共有

Kabanata 6

作者: Scarshbrooke
last update 公開日: 2026-04-23 16:40:21

Hindi sumipot ang ex husband ni Adah sa napagkasunduang lugar nang magpadala siya ng imbetasyon dito. Kaya mapipilitan siyang magtungo sa dating bahay nilang mag-asawa upang makausap ito ng personal.

Kaya lang pagkabukas ng pinto ay ang kabit nitong si Sofia ang bumungad sa kaniya. Ngumisi ang babae nang makita siya ngunit ang ngisi nito ay tila nanunuya.

“Nandito ako para sa makipag-usap kay Jake,” taas noong bungad niya rito.

“Si Jake ba? Naku! Nasa taas. Pinagod ko kasi kagabi,” sabay ngisi nito.

Nagtagis ang bagang niya. Bago lang sila nagkahiwalay ng dating asawa niya kaya nakakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib si Adah sa narinig mula sa kabit ng lalaki.

“Pero para sa'yo. Gigisingin ko siya. Saglit, ha. Pumasok ka muna sa bahay ko!” masiglang iginiya siya ni Sofia sa sofa ng sala.

Talagang pinagdiinan pa nga ni Sofia ang salitang ‘bahay ko’ na animo ito talaga ang may-ari niyon. Parang gusto niyang matawa sa pinagsasabi nito.

Pinagmasdan niya ang paligid. Parang kailan lang no'ng tumira siya roon at kasama niya si Jake na naglipat roon sa bahay na yun. Iyon ang unang bahay nilang mag-asawa matapos ang kanilang kasal. Dito niya pa nga binuo ang kaniyang mga pangarap, at kasama si Jake sa mga pangarap na yun.

Pero iba naman pala ang gusto nitong makasama sa bahay na iyon. At hindi siya iyon.

“Why are you here? Di ba't gusto mo nang umalis? Annul na tayo. Kaya ano pang ginagawa mo rito?” sarkastikong tumawa si Jake matapos sabihin iyon.

Umangat ang kilay niya sa pambungad na sinabi ng lalaki. Ang Jake na nasa harapan niya ngayon ay ang tunay na Jake. Dahil ang Jake na nagustuhan niya noon ay ang huwad na bersyon nito.

“Yes, annul na nga tayo. Pero baka nakakalimutan mong ang ipon ko sa bangko ang buong binayad ko para mabuo ang bahay na ito. Pinatayo ko ito noong hindi pa tayo kasal at nakapangalan pa rin sa akin ang property na ito,” aniya sa pormal na boses.

Namilog ang mga mata ni Jake. Hindi nito inakalang sasabihin niya iyon. Akala nito'y hahayaan niyang tirhan ng babae nito ang bahay na nagmula sa pinaghihirapan niyang pera.

“What the hell, Adah? Hindi pa ba sapat sa'yo na nakipag-annul ka sa'kin at pinermahan ko na ang annulment papers? Tapos ngayon, gusto mong kunin ang bahay?” bulalas ni Jake.

“What? Kukunin ang bahay? Sa'yo ito, Jake. Ba't niya kukunin? Ang kapal naman ng mukha mong Babae ka!” bulyaw naman ni Sofia na kararating lang.

Tiningnan niya lang ang mang-mang na si Sofia. Kung makapagsalita ay akala mo may alam talaga.

“Hoy, Bruha! Iyan lang ba ang pinunta mo rito? Ang mangialam ng property ng may property? Feelingera ka ba talaga? Di porke't ex wife ka ni Jake ay may karapatan ka na sa lahat ng property niya. Hiwalay na kayo kaya wala ka nang pag-aari pa rito. Kami na ni Jake ang bagong may-ari nito at dapat respituhin mo 'yon!” namaywang pa si Sofia sa harapan niya na animo kung sino.

Nagtagis ang bagang niya nang harapin niya ang babae. Dapat hindi ito sumasabat dahil si Jake ang pinunta niya roon. Pero talagang pinipilit siya nitong patulan ito.

“Magsalita ka kapag pinapayagan kitang magsalita. Hindi ka ba tinuruan ng mabuting asal sa inyo? Papaano ka pinalaki ng magulang mo? Tsaka, ang salitang respeto ay hindi nababagay sa'yo. Ni hindi mo rin ako nirespeto noong pumasok ka sa buhay namin at sinira mo ang relasyon namin ni Jake. Kaya sino ka para banggitin ang respeto, Sofia?” aniya sa matapang na boses.

