Ramdam ni Emerald ang pagkulo ng kanyang dugo.
“Kapag hindi ka tumigil, ikaw ang susunod na paglalamayan,” aniyang inirapan si Mitch at naglakad palapit sa mga pagkain.
Ngunit hinablot nito ang buhok niya. Mabilis ang kamay nitong lumipad pasampal sa kanya. Ngunit bago pa ito dumapo sa pisngi niya ay naawat ito ni Lucian.
Nagulat ang lahat ng empleyado sa pagdating ng CEO. Hindi ito nagpupunta sa canteen. Ito ang unang pagkakataon.
“Anong gulo ‘to Mitch?”
“Si Emerald ang nagsimula. Kakabalik lang nananakot na agad.”
“Walang kahit sino ang mambubuly kay Emerald. Tandaan ninyo ‘yan!”
Ano naman ang nakain ng amo at ipinagtanggol siya sa unang pagkakataon na hindi naman niya kailangan. Mas malala pa sa sampal ang mga naranasan niya sa mga kasamahan noon.
Lumayo na siya at kumuha ng pagkain. Nawala ang mahabang pila. Kumuha siya ng ilang slices ng tinapay, egg, bacon and salad. Naupo siya sa pinakadulo.
Nanlaki ang mga mata niyang mabilog namang talaga ng makita ang CEO na may hawak na tray at may pagkain din.
Alam na niya ang pakay nito, ang mawalan siya ng ganang kumain. Hindi pa niya ito nakakasabay kumain ever kahit naging mag-asawa siya. Sunod sunod ang pagsubo niya ng mabilis na makaalis sa harap ng boss. Napaso ang dila niya sa paghigop ng maiinit na kape.
Ngumunguya pa ay tumayo na siya at dinala ang kape na nasa styro cup naman. Tumataas ang stress level niya kapag nakikita si Lucian at ang mga kasamahan.
Sumunod si Lucian sa kanya. Iniwan na nito ang pagkain na akmang titikman pa lang.
“Bakit ka nagmamadali?”
Nanatiling tikom ang kanyang bibig.
“Bakit hindi ka sumasagot? Para akong nakikipag-usap sa hangin.”
“Sayang ang ibinabayad ng kumpanya kaya nagmamadali ako,” aniyang pinindot ang elevator.
Itinulak siya nito sa loob. Dahilan upang tumapon ang kape sa kanyang dibdib. Namula ang balat niya sa dibdib at braso na tinamaan ng mainit na kape.
“I’m so----”
Napatitig siya sa mukha nito. Tatalon siya ulit sa ilog kapag nadinig niya ang salitang sorry mula kay Lucian. He never apologized, not even once sa lahat ng sakit na idinulot nito sa kanya. Maliit na bagay ang mabuhusan ng mainit na kape.
“Hindi ka nag-iingat!” bulyaw nito na hindi niya pinansin.
Nag-isang guhit ang labi niya. Lumabas siya sa elevator. Tila robot na bumalik siya sa upuan. Inilabas ang sketch pad. Gagawa siya ng slippers na pwedeng ipangsampal sa mga bully. Iyong stylish at durable na maaaring maging weapon. May gigil ang bawat guhit niya.
Sakto alas dose ay aalis na siya. Mabuti at wala si Lucian.
“Ms. Emerald, pakihintay po si Sir Lucian.”
“Bakit? Hanggang 12noon lang ang pasok ko.”
“May papapirmahan po siya sa’yo.”
“Ano ‘yun?”
“Pakihintay na lang po siya.”
Kinuha niya ang folder sa kamay ni Keil. “Akina at pipirmahan ko na.”
Natigalgal siya sa nabasa sa kasunduan. Bed partner.
Ibinalik niya sa secretary ang papel. “Naku, hindi ko pipirmahan ‘yan.”
“Ms. Emerald, kailangan po ito para sa treatment ni Sir Lucian.”
