Share

Chapter 10

"Can I have your number?" Namilog ang dalawang mga mata ni Andrea nang marinig niya na hinihingi ni Martin ang kanyang cell phone number. Hindi niya inaasahan na hihingiin nito ang cell phone number niya kaya.

"You want to have my number, huh?" pangungumpirma pang tanong ni Andrea kay Martin na kaagad naman na tumango sa kanya.

"Yes. Puwede ko ba mahingi ang cell phone number mo?" tanong muli ni Martin kay Andrea.

"Bakit mo naman gusto na mahingi ang cell phone number ko? Bibigyan mo ba ako ng load araw-araw?" sagot ni Andrea na may kasamang biro. Ngumiti si Martin sa kanya at nagsalita, "Hinihingi ang number bibigyan kaagad ng load araw-araw? Nakakatawa ka naman, Andrea. Hindi ko hinihingi ang cell phone number mo para bigyan ka ng load araw-araw."

Napatawa si Andrea.

"E, bakit mo hinihingi ang cell phone number ko? Gusto mo ba akong maging text mate, huh?" tanong pa ni Andrea. Martin shrugs his shoulders and said, "Maybe yes. If I would have time, I'll text you, Andrea."

"Why would you text me? Wala ka naman siguro na importante na ite-text sa akin, eh," nakangusong sagot ni Andrea.

Martin clears his throat and speaks to her again. "'Pag may importante akong sasabihin sa 'yo ay saka ko lang ikaw ite-text. Maliwanag ba 'yon, ha? Besides, magkakilala naman na tayo, 'di ba? Ang dami na nga natin na napag-uusapan. Daig pa natin ang limang taon na magkakilala, eh. Puwede ko ba na mahingi ang cell phone number mo?"

"Okay, fine. Ibibigay ko na sa 'yo ang cell phone number ko. 'Wag mo lang ipamimigay kahit kanino dahil wala akong oras para makipag-text kahit kanino, okay? Magpakilala ka 'pag magte-text ka so I should know. Is that clear to you, Martin?" Ibinigay kaagad ni Andrea ang kanyang cell phone number kay Martin na mabilis naman na sinave nito sa kanyang phone's contact.

"Maraming salamat sa pagbigay mo sa akin ng cell phone number mo, Andrea. 'Wag kang mag-alala dahil hindi ko naman ipamimigay ang cell phone number mo kahit kanino. Magpakilala ako 'pag nag-text ako sa 'yo, okay?" paliwanag ni Martin sa kanya.

"Very good. E, matanong ko lang sa 'yo..."

"Ano 'yon?" tanong ni Martin na kaagad na iniangat ang mukha sa kanya.

"Saan ka ba nagtatrabaho, ha? Kanina pa tayo nag-uusap ngunit hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan ka nagtatrabaho. Saan ka ba nagtatrabaho, ha?" tanong ni Andrea kay Martin kung saan ito nagtatrabaho. Martin took a very deep breath and bit his lower lip.

"D'yan lang," sabi niya sabay turo sa labas dahilan upang mangunot ang noo ni Andrea. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Huh? Saan ba d'yan, huh?" nakangusong tanong ni Andrea kay Martin na nakaturo ang hintuturo niya sa labas. "Saan ka ba d'yan sa labas nagtatrabaho, huh? Don't tell me traffic enforcer ka."

"Secret. Hindi ako traffic enforcer, 'no? I salute all the traffic enforcers," tanggi ni Martin kay Andrea. Hindi naman kasi siya traffic enforcer, eh. Ayaw lang talaga niya sabihin ang tungkol sa kanya. Ayaw niya na ipaalam sa dalaga na isa siyang bilyonaryo at nagpapatakbo ng mga kompanya na hawak nila.

"May pa-secret-secret ka pa na nalalaman d'yan. Sabihin mo na lang kasi sa akin kung ano ang trabaho mo. Nahihiya ka pa sa akin na sabihin, eh. Wala namang problema sa akin kahit ano pa ang marinig ko mula sa 'yo. Wala kang dapat na ipag-alala. Kaya sabihin mo na sa akin please," pakiusap ni Andrea na sabihin sa kanya ni Martin ang trabaho nito. Ngumiti lang si Martin sa kanya.

"Secret muna sa ngayon, okay? You'll know in the right time," tugon ni Martin na tinaasan lang niya ng isang kilay.

"Bahala ka nga sa buhay mo. 'Wag mo na lang tuloy sabihin mukhang ayaw mo naman sabihin, eh. May pasabi-sabi ka pa na you'll know in the right time, eh, ayaw mo naman sabihin. Kung gusto mo na sabihan ay sinabi mo na kaagad. 'Wag mo na bilugin pa ang ulo ko. Alam ko na ang mga galawan ng mga taong ayaw magsabi ng totoo o kung ano pa," nakangusong reklamo ni Andrea kay Martin. "Sa tingin mo ba ay magkikita pa tayong muli, huh? Syempre hindi na, 'no? This is the first time na nagkakilala tayo at ito rin ang huling pagkikita natin, 'no?" dagdag pang sabi ni Andrea.

"Paano ka nakakasigurado na this is the last time na magkikita tayo, ha?" tanong ni Martin kay Andrea.

