa mga mata. “For the annulment,” deretsahan niyang sabi. Nagbitiw ng marahang tawa ang lalaki. “Sinong magpapa-annul? Kaibigan mo? Kakilala mo?” “For us.” Muntik nang maibuga ni Jake ang kape nang sabihin niya iyon. Namimilog ang mga matang bumaling ito sa kaniya. “What the hell, Adah? Ano bang sinasabi mo?” bulalas nito sa pagkagulat. “You should be happy, Jake. Effortless mong makukuha ang gusto mo.” Alanganin ang tawang binitiwan nito. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bakit ka nagkakaganito?” Kumuyom ang kamao niya pero nandoon pa rin ang kalmadong awra nang tumayo siya. “Bakit ako nagkakaganito? Kaya mong sagutin iyan, Jake,” aniya sa mahinahon na boses. Akmang aalis na siya para magtungo sa silid nila pero hinawakan siya ng lalaki sa braso. Madiin iyon kaya't nagtagis ang bagang niya. Galit na binalingan niya si Jake. “Bitiwan mo ako.” “No, my Dad might—” “Pagagalitan ka? Itatakwil ka?” dugtong niya sa sasabihin nito. Bakas ng panunuya ang ngisi niya sa lalaki habang nakatingin dito. “Sure! Asahan mo yun. Kaya lang wala na akong pakialam kung anong gawin nila sa'yo. Gaya ng kung papaanong wala ka ring pakialam sa mga nararamdaman ko.” Winaksi niya ang kamay ni Jake at nagtungo sa silid upang magligpit na ng mga gamit niya. Aalis na siya. At nagkabangayan din sila ni Sofia sa loob ng silid. Ayaw pa rin lagdaan ni Jake ang papel hanggang sa sala ay sinundan siya nito. “Adah! Hindi ka aalis!” bulyaw nito sa kaniya. Binalingan niya ito ngunit sa pagkakataong iyon ay namamasa na ang mga mata niya. “Huwag na huwag mo akong utusan, Jake,” mariing wika niya rito. “Jake, hayaan mo na siya. Desisyon niya naman 'yan. Tsaka, perfect timing! Makipag-annul ka na sa kaniya,” sulsol naman ni Sofia sa gilid. Nagtagis ang bagang niya sa mga narinig. Gustong gusto niya nang sikmuraan ang dalawang to dahil sa galit. Kung kaya niya lang sana. “Good evening sa lahat.” Natigilan silang tatlo nang may magsalita sa bungad ng mansyon. Nang lingunin nila ay isang lalaking nasa edad 50 ang nandoon. Naka-suit and tie at may dalang attached case. “Ako ang personal na abugado ni Madam Adah. Nandito ako ngayon para maging witness sa ano mang mapagkakasunduan ngayong gabi,” pormal na pakilala ng lalaki. “Bitiwan mo siya Mr. Clinton kung ayaw mong makasuhan ngayon for Slight Physical Injuries under Article 266 of the Revised Penal Code. Hinahawakan mo siya ng labag sa kalooban niya. Pwede kong dagdagan pa ang kaso mo kapag nagmatigas ka pa!” Bakas ang awtoridad sa mukha ng matapang na abugado ng kaniyang ama. Ito ang isa sa pinakamalapit na tao sa buhay niya. Para niya na rin itong ama matapos mamatay ang kaniyang pamilya ilang taon na ang nakararaan. Ngali ngali na binitiwan siya ni Jake. Naramdaman niya ang pananakit ng kaniyang braso matapos makawala sa hawak nito. “Gusto ni Madam Adah na permahan mo ang annulment. Kaya permahan mo na, Mr. Jake Clinton at huwag mo nang pahabain pa ito,” patuloy ng abugado. “Papaano kung ayoko?!” pagmamatigas ni Jake. Ngumiti ang abugado. “This evidence here is enough para makulong ka Mr. Jake Clinton. Under Article 334 of the Revised Penal Code Concubinage. The worst is nasa iisang bubong kayo ng legal wife mo at mistress mo which is isa rin sa matibay na katibayan at pwedeng gamitin laban sa'yo kapag di ka pumerma sa annulment.” Inilatag lahat ng abugado ang mga screenshots ng mga conversation ni Jake at Sofia. Lahat ng iyon ay kinuhanan ni Adah at pinasa sa phone niya. Pagkatapos ay pinasa niya sa abugado niya. Iyon ay isa sa matibay na pruweba laban kay Jake. Naghanda si Adah para sa pagkakataong ito. “Pwedeng mag-apila ang kliyente ko sa korte kapag nagmatigas ka pa at hindi mo pinermahan