“Naririto na ako, saktan n'yo ako hangga't gusto mo. Sampalin mo ako, gaya nang ginagawa mo sa ‘kin. Dun ka naman magaling ‘di ba, dad? Pero, kahit anong gawin mo, hindi ako susunod sa pinagagawa mo sa ‘kin. Ayokong pakasalan ang sinumang hindi ko gusto at lalong hindi ko kilala,” bungad niya sa kaniyang ama nang makaharap niya ito.“Kung pagiging pinuno lang rin naman ang gusto mo at ang habol mo para maging tagasunod mo diyan sa organisasyong sinasabi mo. Kahit babae ako, kaya kong pangatawanan kung anuman iyang kagaya ng ginagawa mo,” dagdag niya. Mataman siya nitong tinitigan. Tumayo ito mula sa swivel chair. Inaasahan na niyang makatatanggap siya ng isang malutong na sampal mula sa kaniyang ama dahil sa pagsuway niya rito at sa pagtakas niya ngunit hindi iyon ang nangyari. Bagkus ay kumuha ito ng isang tobacco at sinindihan iyon. Pagkatapos ay nagpakawala ng makapal na usok mula sa bibig. Sinundan lamang niya ito ng tingin. Nagpalakad-lakad ito sa kaniyang harapan na may hawak
Kinakabahan si Javier habang tinatanaw ang white and pink na gate. Iyon ang itinuro sa kaniya ng kaniyang bodyguard. Lumabas siya at tinungo iyon. Nasa harapan siya ng gate nang mag-ipon siya ng lakas ng loob. He cleared his throat bago pinindot ang doorbell. Handa na siya para harapin si Francesca. Alam niyang marami silang dapat na pag-usapan. Matapos nang tatlong taon, ngayon niya aaminin rito ang lahat. Matagal niyang pinag-isipan ang bagay na iyon at ilang beses niyang pinaghandaan ang kaniyang mga sasabihin. Dalawang beses niyang pinindot ang doorbell nang mapagtantong walang taong lumabas. Muli niya sana itong pipindutin nang biglang lumabas si Danica. Sa wakas, narinig rin siya ng tao sa loob. Hindi niya pinakita na masaya siya kahit sabik na sabik na siyang yakapin si Francesca.“Danica.. Si Francesca? Alam kong naririto siya. Pwede ko ba siyang makausap?” Tanging malulungkot na mga mata lamang ang naging tugon nito. Nakaramdam siya ng kaba. Anong pinahihiwatig nito sa mg
Pakiwari niya'y biglang tumigil ang mundo niya nang masilayang muli ang maganda at masiglang mukha ni Francesca. Mas lalo itong nag-bloom sa kaniyang paningin. Hindi niya alam kung nakikita ba nito ang pagningning ng kaniyang mga mata nang mga sandaling iyon. Tila ba’y isang panaginip ang sa wakas ay muli niyang makita ang inaanak matapos nang mahigit tatlong taon.“Senator..?” tawag pa ng M.C. Tila wala siyang naririnig sa kaniyang paligid. Tanging mga titig na lamang rito ang kaniyang nagawa. “Akin na iyang anak ko..” Mga salitang nagpukaw sa kaniyang damdamin.“Senator? Naghihintay na po ang lahat sa inyong speech.” Napakunot ang noo niya nang magbalik siya sa reyalidad.“Anak? Anak mo ang batang ito?” naguguluhan niyang tanong nang tingnang muli ang mukha ng bata. Narinig niya ang bulung-bulungan sa paligid. Saka lamang niya napagtantong nasa harapan siya ng publiko. Hindi lamang mga estudyante ang nanonood sa kanila kundi pati mga magulang ng mga mag-aaral at mga taong nakiki
Lumipas ang mga buwan at taon. Nakikita na niya ang pagbabago sa katawan ng kaniyang anak. Lumalaki na ito. Masaya siya sa naging resulta ng pag-aalaga niya. Nasabi niya sa sariling naging isang mabuti siyang ina ng kaniyang anak. Napakagandang pagmasdan ang naglalarong si Lewis. Masayahin at napakabait nitong bata, napakabibo. Hindi mahirap alagaan.“Oh, Francesca.. Buti naman at nakapamasyal kayo rito ng anak mo sa plaza,” wika ni Lola Trinidad nang makita siya roon. Ngumiti siya, “Oo nga ho, e. Maganda kasi ang panahon ngayon para lumabas.”“Tama ka, hija. Minsan kailangan rin natin ng sariwa at preskong hangin sa ating katawan lalo na ang enerhiya mula sa araw. Tamang-tama, may darating ngayong araw at may gaganapin doon sa covered court na natatanaw mo.”“Ganoon ho ba? Kaya pala, medyo crowded roon banda.”“Tama ka. Oh, Audrey, bakit naririto ka? Hindi ba kailangan ka roon?” Salubong ang kilay na lumapit ang dalagang anak ni Manang Lena. Hindi yata siya nito napansin.“Kanina
“Uy, Francesca.. Tingnan mo itong anak mo. Mabalbon, mana sa tatay niya, ano?” namamanghang tanong ni Danica habang magiliw na kalung-kalong at bahagyang isinasayaw ang kaniyang anak. Inilapit nito sa kaniya ang sanggol at ipinasa sa kaniyang mga braso. Maligaya niyang pinagmasdan ang tahimik na natutulog niyang sanggol. Tama si Danica, ang mabalbon nitong katawan at braso ay kuhang-kuha mula sa ama nitong si Javier. Ang mahahabang pilik-mata, matangos nitong ilong at manipis ngunit mapupulang mga labi ay para nga ring si Javier. Sa tingin niya ay kaunti lamang ang nakuha nito sa kaniya. Maging ang hugis ng mukha nito ay Javier na Javier. Sigurado siyang makikilala ito ng senador kapag nakita nito ang kaniyang anak.“Ano ang ipapangalan mo sa kaniya?” maya-maya'y tanong ni Danica. Napaisip siya. Ano ba sa tingin niya ang magandang ipangalan sa kaisa-isa niyang anghel?‘Hmm..’ Biglang may pumasok sa kaniyang isipan.“Javier.. Francesca..” turan ni Danica.“Lewis..” agad niyang saad.
Iidlip na sana si Francesca nang sunud-sunod na buzzer ang kaniyang narinig. Bumaba siya upang malaman kung sino iyon. Huminga siya nang malalim nang makilala ang kanina pang nag-iingay.“Pakibuksan nga ng gate, Danica.”“Sino ba kasi ‘yon?” nakasimangot na tanong nito nang lumabas ng kwarto. Pati ito ay naiirita na rin dahil nagising ito nang wala sa oras mula sa masarap na pagkakatulog.“Si Audrey.”“Nasaan ba kasi ang katulong mo? Bakit wala ka yatang kasama sa bahay mula nang dumating ako?”“Day off niya kasi ngayong araw. Bukas pa ang balik niya,” mahinahon niyang saad. Hindi na ito umimik pa at tinungo na lamang ang gate. Naupo naman siya sa sofa at binuklat ang magazine habang hinihintay na makapasok si Audrey. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito. Baka tungkol na naman sa pagdududa nito. “Nasaan na ang magaling na Francesca’ng iyan,” padabog itong pumasok ng pinto. “Sinasabi na nga ba, kunwari ka pang walang alam. Galing rito si Chris at alam kong may something sa inyong