“Kailangan ng ka-sex sa treatment? Anong kalokohan ‘yan?”
“Hindi po ninyo naiintindihan. May sakit po si Sir Lucian na erectile dysfunction. Hindi po gumagana ang pagkalalaki niya kaya kayo ang posibleng makatulong sa kanya.”
“Alam mo, huwag ninyo akong niloloko. Bata at walang sakit si Lucian, imposible ‘yang sinasabi mo.”
“Ipapadala ko po ang medical records para maniwala kayo.”
“Hay, hindi na at wala akong balak pumirma at tumulong sa treatment.”
“Ms. Emerlad, alalahanin po ninyo ang pinagsamahan ninyo ni Sir Lucian.”
“Niloloko mo ba ako? Kapag inaalala ko ang pinagdaanan ko na saksi ka, alam mong walang magandang karanasang pwedeng balikan. Wala akong balak tulungan ‘yang amo mo!”
Nagmamadali siyang lumabas ng opisina ngunit nakasalubong niya si Lucian. Nahuli nito ang pulsuhan niya.
Agad na lumabas si Kiel ng dumating ang boss. Nagpumiglas siya.
“Bitawan mo ako! Tapos na ang oras ko sa kumpanya mo!”
“May pag-uusapan tayo saglit.”
“Ano?” asik niya.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I need a woman. Be my woman. Babayaran kita!”
“Hindi na din ako mahihiyang magsabi ng hindi! Ayoko kaya maghanap ka ng ibang papayag sa kagustuhan mo.”
“Name your price. Kahit magkano.”
“Ayoko nga! Maghanap ka ng iba.”
“Baka nakakalimutan mong mag-asawa tayo.”
“Uuwi na ako.”
“Kailangan ko ang tulong mo. Wala kang karapatang tumanggi. May malaking bayad tapos masasarapan ka pa!”
“Weh? Masasarapan? Parang hindi naman.”
Namula ang tenga ni Lucian ng madinig ang sinabi niya.
“Huwag mong sabihing hindi ka nasaparan? Sumisigaw ka pa nga.”
“Aaminin ko na, akting lang na kunwari nasasarapan ako. Malaki ‘yan tapos namamalo ka pa sa puwet. Hindi ako nasiyahan sa totoo lang. Kaya humanap ka ng iba.” Kinilabutan din siya sa mga sinasabi niya ngunit kailangan niyang ipamukha kay Lucian na ayaw niya.
“You’re lying!”
“Bahala ka kung ayaw mo maniwala, basta, ayokong maging parausan mo uli!” muntik ng mabasag ang boses niya ng maalala ang mga ginawang katangahan.
Lucian never kissed her na tila ba may nakakahawa siyang sakit. Katawan lang niya ang ginagamit nito. Ginawa niya ang lahat para mapaligaya ito sa kama. Nagreserach, nanood ng malaswang panoorin, nagbasa, at nagtanong sa iba upang maging magaling sa kama.
Nasarapan naman siya sa ilang beses na p********k nila pero hindi niya iniintindi ang pansariling kaligayahan. Ang iniisip niya ay kung paano mapapaligaya ang asawa. Usually ay siya ang nagtatrabaho sa kama. But these days were gone. Wala siyang planong magkaroon ng ugnayang emosyonal at pisikal kay Lucian.
“Nauubos na ang pasensya ko sa kaartehan mo! Kung tutuusin hindi ko kailangan ng pirma mo. Kasal tayo at dapat lamang na tugunan mo ang pangangailangan ko!”
“Mamamatay muna ako bago pumayag na maging parausan mo ulit!”
“Bakit nagbago ka na? Anong ipinagmamalaki mo?”
“Ikaw nagbago ka din. Bakit mo pa ako pinipilit makisama sa’yo? Ayoko na! Mas mainam pang mamatay kaysa ang makasama ka ulit! Pabayaan mo na ako, please lang!”
