Home / Romance / Never Fall Again to the Heartless Billionaire / Kabanata 24 Asking for Forgiveness

Share

Kabanata 24 Asking for Forgiveness

last update Last Updated: 2025-03-02 17:42:53

Maliit lang ang awang ng pinto ng silipin ni Emerald. Si Ashley ang kumakatok.

“Lucian, totoo ba ang sabi ni Emerald na magaling ka na?” anitong hinaplos ang braso ng kaharap.

“Kung wala kang importanteng sasabihin ay huwag mo akong kakausapin.”

“Well, look at me, kahawig ko si Abby. Height, katawan, buhok, at parehas ang mga ngiti namin. Kaya mo nga ako nilapitan sa isang party.”

Saan galing ang kirot sa kanyang dibdib ng malamang naghahanap si Lucian ng kahawig ni Abby? Kaya pala tila pamilyar si Ashley, may hawig nga ito sa namatay na ex ni Lucian.

“Ipapaalala ko lang sa’yo ang ginawa mong pag-iwan sa akin at pagpatol sa stepbrother ko.”

“Lucian, may pangangailangan din ako. Pero kung magaling ka na. Babalik ako sa’yo.”

“Hindi kita kailangan. Umalis ka na,” anitong ibinalibag ang pinto.

Agad bumalik si Lucian at inalis ang robe. Ngunit tumayo siya upang maglinis ng katawan. Inabot niya ang tuwalya upang itapis sa katawan.

“Late na tayo sa office,” aniya.

“Isa pang round.”

Pilit niy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
thanks so much po
goodnovel comment avatar
Bhing
Nxt chapter pls
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thank you very much po sa pagbabasa! Godbless po!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 25 The Proposal

    Natigilan si Mitch at napalingon sa kanyang likuran ng makilala ang may-ari ng tinig.“Sir Lucian. Totoo po ang sinasabi ko. Alam namin na inaakit kayo ni Emerald. May nakakita po na nagpupunta siya sa condo ninyo at nagpipilit siyang sumakay sa kotse ninyo. Dapat pong ilagay sa dapat niyang kalagyan ang babaeng ‘to!”“I don’t have to repeat myself. Last day mo na ngayon.”“Sir Lucian, pinoprotektahan ko po kayo. Baka pati imahe ninyo ay masira.”“Ikaw na babae ka! Malandi ka at makapal ang mukha!” anitong akmang sasampalin siya.“Don’t you dare touch my wife!” awat ni Lucian sa kamay ng babae.Nagulat ang lahat ng empleyadong nakadinig sa tila kulog na tinig ng CEO.Siya na naman ang pangunahing topic sa tsismis ng ilang araw o linggo sa LM Corporation. At isa pa’y ayaw niyang malaman ng iba na asawa siya ni Lucian para mas madaling makipaghiwalay ng wala masyadong komento kahit pa matagal na naman siyang walang pakialam sa sasabihin ng iba.Nagmamadali siyang lumabas ng building. Ka

    Last Updated : 2025-03-04
  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 26 Caring Husband

    Napalinga si Emerald sa paligid. Madaming taong nanonood sa kanila. May mga nagvi-video pa. Nasa gilid din ang lahat ng tauhan nila sa café. Hindi niya maatim na tanggihan at ipahiya si Cayden.Napatango siya kasabay ng fireworks sa kalangitan. Isinuot ni Cayden ang ring sa kanyang daliri. Nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari. Nadinig niya ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao.Niyakap siya ni Cayden ng mahigpit habang siya ay gulong gulo ang isip. Kakausapin na lamang niya ito ng masinsinan sa ibang pagkakataon at magpapaliwanag. Madali naman itong kausap. Dumaan muna siya sa Tatay Mariano niya upang kumustahin ito at ang kapatid.Gabi na ng umuwi siya sa mansyon. Sinalubong siya ni Kiel.“Ms. Emerald, ano po ang nangyari? Sira po ang kotse ni Sir Lucian ng umuwi.”“Ha? Naaksidente siya?” Bigla ang kabog ng kanyang dibdib.“Hindi po. Pinagpapalo po niya ng baseball bat ang kotse.”“Ha? Sige, kakausapin ko,” aniyang nanlalambot ang tuhod. Natakot siya. Tiyak na galit ang a

