LOGINHindi ako halos nakatulog nang maayos dahil sa tunog ng ulan sa labas at ang ideya na may isang Raz Jornales na hindi pa umaalis sa labas. Kaya naman kinaumagahan ay hirap na hirap ako sa pagbangon dahil sa bahagyang pananakit ng ibang parte ng katawan ko. Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ay sinalubong agad ako ng amoy ng masarap na sinangag at pritong tuyona alam kong nanggagaling sa maliit at tagpi-tagpi kong kusina. "Good morning, Veronica." Napaatras ako nang makita si Raz na nakatayo sa tabi ng kalan ko, suot pa rin ang masikip na t-shirt na ibinigay ko kagabi. May hawak siyang sandok at nakangiti siya sa akin, isang klase ng ngiti na akala mo'y hindi siya nanggaling sa matinding ginaw at ulan ilang oras lang ang nakalilipas. "Anong ginagawa mo? At bakit... bakit ang dami niyan?" lito kong tanong ko habang nakatingin sa mesa na may nakahandang almusal at isang pitsel ng sariwang buko juice. "I prepared breakfast. And I already boiled some water for your bath. It's in the buc
Pagod na pagod ako nang makarating na ako sa kubo. Pagpasok ko ay agad kong ni-lock ang pinto at sumandal doon habang hinahabol ang hininga, kasabay ng tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha ko. Akala ko ay matatauhan na si Raz pagkatapos ng mga sinabi ko, pero hindi. Nang sumilip ako sa maliit kong bintana ay nakita kong sinundan niya pa rin ako. Nakatayo siya ngayon sa ilalim ng puno ng niyog, ilang metro ang layo sa hagdanan ng kubo ko. “Ano pa ba'ng gustong marinig ng isang ’to?!" inis kong bulalas sa sarili. Nanatili lang siyang nakatingin sa direksyon ng pinto ko. Sa inis ko'y padabog kong isinara ang kurtina at pabagsak na humiga sa papag. Nagtalukbong ako ng kumot, at pilit na nagtulog-tulugan huwag lang sumagi sa utak ko ang presensya niya sa labas. Bahala siyang mabulok doon! Sa pagkukunwari ko ng tulog ay hindi ko namalayang nakatulog nga ako. Nagising ako nang alas-tres ng madaling araw dahil sa malakas na kulog. Kasunod nito ang paghagupit ng ulan sa bubong na nipa. Na
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong lumapit kay Raz at hinigit siya sa braso. "Sumunod ka sa akin!" singhal ko bago siya tuluyang kinaladkad palabas ng bakery. Nang makalayo na kami nang kaunti sa pintuan, kung saan hindi na kami masyadong maririnig ng mga kasamahan, hinarap ko siya nang may nag-aapoy na mga tingin. "Ano bang ginagawa mo?! Anong mag-aapply? Hibang ka na ba?! Isang Jornales, magtatrabaho sa isang maliit na bakery? Para saan? Nang-aasar ka ba?!" sunod-sunod kong hiyaw sa kaniya. Nanatiling siyang tahimik. Ang madilim at matigas niyang awra kanina ay unt-unting naglalaho habang pinapanood niya akong mag-estiriko sa harap niya. Sandali siyang hindi umimik, pero maya-maya lang ay bumuntong-hininga siya nang malalim bago sandaling tumingin sa kaniyang mga sapatos. Nang mag-angat siya muli ng tingin sa akin ay doon natigilan ako. Wala na ang matatalim at mapanghusga niyang mata na bumati sa akin sa beach. Ang pumalit ay ang mga matang nanlalambot at punon
Lumabas ako ng suite ni Raz na tila hinahabol ng sarili kong hininga. Ang hangin sa labas ng kwarto ay malamig, pero ang pakiramdam ko ay parang nanggaling ako sa isang takbuhan, kinakabahan na naiiyak na hindi ko maintindihan. "Anna! Ayos ka lang ba? Anong nangyari? Anong sinabi niya?" sunod-sunod na tanong ni Lando habang mabilis na sumasabay sa paglalakad ko. Bakas sa boses niya ang matinding pag-aalala, habang ang mga kamay niya ay nag-aalangan kung hahawakan ba ako para pakalmahin. Huminto ako saglit at huminga nang malalim, pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Lando, please... p-puwede bang umuwi na muna tayo?" pabulong kong sagot. "Gusto ko na lang umuwi." Nakita ko ang pagbagsak ng mga balikat niya. Alam kong naguguluhan na talaga siya sa nangyayari, at alam ko ring marami siyang gustong itanong tungkol sa mga nasasaksihan niya, pero nanaig pa rin ang pagiging maunawain niya. "Sige," mahina niyang sabi habang sinasabayan ako sa paglalakad sa ilalim ng liwana
Gabi na nang maisipan kong lumabas ng kubo. Kung pwede lang sana na huwag nang siputin si Raz, gagawin ko… pero alam ko na kahit papaano, gusto ko rin malaman ang saloobin niya sa lahat ng nangyari. Bukod doon, alam ko ring hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kung hindi ko siya pupuntahan sa resort na sinabi niya, baka mamaya ay sunugin niya ang buong probinsya. Ayaw ko namang mangyari ’yun. Ngunit paglabas ko pa lang ng kubo ay isang pigura ang tumayo mula sa madilim na bahagi ng hagdanan ko. Halos mapatalon ako sa gulat. "Lando? Anong ginagawa mo rito?" "Sasamahan kita," maikli at seryoso niyang sagot, ang mukha niya ay puno ng determinasyon na tila handang makipagbakbakan anumang oras. "Lando, hindi na kailangan. Kaya ko na 'to, okay?" pagtanggi ko, bagaman ang totoo ay kinakabahan din ako kahit papaano. Ayaw ko lang talaga na may madamay sa problema kong ’to. "Kaya mo? Anna, o Veronica... nakita ko kung paano ka manginig kanina sa harap niya," an
Napasinghap ako nang biglang nanginig ang kalamnan ko. "R-Raz... anong ginagawa mo rito?" Malamig niya akong tiningnan, pagkatapos ay sinipat niya ang dulo ng suot kong apron na may bahid pa ng harina bago muling tumingin sa mga mata ko. "Is that how you address a customer's order in this... establishment?" aniya sa isang baritonong boses na puno ng sarkasmo. "I believe I asked for coffee and bread. Or has 'Anna' forgotten how to do her job because of a ghost from her past?" "Raz…" bahagya akong lumunok upang ikalma ang sarili. “Please... umalis ka na," pabulong kong pakiusap dahil sa takot na baka ibunyag niya dito ang totoo kong katauhan. "Huwag dito." "Why? Are you afraid that your little fantasy here will crumble?" He leaned forward, his hands gripping the edge of the wooden counter. "I didn't travel this far to be dismissed by a woman who’s supposed to be dead to the world." Sa tindi ng tensyon at sa panginginig ng mga kamay ko, hindi ko napansin na lumabas na pala si Lando