“Akin ka! Susunod ka sa mga gusto ko kagaya noon!”
“Patay na ang Emerald na asawa mo noon!”
“Be my woman again, please?”
Nanibago siya sa tonong iyon ni Lucian. Papayag ba siya muling magpagamit dito?
Mula sa puso, maraming salamat po sa suporta sa aking bagong aklat. Godbless po!
“Justin!” tawag ni Gab at patakbong lumapit.Nagulat si Justin. Bago pa siya makalapit, hinarang siya ni Camille.“Wala ka na bang kahihiyan? Ilang beses ka nang nagpakalat ng kasinungalingan. Napakakapal ng mukha mo!”“Huwag kang makialam dito. May kailangan kaming pag-usapan ni Justin,” maanghang niyang sabi.Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi niya mula kay Camille. Hindi siya agad nakagalaw, ngunit nanginginig sa matinding galit at sakit, gumanti siya ng sampal. Hinawi niya ang babae.“Justin, makinig ka. Mag-usap tayo. Bu--“At bago pa man siya makalapit ng tuluyan, isang malakas na sampal ang ibinigay ni Justin sa kanya. Tila nayanig ang mundo niya. Nanlaki ang kanyang mata.“Wala kang karapatang saktan si Camille! Hindi kita gustong makita pa kahit kailan!”Napahawak siya sa pisngi. Ngunit higit ang sakit sa kanyang puso.“Justin, ilang minuto lang. Gusto ko lang ipaalam na---”“Talagang gagawin mo ang lahat para manatiling nakakapit sa Pamilya Aragon!” harang ni Cami
Nag-aayos ng mga gamit si Gab. Hinihintay na lang niya ang visa at ilang papeles. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Napakapit siya sa gilid ng kama. Hindi pa niya maproseso sa utak ang nararamdaman ay napatayo siya dahil biglang bumaligtad ang kanyang sikmura. Ilang minuto na ay nagsusuka pa din siya at halos tubig na lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.Sinakmal siya ng kilabot. Napaawang ang labi niya ng maisip na hindi siya dinatnan ng buwanang dalaw noong nakaraang buwan!Wala sa plano niya ang mabuntis. Hindi ngayon at hindi kailanman. Tuliro siya at hinilamusan ang mukha. Kailangan niyang makatiyak. Nagpunta siya sa pinakamalapit na clinic. Nanginginig ang katawan niya habang naghihintay ng resulta. Tinawag siya ng duktor at pinapasok sa loob.“Congratulations, misis. You’re two months pregnant,” tila bombang pinasabog ang balita.Tulalang lumabas siya ng clinic. Hindi niya alam ang gagawin. Magsisimula na siya ng panibagong buhay sa piling ng kanyang tatay. Mukhang may ibang plan
“Paano naayos ang kaso? Paano tayo nakalaya? Mabigat ang ebidensya laban sa atin,” tanong ni Gab kay Ryder.“Gab, Gab, hindi mo alam kung gaano kamakapangyarihan ang Kapatiran Mob. May tao tayo sa loob, ‘di ba? Mas mataas pa sa Aragon na ‘yan! At kung kumanta ka at nalaman ng mga pulis ang totoo, malamang hindi ka na sikatan ng araw sa kulungan. Tamang desisyon ang ginawa mo.”Napalingon si Gab sa presinto. Isang bahagi sa kanya ang gustong bumalik. Gusto niyang sabihin kay Justin ang buong katotohanan. Ngunit alam niyang hindi siya nito papaniwalaan. At dapat lang na tapusin na niya ang kahibangan.“Sumakay ka na. May bagong instructions ang Kapatiran Mob. Gusto kang makausap ng lider.”Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang papasok sa van, para bang lalong lumayo ang pagitan ng tama at mali. Ngunit wala na siyang pwedeng takbuhan.Bago pa siya tuluyang makapasok ay dumating si Justin. Napaatras siya, tila naubusan ng lakas. Hindi siya makakibo, pero tumitig