    Last Updated : 2025-03-05
  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 27 Corny Lines

    “Wala kami relasyon ni Cayden,” ani Emerald kay Lucian.“Wala? Gagawin mo pa akong tanga! Kitang kita ng dalawang mata ko ng tanggapin mo ang singsing! May fireworks display pa!”Napatingin ito sa daliri niya at nandoon pa nga ang singsing.Itinago niya ito ng tangkang kukuhanin ni Lucian ang ring. Ibabalik pa niya ito kay Cayden. Alam niyang hindi biro ang halaga nito.“At talagang itinatago mo pa ah!” anitong pilit kinukuha sa kanyang kamay ang ring.“Huwag mong pagdiskitahan ‘to. Ni hindi mo nga ako mabigyan kahit singsing na gawa sa plastic!”“Alisin mo sa daliri mo ang singsing. Ibibili kita ng dalawampung ring, lalagyan ko ang lahat ng daliri mo sa kamay at paa para sumaya ka!”“Lucian, gusto kong magpahinga. Pumasok ka na sa opisina ng matahimik ako,” aniyang ibinaon ang sarili sa kumot.“Pasalamat ka at binabantayan kita at pinag-aaksayahan ng oras!”Nagulat siya sa sinabi nito. “Hindi mo ako kailangang bantayan. Alam kong hindi ako makakatakas sa sama ng ugali mo. Kung kaya k

    Last Updated : 2025-03-06
  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 28 Courting the Wife

    Tumayo si Lucian at lumabas ng café. Hindi mapigil ang tawa ni Emerald.Paglabas ay tinawagan niya si Kiel.“You’re fired! Sabi mo, gusto ng mga babae ang mga nakakakilig na lines. Pinagtawanan ako ni Em! Napahiya ako!”“Sir Lucian, kay Ms. Emerald ninyo po ba gagamitin? Akala ko po may bago kayong liligawan. Hindi po pwede ang ganyang style sa isang babaeng sinaktan ninyo ng sobra. Kung bagong kilala tiyak na mabobola po ninyo pero sa asawang binalewala ninyo, hindi nga po effective ‘yan.”“Dami mong satsat! Paano ba manligaw ng asawa?”“Sir, binata pa po ako kaya hindi ko alam.”“Magresearch ka! Bukas kailangan ko ng ways how to win my wife’s heart.”“Sir Lucian, pakihanda na ang sports car ninyo at mukhang mapapasaakin na ‘yan.”“Ulol! Manliligaw ako para maging mas masunurin si Emerald at mas masaktan ko siya sa paghihiganti ko. Pakiramdam ko, she’s slipping away! Nawawalan na ako ng kontrol sa kanya.”“Sir sabi ng nanay ko na nakipaghiwalay sa toxic kong ama noong bata pa ako, ka

    Last Updated : 2025-03-07
  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 29 Her Injured Hands

    “Sa tingin mo ang bilyonaryong negosyanteng kagaya ko ay sasayangin ang oras sa isang babaeng hindi mahalaga?” sabi ni Lucian. Muntik siyang maniwala kundi lang niya alam na tanging paghihiganti ang gusto nito.Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Cayden.“She’s my girlfriend.”“She’s my wife.”Natigalgal siya sa nadinig kahit tama ang deklarasyon ng dalawang lalaki. Napatingin sa kanila ang mga tao sa café. Tila siya bida sa drama na pinag-aagawan. Humaba ang buhok niya na sumayad hanggang lupa ngunit hindi pala maganda ang ganitong pakiramdam.Hinila niya si Lucian. “Cayden, magkita na lang tayo bukas. Bye!”Nasa loob na sila ng kotse at nasa byahe ng magsalita ang asawa. “Kung hindi ka pa makikipagbreak kay Cayden, I’ll ruin their family business!”“Paano ako makikipagbreak? Hindi ko siya makausap ng sarilinan, palagi kang sumusulpot!” irritable niyang sabi.“Talaga? Kapag ako ay niloloko mo at gusto mo lang protektahan ang lalaking ‘yon, binabalaan kita.”“Hayaan mo akong kausapin

