LOGIN
(Alina’s POV)
Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang araw na ito. Tahimik lang ako sa gilid ng kabaong ng tatay ko, hawak ang luma niyang rosaryo na siya ring iniwan niya sa akin bago siya pumanaw. Wala akong kasama. Ni ang nanay ko, hindi man lang nagpakita. Sabi nila, nasa probinsya na raw siya, may bago nang pamilya. Galit na galit ako noon, kasi buong-buo siya tapos ako, durog. Kahit maraming tao sa paligid, pakiramdam ko sobrang nag-iisa ako. Hanggang sa bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat ay napalingon, pati ako. At doon siya dumating, matikas, naka-itim na amerikana, matangkad at malapad ang balikat. Parang biglang huminto ang oras. Si Ninong Sebastian. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bata pa lang ako, lagi ko nang naririnig ang mga kwento tungkol sa kanya, na istrikto siya, na matapang siya, na walang inuurungan. Kaya kahit pa siya ang nagbibigay ng pinakamahal na regalo tuwing Pasko sa akin, lagi kong iniiwasang lapitan siya. Ngayon, heto siya sa harap ko. Mas lalong nakakatakot kaysa sa alaala ko. May nagbago sa kanya, lalong bumigat ang aura niya. Lumapit siya sa kabaong ng tatay ko at saglit na tumigil. Walang emosyon ang mukha niya, pero kita ko ang bigat ng titig niya. Pagkatapos, ibinaling niya ang tingin sa akin. “Alina. Condolences, ha?” Parang nanigas ako. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o tatakbo. “Ni—Ninong,” halos pabulong kong sagot. “Wala ka na bang kasama sa buhay?” tanong niya, diretso ang tono, walang paligoy-ligoy. Umiling ako. Pilit kong pinahid ang luha sa pisngi. “Wala na po.” Ilang segundo siyang tumahimik, pero ramdam ko ang bigat ng titig niya. At pagkatapos, sa malamig pero mariing tinig, sinabi niya ang mga salitang bumago sa lahat. “Simula ngayon, sa akin ka na.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napakagat ako sa labi dahil sa gulat. “Po?” Diretso siyang tumingin sa akin. “Ako ang ninong mo. Responsibilidad kong alagaan kita.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Totoo, wala na akong ibang mapupuntahan. Pero siya? Ang ninong na kinatatakutan ko noon pa? Siya ang magsisilbing tatay at tahanan ko ngayon? Pagkatapos ng libing ni tatay, hindi ko na gaanong naalala ang mga nangyari. Para akong lumilipad. Ang huling malinaw lang sa akin ay nang dinala ako sa isang itim na kotse at narinig ang malamig niyang boses. “Sumakay ka na sa kotse ko. Huwag kang matakot.” Pero paano ko gagawin iyon? Kung siya mismo ang dahilan kung bakit nanginginig ako sa takot? Habang umaandar ang sasakyan, nakatingin ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod. Sa gilid ng mata ko, ramdam ko ang presensya niya. Tahimik siya, pero alam kong nakabantay siya sa akin. “Alina,” tawag niya bigla Halos napatalon ako. “Opo, Ninong? Ano po iyon?” Nakatingin siya diretso sa akin. “Mula ngayon, sa bahay ko na ikaw titira. May mga rules lang akong ibibigay sa iyo. Susundin mo lahat ng iyon, ha.” Kinabahan ako. “R-Rules po? Ano pong rules?” Bahagyang tumango siya. “Hindi ka na mahihirapan. Hindi ka na magugutom. At higit sa lahat… hindi ka na mag-iisa.