Share

Chapter 36 [Pagtataka]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-06-06 23:02:35

Narinig niya ang pag-ring ng intercom na nakapatong sa side table. Sinagot niya iyon.

“Yes, hello?”

Tumingin sa kaniya si Manang Lena nang may kahulugan.

“Sige, papasukin mo at pahintayin mo sa living room, sabihin mo bababa na ako,” utos niya sa katulong na tumawag mula sa baba.

“Si Sen. Javier?” usisa nito.

Tumango siya bilang tugon.

“Hanggang kailan mo ba ililihim iyan sa ama mo?”

Napatitig siya sa mga mata nito. Hindi niya alam, nagdadalawang-isip pa siya. Medyo magulo pa, lalo na ang isipan niya.

“Hihintayin mo pa ba na magkabukohan muna? Francesca, hija, mas mainam na sabihin mo na sa ama mo ang katotohanan. Malay natin baka mas maunawaan ka pa niya. Kesa naman malaman niya sa iba, hindi ba?” May lungkot sa mga matang saad nito nang hawakan siya sa kamay.

“Anak ka niya, maiintindihan ka nun. Kahit sabihin nating matapang o nakakatakot ang ama mo. Mas pipiliin ng magulang na mapasakamay ang anak nila ng mabuti at mapagkakatiwalaang lalaki. Kung ipaliliwanag mo sa kaniya ng ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 153 [Pagsisisi]

    Napahandusay si Lucas. Muli pa sana itong lalapitan ni Javier para suntukin nang pumagitna siya at kaagad na yumakap sa kaniyang asawa. Tinapunan ito nang matalim na tingin ng senador saka siya hinawakan sa braso at napasunod na lamang nang hilahin. Tinawagan ni Javier ang mga guard para paalisin si Lucas sa building. Sinundan na lamang sila nito ng tingin habang papalayo sa lalaki. Napalingon siya rito.Tahimik silang pareho ng senador habang nasa loob ng elevator. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Alam niyang galit pa rin hanggang ngayon si Javier. Napahigpit siya ng hawak sa asawa nang biglang magkaproblema sa lulan nilang elevator. Bigla kasing nagbrown out kaya't na-stuck sila sa loob. Kinuha ni Javier ang cellphone ngunit nang makitang walang signal ay muli nitong isinilid iyon sa loob ng suit. Hindi maitago ni Francesca ang kaniyang takot. Iniisip na baka hindi na sila makalabas roon. Pero, may tiwala siya kay Javier. Hangga't kasama niya ito, ramdam niya na

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 152 [Pagbabalik ng Nakaraan]

    Nabunot ang tinik sa lalamunan ni Francesca dahil nabawasan na ang kanilang problema. Nakakalungkot lang isipin kung paanong paraan pinagbayad si Selina sa kasalanan nito. Hindi na siya umimik pa patungkol roon. Hindi pa rin siya pakampante kahit wala na si Selina, sapagkat buhay na buhay pa rin si Dionisio. Anumang oras ay maaari itong gumawa ng hakbang para tapusin sila. Dapat silang maghanda sapagkat nasa panganib pa rin ang kanilang buhay. Makalipas pa ang mga araw at linggo, nagsimula na silang mag-build up ng kanilang future ng kanilang anak. Inayos nila ang ilang mga negosyo at ari-ariang nakatiwangwang. Binalikan niya ang bahay sa Cagayan. Ginawa nila itong bahay-bakasyunan. Ang area naman na kaniyang nabili at napabayaan sa syudad ay ibinenta niya. Nag-focus si Francesca sa negosyong ipinasa sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Nagtatag sila ni Javier ng isang korporasyon para ipagsanib-pwersa ang apat na kompanya. Siya ang naging tulay ng muling pag-iisang dibdib ng nawa

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 151 [Balita at Eleksyon]

