Share

Kabanata 18

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2022-12-01 20:56:25
TAONG 2009 cont.

Natigil ang pagmunimuni ko nang marinig ang tawanan ng mga kamag-aral ko. Ang saya nilang naglalaro sa pool. Swimming team sila ng school namin.

Kasama nila ang kaklase at crush kong si Diego, ang dahilan kung bakit kahit paano sumisilay pa rin ang ngiti sa labi ko.

Makita ko lang ang guwapo at namumula niyang mukha, masaya na ako lalo na kung mapasulyap din siya sa kinaroroonan ko. Laking ginhawa ang bigay no'n sa puso ko.

Dito ako tumatambay sa pool kapag tapos na ang klase kaya lagi ko siyang napagmamasdan kahit sa malayo lang.

Isang sulyap pa kay Diego ang ginawa ko bago tumayo at umalis. Bitbit sa isipan ko ang guwapo niyang mukha at may ngiti pa sa labi.

Mabagal akong naglakad pauwi. Kung may ibang mapupuntahan lang sana ako, talagang hindi muna ako uuwi sa bahay. Pero wala dahil ayaw din sa amin ng lola ko. Kung buhay pa siguro ang lolo, buong puso niya akong patutuluyin sa bahay nila.

Sa kasamaang palad, pumanaw na siya at ang naiwan ang lola kong walang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Nilimot Na Alaala   Wakas

    VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 80

    DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 79

    Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 78

    VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 77

    Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 76

    DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status