Natigilan si Sofia. Pero alam niyang hindi ito padadaig at lalaban pa rin ito kahit mali ito.

“Ako ang first love ni Jake. Bago ka, mayroon nang kami. Kaya kung may salingpusa man rito ay ikaw yun!” bulyaw ni Sofia sabay turo sa kaniya.

Ngumisi siya. “Wala na akong pakialam sa mga opinyon mong pointless, Sofia. Nandito lang ako para sabihing bibigyan ko na lang kayong dalawa ng apat na araw para maglipat bahay dahil kukunin ko na ang property ko. Sa ibang bahay ka magreyna-reynahan, Sofia,” aniya at nagbigay ng nanunuyang ngiti.

“Pagsisisihan mo ito, Adah,” biglang nagsalita si Jake na may himig ng pagbabanta.

Ngumiti siya kay Jake ng may pait. Talagang pinagbabantaan siya ng lalaking minsan niyang minahal. Hindi niya inakalang aabot sila sa puntong ito. Kahit papaano ay umasa siyang hihingi ito ng tawad. Ngunit hindi iyon nangyari dahil matigas na parang bato si Jake.

“Hindi, Jake. Hindi ko pagsisisihan ang desisyon ko ngayon. Ang pinagsisisihan ko lang ay noong makilala kita,” aniya sa lalaki bago tumalikod.

Hindi na nakapagsalita si Jake.

“Bakit hinahayaan mo siyang malitin tayo ng ganito, Baby? Anong apat na araw? Bakit tayo aalis? Sa'yo tong bahay, di ba? Jake?!” naghihestirya si Sofia at sinundan patungong taas ang tahimik at galit na si Jake.

Nanghina ang tuhod ni Sofia nang makarating siya sa gilid ng kalsada. Sinisikap niya lang na magmatapang kanina pero ang totoo ay gusto nang bumigay ng tuhod niya sa bigat ng nararamdaman.

Ngunit ngayo'y proud siya sa sarili niya kahit papaano dahil nagawa niyang harapin ang mga ito at hindi niya naipakita ang kahinaan niya sa harapan ng mga ito.

Gusto niyang kunin ang phone niya upang tawagan si Mr. Amorozo. Kaya lang ay tila sumama ang pakiramdam niya. Sa tingin niya ay dahil sa tensyon kanina.

Sinikap niyang makahakbang ng isang beses pero biglang umikot ang paningin niya. Dahil doon ay napahawak siya sa poste sa gilid ng daan. Hanggang sa nagdilim ang paningin niya.

Isang lalaking naka-tuxedo ang nakakita kay Adah na nahimatay sa tabing daan. May driver ang lalaki ngunit hindi napansin ng kaniyang driver ang nakita niya dahil abala ito habang patingin tingin sa street lights.

“Manong, Kado?”

“Ano po iyon, Mr. Arevalo?” magalang na tugon ng may edad na driver.

“Itabi niyo po muna itong sasakyan.”

“Ah, opo opo!”

Kaagad naman na itinabi ng masunuring driver ang sasakyan. Bumaba kaagad ang binata at nilapitan ang babaeng nakitang nahimatay kanina.

“Dyusko po! Anong nangyari diyan?!” natatarantang salubong ng driver na si Manong Kado.

“I don't know, Manong. Ngunit dalhin na lang na'tin siya sa hospital,” ani Mr. Arevalo.

Saktong pagkarating sa hospital ay nandoon ang kaibigan niyang si Roldan.

“Oh? Girlfriend mo?” bungad ng kaniyang kaibigan.

“Stop this nonsense Dude and get me a private room,” aniya sa kaibigan.

Nagtaas ng kamay ang lalaki na animo sumusuko.

“Yeah! Yeah! Ito na kukuha na ng room para sa inyo ng girlfriend mo!” ani kaibigan niya sabay kindat sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. At napagkamalan pa nga silang magjowa nito. Napapailing na lang siya at kaagad na sumunod sa nurse na magdadala sa kanila sa private room.