    Sa gigil ay halos punitin na niya ang hawak na newspaper. Nakatatak kasi roon ang mukha ni Selina patungkol sa balitang nangyari kahapon. Mahigit sampung katao ang na-food poison at na-drug nito kabilang na siya. Labis-labis na talaga ang perwisyong dala nito sa buhay nila. At ngayon, pati ang mga taong walang malay at tanging naki-celebrate lamang sa party ay nadamay pa. Marami ngayon ang nagpapahanap kay Selina, maliban sa kanila ni Javier. Sigurado siya sa mga oras na ito, ang ilan ay nagbabalak nang ma-salvage si Selina dahil sa ginawa ng abogada at nang mga kasabwat nito. Wala nang makapipigil pa sa galit ng mga kilalang negosyante at mayayamang may maraming koneksyon. Napailing na lamang siya at napatakla sa kaniyang kinauupuan. ‘Hinintay mo pa talaga na kamuhian ka ng lahat. Sigurado akong hindi na kulungan ngayon ang bagsak mo..’ bulong niya sa isipan na nagtatagis ang ngipin. Kung nakalabas man ito sa kulungan nung una dahil ginamit nito ang pagiging attorney. Sigura

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 150 [Food Poison]

    ‘Tama si Delta, may babala nga'ng hatid ang panaginip na iyon..’ Napasinghap si Francesca habang naglalaro pa rin sa isipan ang hindi makalimutang pangyayari matapos ng kanilang kasal ni Javier. Hindi niya maiwasan na maalala pa rin ang lahat kahit pa lumipas na nang ilang araw. Mula nang maikasal sila ni Javier at mangyari ang hindi inaasahan, naging tahimik naman nang muli ang takbo ng kanilang buhay. Nagpalamig muna sila. Makalipas pa ang isang linggo, nagpareserve sila sa isang five star hotel para sa gaganaping venue. Itinuloy nila ang naudlot na selebrasyon ng kanilang kasal. Muli nilang inimbitahan ang mga kamag-anak, kaibigan at kakilalang matataas rin ang impluwensya sa lipunan. Alas sais ng gabi.. maluwang ang ngiting kinamayan nilang dalawa ni Javier ang lahat ng mga bisitang dumating upang makisaya. Sa isang malawak na bulwagan, nagbigay ang mga ballroom dancers ng isang nakahahangang intermission number. Mula sa kumikinang na suot, hanggang sa matitikas na galaw at mal

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 149 [Sa Bath Tub]

    Nang makaakyat ng kwarto ay nakita niya sa malaking salamin ang kaniyang sarili. Ang eleganteng kulay puting gown na suot ay nabahiran ng maraming dumi. Kulang na lang ay magkulay abo na.‘Pati ba naman sa araw ng kasal ko, hindi pinalampas..’ Lumungkot ang kaniyang mata. Humugot siya nang malalim na hininga kasabay niyon, ang mabibigat na hakbang na nagtungo sa loob ng banyo. Nakahanda na ang maligamgam na tubig sa bath tub. Agad niyang hinubad ang suot niyang gown, saka dahan-dahang ibinabad ang kaniyang katawan doon. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata matapos sumandal. She inhaled deeply and then exhale. Narinig niya ang mga yabag ng paa sa kwarto. Maya-maya'y ibinuka niya ang talukap ng kaniyang mga mata nang maramdaman ang paghinto nito sa tapat niya. Nakita niya ang nakatayong si Javier na seryosong nakatingin sa kaniya. Tinitigan niya ito saglit saka muling ipinikit ang kaniyang mga mata. Naupo ito sa tabi ng bath tub.“Hindi ka pa ba maglilinis ng katawan?” mahinahon niya

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 148 [Takot at Kilabot]

    Hindi na nakapagpigil at dumukot na ng baril si Selina. “Patatagalin pa ba natin ‘to? Ano, Dionisio pasabugin na natin ang ulo ng dalawang ‘to!” panggigigil nito kasabay nang paghagip nito ng braso at paghatak kay Francesca. Mabilis naman ang kamay ni Javier at binawi siyang muli, mula sa babae. Niyakap siya ng senador at itinabi sa gilid nito. Mas lalo lamang uminit ang dugo ni Selina sa kaniya at matalim siyang tinitigan. Itinuko ni Dionisio ang baril sa noo at napasinghap sa harapan nila. Halata na gumagamit ng illegal na droga ang lalaki. “Ano ka ba, mahal ko. Masyado kang mainit. Siyempre, hindi muna natin gagawin iyan. Gusto ko munang iparanas sa kanila ang hirap,” baling nito kay Selina. Sa mga salitang iyon pa lamang, nanindig na ang balahibo ni Francesca. Talagang sa simula pa lang ay napakasama na nito. Hindi talaga siya makapaniwala na lumaki siya sa poder ng isang walang puso at napakasamang nilalang. Buti at hindi niya nasunod ang masamang gawain ng lalaki. “Bak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status