    Last Updated : 2025-03-07
  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 30 Scared to Fall Again

    Magkasalubong ang kilay ni Emerald habang nakikinig kay Lucian na tila sinapian ng mabuting Espiritu. At hindi niya gusto ang ganito. Baka unti-unting matunaw ang yelong nakabalot sa puso niya.Humiga siya at tumagilid sa kabilang side. Naramdaman niyang kinumutan siya nito. Hinihila siya ng antok ng tumabi ito at sumukob sa kumot. Napabangon siya ng wala sa oras.“Ayun ang folding bed para sa bantay. Doon ka matulog.”“Sa tingin mo kasya ako diyan? Malaki ang kama.”“Malaki nga kaya huwag mo akong dantayan, para makatulog ako.”“Halika dito. Mainam ang yakap sa maysakit. It can help reduce stress, anxiety, and pain by releasing oxytocin, na tinatawag nating love hormone,” anitong kinabig siya paharap at ikinulong sa bisig.“Depende sa taong yumayakap. Kapag ikaw ang yayakap sa akin pakiramdam ko yumayakap ako sa porcupine.”Hindi ito kumibo at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam niya ang init ng katawan nito na nagbibigay ng comfort. At malaking takot. Okay na siya at naka-move on na. H

    Last Updated : 2025-03-08
  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 31 A Bad Experience

    Yumakap si Lucian mula sa kanyang likod.“May ipagtatapat ako sa’yo. Binabayaran ko ang mga babaeng isinasama ko sa condo. I don’t fuck them. Gusto lang kitang galitin at bigyan ng sama ng loob.”“May ipagtatapat din ako sa’yo,” aniyang humarap dito. “I don’t love you. I don’t care. Kaya please lang huwag ka ng magsabi ng kahit ano tungkol sa nakaraan. Andito ako para magbayad ng kasalanan at atraso ko. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo, isang araw, bigla na lang akong maglalaho kapag hindi ko na kaya. I’ve suffered more than enough.”Muli siyang tumalikod at tumingin sa labas. Nadinig niya ang pagsara ng pinto. Napabuntunghininga na lamang siya. Parehas silang obsess ni Lucian. Obsess siyang makalaya dito at ito naman ay labis ang pagnanais na makapaghiganti sa kanya. Hindi niya alam kung saan sila dadalahin ng kapalaran.Ilang minuto siyang nakatingin lang sa labas ng bintana. Natanaw niya si Lucian na namimitas ng roses sa garden. Lumapit si Tessa. May dala itong juice na tinangga

    Last Updated : 2025-03-08
  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 32 Giving Her Freedom

    Hindi kumibo si Emerald. Baka sa halip na mapahinga ay gulo pa ang makuha nila sa bakasyon.“Tara na. Sa ibang resort na lang tayo magpunta,” hila niya kay Lucian.“Teka, bibigyan ko lang ng leksyon ang gagong ’to!”“Hey, baka hindi mo ako kilala, anak ako ng mayor dito. At hindi kayo makakalabas ng bayang ito. Pero madali naman akong kausap. Ipahiram mo sa akin ang asawa mo ng isang gabi. Isosoli ko din,” nakangising sabi ni Denver.“Suntukan na lang, gago ka!”“Lucian, huwag ka ng makipag-away! Umalis na tayo.”“Hinahamon ako ng tarantadong ‘to at para maipaghiganti kita.”Hinubad ni Lucian ang jacket. Nakita niyang nakaamba na din ng suntukan si Denver. Niyakap niya ang asawa.“Trust me. Matagal na kong hindi nagpapapawis,” anitong kumawala sa yakap niya.Lumayo na lamang siya. Tiwala siyang kaya nitong matalo ang kalaban dahil black belter ito at hobby ang boxing. Napalinga siya. Nasa dulo sila ng parking area at walang tao sa paligid.Nagpalitan ng suntok ang dalawang lalaki. Tum