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bigat at lambing sa huling sinabi niya. Pagdating namin sa dulo ng biyahe, bumungad sa akin ang isang napakalaking mansyon. Maliwanag, malawak at parang ibang mundo. Pero sa taas ng pader at bigat ng gate, hindi ko maiwasang isipin kung ito ba’y magiging tahanan o kulungan. “Welcome na welcome ka sa bago mong bahay,” malamig niyang sabi. Sa unang gabi na iyon, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Ito na ba ang simula ng bagong buhay ko… o simula ng mas malaking takot na hindi ko pa kayang harapin? Habang pinapasok ako ng mga tauhan sa loob, ramdam ko ang bawat yabag ko sa marmol na sahig. Ang laki ng loob ng bahay, mga chandeliers na kumikislap, hagdang yari sa kahoy na imported siguro, at mga kuwartong parang hindi ko kayang bilangin sa sobrang dami. Nasa tabi ko si Ninong, tahimik lang. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hindi rin ako makatingin sa kanya nang diretso. Pakiramdam ko, bawat galaw ko ay may matang nakabantay. “Simula bukas,” sabi niya habang umaakyat kami sa hagdan, “Magpapadala ako ng tao para turuan ka kung paano ka makikibagay dito. Hindi ka na mag-aaral sa lumang university kung saan ka nag-aaral. Ako na ang bahala sa lahat ng kailangan mo, basta magsabi ka lang sa akin, ha.” Para akong nahulog sa upuan. “Po? Pero… pero Ninong, doon po ako—” “Alina.” Pinutol niya agad ang sinasabi ko. Mahina lang, pero mariin. “Sa akin ka na simula ngayon. Ako na ang magdedesisyon sa lahat ng kailangan mo.” Doon ko naramdaman ang tunay na bigat ng sitwasyon. Hindi lang ako basta kukupkupin. Mula ngayon, nasa ilalim na ako ng mundo niya. Pag aari na niya ako. At iyon ang bagay na pinakanatatakot ako. Dinala niya ako sa isang kwarto. Pag-upo ko sa kama, hindi ko maiwasang ikumpara ang dati naming bahay. Kung dati’y manipis na kutson lang ang hinihigaan ko, ngayon ay parang nilulon ako ng malambot na ulap. Pero kahit gaano kaganda iyon, hindi pa rin mapawi ang bigat sa dibdib ko. Binuksan ko ang bintana at tumingin sa labas. Kita ko ang malawak na hardin, ang fountain na kumikislap sa ilaw ng buwan. Pero sa taas ng pader at gate, pakiramdam ko nakapaloob ako sa isang kulungan. Napapikit ako at napa-hinga nang malalim. ‘Alina, tanggapin mo na lang. Ito na ang bago mong buhay.’ Lumipas ang ilang oras, pero hindi ako makatulog. Paikot-ikot ako sa kama, pero parang may nakabuntot na kaba sa dibdib ko. Siguro dahil hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin bukas. Narinig ko ang mahinang pagtunog ng orasan. Ala-una na ng madaling araw. Kinuha ko ang rosaryo ng tatay ko at mahigpit na hinawakan. “Tay, sana nandito ka pa. Hindi ko alam kung kakayanin ko ‘to.” Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Napaangat ako ng ulo, at halos tumalon sa gulat nang makita kong si Ninong Sebastian pala iyon. Nakatayo siya sa may pinto, nakasandal, nakasuot ng itim na pajama at puting shirt. Kahit simpleng damit, halatang-halata ang tikas niya. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang titig niya. Diretso, matalim, parang nababasa niya ang iniisip ko. “Hindi ka pa natutulog,” sabi niya. Hindi tanong, kundi pahayag. Agad akong napayuko. “Hindi po ako makatulog, Ninong. Pasensya na po.” Tahimik siya sandali, saka naglakad papasok. Umupo siya sa gilid ng kama, at para akong nanigas. Hindi ko alam kung anong gagawin ng kamay ko, kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa rosaryo. “Sanay ka pa lang sa maliit na lugar,” mahina niyang sabi. “Kaya nahihirapan ka rito.