Dear readers, thank you very much po sa suporta. I appreciate it a lot! Godbless po!
Muling inilapat ni Justin ang labi sa labi ni Gab. Tumunog ulit ang cellphone nito na mukhang walang balak sagutin. Naglalakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Bahagya niya itong itinulak.“Baka importante,” aniyang hinihingal pa.Nadinig niya ang mahinang mura ni Justin at kinuha ang cellphone sa bulsa.“Hello, Camille. Bakit? Anong problema?”Tila siya binuhusan ng kumukulong tubig kaya pati dugo niya ay kumukulo na din sa inis. Nilapitan niya si Justin at niyakap habang nakikinig ito sa kabilang linya. Abala ang babae!“Sige, papunta na ako diyan. Kalma ka lang, padating na ako.”“Uunahin mo si Camille kesa sa ginagawa natin?” aniyang hindi makapaniwalang iiwan siya sa kainitan ng tagpo.“May problema si Camille. Kailangan ako niya ako, babalik ako agad,” ani Justin at nagmamadaling lumabas ng banyo.Bakit ba tila parang inasinan ang puso niyang sugatan? Wala namang sila. Ano ang laban niya sa babaeng minamahal ni Justin?Naiwan siyang nakatulala sa sahig, habang ang tunog n
"Pwede kang magsinungaling sa iba pero ibahin mo ako. So, sino 'tong lalaking kasama mo na nakuhanan ka ng camera ng tauhan ko?" anitong inihagis ang isang envelope na may larawan na kuha nila ni Ryder ng sunduin siya sa waiting shed sa bayan.Sukol na siya sa pagsisinungaling."Bakit bigla kayong nawala at hindi nakita ng tauhan ko?" Mapanganib ang tono ni Justin.Hindi maipinta ang mukha niya. Hindi naman niya pwedeng ipagtapat na kasamahan niya sa Kapatiran Mob si Ryder.“Sino ‘to?” singhal nito ng hindi pa din siya nagsasalita.Napalingon siya sa larawan. Saglit siyang natigilan, ngunit mabilis na nag-react. Alam niyang hindi puwedeng malaman ni Justin ang totoo.“Si Ryder. Boyfriend ko… dati,” aniyang may pilit na ngiti sa labi.“Tangna! Ex-boyfriend mo? Kaya ka nagmamadaling umalis, ha? Para makipagkita sa kanya?” anitong hinampas ng dalawang kamay ang manibela.“Nagkataon lang na nagkita kami. Wala naman na kami. Ayokong, ayokong magalit ka kaya hindi ko sinabi.”“Bakit hindi m
Tahimik na nagmamaneho si Justin pabalik sa farm. Hindi niya maalis sa isipan si Gab.Habang binabagtas niya ang paakyat na kalsada, napansin niya ang isang babae na naglalakad pabalik mula sa kabilang direksyon. Nakasuot ito ng sunhat at summer dress, si Camille.Bumagal ang takbo ng kanyang sasakyan at binuksan ang bintana.“Camille!” tawag niya.Napalingon ito at napangiti. Hindi katulad ng dati niyang matamis na ngiti, ngayon ay medyo matamlay ang bati niya.“Galing lang ako sa kabilang resort. Nakipagkita ako sa mga kaibigan noong gigh school.”“Sasabay ka na pabalik?”“Oo, sabay na ako. Matagal na din tayong hindi nagkakausap.”Pagpasok ni Camille sa sasakyan, may ilang segundong katahimikan. Kapwa sila tahimik, hindi tulad ng dati na palaging may kwento at tawanan sa pagitan nila.“Tahimik ka yata? May nangyari ba?” ani Camille.Umiling siya, ngunit hindi niya ito matingnan ng diretso. Nakadungaw siya sa kalsada habang tahimik na minamaneho ang sasakyan.“Wala naman. Pagod lang
Bahagyang ngumiti si Kian ngunit seryoso ang tono ng pananalita.“Kung sakaling wala naman talaga kayong dalawa. Ngayon pa lang magsasabi na ako sa’yo na kapag natapos ang usapan ninyo, manliligaw ako. Pero kung sasabihin mong mahal mo siya, sabihin mo lang, para di ako makialam. Siyempre, magkaibigan tayo.”Tahimik si Justin. Hindi siya sumagot agad. Uminom siya ng beer, ngunit hindi maikubli ang tila nanlalamig na kamay sa hawak niyang baso.“Bro, gulo lang 'yang si Gab. Magugulo lang ang tahimik mong buhay. Masyadong pasaway. Maniwala ka, sobrang tigas ng ulo. Ikaw CEO ka, mahihirapan kang tiyak, ako ngang pulis nahihirapan siyang kontrolin,” aniya upang sirain ang loob ng kaibigan.“Well, willing akong magulo ang tahimik kong mundo. Iba ang dating sa akin ni Gab,” ani Kian na hindi niya nagustuhan.“Bro, kahit hindi ko type si Gab. Pero kaibigan na din ang turing ko sa kanya. Hindi ba at may ipapakasal sa’yo ang mga magulang mo? Baka naman masaktan lang siya,” aniya ng maalala ang
Mapusok ang pag-angkin ni Justin sa mga labi ni Gab. Patuloy na bumubuhos ang ulan. Nasa loob pa rin sila ng kubo na tanging saksi sa mainit na sandali. Naramdaman niya ang pagsapo at paghagod ng palad ni Justin sa kanyang dibdib. Napahawak na din ang isa niyang kamay sa biceps ng binata. Tila hindi ito nakuntento kaya ipinasok ang kamay sa loob ng kanyang basang blouse.May narinig silang ingay ng sasakyan sa labas. Awtomatikong naghiwalay ang kanilang mga labi kahit tila ayaw nilang maputol ang ginagawa. Nagkatinginan sila, at agad tumayo si Justin upang silipin. Dumating ang isang pick-up truck at bumaba mula rito ang isang lalaking naka-jacket, may bitbit na payong.“Kian!” bati ni Justin.Lumapit siya sa likod nito.“Sino ang dumating?”Bumungad si Kian, matangkad, may matikas na tindig, at ang ngiti ay may dalang kumpiyansa at sigla. Kaagad nitong niyakap si Justin.“‘Tol! Pinapunta ako ni Lola Mila at pinahanap kayo ng asawa mo.”Napalunok siya sa salitang asawa pero hindi na u
Ramdam ni Gab ang matigas na muscle ni Justin sa kanyang likuran. Napasandal na lamang siya ng tuluyan. She felt so secured lalo at hawak siya nito sa beywang. Medyo malayo na pala ang nararating nila ng hindi nila napapansin.Bumuhos ang ulan sa gitna ng pagbalik nilang sakay ng kabayo. Medyo naging balisa ang kabayo sa lakas ng ulan, kulog at kidlat kaya minabuti ni Justin na huminto.Mabilis silang tumakbo papasok sa isang maliit at lumang kubo sa gitna ng taniman matapos maitali sa malaking puno ang kabayo. Maingay ang patak ng ulan sa bubong na pawid, at medyo madilim ang paligid. Basang-basa ang kanilang damit, napasulyap siya sa damit ni Justin na bakat ang katawan nito. Nanlaki nag mata niya ng mag-alis ito ng pang-itaas. Perfect body dahil sa trabaho nito bilang pulis.Nagsimula na din siyang mag-alis ng butones ng damit. Tutal ay bakat naman ang katawan niya kaya parang wala din siyang suot.“Hey! Anong ginagawa mo?” sita ni Justin.“Mag-aalis ng damit para patutyuin, bakit?”