Home / Romance / Nine Months To Say Goodbye / BOOK II: Chapter 109

Share

BOOK II: Chapter 109

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-09-04 23:27:57

"Bago lumubo ang tyan mo, kailangan kasal na kayo," panimula agad ni Mama, ni walang kaabor-abor ang pagkakasabi niya.

"P-Po?" gulat kong tingin kay Mama.

Ini-expect ko nang tungkol sa pagkakabuntis ko ang pag-usapan namin ngayon, pero hindi ko lubos maisip na sa kasal mapupunta ang usapan.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya pala masama ang pakiramdam ko tungkol sa pag-uusap na ito. Ito na pala ang rason.

Nalipat sa katabi kong si Renzo ang atensyon ko nang marahan niya akong hinawakan sa kama
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY TWO

    Nginitian ko lang siya at bumalik na rin sa upuan ko. Nakatitig lang siya nang tikman ko ulit ang sabaw ng luto niya. Hindi ko naiwasang mapangiwi nang malasahan ko ulit ito. "I told you…" aniya. Binaba ko ang kutsara ko saka ko siya tiningnan. "Masarap naman.." I gulped. "K-Kaso parang nasobrahan ata ng alat." Seryoso niya akong tinanguan, para bang tinatandaan niya ang komento ko. "In fairness, ha! Maganda pagkakaluto mo ng karne. Hindi siya matigas." komento ko pa nang manguya ko ang karne. "And for the eggplant," lumunok muna ako bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ayos din ang pagkakaluto mo. Sakto lang." ngiti ko na naman sa kaniya. Tahimik lang siyang nakikinig. Kumuha na din siya ng kutsara niya saka tinikman rin ang sariling luto. Muntikan na akong matawa nang mapangiwi siya saglit. "You're right. It's salty," nakatitig siya sa bowl ng luto niya. "Damihan mo na lang ang kanin mo kung pipilitin mo pa rin kainin 'to." Napangiti na lang ako sa kaniya. Hindi dahil sa sugges

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY ONE

    Nandito kami ngayon sa tambayan (Hideout nila). Dito niya ako dinala pagkatapos kong irant sa kaniya ng paulit-ulit si Sir. "Mabuti na lang talaga at 'di ka pumatay ng palaka. Tama na ‘yung ako lang ang nagsa-suffer ngayon." malungkot kong sabi.Nakaupo ako ngayon sa gilid ng lababo. Pinapanood siyang nagluluto. Nagbolunter kasi siya na ipagluto ako nang sa ganoon daw ay gumaan ang pakiramdam ko. Nawalan na din ako ng ganang pumasok sa susunod pa naming klase kaya pumayag na ako."Ah, huh." bulalas niya.Kanina pa ako nagrereklamo sa kaniya dito, habang siya'y abala sa niluluto. Hinahayaan lang niya akong magsalita. Tinatanguan at paminsan-minsan ay sinasagot naman niya ako. "Tapos ano… hindi ka maiiyak ng ganito." muli kong reklamo.Napalingon siya sa akin dahil medyo pumiyok ang boses ko. Huminga muna siya nang malalim bago ako nilapitan.“He’ll be punished, don’t worry.” he said then stared at me while gently tapping my head, trying to calm me down.Mas lalo lang akong naiyak nan

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: SIXTY

    "Oh, ba't 'di pumasok ang isang 'yun?" bungad sa akin ni Alyzza. Saglit niyang sinulyapan ang pintuan bago niya binaling ulit ang tingin sa akin. "May pupuntahan daw, eh. Babalik din naman daw mamaya." mahinahong sagot ko. Dala-dala ang garapon, sabay kaming naupo sa assigned seat namin. Napangiwi ako nang silipin ko ang loob nito. Dilat na dilat ang mukha ng palaka pero buhay pa naman. “Wear your gloves. We’ll start in just a minute.” utos ni Sir. Agad din naman namin dinampot ang kaniya-kainyang gloves na iniwan namin dito kahapon. Muntikan na akong masuka nang damputin ko ang palaka palabas sa garapon. Gumalaw-galaw pa ito na parang gusto ng kumawala. "Stay still. Huwag kang makulit." Inis kong bulong sa palaka. Using a pushpin, I smiled as I successfully pinned the frog to my assigned table. Napabusangot ako nang makita ko ang hitsura ng palaka. Parang naiiyak siya na ewan, o baka ini-imagine ko lang na ganoon? Nilingon ko si Alyzza at nakita kong mukhang parehas lang din