Ang findings ng kaibigan niyang doktor ay;

“Stress siya. At isa pa'y malnourished at dihydrated. Alagaan mo naman ng mabuti ang asawa mo,” ani Roldan sabay tapik sa balikat niya.

“She's not my girlfriend. For Pete's sake! Risetahan mo na lang ako diyan hindi iyong inaakusahan mo ako ng kung anu-ano diyan,” aniya sa iritadong boses.

Napakurap kurap si Roldan. “Eh? Hindi ba? Akala ko pa man din may nagkamali na sa'yong babae.”

Tapos ay humagalpak ng tawa ang kaibigan niya.

“Cut it, Dude. Dalian mo na diyan. May meeting pa akong dadaluhan. Iiwan ko siya sa'yo rito. Ikaw na bahala sa kaniya," aniya sa kaibigan.

“Pakasalan mo na lang kaya iyang kompanya mo!” bulalas ng kaibigan at naunang naglakad tungo sa opisina nito.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 9

    Hindi maipinta ang mukha ng Lola ni Jake nang dumating sa bahay na akala mo kung ano ang atraso niya rito. “Matagal mo na ba itong alam? Ni hindi mo man lang nagawang bantayan ang asawa mo? Pinabayaan mo siyang umabot sa ganitong sitwasyon?”Nanatili ang kalamigan sa mga mata ni Adah habang kaharap ang matanda. Kung makapagsalita ito ay animo siya pa itong may kasalanan kung bakit nambabae ang apo nito.“Naisip mo ba kung anong magiging resulta nito sa pamilya na'tin? Magdudulot ito ng malaking kahihiyan at maapektuhan ang negosyo na'tin!” patuloy ng matanda habang nanatili lamang siyang nakatingin dito at hinahayaan itong maghestirya.Pagod na siya sa lahat ng mga nararanasan niya sa pamilyang ito. Matagal niya nang tinitiis ang hindi magandang pagtrato ng pamilya ni Jake sa kaniya. Kaya ngayon, ayaw niya nang magsalita at hahayaan na lang matanda na magreklamo at magalit sa kaniya.“Dapat maaga pa lang ay pinagsabihan mo na siya. Dapat pinigilan mo man lang siya sa kahibangang ito.

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 8

    Hindi naman mahilig na lumabas si Adah ngunit sa pagkakataong iyon ay kailangan niyang ilabas ang nararamdaman niyang poot sa puso niya.Kaya lang ay hindi niya alam kung sa anong paraan siya makakapag-relax at kalimutan ang problema. Kaya nagdesisyon siyang tawagan ang kaibigan niya noong college, Maribelle.“Himala at tinawagan mo ako ngayon, Adah!” excited na bungad ng kaniyang kaibigan.Dahil sa pagiging devoted niya noon kay Jake ay nakalimutan niyang may mga sarili rin siyang mga gusto. Gusto niyang gumala kasama ang mga kaibigan niya noon at magtungo sa mga exhibit at manood ng mga theater play. Kinahiligan niya ang lahat ng mga bagay na tungkol sa arts. Pero simula nang makilala niya si Jake at nagpakasal rito ay tinalikuran niya ang lahat ng iyon. Nag-fucos siya sa pagiging asawa niya at sinisiguro niyang si Jake ang top priority niya.Napagtanto niyang hindi dapat ganun ang ginawa niya. Dapat pala ay nagtira man lang siya para sa sarili niya.“Pasensiya na. Ang tagal na rin

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 7

    Nagising si Adah ngunit namulatan niya ang puting kisame at napansin niya ang Dextrose sa tabi niya. Saka niya napagtanto kung nasaan siya sa mga oras na yun. Ilang saglit ay bumukas ang pinto at iniluwa ang taong ayaw niyang makita sa mga oras na yun.“Ako ang agad na tinawagan kaya pumunta agad ako. Nag-alala tuloy ako no'ng malaman kong nasa hospital ka,” ani Jake na halatang pagkukunwari lang ang pag-aalala nito.Parang gusto niyang matawa. “Iniisip mo bang sa morgue ka didiretso dahil baka nabunggo ako sa kalsada at namatay?”Napasapo sa dibdib si Jake sa madramang paraan. “Hindi naman ganun ang iniisip ko. Kahit annul na tayo may pinagsamahan naman tayo at isa pa'y—”“Tumigil ka na. Hindi magbabago ang desisyon ko. Apat na araw lang ang palugit ko sa inyo sa bahay ko,” aniya sa matigas na tuno. Alam niya kung papaano siya ituring ni Jake noon pa man. Hindi ito ginagawa ni Jake noon. Wala itong pakialam sa kalusugan niya at lalong wala itong pakialam sa buong pagkatao niya. S

