Se connecterTahimik ang naging biyahe namin pauwi sa apartment ko. Nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse ni Simon habang pinapanood ang mga nagtatakbuhang ilaw ng lungsod, pero ang isip ko ay naiwan pa rin sa bar, partikular sa naging eksena namin ni Gab. Nang itigil ni Simon ang kotse sa harap ng apartment ko ay hinawakan niya ang siko ko bago ako tuluyang makababa. "Don't overthink this, Claire," seryoso pero malumanay niyang bilin. "You did the right thing. Kailangan niyang matutunan na hindi ka isang gamit na pwede niyang iwan at balikan kung kailan niya gusto. Matulog ka nang mahimbing, okay?” "Salamat, Simon. Pasensya ka na talaga ulit," pilit ang ngiting sagot ko bago bumaba. Pagkapasok ko sa loob ng madilim kong apartment, hindi ko na nagawang magpalit ng damit. Diretso akong humiga sa kama at doon ay muling bumuhos ang mga luha ko. Ang bigat sa dibdib. Gusto kong panindigan ang galit ko, pero tuwing naiisip ko ang huling tingin ni Gab bago siya tumalikod, parang dinudurog ang puso
Bahagyang napaatras si Gab, halatang nayanig sa mga huling salitang binitawan ko. Ang kaniyang panga ay umigting at ang mga mata niyang kanina lang ay puno ng awtoridad ay biglang napalitan ng matinding galit. "Divorce? Annulment?" he repeated, his voice dropping into a dangerous, low whisper. Step by step, niliitan niya ang distansya naming dalawa. "You think it’s that easy, huh? You think you can just sign a piece of paper and erase me from your life?" "Bakit hindi?! Kung ikaw nga ang dali lang sa'yo na ipagtabuyan ako’t makipaghalikan sa ex mo, kaya dapat ganoon din ako!" sagot ko at muling tumulo ang luha ko nang maalala na naman ang paghalik niya kay Beatrice. "You don't even remember me! Kaya ano pa ang rason para italo ko sa'yo sarili ko?!” "Because you are mine!" bulyaw niya sa akin dahilan para mapalingon ang ilang mga usisero sa paligid. Hinawakan niya ako nang marahas sa magkabilang balikat upang dumiretso sa mukha niya ang tingin ko. "I don't need my memories to know th
Sumama ako kay Simon pabalik sa loob ng bar at pinaupo siya sa isa sa mga bakanteng mesa. Mabilis kong kinuha ang first-aid kit sa staff room at bumalik agad sa kinaroroonan niya. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ang botelya ng alcohol at kumukuha ng cotton balls. "Medyo mahapdi ito," pabulong kong ulat bago dahan-dahang idinampi ang bulak sa galos niya. Napangiwi siya nang kaunti pero nanatili siyang tahimik, nakatitig lang sa akin habang ginagamot ko siya. Ang seryoso ng mukha niya, hindi ako sanay. "I'm really sorry, Simon. Nakakahiya na basta ka na lang sinuntok ni Gab," paumanhin ko ulit, ramdam ko na naman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. “Kung hindi dahil sa akin, hindi ka niya—” "Stop apologizing. It's not your fault your husband acts like a mad dog," malumanay na putol niya sa akin sabay hinawakan ang kamay ko na may hawak na bulak para patitigin ako sa kaniya. "He crossed the line the moment he laid his hands on you. I just did what any decent pers
Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng silid na iyon na hindi hinintay ang sasabihin pa niya. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero patakbo na akong bumaba hanggang sa marating ko ang staff room. Padabog kong isinarado ang pinto saka iyon ni-lock, sunod ay nanghihina akong napasandal hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Nakakainis! Naiinis ako sa kaniya! Hindi naman pala siya nakaalala kaya ano pa ang dahilan niya para pauwiin niya ako sa bahay?! Ilang minuto ang lumipas nang makarinig ako ng marahang katok sa pinto. "Claire? Open the door. It's me, Simon…" Mabilis akong nagpunas ng luha bago ako tumayo at pinagbuksan na ng pinto si Simon. Pagkakita pa lang niya sa akin ay agad kumunot ang noo niya. "Hey, what happened? You look pale, and you're crying," nag-aalalang tanong niya, hinawakan ang siko ko. "Did that VIP guest do something to you?" Wala sa plano kong sabihin sa kaniya na si Gab ang nadatnan ko doon pero dahil na rin sa bigat ng nararamdaman ko ay wala sa
Pinihit ko ang susi at pumasok na sa loob ng tahimik kong apartment. Tama nga ako. Sa sandaling sumara ang pinto, agad kong naisip ang pagmumukha ni Gab at ni Beatrice. Buong magdamag kong nilabanan ang pagiisip sa kanila, pero sa huli ay natalo pa rin ako. Kaya tulad ng nakaraang araw ko rito sa bar, lutang akong nagtrabaho dahil wala pa sa dalawang oras ang tinulog ko. Abala ako ngayon sa pag-aayos ng mga resibo sa counter nang biglang lumapit sa akin ang isa sa mga bouncer ng bar. At base sa mukha niyang natataranta ay parang may hatid itong problema. "Manager Claire, may VIP guest po sa taas na naghahanap sa inyo," ulat niya habang nagpupunas ng pawis sa noo. "Ayaw niya pong magpa-assist sa ibang waiters. Kayo lang daw po ang gusto niyang humarap sa kaniya.” Kumunot ang noo ko. "Sino raw? At bakit ako ang hinahanap?" "Hindi ko po alam ang pangalan, Madame. Pero mukhang mayaman at big-time. Mag-isa lang siya sa pinakadulong VIP booth." Agad kong hinanap si Simon sa dance floo
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang hindi na ako bumalik sa bahay at sa kumpanya. At tatlong araw na rin akong hindi nagpakontak sa kahit sino. Ngayon lang dahil lang alam kong sa mga oras na ito ay nag-aalala na sina Mama't Papa. "Ma, Papa, nasa maayos po akong lugar. Huwag na po kayong mag-alala sa akin, okay? Ligtas po ako rito," sabi ko sa kanila sa tawag. "Diyos ko, Claire! Sabihin mo na kung nasaan ka! Nag-aalala na kami ng Papa mo. At si Gab? Anak, alam mong wala pang maalala ang asawa mo. Hindi ba dapat ay nasa tabi ka niya ngayon para alalayan siya?” sagot naman ni Mama. Napapikit ako nang mariin sabay napahawak sa sentido ko. Tulad ng inaasahan ko, wala silang alam ni Papa na may kinakasama ng ibang babae si Gab kaya ako lumayas na sa bahay. At alam ko na kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol kay Beatrice, pipilitin pa nila akong umuwi doon para ipagsiksikan ang sarili ko kay Gab. Ayaw ko n'un dahil ako lang din ang nasasaktan. "Ma, may mga bagay lang po kaming k