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: FIFTY NINE

    He shook his head. “What exactly did I say? As far as I remember, that’s not what I said. Think about it.”"Ah basta! 'Yun na 'yon!" sabi ko na lang.Tinikom ko ang bibig ko saka iniwas na ang tingin sa kaniya. Wala sa sarili kong hinawakan ang mainit-init pang kape ko nang…"Mikaela—" Huli na nang subukan niya akong pigilan. "Aw!" napadaing ako nang matalsikan ng mainit na tubig ang kamay ko nang bigla kong mabitawan ang baso. Mabilis niyang nahigit ang napaso kong kamay papunta sa may lababo. Hindi naman humahapdi pero kung maka-react naman ang isang 'to parang mababalian na ako ng braso. "Kuha muna ako ng petroleum." sambit ni Alyzza. Nginitian lang siya ni Daniel at umalis na para kunin ang petroleum. "Careful next time, tss." Carefulin mo mukha mo. Tss. "Okay lang naman ako." pabulong kong sabi.Diretso lang ang tingin ko sa bumubuhos na tubig galing sa gripo. Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kaniya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya nito.Mabuti na lang at

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: FIFTY EIGHT

    Akala ko lilipas na naman ang gabi na badtrip pa rin ako. Hindi ko kasi nagawa ang plano ko. Imbes na siya ang pagtripan ko, ako pa tuloy nadali. Parang naglaho na parang bula ang plano ko. Hindi man ata niya plinano, still, nasabotahe pa rin. I really can’t win against him, and it’s been proven time and time again. Just earlier, too.Gayun pa man, naging maayos naman ang buong gabi ko. Lalo na yung reaksyon niya kanina, ang epek! Nakakawala lang ng stress. Thanks to him kahit napagtripan na naman niya ako."Alam mo, nagiging weird ka na rin. Lagi na lang kita nahuhuling tumatawa mag-isa," sambit bigla ni Alyzza.Magkaharap kami habang nakahiga sa kaniya-kaniyang kama. Patagilid akong nakahilata sa kama, ganoon din ang posisyon niya. "Huwag mo nga akong idamay. Kayo lang 'yon." irap ko sa kaniya. Kanina pa niya ako tinutukso tungkol sa pagtawa ko habang nanghuhuli kami ng palaka. Ayaw ko man aminin pero nagiging weird nga talaga ako nitong nagdaang araw. Sino bang mag-aakala na yu

  • Nine Months To Say Goodbye    SPECIAL 1: FIFTY SEVEN

    Hindi ko siya pinansin, bagkus, pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Laking bwisit ko nang wala pa rin akong nahanap na palaka. Para bang ayaw nila makisama sa plano ko."Here…" "AHH!" Napatili ulit ako nang ipakita ulit ni Daniel sa harap ko ang hawak niyang palaka. "Chill. Baka makawala na naman." aniya saka niya inilayo ang palaka sa akin.Binuksan niya ang nakalatag na garapon na dala namin kanina, at agad niya itong sinara nang naipasok na niya sa loob ang palaka. Sunod ay kumuha siya ng patalim na ewan ko saan niya nakuha saka niya binutasan ng maliit na hole ang takip nito. Sabi kasi ni Sir, kailangan dalhin namin bukas ang palaka na buhay na buhay. Napangiti ako nang mapagtantong may maipapasa na ako bukas. Nakangisi niyang inabot sa akin ang garapon. Masaya man ako pero hindi ko sa kaniya ipinahalata. "Thank you." seryoso ko itong tinanggap. "May kapalit 'yan, Mikaela. Wala ng libre sa panahon ngayon." nanunuya niyang sabi. I sighed with disbelief. "What is it ag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status