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 6

    Hindi sumipot ang ex husband ni Adah sa napagkasunduang lugar nang magpadala siya ng imbetasyon dito. Kaya mapipilitan siyang magtungo sa dating bahay nilang mag-asawa upang makausap ito ng personal.Kaya lang pagkabukas ng pinto ay ang kabit nitong si Sofia ang bumungad sa kaniya. Ngumisi ang babae nang makita siya ngunit ang ngisi nito ay tila nanunuya.“Nandito ako para sa makipag-usap kay Jake,” taas noong bungad niya rito.“Si Jake ba? Naku! Nasa taas. Pinagod ko kasi kagabi,” sabay ngisi nito.Nagtagis ang bagang niya. Bago lang sila nagkahiwalay ng dating asawa niya kaya nakakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib si Adah sa narinig mula sa kabit ng lalaki. “Pero para sa'yo. Gigisingin ko siya. Saglit, ha. Pumasok ka muna sa bahay ko!” masiglang iginiya siya ni Sofia sa sofa ng sala.Talagang pinagdiinan pa nga ni Sofia ang salitang ‘bahay ko’ na animo ito talaga ang may-ari niyon. Parang gusto niyang matawa sa pinagsasabi nito.Pinagmasdan niya ang paligid. Parang kailan lang no

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 5

    Ubos na ubos na si Adah. Pakiramdam niya'y hindi niya na kayang huminga sa bahay na iyon kasama ang mga taong nandoon lamang para gamitin lang siya. Nasa teresa siya habang pinagmamasdan ang kadiliman. Linggo ng gabi. Gusto niyang magsimba kanina at ipagdasal na karmahin ang dalawa. Kaya lang magkakasala lang siya kapag ginawa niya iyon. Hindi naman worth it iyon. “Let's have a coffee,” aniya kay Jake nang makarating ito sa teresa ang lalaki. May mesa doon at upuan. Ready na ang coffee ng lalaki at kaniya. Pumunta siya sa office ng lalaki at humingi siya ng kaunting oras para rito.“Tinawag mo lang ako para rito?” natatawang saad ni Jake.“What? May problema ba? Nakita ko wala ka nang gagawin. May problema ba kung humingi ako ng kaunting oras para makausap ka?” aniya sa kalmadong boses.Natigilan ang lalaki at tinitigan siya saglit bago tumikhim. Napansin din nitong tila may kakaiba sa tuno ng boses niya.“Fine. So what now?” umupo ito sa kabilang side ng mesa.Sumimsim siya ng kap

  • Never Beg For Your Love   Kabanata 4

    Kahit na ganun ang ginawa ni Jake ay bibigyan ito ni Adah ng second chance. Hindi siya makatulog kaya bandang 5 AM ay nagluto siya. Gusto niyang ipagluto si Jake. Nagluto siya ng buttered shrimp, sinabawan at nag-bake na rin. Fucos siya sa ginagawa niya at sinisiguro niyang sinasamahan niya ng pagmamahal ang mga luto niya. Napangiti siya nang maiayos niya na ang mesa. Nag-chat na rin siya sa asawa at nag-reply naman agad ito na 7AM makakauwi. Kaya lang tipid na tipid ang reply ng lalaki. Ngunit kahit ganoon ay masaya siyang kahit papaano ay nag-effort itong mag-reply.“Wow! Saktong sakto. Gutom na rin ako!” Biglang lumabas si Sofia sa silid nito mga bandang seven. Ang daliri nitong may mahabang kuko at kulay pula ay pumulot ng buttered shrimp.Nagtagis ang bagang niya. Talagang ito pa ang unang tumikim ng luto niya. Pumikit si Sofia habang nginunguya ang shrimp. Tumalikod na siya at nagsimula nang tanggalin ang epron para ayusin ang ibang kalat sa kusina.Kaya lang biglang dumati

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status