    Last Updated : 2025-03-09

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 130 Possessive Heartless CEO

    Tulala pa din si Mayumi kinabukasan. Mabango at masagana ang almusal ngunit wala siyang gana. Ngayon lang siya nawalan ng gana sa pagkain sa laki ng problema niyang dinadala."Ayusin mo ang mukha mo pababa na si mommy," siko sa kanya ni Cayden.Agad siyang ngumiti ng matamis sa matandang padating. Hindi siya dapat mandamay ng iba sa problema niya. Wala namang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili."Magandang umaga po. Kain na po kayo Mommy Cecil.""Bakit mukhang pagod ka, ang aga aga pa. Hindi kaya naglilihi ka na?"Muntik siyang mabulunan sa kinakain. Nanlaki ang mata niya ng maalala na hindi siya umiinom ng contraceptive. Saan nga ba niya naitago ang gamot na ibinigay ng doctor? Nawala na sa isip niya.Nasamid naman si Cayden at uminom ng tubig."Mom, tinulungan lang ako ni Mayumi na tapusin ang paperworks. Hindi ba at sabi ko sa inyo ay gusto niyang matuto sa pasikot sikot sa negosyo."So ayun pala ang dahilan nito sa pagpipilit na maging sekretarya siya para mas mapaniwala si M

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 129 Big Trouble

    Binawi ni Mayumi ang kamay na hawak ni Cayden. Baka matsismis sila ng CEO, mas humirap ang buhay niya sa kumpanya.Huminto ang sasakyan ni Cayden sa harapan nila. Nakatingin lahat ng empleyadong pauwi. Mas lalaki ang tsismis kapag pumasok siya sa kotse at umuwi sila ng sabay."Cayden, mauna ka na. May pupuntahan pa akong importante," aniyang nagmamadaling tumakbo at tumawid sa kabilang kalsada. Hindi na niya hinintay ang sagot nito.Nagulat siya ng may humintong sasakyan sa harap niya. Nanigas ang katawan niya ng ibaba nito ang bintana. Si Don Manuel!"Small world Mayumi. So nagtatrabaho ka pala sa Villamor Realty Corporation. Pumasok ka sa kotse para makapag-usap tayo."Nilakasan niya ang loob at pumasok sa sasakyan kahit pa tila dinadaga ang dibdib. Papakiusapan niya ang matanda na bigyan pa siya ng palugit para makabayad."Don Manuel, bigyan mo pa po ako mg konting panahon at titiyakin ko pong makakabayad ako.""Pagod na akong maghintay, Mayumi. Alam mong matagal na kitang hinihint

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 128 Holding Hands

    Nagpanting ang tenga ni Thesa ng madinig ang sinabi Mayumi. Akmang susugurin siya nito."Wow, hindi ka lang palpak na sekretarya, ilusyunada ka pa! Makakatikim ka sa akin!"Mabilis na nakaharang si Cayden."Thesa, let's talk outside."Lumabas si Cayden sa opisina bitbit si Thesa na nanggagalaiti sa kanya. Nagkaroon ng pagkakataon si Mayumi na lapitan si Henry ng sila na lang."Henry, bakit ba biglang nangailangan ng secretary si Cayden?""Hindi ko din alam. Bigla na lang sinabi sa akin na babawasan daw ang trabaho ko. Siyempre natuwa ako.""Inalok niya ako kahapon na maging secretary niya. Nakakapagtaka lang dahil naiinis na nga siya sa mansyon tapos magkakasama pa kami sa office.""He is obsessed only with two women, una sa batang nagligtas sa kanya noong teenager siya. Pangalawa, kay Emerald na nakipagbalikan na sa dating asawa. Baka ikaw na ang pangatlo, I'm warning you. Hindi ka basta basta papakawalan ni boss kapag nagustuhan ka niya.""Naku, imposibleng magkagusto sa akin si Cay