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano niya nahulaan, pero totoo iyon. “Magiging mabigat sa una,” dagdag niya, “pero masasanay ka rin. Basta’t tandaan mo, ligtas ka rito.” Napatingin ako sa kanya. Sa unang pagkakataon, may nakita akong ibang anyo sa likod ng malamig na mukha niya. Parang may tinatagong lambing. Pero bago pa ako makapagsalita, tumayo siya. “Matulog ka na. Bukas, magsisimula na ang panibagong buhay mo.” At iniwan niya akong nakatulala, hawak ang rosaryo at mas lalo akong hindi nakatulog. Dahil sa halip na lungkot lang ang iniiyak ko, may bago akong nararamdaman na hindi ko pa kayang pangalanan sa ngayon.Hindi ko lubos akalain na mangyayari ito. Ang babaeng pilit naming iniiwasan ni Ninong Sebastian ay nasa harapan na namin, kasabay naming kumain at masayang kausap ang nanay ni Ninong.Saglit kong tiningnan ang mukha ni Ninong noon, gusto kong tingnan kung ayos lang ba siya. Pero, iba iyong nakita ko. Galit na galit ang itsura niya at parang hindi na niya iyon mapipigil pa.Wala naman akong magawa dahil bukod sa malayo kami sa isa't isa, ramdam ko na hindi rin magugustuhan nina Claire at Tita Felicia na makita na ganoon kami sa harap nila. Tahimik lang akong nakaupo habang kumakain, paminsan-minsan ay napapansin ko na tumitingin si Ninong Sebastian sa akin pero pilit kong tinatago iyon dahil baka mapansin ako ni Claire.“Oo nga pala, anak. We are going to have a party this weekend. I invited Claire to be there for us,” sabi ni Tita Felicia na labis naming kinagulat ni Ninong Sebastian.“Party? For what, Mom? Hindi niyo naman po birthday, di ba?” sabi ni Ninong Sebastian. “It’s just
Hindi ko inaasahan na pag-uwi namin ni Ninong Sebastian ay may makikita kaming ibang tao sa mansion. Buong biyahe ay tahimik lang ako. Pagod ako pero magaan ang pakiramdam ko. Ilang araw din kaming nawala at nagkaroon ng oras para sa isa't isa. Kahit papaano, nakalimutan ko muna ang mga problemang matagal nang gumugulo sa isip ko. Hindi ko nga rin alam na doon ko rin pala ibibigay ang pagkababae ko. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa.Pagkapasok namin sa driveway ng mansion, agad kong napansin ang dalawang sasakyang nakaparada sa harapan. “May bisita ka?” tanong ko kay Ninong Sebastian.Umiling siya habang nakatingin sa mga sasakyan. “Wala akong inaasahan. Saka, hello. Tayo ang magkasama. Paano mangyayari na may bisita ako? Saka, wala naman akong kausap noong pauwi na tayo rito.”Napakunot ang noo ko. Sino nga kaya ang bisita sa mansion kung wala naman siyang inaasahan? Pagbaba namin ng sasakyan, agad kong napansin na bukas ang mga ilaw
Alas otso na ng umaga nang magising ako. Naramdaman kong wala na pala akong katabi sa kama. “Nasaan siya?” Inikot ko ang tingin sa paligid ngunit walang Sebastian ang nasa apat na sulok ng hotel.Napanguso ako ng maisip kong baka matapos kong naibigay ang virginity ko ay iiwan na niya ako. “Hindi na bale. Hindi ako magsisising sa kaniya ko ibinigay ang pagkababae ko.” Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang lahat. “Kung iniwan ako ni Sebastian, mas mabuting umuwi na lang din ako.Ang sakit ng katawan ko! Lalo na ang pagitan ng aking hita. Tumayo ako upang pumunta sa banyo. Ngunit nanlaki ang aking mata nang makita ang pulang mantsa sa kobre kama. Nakakahiya!!! Napakagat labi ako habang nag-iisip kung paano ko lilinisin ang comforter na iyon. Puti pa man din.Sinubukan kong tupiin ang comforter nang nagulat akong may brasong pumulupot sa aking baywang. Agad kong nilingon kung sino iyon at nakahinga ako ng maluwag, nang makita si Sebastian.”Anong ginagawa mo?” Tanong ni Sebastian.“Ah--