"Syempre hindi na tayo magkikita pa. Ano naman ang magiging dahilan o rason para magkita pa tayong muli na dalawa, huh? Wala naman na, 'di ba? Hindi naman tayo magkaibigan," nakangiwing tugon ni Andrea.

Napakibit-balikat si Martin. Sabagay ay may punto naman si Andrea na wala namang dahilan o rason para magkita pa silang dalawa. Hindi rin naman sila magkaibigan. May ibang mundo silang ginagalawan. Huminga nang malalim si Martin at nagsalita, "Well, may punto ka nga naman sa sinabi mo. Wala namang dahilan o rason para magkita pa tayong dalawa, 'di ba? Hiningi ko lang ang cell phone number mo just in case na may importante ako na sasabihin sa 'yo. Good luck na lang sa paghahanap mo ng magiging sperm donor mo. Good luck, Andrea."

Matapos nilang kumain na dalawa ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Muling nagpasalamat si Martin kay Andrea sa pagpapa-share nito ng mesa sa kanya kaya may nauupuan siya sa loob ng fast-food chain at hindi na niya kailangan na i-take out ang in-order niya na pagkain. Habang nasa biyahe si Andrea pauwi ay hindi niya maiwasan na mapangiti habang inaalala ang mga sandaling magkaharap silang nag-uusap ni Martin na hindi niya maalis-alis ang mga mata sa guwapo nitong mukha. Huminto na rin sa pagtibok ng napakabilis ang kanyang puso. Tamang-tama na lang ang pagtibok ng puso niya hindi kagaya kanina simula nang magtama ang mga mata nila ni Martin sa loob ng fast-food chain. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng puso niya nang makita si Martin. Hindi pa niya naranasan 'yon kahit noon. It's her first time to feel that way.

Hindi mapakali si Martin habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan pauwi sa nabili niyang bagong condo unit two weeks ago. Hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ni Andrea na katrabaho nito si Ella Marie Sebastian na babaeng gusto niyang ligawan ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin 'yon. Matagal na niyang gusto si Ella Marie ngunit hindi niya alam sa sarili kung bakit siya naduduwag na lapitan ito. Four years na siyang single. Matapos ang hiwalayan nila ng first girlfriend niya na ex-girlfriend niya na ngayon na si Camille ay hindi na siya naghanap pa at tanging si Ella Marie lang ang gusto niya na maging susunod na girlfriend niya at wala na ngang iba pa. Ang problema nga lang ay hindi niya malapit-lapitan ito kahit na sa kanya na ang lahat ng puwede niyang makuha.

Dahil sa nalaman niya na kilala at katrabaho ni Andrea ang babaeng gusto niyang ligawan upang maging girlfriend niya ay nagkaroon siya ng pag-asa na posible na mapunta sa kanya ang babaeng pinapangarap niya.

May ideya na nagsisimulang mamuo sa isipan niya. Kailangan niya ang tulong ni Andrea upang mapalapit kay Ella Marie. Kung magpapatulong siya kay Andrea na mapalapit kay Ella Marie, hindi niya sigurado kung papayag ito sa nais niya. Alam Naman niya na hindi madaling gawin 'yon. Hindi naman kaibigan o ka-close ni Andrea si Ella Marie kaya mahirap na gawin 'yon kahit sabihin na katrabaho niya ito. Gustong-gusto ni Martin na mapalapit sa kanya si Ella Marie kaya gagawin niya ang lahat. Naalala niya na tinatanong siya ni Andrea kung gusto na niya na maging sperm donor nito kanina. Naisip niya na makipagsundo na lang kay Andrea.

Dalawang araw na pinag-isipan ni Martin ang naiisip niya na ideya. Papayag siya na mag-donate ng sperm cells through natural method kay Andrea kapalit lang ng pagtulong nito sa kanya na mapalapit kay Ella Marie. 'Pag naging matagumpay ang pagtulong ni Andrea sa kanya at naging magkasintahan silang dalawa ni Ella Marie ay magdo-donate na siya ng kanyang sperm cells para magkaanak ito gamin ang kanyang sariling binhi. Hindi na rin kailangan ni Andrea na magbayad sa kanya. He'll donate his sperm cells for free kapalit ng pagtulong ni Andrea sa kanya na makuha niya ang babaeng iniibig niya.

Mabilis na hinahanap ni Martin sa phone contact niya ang cell phone number ni Andrea para tawagan ito. Nakailang tawag na siya ngunit hindi pa rin sumasagot ang dalaga sa kanya. Hindi tumigil si Martin sa pagtawag kay Andrea hanggang sa sumagot na nga ito. Nakahinga siya nang maluwag nang sagutin nito ang tawag niya. Akala pa naman niya ay hindi siya sasagutin ni Andrea.

"Sino 'to?! Ano'ng kailangan mo sa 'kin?" tanong ni Andrea sa kabilang linya. Nakalimutan ni Martin na magpakilala kay Andrea kaya hindi nito alam na siya ang tumatawag.

"Hello, Andrea. This is Martin Cortez. I'm sorry hindi kita na-inform na ako ang tumatawag sa 'yo. Hindi ako nakapagpakilala bago ako tumawag sa 'yo. Hindi kita na-text na tatawag ako. I'm sorry please," pakilala ni Martin kay Andrea na may kasamang paghingi ng sorry dahil sa nakalimutan niya ang magpakilala bago tumawag sa numero nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status