ang annulment,” patuloy ng abugado. Ilang saglit ay kinuha ng abugado ang cellphone at kinuhanan ng picture ang pasa ni Adah sa braso kung saan hinawakan ni Jake kanina si Adah. Nagtagis ang bagang ni Jake sa ginawa ng abugado. Ngumiti ang abugado at tinaas ang phone. “Pwede ko rin itong gamitin na pruweba para palabasin na bayolente ka kaya gustong makipagkalas ni Madam Adah sa'yo. Sa pagkakataong ito ay wala ka nang magagawa,” patuloy ng abugado. Maging si Sofia ay hindi na nakapagsalita. Isa si Mr. Amorozo sa pinakamagaling na abugado ng ama ni Adah. Kaya ito ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang ama noong nabubuhay pa ito. At isa pa'y matalik itong kaibigan ng kaniyang ama. Inilapag ni Mr. Amorozo ang annulment paper pati ballpen. “Ngayon, Mr. Clinton. Pumerma ka na upang matapos na tayo,” ani Mr. Amorozo. Kuyom ang kamao ni Jake. Wala na itong choice kundi ang kunin na lamang ang ballpen at annulment papers para lagdaan. Matapos ang lahat ay ngumiti si Mr. Amorozo at tiningnan si Jake at Sofia. “Malaya na kayong dalawa at malaya na rin si Adah mula sa pambababoy niyong dalawa. Magandang gabi sa inyo,” ani abugado at binalingan si Adah. Umiiyak si Adah nang ngumiti kay Mr. Amorozo. Sumunod siya sa abugado paalis dala ang bag niya. Mabigat sa pakiramdam ngunit ayos lang dahil tiyak niya ang kalayaan niya.Hindi na nag-aksaya ng panahon si Adah at kaagad na yumuko sa Lola ni Jake. Kahit hindi maganda ang trato sa kaniya ng matanda ay ginagalang niya pa rin ito alang alang sa edad nito. Naniniwala siya sa karma kaya kung maaari ay gagalang siya sa mga nakakatanda pa sa kaniya kahit na hindi naman talaga kagalang galang mga pag-uugali nito.“Aalis na po ako,” paalam niya sa pormal na boses.Hindi niya na hinintay na magsalita ang matanda at tinalikuran niya na ito. Wala na siyang balak pang mag-aksaya ng panahon doon. Tama nang dumalo siya kahit saglit doon.Kaya lang habang naglalakad siya ay napansin niyang parang may nakasunod sa kaniya. Nang balingan niya ay napakunot ang noo niya nang malaman na si Kalex ulit ang nandito ngayon. Nagtagis ang bagang niya. Naiinis na siya. Ano ba kasi talaga ang kailangan nito?“Baka isipin nila bastos ako at hindi ko man lang inihatid ang in-law namin,” may panunuya sa boses ni Kalex habang nakapamulsa at naglalakad pasunod sa kaniya.“Bastos ka naman
Kaagad na lumayo si Adah kay Kalex bago pa siya makalapit sa table ng Lola nina Jake. Hindi niya pa alam kung anong isasagot sa matanda oras na nagtanong ito tungkol kay Jake. Nagkunwari siyang gusto niyang magtungo sa banyo. Ngunit hindi siya nagpunta roon kundi sa garden. Mamaya niya na haharapin ang matanda kapag naisipan niya nang umuwi. Iniisip niyang pupunta rin si Jake roon para harapin ang matanda kasama siya pero hindi naman pala magpapakita ang lalaki roon. Nakaupo siya sa sementong harang sa may puno. Tumingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin doon. Kahit papaano, may may magandang bagay rin siyang nakita sa bahay nina Jake. “Pretty little liar.”Natigilan siya nang marinig ang boses ni Kalex. Namilog ang mga mata niya nang balingan ang lalaki. Hindi niya lubos akalaing mahahanap siya nito roon. “Biglang nandito ka na. May iniiwasan ka ba?” may panunuya sa boses nito.Kumalma siya at inalis ang tingin kay Kalex. “Wala. Bumalik ka na sa loob. Hinahanap k