Ilang minuto na mariing nakapikit ang mga mata ko, ngunit tila may anghel na dumaan sa tahimik ng paligid. Idinilat ko ang kanang mata ko upang silipin kung may kausap pa ba ako o wala, at nakita kong nakatayo lamang siya sa aking harapan.Ano kaya ang kaniyang iniisip? Tahang tanong ko sa aking isipan.Maya-maya ay muling lumapit siya sa akin at isinabit sa aking tenga ang mga takas kong buhok.“Sigurado ka bang okay lang sa’yo?” tanong niya.Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ikinuyom kong muli ang aking mga kamay at marahang napatango sa kaniyang tanong.“Don’t worry. I’ll be gentle.” saad ni ninong.Muli niya akong hinalikan… Mas marahan at may pag iingat. Hindi ko aakalaing magiging ganito siya sa akin… Para bang ako ay isang mamahalin at babasaging bagay na dapat pag-ingatan.“Okay lang?” Tanong niya sa akin habang hawak ang dulo ng suot kong damit upang iaangat ito.Nag-iwas ako ng tingin ngunit tumango parin sa huli bilang pagpayag sa kaniyang gagawin. Hindi ko nga alam kung
(Alina's POV)Nakaupo kami pareho sa kama habang naghihintay ng muling pagbabalik ng ilaw sa bahay. Ngunit isang oras ang lumipas at hindi pa rin bumabalik ang ilaw. Mula sa maliit na liwanag na nagmumula sa aking cellphone, nakita ko ang butil ng pawis na tumutulo mula sa kanyang noo pababa sa kanyang leeg. Napalunok ako bigla at nag-init ang aking mga pisngi. Pawis lang naman iyon, pero bakit parang ang hot ni Ninong Sebastian? Dahan-dahang napababa ang tingin ko sa kaniyang suot na damit na ngayon ay nababasa na rin ng pawis. Mas lalong nag-init ang aking pakiramdam at napapaypay akong bigla sa aking sarili.“Naiinitan ka din ba? Gusto mo ng tubig? Kukuha ako. Maiwan ka muna rito.” Sabi niya ng mapansin ang pagpaypay ko sa aking sarili gamit ang aking kamay.Hindi ko namalayang napatango ako na tila nahipnotismo. Sinundan ko na lang siya ng tingin nang tumayo siya at lumabas ng kwarto upang kumuha ng tubig.
(Alina’s POV)Pagdating ng gabi, mas lalo pang lumamig ang buong Tagaytay.Nasa dining area kami ni Ninong Sebastian, at habang kumakain, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kasaya ngayong gabi. Ilang beses na rin niya akong pinagsabihan na kumain nang maayos dahil kanina pa raw ako puro kape at kaunting pagkain.“Alina, dagdagan mo pa ‘yan,” biglang sabi niya sa akin.”“Busog na ako, Ninong,” sagot ko naman.“Ninong pero hinahalikan mo? Alina, tayong dalawa na lang naman ang nandito. Huwag mo na ko tawagin ng ganyan.” Ngumiti si Ninong Sebastian sa akin nang pilyo.“Ni–Sebastian, busog pa nga ako,” mariin kong sagot.“Dalawang kutsara pa ‘yan. Ubusin mo na.”“Pero busog na talaga ako.”Tinaasan niya ako ng kilay. “Gusto mo ako ang magsubo sa’yo? Sige ka, iba ang isusubo ko sayo.”Napatawa ako. “Grabe ka naman. Nasa dining tayo, ha. Umayos ka.”“Eh di kumain ka kung gusto mong umayos ako.”Napailing ako pero napangiti rin habang dinadagdagan ang pagkain sa plato ko. Hindi ko