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 127 His Plaything

    Tahimik silang dalawa. Nakaupo si Mayumi, nakayuko. Si Cayden, nakatayo pa rin, ngayon ay nakapamulsa at nakatingin sa kanya.“Cayden, sa tingin ko hindi ako pwedeng maging secretary mo. Nakita mo naman ang mga kapalpakan ko.”“Akala ko hindi ka madaling sumuko. First day pa lang umaayaw ka na.”“Actually, wala naman akong masyadong pake sa ibang tao kaso nahihiya ako na pati ikaw nadadamay. Tsaka hindi ako dumaan sa proseso talagang may masasabi ang ibang tao.”“Then, prove them wrong. Tsaka I feel bored sometimes, I need a toy. Kaya kita dinala dito,” anitong lumapit sa kanya at napatingin sa dibdib niyang basa pa din.Napahinga siya ng malalim. Akala pa naman niya ay bumabait na ito. Gusto lang pala siyang gawing laruan kapag nabo-bored. Ngunit sa halip na mainis ay tila willing siyang maging laruan. Kunsabagay dalawang buwan na lang naman niyang makakapiling ang binata. Dapat niyang samantalahin ang pagkakataong makalapit dito.Nagkatinginan sila. Walang imikan. Binagtas ni Cayden

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 126 A Walking Disaster

    Si Thesa Ramirez ang dumating, ang head ng Marketing Department. Kilala sa buong kumpanya bilang matalino at matapang.Tumayo si Cayden mula sa kanyang upuan, kalmado ang kilos, pero tiningnan agad si Mayumi sa gilid ng mata.“What’s the problem, Thesa?” tanong nito. Napakagat labi siya sa malaking katangahan.“Heto, Sir Cayden,” sabay pakita ni Thesa ng tablet. “This email was sent to one of our VIP partners. It has the wrong sales figures, the wrong product list, and worst of all, a wrong sign-off with a typo that says Much lust, Mayumi instead of Much trust! Que Horror!”Namutla si Mayumi. “Lagot,” bulong niya. Parang gusto niyang maglaho na lang at kainin ng lupa.“Hindi lang ito nakakahiya, Sir Cayden. This puts our image at risk! The client literally called me asking if we hired an intern to run our corporate correspondence!” dagdag ni Thesa, habang halatang pinipigilan ang sarili na huwag lumipad ang tablet sa ulo ni Mayumi.“Pa-pasensya na, hindi ko si-sinasadya,” nauutal niyan

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 125 The New Secretary

    “Makinig ka. Pulis ako. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat. Sumama ka sa amin.”Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki. May kasama itong naka-unipormeng pulis. Isinakay siya sa puting van. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.“Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan. Kanina, nakita ko ang walang pag-aalinlangan mo sa pagtulong sa nangangailangan. Kaya naman may iaalok kami sa’yo.”Hinubad ng lalaki ang suot na jacket, ipinakita ang isang markang hindi karaniwang badge, kulay itim at pilak na may nakaukit na letrang SFU: Secret Force Unit.Nanlaki ang mata niya.“Gobyerno kami,” patuloy ni Justin. “Lihim kaming yunit na tumutugis sa mga malalaking sindikato. Isa sa mga target namin si Don Manuel.”Napalunok siya sa narinig. “Bakit ako? Wala akong kakayahan sa ganyan. Oo matulungin ako sa nangangailangan dahil alam ko ang pakiramdam ng walang malalapitan. Pero hindi ko kayang banggain si Don Manuel,” mahina niyang sabi.“May koneksyon ka sa kanya. Kailangan namin ng mata at tenga

