Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ngunit walang Francesca ang lumitaw. Gayunpaman, hindi nawalan si Javier ng pag-asa na makita pang muli ang kaniyang inaanak. Buo ang tiwala niya na buhay pa si Francesca at muli itong babalik. Napabuntong hininga siya habang tanaw ang sunrise sa tahimik na dalampasigan. Nasa private resort siya nang mga oras na iyon. Ipinasyal niya ang kaniyang anak upang makapag-enjoy ito kasama niya. Buti na lamang at palaging naririyan si Danica, handang samahan ang anak niyang si Lewis sa anumang oras. Hindi naman sila nahirapang masyado kahit pa minsan ay hinahanap nito ang ina. Naibabaling naman nito kaagad ang pansin sa maraming bagay gaya ng pamamasyal at laro. Nalilibang kapag kasama siya. Ibinibigay niya sa anak ang lahat ng kagustuhan o anumang hilingin nito. Para lamang sa ikasasaya ng anak. Gayunpaman, minsan ay hindi nawawala ang lungkot at awa niya sa kaniyang anak. Lumalaki itong walang ina at ayaw niyang magpatuloy iyon nang matagal. Su
Hindi tumigil si Javier na hanapin ang lokasyon ni Dionisio. Pinasundan niya ito sa secret agent niya. Nang matagumpay na matunton ang lugar nito ay kaagad siyang naghanda para harapin ang lalaki. Malaki ang duda niya na may kinalaman ito sa biglaang pagkawala ni Francesca.“Alam mo na ang ipinunta ko rito,” kalmado ngunit seryoso niyang saad nang tanungin siya nito nang siya'y makapasok. Alam niyang nasa teritoryo siya ni Dionisio. Anumang oras ay maaari siya nitong patayin kaya't lihim siyang naghanda kung sakali mang magkainitan silang dalawa. Tumawa ito sa harapan niya. Kahit pa naiinsulto ay pinili niyang maging kalmado.“Talagang nababaliw ka na, Javier. Bobo ka ba o talagang tanga ka lang.” Ini-spread pa nito ang mga kamay. “Nakikita mo bang napapalibutan ka ng mga tauhan ko? Anumang oras ay pwede kitang patayin dito sa teritoryo ko. Sino ang makakaalam kung ipatutumba kita, ngayon mismo?” may halong paninindak ang boses nito.“Hindi mo alam na mas lamang ako dahil napapalib
Ilang araw na niyang pinaghahanap si Francesca ngunit walang makapagsabi kung nasaan na ito. Maging si Manang Lena nang tawagan niya ay sinabing hindi nito alam kung nasaan na ito naroroon. Matagal na raw kasing hindi nakatutuntong ng mansion si Francesca. Ayon pa rito, nang tumawag ito sa ina na si Trinidad upang ipa-check kung bumalik sa Cagayan ang alaga ay nabigo ang ginang sa naging sagot ng matanda. Dahil mula nang araw na iyon ay hindi na raw nakita pang muli sa Cagayan ang kaniyang inaanak. Hanggang ngayon raw ay nakasarado pa rin ang bahay. Walang nakatira, at wala raw itong nakita ni anino ni Francesca. Kinakabahan na siya. Paano kung may nangyari ritong masama at kagagawan iyon ni Dionisio? Kailangan niyang komprontahin ang kinikilalang ama ni Francesca. Talagang sumusobra na ito. Hindi na tama ang ginagawa ng lalaki. Nakuyom niya ang kamao at tiim-bagang na tinitigan ang windshield ng sasakyan. Saan niya ngayon hahanapin ang ina ng kaniyang anak? Bakit biglaan na lama
Hindi na maalis sa isipan ni Francesca ang kaniyang mga natuklasan kanina. Sabi na nga ba’t may itinatagong pagiging halimaw ang ama niya. Doon pa lang ay nalaman na niyang hindi nga dapat pagkatiwalaan ang kaniyang ama. Kaya pala noon pa mang nabubuhay pa ang ina niya ay wala na itong masyadong oras sa pamilya. Kaya pala dati hindi niya halos mahagilap sa bahay ang kaniyang ama dahil totoo nga'ng may iba itong babae. At iniiputan sa ulo ang kaniyang ina. Walang duda na ang mga ito nga ang totoong dahilan ng pagkasawi ng kaniyang kapatid at ina. At kahit nabubuhay pa noon ang ina niya ay niloloko na ito ng dalawa. Talagang napakawalang puso ng mga ito. Mga malulupit na nilalang na hindi dapat tularan at mas lalong hindi nararapat dumami. At ni hindi nararapat magtagal sa mundo. Kuyom ang kamaong tumingin siya sa bintana ng eroplano. Nasa ibabaw sila ng mga ulap. Patungo siya nang mga oras na iyon sa Cagayan upang makita at makasamang muli ang kaniyang anak. Masakit sa loob na iniwa
Buti na lamang at naging maayos naman ang naging muling pagtanggap sa kaniya ng ama niya. Sa wakas ay nadala rin ito ng kaniyang mga salita. Pero, hindi siya dapat maging kampante dahil kilala niya ang ama. Anumang kamalian ay may kabayaran. Anumang pagtraydor ay may hangganan. Hindi niya alam kung ano rin ang binabalak nito. Sana nga ay maniwala ito sa kaniyang binitiwang mga salita na walang pagdududa. Dahil siya man ay pinagdududahan niya ang kaniyang sariling ama. Hindi maiwasan ni Francesca na pagdugtungin ang mga natuklasan mula kina Javier at Manang Lena. Sigurado siyang may kinalaman ang kaniyang ama sa nangyari sa kaniyang kapatid at ina. Na kung bakit hanggang ngayon ay walang maituro at mapatunayang sangkot sa nangyari. Walang resulta sa imbestigasyong nalipasan na nang panahon. Kapag napatunayan niyang sangkot sina Attorney Selina at ang kaniyang ama. Sisiguraduhin niyang mabubulok ang mga ito sa bilangguan. At kahit pa hindi niya natapos ang pag-aaral ng law sa Ameri
“Naririto na ako, saktan n'yo ako hangga't gusto mo. Sampalin mo ako, gaya nang ginagawa mo sa ‘kin. Dun ka naman magaling ‘di ba, dad? Pero, kahit anong gawin mo, hindi ako susunod sa pinagagawa mo sa ‘kin. Ayokong pakasalan ang sinumang hindi ko gusto at lalong hindi ko kilala,” bungad niya sa kaniyang ama nang makaharap niya ito.“Kung pagiging pinuno lang rin naman ang gusto mo at ang habol mo para maging tagasunod mo diyan sa organisasyong sinasabi mo. Kahit babae ako, kaya kong pangatawanan kung anuman iyang kagaya ng ginagawa mo,” dagdag niya. Mataman siya nitong tinitigan. Tumayo ito mula sa swivel chair. Inaasahan na niyang makatatanggap siya ng isang malutong na sampal mula sa kaniyang ama dahil sa pagsuway niya rito at sa pagtakas niya ngunit hindi iyon ang nangyari. Bagkus ay kumuha ito ng isang tobacco at sinindihan iyon. Pagkatapos ay nagpakawala ng makapal na usok mula sa bibig. Sinundan lamang niya ito ng tingin. Nagpalakad-lakad ito sa kaniyang harapan na may hawak