Kumunot ang noo ni Havier nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina. “Don't tell me. Nirereto niyo na naman ang isang ‘to sa'kin?” may pagdududa sa mga mata ni Havier. Kanina pa nito pinupuri ang isang babaeng nakilala raw ng kaniyang ina sa isang pharmacy. Sabi nito, cute raw, mukhang matalino at masayahin. “Nakuha mo ang punto ko!” tinuro siya ng ina.Napahilot na lang siya sa sentido. Sabi niya na nga ba at doon ang hantungan ng usapan. Kanina niya pa napapansin ang tuno nito habang kinukwento ang tungkol sa babaeng iyon.“Binigyan niya rin ako ng tea at totoo nga ang sinabi niya. Nakaka-refresh ito!” tapos lumagok ulit ang ina sa tasa na naglalaman ng tea na sinasabi nito.“Nagkalat ang mga scammers ngayon. Huwag kaagad kayong maniwala sa kung sinu-sino riyan. Atsaka, may family Doctor tayo, Ma. Sa kaniya ka humingi ng reseta huwag sa kung sinu-sino lang.”Hindi pinansin ng Mama niya ang mga sinabi niya. Sa Mama niya siya nagmana sa katigasan ng ulo. Kahit ilang beses na siyang s
“Bakit dalawa ang binili mo?” nakakunot ang noo ni Jake habang pinagmamasdan ang cake na bitbit ni Sofia. Kakalabas lang nito sa kilalang cake shop. Ngumisi si Sofia. “Gusto ko, e.”Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Jake habang nakasunod ang tingin sa papalayong si Sofia. Hindi alam ni Jake kung natutuwa ito dahil pinagbigyan niya ito sa gusto nitong kuning kurso. Ang mas malala ay gusto nitong tutor ang magaling na professor na si Uncle Eduardo.“Mag-coffee muna tayo!” tinuro ni Sofia ang mamahaling coffee shop at kaagad na pumasok hindi pa man nakakapagsalita si Jake.Laylay ang balikat na sumunod na lang ang lalaki sa loob. Wala na rin namang magagawa si Jake. Hindi pa dumarating ang order nila pero panay na pose si Sofia kasama ang cake na binili nito kanina. “Hawakan mo ang kamay ko!” demand ni Sofia at gusto pa nitong agad agad niyang gawin iyon. “Dali na!”Kaya wala ulit choice si Jake kundi ang hawakan na lang ang kamay ni Sofia. Tapos kinuhanan ni Sofia ng picture iyon. K
“Oh? Nandito ka pa?”Bulalas ni Maribelle nang makita siyang nakatayo malapit sa kotse nina Jake. Pagkapasok nina Jake sa loob, ilang saglit ay lumabas din si Maribelle. Ang iritasyon kanina ay napalitan nang gulat nang makita siya.Napakurap kurap siya. Saka lang siya natauhan.“Buti nandito ka pa. Balak ko pa man din sumunod sa'yo sa bus stop. Uuwi na rin ako ngayon. Hindi ko kayang tagalan ang pagmumukha ng dalawang iyon sa loob,” anito na ang tinutukoy ay sina Sofia at Jake na kakapasok lang.Napalunok siya. Tamang tama at may dahilan na siya para umalis ngayon. Nandito na si Maribelle at makikisakay na lang siya sa kotse nito imbes na maghintay ng bus. Baka kasi maabutan pa siya nina Jake sa bus stop kapag nag-bus pa siya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sumama kaagad siya sa kaibigan. Wala na. Napurnada na ang dapat na family bonding nito at ng pamilya nito dahil sa pagdating nina Sofia at Jake sa bahay nito. Katulad ni Adah ay malapit din sa pamilya nina Maribelle ang pam
“Ano bang pag-iinarte 'yan, Aurora? Akin na ‘yan!”Hindi maiwasan ng ibang dumadaan ang mapalingon sa mag-asawang nagsasagutan sa gitna ng daan. Ang lalaki ay may dala pang bote ng alak habang dinuduro ang asawa nitong babae.“Ayoko, Renante. Alam mo naman na ito na lang ang natira sa pera ko. Hindi madaling maghugas ng pinggan kina Aleng Pili para lang kunin mo at ibili mo ng alak!” humahagulhol na tugon naman ni Aurora.“E di maghugas ka ulit ng pinggan doon. Problema ko ba yun? Mag-iinuman pa kami roon, mabibitin kami pag 'di mo pa binigay sa'kin 'yan!” “Nababaliw ka na ba? Mas uunahin mo pa ‘yan? Iyong mga anak mo sa bahay hindi mo nga binantayan at pinagsaing. Dumeretso ka kaagad sa barkada mo!” bakas ang pagkamangha sa mga mata ni Aurora. Halatang hindi inasahan ng babae na ganun na lang kawalang puso ang asawang lalaki.Tumawa si Ernesto ngunit may pagtagis ng bagang. “Ah, ganun!”Tapos sa isang kurap ay dumapo ang palad ng lalaki sa pisngi nito. Isang nakakabinging sampal ang