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 124 Answered Prayer

    Hiyang hiya si Mayumi kay Mommy Cecil ng nagawa niyang utangan ito ng pera. Ngunit kailangan niyang kapalan ang mukha."Magkano, hija?" medyo nagulat ngunit kalmadong tanong nito."Isang milyon po.”"Isang milyon? Para saan, Mayumi?”"Ipambabayad ko po ng utang ng nanay ko,” aniyang nagpipigil ng luha.Tahimik ulit si Mommy Cecil. Malalim na nag-iisip."Ibigay mo sa akin ang detalye ng bank mo at ipapadala ko ang isang milyon.”“Talaga po? Papahiramin ninyo ako? Maraming salamat po. Pasensya na po kayo. Babayaran ko din po.”Tila anghel ang tingin niya sa Donya at parang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib.“Anak ang turing ko sa’yo, Mayumi. Magsabi ka lang kapag may problema ka at nakahanda akong tumulong.”Napayakap siya sa matandang naging napakabait sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito.***Nakaupo si Mommy Cecil sa mahogany desk, may hawak na checkbook at cellphone. Katatapos lang nitong tawagan ang accountant upang ayusin ang transfer ng pera. May kumatok sa pin

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 123 Money Problem

    Marahang umalis si Mayumi sa kama. Humiga siya sa sofa. Yumaman lang siya tapos ang problema niya sa buhay. Ayaw na siyang bigyan ni Cayden ng isang milyon. Tila lumobo ang utak niya kakaisip.Maagang gumising si Mayumi para maghanda ng agahan. Naglagay siya ng tatlong tasa ng kape sa mesa. Gunawa niya ang kape gamit ang coffee maker. Nagtrabaho syang barista sa sikat na coffee shop sa lugar nila kaya masarap ang timpla niya.Maya-maya pa'y bumaba si Mommy Cecil na nakangiti sa kanya. Napatingin siya sa matanda. Kung hindi siya bibigyan ng pera ni Cayden baka pwede siyang humiram sa Donya. Ngunit nakaramdam siya ng hiya. May ilang araw pa naman siya para maghagilap ng pera."Aba, Mayumi! Ang sipag mo talaga. Napakapalad naman ng anak ko sa'yo.""Naku, Mommy Cecil, maliit na bagay lang po ito. Si Cayden po kasi, pagod palagi sa trabaho kaya gusto ko po siyang pagsilbihan,” aniyang pilit pinapasigla ang boses.Sakto namang lumabas si Cayden mula sa kwarto. Bagong paligo ito at talaga nam

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 122 Savor Moments

    Bumangon si Cayden at pumasok sa banyo upang maligo. Hinintay ni Mayumi ang paglabas nito. May hinanap siya sa bag at nakita niya maliit na bote ng langis at kumuha siya ng isang tuwalya."Cayden, gusto mo bang i-masahe ko ang likod mo? Parang pagod ka kasi."Lumingon si Cayden, at sa halip na ngumiti, napakunot ang noo."Kahit anong gawin mo ay hindi kita papahiramin ng pera.”Napaatras si Mayumi, kita sa mukha ang pagkabigla at medyo nasaktan kahit sanay naman siyang minamaltrato ng nanay at kapatid."Hindi kita pipiliting bigyan ako ng pera. Gusto lang kitang tulungang gumaan ang katawan mo,” aniyang napayuko."Gusto kong magpahinga. Umalis ka diyan.”Maingat ang mga hakbang niya, hawak pa rin ang maliit na bote ng langis."Alam kong pagod ka. Mas marerelax ka at makakatulog kapag minasahe kita,” mahinahong sabi niya.Hindi umimik si Cayden. Bumuntong-hininga lang siya, pero hindi umalis. Dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa gilid ng kama. Binuksan niya ang bote ng langis at pina

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status