Nagmamaneho si Gab ng mapansin niyang may sumusunod sa kanila ni Justin. Hindi lang isa kundi dalawang sasakyan. Sumilip si Justin sa bintana.Nag-takeover ang isang patrol car.“Justin! Ngayon na!” sigaw ni Lance.Kinabig niya ang manibela ngunit hindi na niya naituloy. Nakatutok ang baril ni Justin sa kanyang sentido. Daig pa niya ang natuklaw ng cobra at unti-unting kumakalat ang kamandag sa kanyang katawan tapos ay binagsakan siya ng bomba. Ganoon kadurog ang puso niya.Sa likod ng sasakyan, nakaposas na si Ryder, hawak ng mga tauhan ni Lance. Nangingisi ito.“Gab! Huwag ka ng magmalinis! Ikaw ang naglatag ng plano! Alam ng lahat, ikaw ang utak nito! Kaso tiklo tayo! Kitakits na lang sa loob,” anitong tila baliw.Tulala siya, nanlalambot at naginginig ang kanyang kalamnan. Hindi niya maihakbang ang mga paa. Naramdaman na lang niya ang matalim na tingin ni Justin.“Gabriella Belmonte, you’re under arrest!” parang batingaw sa tenga niya ang sinabi ng binata.Naramdaman na lamang niy
Tahimik ang buong kabahayan ng dumating si Justin galing sa headquarters. Tila walang anumang tensyon, ngunit sa loob ng puso niya, naglalagablab ang galit dahil sa pagtataksil ni Gab. Hindi niya sinabi kay Gab na alam niya ang pakikipagtagpo nito at ni Ryder.Kababalik lang ni Gab mula sa labas, agad itong pumasok ng banyo upang maligo. Nakatapis pa ng tuwalya habang kinukuha ang damit sa damitan. Hindi nito alam na mula sa bahagyang awang ng pinto ay nandoon si Justin, palihim na nagmamasid. Nakatayo siya sa gilid ng pinto at nakapako ang mga mata sa bawat kilos ni Gab.Nang buksan ni Gab ang isang maliit na drawer sa ilalim ng damitan, tumambad ang isang spare phone. Saglit itong hinawakan ng dalaga at agad na ipinasok sa isang bag, kasama ng charger.Hindi na siya nakatiis. Pumasok siya sa study room at isinara ang pinto nang mahina. Doon siya dumiretso sa table niya at agad binuksan ang kanyang laptop. May naisip siyang paraan.Sa loob ng silid, binuksan ni Justin ang security sy
Nasa harap ng laptop si Justin, lumapit si Lance. May iniabot itong tablet na naglalaman ng ulat mula kay Athena."Justin, nagbabalik si Athena. May bagong intel siya. Assassination attempt laban sa'yo. Biyernes, alas sais. Dalawa ang assassin, pawang mga beterano. Hindi pumapalya.”Nakuyom ang kamao, pero hindi nagpahalata ng takot."Ano pang sabi ni Athena?”“Magbibigay pa daw siya ng detalye kapag may bagong impormasyon.”"Matagal ko ng gustong makilala si Athena. Malaki ang pasasalamat ng kapulisan sa kanya.”“Ang nakakapagtaka lang, matindi ang bilin niyang protektahan ka. Hindi kaya isa sa mga admirers mo ‘yan sa kapulisan? Si Demi, Cindy, Ella?” anitong naglitanya ng mga pangalan ng babaeng kasama sa serbisyo.“Bro, imposibleng isa sa kanila si Athena. Well, one day, I know makikilala din natin siya. Wala pa siyang impormasyong pumalpak.”"Totoo ‘yan kaya intresado din akong makita siya. Anyway, magpapasok ako ng dalawang covert operatives sa mansyon ninyo at convoy sa kotse mo